LXXV

1.4K 131 56
                                    

1 year later...








ABELAINE TRINIDAD


"Trinidad!"

Kamuntikan pa kong matumba dahil sa pagdamba niya sa likod ko. Mabuti na lang at mabilis kong nabalanse ang sarili.

"Kamusta? Sabay pala labas natin ngayon." malaki ang pagkakangiting saad niya.

Napahinga na lang ako ng malalim. "Malas ko nga at kasabay kita." biro ko naman.

Hindi naman ako nakailag ng malakas niya kong batukan. Feeling ko nakalog ang utak ko. Grabe.

"Aray ko! Potragis ka talaga Dana!" hindi ako nagpatalo at binatukan ko din siya.

Pero ang gaga, tatawa-tawang iniwasan ako. Parang ulaga talaga 'to minsan.

"Pauwi kana ba? Ano? Ihatid kita?" pag-iiba niya sa usapan.

Umiling ako bilang sagot. "Hindi na. Gusto ko maglakad." may gusto lang din ako puntahan.

"Saan? Samahan na kita." she replied.

I chuckled and shooked my head. "No need." marahan ko pang tinapik ang balikat niya. "Mag-iingat ako wag ka mag-aalala."

Hindi ko na siya hinayaan pang makapag salita at agad ko siyang iniwan do'n. Nag-inat-inat pa ko ng braso habang naglalakad papalabas dito sa University.

Sabado ngayon, katatapos lang ng review ko. Wala naman akong gagawin sa bahay kung uuwi agad ako. May gusto rin akong daanan.

Malakas na hangin ang sumalubong sa'kin. Nilagay ko na lang ang kamay sa bulsa ng pants ko at saka tipid na ngumiti.

Maraming nangyari sa buhay ko makalipas ang isang taon. Mahirap, pero pinili kong ipagpatuloy ang buhay. Pumasok ako sa review center kahit na hindi pa handa ang utak ko. Ito lang din ang nakikita kong dahilan para makalimutan ang lungkot ng kahapon.

Sa pamilya ko naman, once in a blue moon na lang kung magsama kami sa bahay. Si Abea, tuluyan ng lumipat sa condo niya. Si Frances naman kina Lola na naglalagi. Araw-araw ko naman siyang dinadalaw. At si Daddy, bihira ko ng maabutan sa bahay.

Pare-pareho lang naman kami ng ginagawa. Nililibang ang sarili para hindi maalala ang masalimuot na nakaraan. Ang kaibahan ko lang, mas pinili kong manatili sa bahay. Wala lang, feeling ko kasi kahit naman na lumayo ako, bitbit ko parin ang bigat sa didbib. Dala-dala ko parin ang pagsisisi sa sarili.

Tanging sarili ko na lang ang kinakapitan ko ngayon. At tanging si Dana na lang ang taong mas piniling samahan ako habang nilalaban ko ang mga pagsubok sa bawat araw.

Napahinga na lang ako ng malalim. Kahit papaano, hindi narin masama ang maging mapag-isa.

Napangiti naman ako nang tuluyan ko ng matanaw ang totoong dahilan kung bakit mas pinili kong hindi sumabay kay Dana at maglakad na lang.

Mabilis ang paghakbang na ginawa ko para tuluyang makapasok sa Shed. Nakangiting umupo pa ko sa dulo ng upuan kung saan ang pwesto ko sa tuwing kasama ko siya dito.

Huminga muli ako ng malalim. Kung noon, ang bigat sa dibdib sa tuwing napunta ako  dito. Ngayon, ibang-iba na. Sa bawat araw na lumipas, walang araw na hindi ako pumunta dito. Ito ang nagsilbing pahinga ko. Dito ko nilalabas ang sama ng loob ko, naranasan ko naring magpalipas ng gabi dito.

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon