II

2.4K 140 3
                                    

MARSELA MARI GUIA



"So, hiwalay na nga kayo?"

Saglit naman akong sumimsim sa juice ko saka sila tiningnan isa-isa. "Oo." I simply said.

"Kailan pa?" Belle asked seriously. "At saka bakit hindi namin alam? Bakit hindi mo sinabi?" she added.

Napahinga ako ng malalim. "I'm sorry, lagi kong nakakalimutan sabihin sa inyo."

Nakakahiya. Magkakaibigan kami pero ni hindi ko man lang magawang i-open sa kanila itong problema ko ngayon.

"Kailan pa nga?" aburidong tanong naman ni Lara.

"Last week." I answered. "And it's my fault."

Hindi ko naman alam kung anong natakbo sa isip nila ngayon habang nakatingin sa'kin. Syempre, maliban lang kay Shekinah na sobrang focus sa pagkain niya.

"Your fault? Hindi ako naniniwala." Ate Alice said all of sudden. "Sa inyong dalawa, ikaw ang mas patay na patay sa kanya."

"I agree." Belle second, nodding her head. "Mabanggit mo pa nga lang pangalan ng lalaking 'yun, kumikinang na mata mo. Kaya paano kami maniniwalang kasalanan mo?" she added.

Napahinga ako ng malalim. Palihim kong sinipa ang paa ni Sheki sa ilalim ng lamesa. Baka naman gusto niya ko tulungang magpaliwanag sa tatlong 'to.

Pero ang gagang 'to, sinulyapan lang ako bago muling nagpatuloy sa pagkain niya.

"Sabihin mo na ang totoo Marsela." Lara said, calmly. "Anong totoong nangyari?"

I stared at them for a second before I let a loud sigh. "He cheated on me." mahinang sagot ko pero sapat lang para marinig nila.

Katahimikan ang namayani sa'ming magkakaibigan. Hindi nila magawang sumagot at nakatitig lang sa'kin.

Wala tuloy akong magawa kundi ang laru-laruin itong pagkain ko.

"Bakit?" si Belle na ang unang nagsalita sa kanila. "I mean, paano niya nagawa sayo 'to?"

I shooked my head in response. "I don't know."

"Hindi ko akalain na magagawa niya sayo 'yun." Lara second. "Matagal na din ang pinagsamahan niyo. Tinuring din namin siyang kaibigan. Kaso, bakit?" she added.

Imbes na sumagot, napahinga na lang ako ng malalim at napayuko. Paano ko ba masasagot 'yang mga tanong nila, kung miski ako, 'yan din ang katanungan ko.

"Simple lang naman kasi ang sagot diyan." at sa wakas, nagsalita na din ang buraot. "Hindi siya nakuntento kay Marsela kaya nagawa niyang magloko. Ganun lang 'yon." pagpapatuloy niya pa.

"Sheki is right." pagsang-ayon naman ni Ate Alice. "It's not your fault Sela. Wag ka manghinayang na nawala siya sayo. Dapat nga matuwa ka pa ee, nawalan ka ng isang manloloko sa buhay mo."

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon