XLII- BeCka

1.6K 115 22
                                    


AUBREY YSABELLE DELOS REYES


( "Where are you?" )

Napairap ako. Hanggang dito ba naman, manggugulo parin siya. Hindi ba niya ko pwede bigyan ng peace of mind? Grabe.

"Bakit ba?" iritadong ko pa. "I'm driving Shekinah." I added.

Narinig ko naman ang pagtawa niya sa kabilang linya para mapairap ako. Sasamain na talaga sa'kin ang babaeng ito. Kakautas.

( "Nasaan ka nga? Pustahan, pupuntahan mo na naman 'yong crush mo." ) nahihimigan ko pa ang pagngisi sa tono niya.  ( "Alam mo Belle, hindi tayong mga babae ang naghahabol, dapat sila ang maghabol sa'tin." ) dagdag pa niya.

Napairap naman akong muli bago lumiko sa kanan. Mabagal na ang pagpapatakbo ko ngayon, medyo malapit na din kasi ako.

"Saka mo na sabihin sa'kin 'yan kapag hindi kana naghahabol kay Alice." nakangising tugon ko. "Hindi kana naman siguro pinapansin nun kaya ako napagtitripan mong babae ka."

Ewan ko ba sa dalawang 'to, parang ewan na naglalaro ng taguan ng feelings, mahuli tanga. Nakakainis sila. Manong sabihin na gusto nila ang isa't isa. Dami pang kuda. Panay pa tanggi. Ang sarap lang nilang pag-untugin. Jusme. Pati ako nai-stress. Gosh.

( "Nagtatanong lang ako kung nasaan ka, dami mo na agad nasabi." ) I bet, she's rolling her eyes right now. ( "I'm just bored that's why I called you." )

Napangisi na lang ako saka umiling. "Okay, sabi mo ee." bahagya pa kong napatawa.

Kung hindi ko talaga siya kilala, iisipin kong nagsasabi ng totoo ang babaeng ito. ( "Belle" )

Napangiti ako. Natatanaw ko na 'yong talyer nila. "Hmm?" I hummed.

( "Anong tawag sa bampirang sumakay sa jeep?" ) she asked out of nowhere.

Napakunot noo naman ako. Seryoso? Nababasag na naman ang babaeng 'to. "Oh ano?" pagsakay ko sa trip niya. Nakakaawa ee, baka tuluyan ng masiraan ng bait 'to kung hindi ko kakausapin.

( "Pasahero." ) she simply said.

My jaw dropped. "Seriously? What the hell Shekinah?"

Pero hindi niya ko sinagot bagkus tinawanan lang ako. Napairap na lang ako sa kawalan bago tuluyang ihinto itong sasakyan ko sa tapat ng talyer nila. Hindi pa ko nakakalabas sa kotse ko, kita ko na agad ang pagtataka sa mga mata ng ilang mga trabahador na nandito.

( "Ano namang tawag sa superhero na sumakay sa jeep?" ) she asked agian

Mabilis kong kinuha sa shotgun seat ang tatlong box ng pizza na dala ko at saka sumagot sa kanya. "Ano na naman 'yan?"

( "Pasahero" )

Marahas akong napakamot sa ulo ko. My gosh! "Ewan ko sayo. Para kang basag ka. Diyan kana nga."

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon