XXIV

1.8K 152 66
                                    


MARSELA MARI GUIA

Napahinga ako ng malalim. Kanina pa ko patingin-tingin sa cellphone ko. Ang tagal naman ata ng sundo ko? Kanina pa ko naghihintay dito. Kulang na lang mamuti na ang mata ko dahil sa sobranglpagka-inip.

Napabuga na lang ako ng malalim na paghinga saka kinalikot muli ang cellphone ko. Sa tana ng buhay ko, ngayon lang nainip ng ganito sa grab. Gustong-gusto ko ng makauwi at makahilata sa malambot kong kama. Feeling ko kasi ang nanlalata ako. Parang naubos ang powers ko.

Nasa ganon akong eksena ng maramdaman ko presenya ng kung sino na umupo sa kabilang dulo nitong shed. Hindi naman na ako nag-abala pang lumingon para tingnan 'yun dahil wala naman akong pakialam. Hindi naman sa'kin 'tong waiting shed kaya anong karapatan kong magbawal?

"Sinong hinihintay mo? Grab o kuya mo?" natigilan ako sa ginagawa ko parang tangang nakatitig lang sa cellphone ko ng marinig ko ang boses na 'yun. "Oh, baka naman ako?" she asked again.

Sukat doon ay mabilis akong nag-angat ng tingin para tingnan siya. "At bakit naman kita hihintayin aber?" ang kapal niya talaga. Sobrang kapal ng pagmumukha niya.

Pero ang bwisit na 'to, tinawanan lang ako. Napataas tuloy ang kilay ko ng wala sa oras. "Nagbabakasakali lang." then she shrugged her shoulder. "Ilang linggo tayong di nagkita ee, baka lang naman na-miss mo 'ko." dagdag pa niya.

Inis na inirapan ko siya saka nagbawi ng tingin. Ayan na naman siya, magbibigay ng hint, magsasabi ng makahulugang salita hanggang sa maging abnormal ang tibok ng puso ko, tapos malalaman ko may pinopormahan palang iba.

Ee kung isalaksak ko kaya sa bunganga niya itong cellphone ko. Nakakainis siya.

Kapag ako tuluyang sumugal sayo at ipinatalo mo, maghahalo ang balat sa tinalupan. Nako.

"Ano bang ginagawa mo dito?" mataray na tanong ko.

Kahit hindi ako sa kanya nakatingin, kitang-kita ko parin ang pagkibit balikat niya. "Katulad ng dati, hinihintay kang masundo ng sundo mo." she paused. "Tapos aalis na din ako kapag nakaalis kana."

Napailing na lang ako at inis na tiningan siya. Parang awa mo na Abelaine, wag mo naman ako ipahiya sa sarili ko. "Bakit mo ba ginagawa ang bagay na 'to?" kunot noong tanong ko.

Matapang na nilabanan niya ang tinging binibigay ko. "Sapat na bang sagot ang gusto ko lang?" she simply said.

I let out a heavy sigh and shooked my head in disbelief. She's really unbelievable. "You don't need to do this Abelaine." madiing sambit ko, para iparating sa kanya na seryoso ako. "I'm not your responsibility, so please stop it. You're wasting your time." mahabang dagdag ko.

Bahagyang kumunot ang noo niya pero di kalaunan ay dahan-dahan ding tumango sa'kin. "Then, can you be my responsibility Marsela?" prenteng tanong niya dahilan para kumunot ang noo ko.

Marahas akong nagbawi ng tingin at napahigpit pa ang hawak ko sa cellphone ko. Ang sarap niyang saktan ngayon, sa totoo lang. Masyado na niyang ginugulo ang buhay ko. Masyado na siyang umeepal sa mundong gusto ako lang ang tao.

"Stop this Abelaine." seryosong saad ko. "Gusto kong itigil mo itong ginagawa mo." I gulped hard. Pakiramdam ko lang may nakabara sa lalamunan ko at pati ang paglunok, hirap na hirap akong gawin. "Kasi kung tutuusin, hindi naman kailangan. Kaya ko namang umuwi ng ligtas, kaya kong hintayin ang sundo ko ng mag-isa." kalmadong lintanya ko. "Hindi ko na kailangan ng taong sasamahan ako dito." then I met her gaze. "Kuntento na ko na sarili ko lang ang kasama ko."

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon