Love, The Second Time Around

By HippityHoppityAzure

618K 14.2K 912

Isang babaeng nadala. Isang lalaking nagsisisi. Isang masakit na nakaraan. Paano kung muli silang magkita? Ma... More

Love, The Second Time Around
Chapter 1: Crossing Paths
Chapter 2: That Past
Chapter 3: News
Chapter 4: Some Unexpected Things
Chapter 5: Her Future
Chapter 6: She Will
Chapter 7: Independence
Chapter 8: His Side
Chapter 9: Doomed
Chapter 10: Confrontation
Chapter 11: Their Setup
Chapter 12: Chances
Chapter 13: Alannah
Chapter 14: A Mother's Favor
Chapter 15: Something Surprising
Chapter 17: What She Doesn't Get
Chapter 18: A Secret
Chapter 19: One Sunday
Chapter 20: Together
Chapter 21: A Night of...
Chapter 22: One Step At A Time
Chapter 23: After All
Chapter 24: Parents
Chapter 25: Magic
Chapter 26: Plans
Chapter 27: Bitter Thought
Chapter 28: Hate, Love
Chapter 29: Fighting Back
Chapter 30: At del Valle's
Chapter 31: Well Enough
Chapter 32: Getting Better
Chapter 33: Plea
Chapter 34: Family
Chapter 35: Surprise
Chapter 36: Happiest Birthday
Chapter 37: Yell
Chapter 38: Make It All Okay
Chapter 39: Rejection
Chapter 40: Sorry
Chapter 41: Acceptance
Chapter 42: Give Up
Chapter 43: Beg
Chapter 44: Back
Chapter 45: In A Hurry
Chapter 46: That Bitch
Chapter 47: Yvette
Chapter 48: Hold On
Chapter 49: Promise
Chapter 50: Smile
Epilogue

Chapter 16: Losing It

11K 256 13
By HippityHoppityAzure

Chapter 16: Losing It

“AYOKO NA, MARKY. Busog na ako.” Tanggi ni Monic nang yayain siya nitong umorder ng dessert. Busog na kasi talaga siya. Palibhasa nakarami ng kain ng chicken barbeque sa restaurant na iyon na pinuntahan nila.

            “Daddy, I want this po!” Si Alannah naman, may tinuro sa menu. Buko pandan ice cream na may wafer na agad namang inorder ni Marky.

            Si Monic, napapangiti na lang sa nakikitang pag-aasikaso at pang-i-spoil ni Marky sa anak. Gumagaan ang pakiramdam niya at para bang siya ang nagiging thankful sa atensyong binibigay nito kay Alannah. Naniniwala kasi siya na deserve iyon ng bata, kahit pa hindi talaga inaasahan ang pagdating nito sa buhay ng binata.

            Sinisimot na lang sipsipin ni Monic ang pineapple juice niya. Tapos na dapat silang kumain eh, kung hindi lang humabol si Alannah ng dessert.

            In all fairness naman, marami-rami na silang napag-usapan ni Marky habang kumakain. Una na naroon ay ang pagkagulat nito sa pagsama niya kay Alannah. Buong pagkakaalam pala kasi nito ay lola ang sasama sa bata.

            Malapad na napangiti si Monic nang maalala ang itsura ni Marky habang kinukuwento iyon. Nafu-frustrate na naiinis. Naaliw pa naman siya palagi na makita ang ganung ekspresyon ng mukha nito.

            At paano rin naman palang hindi maiinis si Marky, eh halatang nanadya lang ang ina nito na manloko. Kung mag-text daw kasi ang matanda kanina ay parang ito talaga ang kasama ni Alannah sa biyahe. Wala man lang binigay kahit katiting na clue na siya ang kasamang bibisita ng bata.

            Matawa-tawa si Monic doon kahit ba umaalma nang bahagya ang konsensya niya. Ayaw niya kasing i-text si Marky kaya puro kay Malou niya pinadaan ang mga gusto niyang ipasabi rito habang nasa biyahe sila ni Alannah. Eh malay ba niyang pagti-tripan pala ito ng sariling ina.

            Isa pang napag-usapan nila ay si Alastor at ang ka-weirduhan nito. Ganun daw talaga ito, ayon kay Marky. Makulit, isip-bata, at maharot. Binunyag din ni Marky na galing pala talaga ito sa napakayamang pamilya na nagmamay-ari at nagpapatakbo ng ilang mga hotel sa Asya at Amerika. Tagapagmana raw dapat ito, pero mas pinili na maglayas at sundin ang hilig sa pagluluto.

            Napunta rin ang usapan nila ni Marky sa culinary school business na inaasikaso nito at ng weirdong kaibigan. Three years ago pa pala pinlano ng mga ito ang negosyong iyon at late last year lang nasimulan, right after makauwi ng bansa ni Alastor. Maliit lang daw ang school na iyon na magbubukas na for enrolment pagkatapos ng Holy Week, and by May naman magsisimula ang unang klase. Upon knowing that, Monic felt very proud of Marky and mentally wished them luck.

            Kaso... ‘yung gusto niya sanang mapag-usapan nilang dalawa, hindi niya pa rin ma-open up. Hindi niya pa rin alam kung paano ‘yon sisimulan.

            “Daddy, kailan tayo po magpe-play ulit dun sa playground?” Tanong bigla ni Alannah habang kumakain.

            “Eh,” natawa si Marky. “Ano, pagkauwi ko.”

            “Malapit ka na po bang umuwi sa house, Daddy?”

            “Ah, ano... Hindi pa ako sure, prinsesa ko. Basta pagkauwi na pagkauwi ko, dadalhin kita agad dun sa playground natin.”

            Nakita ni Monic sa mga labi ni Alannah ang lungkot na naramdaman nito. Nahabag tuloy siya. Ayaw niyang makitang nalulungkot ito.

            “Wala bang playground o park na malapit dito, Marky?” Tanong bigla ni Monic. Gulat tuloy na napatingin sa kanya ang dating nobyo.

            “Uhh... Meron naman... May maliit na playground sa building namin... Do’n sa likod.”

            “Ayun naman pala eh. Puwede na do’n. Makipaglaro ka muna sa anak mo.”

            “Pero... ayos lang sa’yo? Baka kasi kailangan niyo nang umalis agad...”

            “Hindi ah,” mabilis na tanggi ni Monic. “Maaga-aga pa. Kaya kahit saglit lang, maglaro na kayo.”

            Napangiti sa kanya si Marky. At ang ngiti nito... Hindi siya sigurado pero... parang kakaiba kaya nakaramdam din ng kakaiba ang puso niya. O siguro masyado lang siyang nag-iisip ng kung anu-ano at masyado lang mag-react ang puso niya?

            “Okay... Sige.” Sagot na ni Marky bago binalik ang tingin sa katabing anak na abala pa ring kumakain. “Bilis, prinsesa ko. May pupuntahan tayo.”

            Kumurap-kurap ang bata sa ama, which Monic found so cute and funny at the same time kaya natawa siya.

            “Maglalaro kayo sa park ni Daddy, kaya dalian mo na.” said Monic. Napatingin sa kanya ang bata with wide and twinkling eyes.

            “Talaga po?” Sabay lingon ulit sa ama. “Magpe-play tayo po sa park, Daddy?”

            Tumango si Marky. “Uh-huh. Talaga.”

            “Woah! Yeeey!” Cheer naman ni Alannah at binilisan na ang pagkain. Habang nagkatinginan naman sina Monic at Marky—with both of their lips forming a very happy smile.

                                                                        ***

ANG CUTE NAMAN nila...

            Ngiting-ngiti si Monic habang nakaupo sa swing at pinapanood ang mag-ama na naglalaro sa katapat niyang octopus slide. Akyat nang akyat si Alannah para mag-slide, at parati naman itong sasalubungin at aalalayan ng ama sa dulong ibaba. Hanggang sa maghabulan ang mga ito, at umalingawngaw sa paligid ang matinis na pagtili ng bata.

            “Alannah!” Maya-maya ay si Marky naman ang napasigaw. Nadapa kasi bigla si Alannah. Madali nitong nilapitan ang anak at pinatayo at tinignan ang mga tuhod.

            Nag-aalala si Monic, ngunit agad kumalma nang makitang nakangiti at matawa-tawa lang ang bata sa nangyari. Napakamot naman ng ulo ang ama nito.

            How I wish my dad’s like Marky... Nalungkot si Monic nang maisip ang ama. Wala kasi silang naging ganung bonding, ever. Kahit man lang ganun katinding concern, wala.

            Pinapagpag ni Marky ang mga tuhod ni Alannah, nang mapansin ni Monic na may paparating na dalawang bata. Oh, fraternal twins na may kasamang naka-uniform at may edad nang nanny. Mukhang mas bata kay Alannah ang kambal, pero hindi nahiya ang mga ito na unang lumapit at magyayang makipaglaro.

            Si Alannah, mukhang nagpaalam pa sa ama. Nakita naman ni Monic na natawa si Marky bago tumayo at pinat sa ulo ang anak. Pinayagan na yata nito ang bata dahil nagtatalon-talon sa tuwa si Alannah bago nilapitan ang kambal at sinimulang makipaglaro gamit ang bola na dala ng mga ito.

            Hindi umaalis ang nanny sa tabi ng dalawang bata. Talagang binabantayan nang maiigi ang mga alaga. Kaya kampanteng iniwan ni Marky ang anak at nilapitan na si Monic.

            Monic’s heart went wild then. Kinakabahan siya. Ah, no. Hindi siya kinakabahan, kundi natatakot.

            Kailangan ko nang tapusin talaga ang lahat-lahat sa amin—ngayon.

            Dumiretso ng upo si Marky sa bakanteng swing sa tabi niya. Hindi ito umiimik gaya niya.

            Pero paano nga? Paano ko sisimulan?

            Kasabay ng pag-i-struggle ng utak niya sa muling pag-iisip ng paraan para i-open up ang pinaplano niyang mapag-usapan nila, ay ang pagbabalik din sa kanya ng paghihiwalay na nangyari sa kanila noon. Sa ganung lugar din iyon nangyari eh—sa may swing.

            Malinaw pa sa alaala ni Monic ang pag-amin, pag-iyak at pagmamakaawa na ginawa sa kanya  ni Marky noon. Pero ganon din kalinaw niyang naaalala ang mga naramdaman niya nung mga oras na iyon—ang matinding pagkalito, sakit, at galit.

            “Why?” Biglang sambit ni Monic.

            “Huh?” Pagtataka naman ni Marky.

            Tinignan ni Monic ang dati niyang nobyo na saktong nakatingin na sa kanya. Nagtitigan silang dalawa, na para bang inaalisa nila ang iniisip ng isa’t isa.

            Bumuka ang bibig ni Monic.

            Why did you cheat on me before? Why did you hurt me that much, Marky? Gusto niya sanang itanong. Pero gaya noon ay hindi niya magawa. Hindi pa rin.

            “Monic...” Si Marky, mukha ring may gustong. “Ano...”

            At gaya niya ay mukha rin itong nag-aalangan.

            “Ah, sabi pala ni Mama, aalis ka na raw mamayang gabi?”

            Pasimpleng napabuntung hininga si Monic. Kailangan niyang pagaanin ang kanyang loob.

            “Oo...” Sagot niya sabay yuko at titig sa lupa. “May bedspace na kasi akong nakita do’n lang sa subdivision ng school namin...”

            “Ganun ba...”

            At natahimik na naman sila. Ang naririnig na lang sa paligid ay ang masayang tawanan ng mga bata.

            “Ay,” pagputol ni Marky sa katahimikan. “Ano kaya kung kausapin ko na lang ang mga magulang mo at linawin na hindi naman tayo nagkabalikan?”

            Gulat na gulat na tinignan ni Monic si Marky.

            “‘Di ba ayun lang naman ang dahilan kaya pinalayas ka nila? Kaya—”

            “Huwag na huwag mong gagawin ‘yan, Marky.” Mariin niyang sagot. Nagulat din tuloy ang binata.

            “Pero—”

            “H-hayaan mo na lang ang mga magulang ko.” Iniwas na naman ni Monic ang tingin at saka pumikit. “Makikitid ang mga utak nila. Kahit anong paliwanag ang gawin mo sa kanila, hindi nila iyon tatanggapin.” At hahamakin ka lang nila, Marky. But above all, mas malalagay ako sa alanganin...

            Biglang hindi napakali ang puso ni Monic nang maalala ang gustong gawin at mangyari ng mga magulang niya—ang hanapan siya ng lalaking mapapangasawa, ang maikasal sa lalaking gusto ng mga ito para sa kanya. She just couldn’t picture herself marrying a man she had no feelings for—a man other than...

            Marky?

            Saglit na na-blangko ang utak ni Monic, bago sumabog na parang atomic bomb.

            Oh damn it! Gusto niyang maiyak at iumpog ang sarili dahil sa naging ending ng pinag-iisip niya.

            Bigla niyang narinig na huminga nang malalim si Marky. The guy was feeling guilty, alam ‘yon ni Monic. Nararamdaman niya ‘yon. At nang muli niya itong tignan, ganon din ang maaninag sa itsura nito. Guilt.

            “H-hindi bale, Marky. Okay lang naman sa akin na pinalayas nila ako. Tama lang kasi gusto ko na ring maging totally independent.” Dahilan na lang ni Monic.

            Tinignan din siya ni Marky at tinitigan. “Ano na lang kaya kung... do’n ka pa rin manatili sa bahay namin? Huwag ka na lumipat. Tutal naman, matagal pa akong uuwi. You still wou—”

            “N-no. I can’t do that, Marky. Sabi ko nga ‘di ba, gusto ko nang maging totally independent? Kaya ayoko nang makituloy pa sa inyo.”

            “E ‘di huwag kang makituloy. Upahan mo na lang ‘yung kuwartong pinapagamit namin sa’yo.” Determinadong-determinado ang tono ni Marky. “Kung magkano ang upa do’n sa bedspace na nakita mo, ganun din ang magiging upa sa kuwarto namin.”

            Bahagyang napanganga si Monic sa alok ng dati niyang nobyo. Room versus bedspace with the same rent rate. Aba, mas sulit na ang kuwarto nina Marky!

            “At naghahanap ka ng sideline, ‘di ba? So how about you work as Alannah’s tutor as well? Tamang-tama dahil gusto naming makapasa siya sa Double-A.”

            Damn. Isa na namang deal na nakakaakit para kay Monic!

            “C’mon, Nix.” Pagkumbinsi pa nito sa kanya.

            Damn, damn, damn! Sobrang nate-tempt nang umoo si Monic. It was a perfect deal sa kasalukuyan niyang sitwasyon na financially gipit.

            She was already very, very close to saying yes. But, something was also holding her back.

            Something...

            Ang nakaraan nila... na kailangan na nga pala niyang lagyan ng mas malinaw na tuldok ngayon.

            Ngayon...

            At that, bigla siyang nagka-lakas ng loob na i-bring up iyon.

            Ngayon na.

            “M—”

            “Daddyyy!” Alannah’s shout cut her off. Si Marky naman, agad-agad tumayo at nag-aalalang lumapit sa anak.

            “Oh bakit?” Tanong nito habang papalapit kay Alannah. And the little girl, gusto lang pala magpaalam kung puwedeng tanggapin ang tetra-packed juice na inaalok ng nanny nung kambal!

            Nakaramdam ng panghihina si Monic. She just... lost it. ‘Yung pagkakataon, ‘yung lakas ng loob. Wala na.

            “Oh damn it...” Malungkot niyang bulong sa sarili sabay hilamos ng mga palad sa mukha.

—TB

Continue Reading

You'll Also Like

3.6K 60 55
Shaina Nicole Fuentabella, ang naturingang masunurin na bunsong anak sa kanilang tatlong magkakapatid. Lahat ng gusto ng magulang niya ay sinusunod n...
266K 817 5
Hellina Marieve Amante, a Governor's daughter and a Mayor's sister, promises to herself that she wont let any of her family's enemies enter in her li...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...