LOVING THE PROSTITUTE #1

By annnido

59.2K 1.6K 165

"We love each other but we can't be together. I'm a slut and he doesn't deserve me."- Denise Mercado More

Disclaimer
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64

CHAPTER 3

1.3K 35 1
By annnido

Tinatamad akong bumangon kinaumagahan. Pumasok ako sa banyo ng kwartong pinagtulugan ko at nagsipilyo.

Binigay niya sa'kin kagabi ang mga kakailanganin ko. Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin. Katapat ito ng lababo.

Malawak ang CR. Halos kasing lawak ng kwartong pinagtulugan ko. May bath tub at katabi nito ang mga shower equipments. May humahating malaking malapad na salamin sa shower part at bowl. Kapag naligo ka ay kitang kita talaga sa labas. Sobrang linaw kasi ng salaming pumalibot sa shower part.

Hindi na akong nag-abalang magsuklay at ayusin ang sarili ko. Lumabas na ako ng kwarto.

Nagugutom na ako. Siguro naman papakainin niya ako rito.

Nasa kalahati pa lang ako ng hagdan ng makarinig ng mga nagtatawanan.

"Tangina mo, Gideon. Pasimpleng gago ka rin," narinig kong boses sa baba.

"Dami mong alam. Ayusin mo kaya muna yung scandal mo."

Sabay nagtawanan sila.

"Hoy! Ano yung nabalitaan kong pumatol ka sa bata?"

"Oo nga, Hez. Child abuse ka na niyan?"

"Hindi ko 'yon pinatulan!" angal naman ng tinutukoy nilang Hez.

Hindi ko na pinansin yung ibang asaran nila at tuluyan nang nakababa. Lima silang nandito at puro lalaki. Pamilyar sa'kin yung iba dahil nakita ko na sila noong pumunta sila sa bar.

Natigil sila sa pagtatawanan at tumingin silang lahat sa'kin.

"Oh, 'di mo ba siya ipapakilala sa amin, Luca?" hindi ko matandaan ang pangalan niya pero sigurado akong nandoon siya sa bar noong un ko silang makita.

"Shut up, Lyte." sinamaan siya ng tingin nung Luca. Luca nga pala yung pangalan. "As if you don't know her."

Natawa lang si Lyte. "Whatever."

Bumaling sa akin yung akala ko matino ay yung itsura lang pala. "What's your name, miss?"

"Denise." sagot ko. Matino naman yung tanong niya.

"Siya ba 'yon?" tanong ng lalaking hindi pamilyar sa'kin.

Tumango lang yung tatlong nakikilala ko sa kanila.

"Damit mo ba 'yon, Luca?" pigil tawa nang kamukha niya. Tinutukoy siguro niya ang suot ko.

"Oo nga, 'no." ang saya-saya naman nila. Lagi silang tumatawa.

"Wow. E, damot mo sa damit, a. Hindi ka nagpapahiram sa amin, e." reklamo naman ng Gideon ang pangalan. Medyo namemorya ko na ang mga pangalan nila.

Sinamaan lang sila ng tingin ni Luca.

"Bait talaga ni Luca sa mga babae."

"Gutom na ako." walang hiya kong sabi. Tumingin ako kay Luca.

Nakasandal lang siya sa pader na malapit sa sofang kinakaupuan ng mga kasama niya. Nagtawanan naman ang mga kasama niya at nagsimula nang mag-asaran.

"Gutom daw, Luca, oh. Hindi mo ba nabusog?" natatawang asar ng bagong mukha.

Parang katulad din siya yung Lyte ang pangalan pero parang mas malala siya.

"Shut up." sinamaan ito ng tingin ni Luca bago bumaling ulit sa'kin. "Follow me."

"Follow me daw, oh." asar pa nung Lyte.

"Tumahimik ka nga Lyte." kontra ng kamukha ni Luca.

"Nagsalita si Lucan. Kung ipaglandakan ko kayang may kabit ka."

"Ikaw din. Tumahimik ka, Gideon."

Hindi na sila pinansin at sumunod na lang kay Luca.

Dinala niya ako sa kusina. Lahat talaga ng mga gamit niya mamahalin. Pati sa kusina ang daming gold.

Umupo ako sa nakitang kong mataas na upuan.

"Sino sila?" kuryoso kong tanong. Hindi ko naman sila kilala.

Nakatalikod siya sa'kin kaya kailangan niyang dumungaw para makita ako.

"They are my cousins." tinaas niya ang kilay niya bago dugtungan ito. "They gave me that dare."

"Dare?" nagtataka kong tanong.

"I will tell it to you later." Bumalik siya sa ginagawa niya.

Ngayon ko lang napansin na nakaputing tee shirt siya at nakajogging pants. Mahilig nga talaga sa puti at itim.

Pasimple akong nag-iwas ng tingin ng humarap siya sa'kin. Nilagay niya sa lamesang nasa harap ko ang pagkaing hinain niya.

"Hindi ka kakain?" tanong ko sa kanya.

"Tapos na kaming kumain." tumango na lang ako at nagsimula nang kumain. Ham at itlog ang ulam kaya naganahan din akong kumain. Masarap din kaya 'to.

Ramdam ko ang titig niya sa'kin kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakasandal siya sa lababo at nakakrus ang mga kamay niya sa dibdib niya. Aaminin kong ang gwapo niya ngayon. Gwapo naman siya lagi.

Magulo ang clean cut niyang buhok pero hindi 'yon nakabawas sa kagwapuhan niya.

"Ano?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Nothing."

"Nga pala, wala akong susuotin. Sabi mo ikaw na bahala sa susuotin ko." ngumuso ako para limitahan ang mga sasabihin ko. Hindi ko pa naman mapreno ang bibig ko kapag naging komportable na ako sa kausap ko.

"I bought some."

Isang huling tingin ko pa sa suot ko bago malalim na huminga. Nandiyan pa rin ang mga pinsan niya sa baba. Bumalik ako sa kwartong pinagtulugan ko kagabi para makapag-ayos ng sarili.

Naligo na na rin ako rito dahil ayos din naman daw sa kanya.

Nakasuot ako ng high waist jeans at white tee shirt na may nakasulat na 'i'm hot'. Bumili rin siya ng strapless bra na walang foam at panty. Hindi ako mahilig sa may foam. May gamit naman akong nipple pads para matakpan ang mga ito.

Inayos ko ang mga gamit ko sa shoulder bag na gamit ko. Nilagay ko rito ang mga pinagbihisan kong damit. Sinuot ko na rin yung sandals kong gamit kagabi.

Tawanan ang naabutan ko pagkababa ko. Tawanan yata talaga nila ang maabutan ko kapag nakikita ko sila.

"'Yan yung chix mo?" hindi ko pinansin ang nagsabi nun.

"Hi, Denise! Ganda natin, a." nginitian ko lang yung Hez ang pangalan.

Wala akong makitang pandidiri sa itsura nila. Siguro nandidiri sila pero tinatago lang nila. Alam naman nilang isa akong bayarang babae. Maliban na lang sa ngayon ko lang nakita. Siguro sinabi na rin nila sa kanya.

Wala rin akong makitang panghuhusga sa kanila. Talagang magaling silang magtago. Imposibleng walang panghuhusga at pandidiri ang makikita sa kanila. Sa itsura pa lang nila ay sila yung mapili.

Hindi mo aakalaing kakausap sila ng mababang babaeng tulad ko.

"Magaling ba si Luca sa kama?" napatingin ako sa nagtanong nun. Si Lyte. Nagpipigil siya ng tawa pero bulgar na natawa ang ibang pinsan niya na simaan naman ni Luca ng tingin.

"Hindi naman masyado." nahihiyang sagot ko. Hindi ko naman alam ang isasagot ko doon.

Sa lahat ng mga nakatalik ko ay diretso pasok na. Walang mga oral sex na napanood ko sa porn. Pati na rin sa mga naging kasintahan ko ay hindi ko ginawa ang mga nasa porn. Yung una kong naging kasintahan ang  unang nagpanood sa'kin ng porn. Panoorin daw namin tapos gayahin namin pero yung mga posisyon lang ang ginaya namin. Hindi ako pumayag sa oral sex na 'yon.

Hindi naman na ako inosente noong unang panood ko noon dahil bayaran na rin ako sa mga panahong iyon.

Humagalpak sila ng tawa na pinangunahan naman noong Hez at Lyte.

"Hindi ka raw magaling, Luca." pigil tawang kantsaw ng kambal niya.

Marahan lang tumawa si Gideon na hindi kagaya ng mga pinsan niya.

"Ilang rounds ba nakaya niya?"

"Dalawa." sagot ko. Ito yata yung sinasabi niyang pagsisinungaling ko kapag nagtanong sila tungkol sa nangyari. Kahit wala naman talagang nangyari sa amin.

"Gago. Dalawa lang kaya mo?" napuno ng asaran at tawanan ang condo ni Luca.

"Now, the dare is done." blangkong sabi ni Luca. Nakaupo pa rin ang mga pinsan niya sa sofa at nasa gilid naman ako pero kita pa rin nila ako.

Ngayon naman ay nakasandal si Luca sa pintuan ng condo niya.

"Apat na araw ang usapan."

"Hindi talaga ako makapaniwalang nagawa mo 'yon. Siguro may ginawa ko, 'no."

"Masarap ba si Luca, Denise?" sunod na tanong ni Lyte.

"Medyo." hindi naman siguro nila mapapansin na nagsisinungaling lang ako.

Hindi natigil ang pang-aasar nila kay Luca pero sinamaan lang nito ng tingin ang mga pinsan niya.

"Apat na araw 'yon, gago."

"Fine. Ihahatid ko lang siya." malamig na tugon niya.

"'Yon oh." pang-aasar pa nila.

Hindi ko na sila pinansin nang binuksan na ni Luca ang pintuan at lumabas kami. Nauna nga lang siya.

Wala imik kaming naglakad papuntang elevator. Nakabihis na rin siya ng paborito niyang black tee shirt at jeans.

Nakaayos na rin ang buhok niya. Hindi ko namalayang bumukas na pala ang elevator at lumabas na siya.

"Let's go."

Sinundan ko na lang siya patungo sa mamahalin niyang kotse. Hindi ito ang gamit niya kagabi dahil itim 'yon at pula ito.

Binuksan niya ang pintuan ng passenger seat para sa'kin. Pumasok ako sa at inayos ang seatbelt.

"Medyo, huh." tinignan ko siyang kakaupo lang sa driver seat.

Paniguradong yung kanina ang tinutukoy niya.

"Ano namang isasagot ko roon?" nakataas kilay kong tanong. "Hindi naman kita natikman."

Hindi makapaniwala siyang tumingin sa'kin. Totoo naman, a. Masasabi ko lang kung masarap siya o hindi kapag natikman ko.

"You could just answer yes."

Nagkibit balikat lang ako saka ko nilahad ang kamay ko sa kanya na parang may hinihingi.

"What?" nagtatakang tanong niya.

"'Yung bayad mo." bumuga siya ng hangin bago may kinapa sa bulsa niya.

Nakita kong kumuha siya ng ilang libo sa pitaka niya. Nakita kong puro isang libo ang laman noon. Walang kahit isang limang daan.

Nilagay niya sa kamay kong nakalahad ang ilang libong kinuha niya mula sa pitaka niya.

Tinitigan ko muna siya bago binilang ang pera. Labing isang libo, ha. Halatang hindi niya binilang ang hinugot niya.

"Ang laki nito, a." binalik ko sa kanya ang tingin ko para hintayin ang sasabihin niya.

"Four days. The dare is four days." tukoy niya sa apat na araw na sinasabi ng mga pinsan niya. "Gaya ng dati, kapag may tanong sa kanila tungkol sa nangyari sa atin sagutin mo lang na parang may nangyari nga."

Tumango na lang ako. Madali lang naman at malaking pera na rin ito.

"Ito na yung bayad mo sa buong apat na araw?" tinaas ko ang perang hawak ko para ipakita sa kanya.

"No. Ngayon lang 'yan."

"Iba sa susunod na mga araw?" tumango siya na ikinangiti ko. Ilang araw ko 'tong hindi pagtatrabahuan. Iba talaga ang mga mayayaman.

"Pero sa apat na araw na 'yon ay sa akin ka titira. Even if I don't want to, I have to for my condo and car," nag-isip muna ako bago sumagot. Hindi na rin yata ako magtatrabaho sa apat na araw na 'yon. Malaki naman ang binayad niya at siguradong malaki rin ang ibabayad niya sa mga susunod na mga araw.

"Paano yung trabaho ko?" humawak siya sa manibela na hindi tinatanggal ang tingin sa'kin.

"Don't work for a while."

"Sige."

"Ayos lang sa'yo?" malamig na tanong niya. Malamig at blangko yata ang boses niya kung magsalita.

"Oo naman. Sapat na rin 'tong binigay mo para sa'kin."

"Para sa'yo? Wala kang pamilya?" kuryosong tanong niya.

"Wala. Mag-isa lang ako kaya sobra pa nga itong bayad mo."

"Ba't kailangan mo pang magpabayad kung wala ka namang binubuhay?" nagkibit balikat lang ako sa tanong niya. Minsanan lang naman akong nagpapabayad. Kapag bayaran na ng upa.

"How old are you?" nanitili kami sa parking lot dahil wala pa siyang balak paandarin ang kotse niya.

"Twenty-one." tipid kong sagot.

"Too young. Hindi ka ba nag-aaral?" umiling ulit ako bilang sagot.

"Hindi. Wala na rin akong balak mag-aral." wala talaga akong balak mag-aral ulit simula nang mamatay si Nanay Minda.

Wala na rin namang rason para mag-aral pa ako. Wala rin naman akong balak magkapamilya. Ganito na siguro ang buhay ko hanggang sa mamatay ako.

"Why?" sinimulan na niya ang pag-andar ang kotse niya kaya wala sa'kin ang tingin niya.

"Ayoko lang."

Tumingin siya sa'kin pero binalik din agad sa harapan. Baka mabangga pa kami.

"Aren't you planning to change your life?" hindi ganito ang tanong ng mga naging customer ko.

Iba siya kung magtanong. Nanghihimasok. Pero hindi ako nakasagot agad sa tanong niya.

Wala ba akong planong baguhin ang buhay ko? Kung babaguhin ko, anong pinagkaiba ng buhay ko noon sa bago? Mababago kaya noon ang nakaraan. Siguro nga pero hindi nakakalimutan ang nakaraan.

At para saan pa kung babaguhin ko ang buhay ko? Hindi naman ako magiging masaya.

"Hindi ko alam." sagot ko. Hindi ko rin talaga alam kung may plano ba ako o wala. Natatakot ako sa magiging bagong buhay ko kung sakali.

"Change it."

...

Continue Reading

You'll Also Like

4.5K 140 21
[BACHELORS LOVE AFFAIRS #1] When Kiara's boyfriend broke up with her because of the reason that she can't give him his needs as a man, she suddenly f...
4M 89.3K 43
He's a quiet man. His intelligence is one of his best assets. He's a doctor. They said he's the kindest among his friends... Think again. He may look...
37.8M 1.1M 68
Deadly assassins Allegra and Ace have been trying in vain to kill each other for years. With a mutual enemy threatening their mafias, they find thems...