When GANGSTERS meet the SADIST

By arkiSTEPH

10.7M 182K 17.4K

[COMPLETED] Naging MAGULO ang BUHAY ko ng makilala ko ang mga MAAANGAS na to pero aaminin ko naging MASAYA ko... More

prologue
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
chapter 10
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18
chapter 19
chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
chapter 26
chapter 27
chapter 28
chapter 29
chapter 30
chapter 31
Chapter 32
chapter 33
chapter 34
chapter 35
chapter 36
chapter 37
chapter 38
chapter 39
chapter 40
chapter 41
chapter 42
chapter 43
chapter 44
chapter 45
chapter 46
chapter 47
chapter 48
chapter 49
chapter 50
chapter 51
chapter 52
chapter 53
chapter 54
chapter 55
chapter 56
chapter 57
chapter 58
chapter 59
chapter 60
chapter 61
chapter 62
chapter 63
chapter 64
chapter 65
chapter 66
chapter 67
chapter 68
chapter 69
chapter 70
chapter 71
chapter 72
chapter 73
chapter 74
chapter 75
chapter 76
chapter 77
chapter 78
chapter 79
chapter 80
chapter 81
chapter 82
chapter 83
chapter 84
chapter 85
chapter 86
chapter 87
chapter 88
chapter 89
EPILOGUE
Special Chapter

chapter 1

252K 3.7K 377
By arkiSTEPH

(Hi, sorry sa mga error! jejemon pa ako ng sinulat ko to hahaha. Enjoy. -arki)



CHAPTER 1

Having a second life means that there's a new beginning.

Sabi nga nila, hindi ka matutututo na tumigil sa ginagawa mo hanggang 'di ka nasasaktan. Pero paano kung ang dahilan kung bakit ka nasasaktan ay siya ring dahilan kung bakit ka sumasaya? Titigilan mo kaya?

" Chuchi , ilang buwan na rin ang nakakalipas ng mangyari 'yon 'di ba? Kamusta na kaya siya?"

Andito lang kami ulit sa park nag mumuni muni kahit gabi na. Madalas namin 'tong ginagawa lalo na't 'pag gusto ko makapag isip-isip. Subukan lang ng kung sino diyan na lumapit sakin at matatamaan talaga. Syempre joke lang. Ano naman laban ko kung pagtulungan ako dito. Tsaka ako na nga lang ata ang tao dito.

"Kinakabahan ako Chuchi. First day of school na bukas, new school, new friends, new enemies and new disasters."

Pinilit ako ng dalawa kong nanay na lumipat sa isang private school para nadin daw sa ikabubuti ko. Not bad, lalo na't malapit ang school na 'yon ngayon sa bagong bahay na nilipatan namin. Almost 20 minutes lang ang biyahe to be exact. Pero mas gusto ko pa rin 'yong school ko dati. Mahirap din lumipat ng school dahil kahit unti lang ang kaibigan ko doon ay naging masaya ako.

Napayuko at huminga ng malalim.

"memories..." now, everything was just part of memories including ...him.

"erase erase..." Iniling iling ko ang ulo ko. Kausap ko na naman ang sarili ko.

'Ang hirap, kung pwede lang talaga piliin lahat ng pwede mong maalala.'

Hindi kami mayaman, sapat lang at pasalamat akong nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw plus merienda sa hapon. Pero mayaman ako sa nanay. Yeah, I have two Moms. That's cool right? And my dad? Sumakabilang bahay na . May bago ng asawa. Okay lang masaya na ako sa mga nanay ko.

" Tara uwi na tayo baka hinahanap na tayo ni Mommy! W--Wait. Chuchi! Ano ba? Hahahaha! Nakikiliti ako. Stop licking! Hahahaha! ay---oy oy! Teka saan ka pupunta?"

Nagpumiglas si Chuchi sa pagkakahawak ko sa kanya sabay tumakbo. My bad! So ako naman itong tumakbo din para sundan siya. Mabuti nakita ko siya kaagad sa may eskinita.

" Ano ba chuchi! Papatayin mo ba ko? Alam mo naman bawal sakin ang tumatakbo!"

Napatigil ako nung maisip ko ang sinabi ko, I bet na alam naman n'ya siguro ang kalagayan ko 'di ba? Kahit hindi siya nagsasalita.

"Tara na nga!"

" arf arf arf arf!"

Kakargahin ko na sana si Chuchi ng may mahagip ang mata ko. Is it for real o namalikmata lang ako? Dahan dahan ako ulit lumingon sa may likuran ko.

"Oh my!" napaatras ako ng 'di oras sa sobrang gulat. Lalo na nung makita ko ang dugong umaagos sa sahig.

"A-anong nangyari? Bu-buhay pa ba yan?" tinitigan ko ng maigi ang lalaking nakahandusay.

Tila nanigas na ako at nawala sa sarili dahil sa sobrang pagkataranta. Huminga ako ng malalim, kailangan ko mag-isip ng maayos. Relax.

"Hay! Naiwan ko nga pala ang cellphone ko."

Wrong timing naman. Dahan dahan ako lumapit sa lalaking nakahiga. Sinipa sipa ko siya pero hindi malakas. Gusto ko lang alamin kung conscious ba siya, kaso hindi siya gumagalaw at sumasagot.

" Kuya! Wait lang ah! Hahanap ako ng tutulong sayo." nanginginig kong paalam sa kanya.

Lalakad na sana ko nung maramdaman ko ang kanyang malamig na kamay na humawak saking paa. Agad na nanlaki ang mga mata ko kasabay ang pagtayo ng mga balahibo ko.

" NO! 'wag po kuya! Bata pa ko. Tutulungan ko naman kayo e. "

Halos maiyak iyak at pasigaw kong sabi sa kanya, tila hindi ko din maigalaw ang mga paa ko sa kaba. Katapusan ko na.

" W-what do you mean? Wa-wag ka umalis." mahina n'yang sabi at ramdam ko ang paghihirap sa boses niya. Nakahawak pa rin siya sa paa ko habang si Chuchi tahol lang ng tahol.

Unti unti kong pinakalma ang sarili ko. Sa tono ng pananalita n'ya parang mabuti naman siyang tao at walang balak na masama sakin. Nakakahiya bakit ko ba kasi 'yon nasabi sa kanya. Mukhang kailangan n'ya talaga ng tulong.

" P-ero kailangan madala kayo sa hospital. It seems that you're not fine. Tatawag lang ako ng..." hindi ko na naituloy ang sasabihin nang putulin niya ang pagsasalita ko.

" I don't like to go to the hospital, idiot!" sigaw niya.

Ano daw? Automatic na napakunot 'yong noo ko. Idiot ako?! Ang kaba ko kanina ay unti-unting nawawala at napapalitan ng pagkainis kaya 'di ko napigilan at sinipa ko siya. He groaned, mukhang natamaan ko 'yong parte ng katawan n'yang masakit sabay layo ko sa kanya.

"Y-you! You're dead 'pag nahawakan kita." banta n'ya habang umuubong nagsasalita at nanatiling nakahiga sa sahig.

" Like I care! Mas Idiot ka! Ikaw na nga 'tong tutulungan ganyan ka pa baka nga ikaw 'tong mauna madead! So goodbye! Let's go Chuchi!"

" Oy! Babae! Sa-saglit lang. "

Naglakad na 'ko paalis. Bahala siya doon. Tatawag nalang ako ng ibang tutulong sa kanya basta ako uuwi na. Nawala ang kunot sa noo ko nung biglang may bumungad sa harap ko... halos mapatalon ako sa gulat. Unti nalang at aatakihin na ako.

" Hoy Agatha! Kailangan talaga sunduin kita dito? Anong oras na 'di ka pa umuuwi!"

" Mom naman." sabat ko sa kanya habang nakahawak sa dibdib ko.

"ay sorry anak! Tara na kasi may pasok ka na bukas andito ka pa." sabi niya sabay himas sa likod ko.

" Hoy babae! 'wag ka magpapakita sa'kin tandaan mo 'yan!" biglang sigaw ng lalaki. Ay naku po! Gusto ko sanang bumalik doon at tapalan ng duct tape ang bibig ng lalaking 'yon, pero mas maganda kong umalis nalang ako bago malaman ni Mom na ako ang tinutukoy ng lalaking 'yon.

"tara na Mom dali." Yaya ko kay Mom sabay hila sa kamay niya.

"Sino 'yong sumisigaw? Teka... " agad na kumawala si Mom sa pagkakahawak ko sa kanya sabay silip niya sa kung saan n'ya narinig 'yong sigaw. Hala! Yari talaga ko nito. Gusto ko na kumaripas nang takbo pero 'di ko naman maiwan si Mom dito. Alam ko na ang susunod niyang gagawin.

" Agatha! Come here. Faster! Tulungan natin siya. Dalhin natin sa hospital."

" Ayaw n'yan sa hospital Mom kaya hayaan nalang natin siya!" naipatong ko ang daliri ko sa ibabaw ng mga labi ko, parang ang sama ko sa sinabi ko. Pero 'yon naman kasi sabi nung lalaki 'di ba?

"Look wala na siyang malay! Baka maubusan siya ng dugo. Kailangan magamot kaagad 'to. Malayo pa naman ang hospital dito. Much better kung sa bahay ko nalang siya gagamutin."

" Mom ! Ano ba? 'di natin kilala 'yan, mamaya killer pala 'yan e!"

Tumayo si Mom at bigla akong hinampas sa braso.

" Tingin mo matitiis ko ang ganitong sitwasyon? Dali na! Tumawag ka ng taxi."

Nandito na kami sa bahay. Ano ba naman ang laban ko sa nanay ko. Buti nalang nurse siya kaya alam niya kung paano lapatan ng paunang lunas ang lalaking 'to. Grabe lang ang dedication ni Mom sa kanyang trabaho. Kahit wala siya sa hospital basta may nakita siyang injured person kung saan man siya magpunta ay talagang tinutulungan n'ya. Kaya 'di na ko magtataka kung isang araw ay may bigla nalang may magsabit ng medalya sa kanya kahit sa daan.

"He's fine. He needs to rest . So anak pang-night shift ako ngayon, Paano ba 'yan?"

Napakunot na naman ang noo ko. Oo nga pala nalipat na siya sa night shift noong nakaraang linggo pa.

"No way Mom ! Iiwan mo 'ko mag isa kasama nitong lalaking 'to?" sabay turo ko sa mayabang na 'yon.

" OA mo anak! 'di ka na naawa. Pinabayaan mo na nga siya kanina sa daan. Tingin mo magagawan ka n'ya ng masama ng ganyan ang kalagayan n'ya? Trust me walang gagawin 'yan sayo."

" Paano mo nasabi Mom ? Parang matagal mo na siya kilala ah."

Sabay ngiti niya sa akin "Naalala mo ba 'yong sinabi ko sayo?" tanong niya.

Napaisip ako, ang dami n'yang sinasabi sakin lagi, hindi ko alam kung anong tinutukoy n'ya. Ano ba 'yon? Baka pag 'di ako agad nakasagot magalit na naman siya at sabihing 'di ko tinatandaan ang mga bilin n'ya.

" Sabi mo gusto mo din maging nurse 'di ba?" napatingin ako kay Mom at tumango. " Kung gusto mo maging nurse dapat hindi ka namimili nang tutulungan. Kahit na anong klase pa ang pagkatao n'ya kahit kilala mo o hindi dapat tutulungan mo padin." tumayo na siya at tinapik tapik ako sa likod.

'Yon nga ang madalas n'yang sabihin sakin kapag napag uusapan namin ang trabaho n'ya.

" Trust me. Take care of him, okay? Linisin mo na rin 'yong ibang sugat n'ya and take your medicine."

After that, umalis na siya. Nakonsyensya naman ako sa ginawa ko kanina . Paano pala kung talagang iniwan ko ang lalaking 'to doon kanina?

"Chuchi 'wag ka nga tahol ng tahol baka magising! Hmm. Siguro nakipagsapakan 'to kanina kaya ang daming bangas nitong si kuya."

Nakahiga siya ngayon sa sofa at mahimbing padin na natutulog. Lumapit ako sa kanya at umupo sa mababang upuan para linisin ang iba n'yang sugat. Amoy na amoy ko ang alak at ang pabango n'ya. Napakamot ako sa ulo nang maisip kong kailangan ko tanggalin ang leather jacket n'ya para malinis ng mabuti ang ibang sugat.

"Subukan lang nito gumawa ng kalokohan dito dadagdagan 'ko mga pasa nito."

Kaso baka magising siya kapag hinubad ko ang jacket n'ya. Nag aalangan pa ako nung hawakan ko ang braso n'ya. Bakit pakiramdam ko e naiilang ako. Siguro dahil napaka weird ng sitwasyon ko ngayon. May kasama lang naman akong estranghero dito sa bahay na halos maubusan na ng dugo kanina at puro bangas ang mukha.

"Argh, ang bigat." Grabe ang bigat n'ya talaga.

Sinusubukan ko siyang itagilid para mahubad ang jacket n'ya kaso napakabigat n'yang lalaki. Hindi ko alam kung may invisible bang malaking bato na nakapatong sa kanya o kung sinasadya n'yang hindi ko talaga siya maitagilid. Natatakot naman ako na pwersahin siya dahil baka magising bigla at mapuruhan ko ang mga sugat n'ya.

Mamaya sapakin ako nito pag nagising siya bigla.

"Ah alam ko na." Agad akong tumayo at binuksan ang drawer para kunin ang kailangan ko at tsaka 'ko bumalik sa pwesto. Siguro naman hindi ko siya maiistorbo sa ginagawa kong 'to.

"O 'di ba! Okay na." pagkatapos ay inilapag ko na ang gunting sa mesa. Ang galing ko talaga, 'di ko na siya naistorbo e 'di pa ako napagod. Ginunting ko lang naman ang leather jacket n'ya. Tutal medyo may punit din ang jacket n'ya siguro dahil sa pakikipag-away. Ayan, okay na.

May mga malilit siyang hiwa at pasa sa braso. Ano ba 'tong lalaking ito? Nakipag espadahan ba 'to.

Nilinis at ginamot ko na ang iilang sugat n'ya sa braso sunod naman ang nasa mukha n'ya. Kahit naka steady lang siya ay talagang makikita mo ang porma ng mga muscles niya sa braso.

Panandalian akong natulala nung mapatingin ako sa mukha n'ya.

Ang weird. Bakit kailangan ko matulala. Iniling ko ulit ang ulo ko. Ang laki ng sugat n'ya sa may anit kanina. Malamang ay pinukpok 'yon ng bote. Sinimulan ko na gamutin ang bangas n'ya sa mukha. Sa kalagitnaan ng ginagawa ko hindi ko mapigilan ang sarili ko na... i-examine ang feature ng mukha n'ya.

"Look Chuchi! Ang kinis pala ng mukha nitong mayabang na 'to... and he has a pointed nose." Tuloy lang ako sa pagpupunas. He looks so peaceful. Akala mo walang iniindang mga sugat. Kung titignan mo siya akala mo kung sinong mabait. I admit, gwapo nga siya. Kaso ang tabil ng dila e.

" Hahaha! Ang sarap paglaruan ng pisngi nito oh..." , sabi ko habang pinipindot ang pisngi n'ya.

Nasasaktan kaya 'to sa ginagawa ko? Tulog naman siya kaya siguro 'di n'ya nararamdaman.

" At 'yong pilik mata n'ya ..." 'di ko namamalayan unti-unti ko na pala nalalapit 'yong mukha ko sa kanya. Masyado akong namamahangha sa nakikita ko. Hindi naman kasi araw araw na nakakatagpo ako ng ganitong tao.

" ...ang haba. Parang pambabae." 'di ko alam pero napapangiti nalang ako sa ginagawa ko.

Bigla nalang napatigin ako sa mga labi n'ya. Napalunok ako. 'Di kaya bakla ito?

" and his lips ... ang pula talo pa 'yong akin." tuloy pa'rin ako sa pagpupunas ng mukha n'ya nang biglang ...

"woah!" napasigaw nalang ako pero agad ko din tinikom ang bibig ko.

Oh my! ramdam ko ang pag init ng mukha ko.

Dug dug dug dug...

" Stop examining my face." sabi n'ya habang nakapikit pa rin.

Parang may nagkakarera sa dibdib ko. Tama ba naman kasing hilahin ako? At ngayon sobrang lapit na ng mukha ko sa kanya. As in malapit. Halos maduling na ako, and the worst scenario is bigla siyang dumilat sabay tingin sa'kin.

Nanlaki ang mga 'to. Sa sobrang gulat ko pinilit ko makawala sa hawak n'ya at a'yon nalaglag ako sa upuan ko. Kainis 'tong lalaking 'to.

"Ang ingay mo. Manyak." walang kagana gana n'yang sabi.

Napangisi nalang ako bigla dahil sa narinig ko.Wow! Ang kapal talaga nito... ako? Manyak! Manyak ba ang tawag sa taong tinitignan ng maigi ang mukha niya?

" arf arf arf arf."

" Iyang aso mo, patahimikin mo o papatahimikin ko?"

Nang sabihin niya iyon ay para akong bulkan na sumabog. Subukan niya nang galawin lahat ng gamit dito 'wag lang ang aso ko, talagang makakalimutan ko lahat ng bilin ng Mom ko at baka magkasala ako. Sa sobrang inis ko tumayo ako agad at mabilis na hinubad ang tsinelas ko para ihampas iyon sa kanya.

"ang kapal ng mukha mo! Subukan mong saktan ang aso ko! Baka nakakalimutan mong nasa bahay ka namin."

Inis na inis kong sagot sa kanya. Pinaghahampas ko siya ulit habang ipinapanggalang n'ya ang mga kamay n'ya. Bahala siyang matamaan ko ang mga sugat n'ya.

"Ikaw babae ka sadista ka talaga! Pasalamat ka 'di ako makagalaw nang maayos kundi nasaktan na kita."

" Ang kapal ulit ng mukha mo! At anong sabi mo kanina? Ako manyak? Grabe! Manyak your face!" Pasigaw kong sabi.

Calm down Agatha! Ang puso mo...

Nakakatakot 'yong tingin n'ya. Alam ko na inis na siya sakin. Hinawakan ko 'yong vase at naisip kong ipambato sa kanya kung sakaling may gawin siya sakin...

Pero may kung ano sa loob ko na unti-unting nagbabago dahil sa titig niya. Mula sa matalim unti unting naging matamlay at nawalan ng emosyon ang mga mapupungay niyang mata na nakatuon sakin.

Dahan dahan naman siyang bumangon at tumayo habang nakahawak sa ulo n'ya. Mukhang nanghihina pa rin siya. Napatingin ako sa leather jacket n'ya na nalaglag nung pagbangon n'ya. Napatingin din siya doon.

"what the..." sabi n'ya habang nakatitig sa jacket n'yang ginupit ko. Tumingin ako sa mukha n'ya. Lumingon siya sakin at binigyan ako ngayon ng kakaibang tingin at tila sa titig niya ay isa akong weirdo. Weird ba na makita n'yang ginupit ko ang jacket n'ya?

"You're not normal, aren't you?" seryoso n'yang tanong sakin. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagsimula na siya maglakad papunta sa pinto.

" Hoy! Saan ka pupunta? Kaya mo na ba?" , tanong ko pero hindi ako worried, curious lang.

Kaso 'di siya sumagot.

" Teka! ganoon nalang? Wala man lang 'Thank you' ?" Talagang pinag diinan ko ang salitang 'thank you'.

Tumigil siya sa paglalakad.

" Magpapasalamat lang ako pag nakita ko ulit ang Mom mo, 'wag ka mag-assume dahil 'di ikaw ang tumulong sa'kin kundi ang Mommy mo." Sagot niya at hindi man lang nag abalang lingunin ako. Binuksan na n'ya ang pinto, pero bago siya tuluyan lumabas...

" One more thing, 'wag mo hayaang makita kita kahit saan, dahil baka hindi ako makapag pigil at kung ano pa ang magawa ko sayo." sinabi n'ya iyon ng walang emosyon. Pagkatapon n'yon ay tuluyan na siyang umalis.


"Hoy!" sigaw ko sa sobrang inis. See? He's an idiot! Bastos. Walang modo! Kainis ... buti naman umalis na siya. Syempre alangan naman dito siya magpalipas ng gabi! Mas gugustuhin ko pang mag isa sa bahay . Tutal sanay na rin naman ako and what? Nakakabanas ang mukha ko? Ha-ha-ha! Nakakapang-init ng dugo! Ngayon lang ako nakatagpo nang katulad niya, hindi ko akalain na may ganoong tao na nag eexist sa mundong 'to.

Pero ang weird ng Mom ko. Talagang malaki ang tiwala n'ya sa stranger na 'yon at pinabayaan n'ya lang ako kasama 'yon dito sa bahay? This is non-sense.

Andito na ko sa kwarto. Gusto ko na matulog dahil may pasok na ko bukas kaso ano ba 'to, naaalala ko 'yong nangyari kanina...'yong bigla n'ya kong hinila, 'wag lang talaga siya ulit magpapakita sakin.

"Nakita ko tuloy ng sobrang malapitan 'yong nakakabwisit n'yang mukha."

Pakiramdam ko ay hindi padin tapos sa pagkulo ang dugo ko.

'One more thing, 'wag mo hayaang makita kita kahit saan, dahil baka hindi ako makapag pigil at kung ano pa ang magawa ko sayo.' naalala ko 'yong sinabi n'ya. Nakakabadtrip talaga.

Pero sa totoo lang, nakaramdam ako ng kakaiba ng mga sandaling 'yon... para bang ... ah erase erase. Makatulog na nga. 

Continue Reading

You'll Also Like

4.9M 96.8K 64
[Tagalog Story][R-13] The idea of having them both in one place would be impossible. They simply clashed. She hates his guts. He hates her guts too...
2.4M 6K 5
5 years passed, everything changed. She's back, and he changed for the better. She's now The Slayer, and he's now a CEO. Did she move on for real...
2.6M 50.9K 100
Teaser Video -> https://youtu.be/4Of2pPg2lWU Paano kung biglang magkaroon kayo ng barkada mo ng instant trabaho? Trabahong bongga ang sweldo. Ang...
453K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022