Hanggang Kailan (Barkada Seri...

By cj3ynity

6.3K 406 5.7K

Barkada Series #1 Haley Cortez is from a broken family, but when she found Caiden Almanzor, she found love a... More

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45

Kabanata 18

137 6 226
By cj3ynity

"I know you can do it" si Caiden.


Nakasakay ako ngayon sa kotse niya at pauwi na kami sa amin. Bukas na kase ang NCAE namin and I'm too nervous on that. Kinakabahan ako dahil feeling ko hindi ko maipapasa ang average sa STEM.


In the past few days naging maganda naman ang pagsasamahan namin ni Caiden. At nalaman pa talaga niya na hinatid ako ni Clark dito. I was supposed to say to him but, nauna na niya itong nalaman kaya hindi ko na rin nasabi sa kanya.


"Hinatid ka pala ni Clark?" tanong niya na nakatingin sa daan.


He's jaw was clenching when I faced him.


"Oo, I was supposed to tell you but, nalaman mo na pala. Sinong nagsabi sayo?" tanong ko.


Hindi siya umimik ng sabihin ko 'yun. But in the end nagka-ayos rin naman kami. Hindi rin naman siyang pumayag na hindi kami magkaka-ayos ng araw na 'yun.


At 'yun na rin siguro ang huling pagbibigyan ko si Clark dahil ayaw kong nag-aaway kami ni Caiden.


It was a tiring Tuesday night and my friends are ranting at me, kaya lalo akong na-stress sa mangyayari bukas.


Mika:

Kinakabahan ako shet:(


Elaine:

Hoy ako rin :( hindi ko ata maipapasa hoy:(


They are keep on ranting and ranting on the group chat kaya lalo akong na-stress.


"Haley, bangon na!" sigaw ni Lola sa may pinto.


"Opo" sagot ko.


NCAE na namin ngayon. Tinignan ko na lamang ang cellphone ko dahil may text doon si Caiden.


Caide:

Good morning baby. I know you're too nervous to take the NCAE test but I just wanted to remind you that you can do it. Ikaw pa ba diba? And always remember that even if you didn't pass the average of the NCAE I Will always be proud of you no matter what.


That's his message. Pagkatapos noon ay bumaba na ako para kumain ng almusal dahil ayaw kong ma-late. Pagkatapos noon ay umakyat na ako sa taas para magpalit ng school uniform dahil sinabihan kami ng mga teacher na pag nag-exam daw sa NCAE ay kailangan na naka-school uniform.


Si Gab ang naghatid sa'kin sa school. And he told me that I can do it. Even Lolo and Lola told me too, but wala akong tiwala sa sarili ko. I was a negative person back then. And I've always think that I wouldn't pass.



Pagkatapos akong ibaba ni Gab sa may school ay dali-dali na akong pumasok at naglakad sa hallway.


Pagkapasok ko sa room ay marami ng tao. Nandoon na rin si Elaine. Kaya umupo na lamang ako sa aking upuan at inintay na dumating ang teacher na magha-handle sa amin.


"Girl, kabang-kaba na ako jusko" si Elaine.


"Ako rin. Feel ko hindi ako makakapasa alam mo 'yun" sagot ko sa kanya.


Pagkatapos kong sabihin 'yun ay dumating na rin ang teacher na magha-handle sa amin. Taga ibang lugar siguro ito dahil hindi ko naman siya nakikita sa school namin or sa school ng mga college students.


"Ako po si Ma'am Nora" pormal na pakilala ng guro na nasa harap namin. "At ako ang magha-handle sa inyo sa araw na ito. Alam ko namang naituro na ng mga teacher niyo ang gagawin. 'Yun lamang and thank you goodluck sa inyo"


Pagkatapos niyang magsalita ay isa-isa nang pinasa ang aming sasagutan. Katulad lamang 'yun ng review namin. Nagbigay siya ng booklet at isang folder.


Pinanghuli kong sagutan ang STEM dahil nung binuklat ko ito ay tila sobrang hirap. Ngunit sa ibang strand naman ay nasugatan ko ng maayos. I have a hard time answering the STEM strand pero may mga question na nandoon sa review namin kaya siguro naman may maitatama ako.


Whole day ang pagsasagot namin kaya hindi na rin kami nagkasabay-sabay sa pagla-lunch. Sa recess naman ay hindi rin kami magkasabay ni Mika kaya kami nalang ni Elaine ang nagsasabay.


Alas kuwatro nang natapos kami sa pagsasagot. Nasagutan ko naman ang lahat 'yun nga lang hindi ako sure sa iba dahil hindi ako pamilyar sa ibang mga tanong.


"Hoyy" si Mika na sinalubong kami sa may tapat ng room na tila naiiyak na.


"Bakit?" tanong ko na tila kuryoso kung bakit gano'n siya.


"Feel ko hindi ako pasado" sagot niya na ngayon ay naiiyak na.


"Ako rin" singit ni Elaine na ngayon ay natutulala na.


"Sobrang hirap shet kase" si Mika.


"Trueee" sagot ni Elaine na ngayon ay nakatitig pa rin sa tinitigan niya. Lumingon ako sa tinitigan niya at nakatingin lang naman siya sa kawalan.


"Ako rin. Feel ko hindi ako pasado ang hirap sobra" sagot ko naiiyak na rin sa nangyayari.


I admit it sobrang hirap ng STEM. Madali lamang 'yung mga nasa review at sa exam namin ay sobrang hirap.


Nagsimula na rin naman kaming maglakad na tatlo at hindi ko alam kung saan ang tungo namin.


"Maggagala ba tayo?" tanong ko.


"Hindi na" sagot ni Mika.


"Sa bahay nalang ako" sagot naman ni Elaine.


I just nodded to them. Kaya nang makarating na kami sa gate ay pumara na kami ng tricycle.


Ako ang naunang bumaba sa kanila sa kanilang dalawa dahil sa aming tatlo ay amin ang malapit na kanto ngunit pagbaba mo naman sa kanto namin ay lalakad ka pa para makarating sa bahay. Ngunit pwede ka namang sumakay ng tricycle mula roon pero sa ngayon ay maglalakad na lamang ako para makapag muni-muni.


Nag-umpisa na akong maglakad nang ibaba ako ng tricycle driver. Inisip ko agad kung makakapasa ba ako sa STEM o hindi. My dream is to be a Engineer someday. Kaya pursigido talaga akong pagbutihin ang pag-aaral ko.


Simula ng naging kami ni Caiden ay hindi ko na minsan naisip sina Mama at Papa. I was preoccupied with Caiden. Pero maigi na rin siguro 'yun dahil panigurado hindi na rin naman nila ako iniisip. They are building a family without me. Oo, masakit dahil wala ako roon pero nang dumating si Caiden at sina Lolo at Lola ay sila na ang naging pamilya ko. Hindi ko na rin inintindi sina Mama at Papa kahit na nagpapadala sila. Aanhin ko naman ang pera na pinapadala? Ang kailangan ko ay sila... pero hindi na siguro mangyayari 'yun. Hindi na muli kami mabubuo.


Minsan na-iinggit ako sa ibang bata noon na kumpleto ang pamilya nila. Samantalang ako wala. Pero habang tumatanda na ako nagbabago 'yun. Ang inggit ko sa mga bata noon ay tila nagbago na ng tumanda ako. I feel contented right now. Contented on what I have kahit na wala sina Mama at Papa.


"Haley" bati sa akin ni Lola sa may gate na banayad ang ngiti.


This is my home. This is my family. I wish Lola and Lolo would never leave me.


"Nasagutan mo ba?" tanong niya na ngayon ay malapad pa rin ang ngiti.


I just nodded to Lola. Pagkatapos noon ay binalot niya ako ng yakap.


"Sabi ko sa'yo e. Ikaw pa ba apo?" pagkatapos niyang sabihin 'yun ay bigla na lamang pumatak ang luha ko.


"Bakit apo?" tanong niya na ngayon ay nakakunot ang noo.


"Wala La, masaya lamang po ako" sagot ko.


But honestly I feel good right now. I'm so happy and contented right now even if wala si Mama at si Papa. And reality hit me hard dahil hindi na talaga maibabalik pa ang pamilya namin. Hinding-hindi na pala. Umaasa pa ako pero ang tanga ko pala, dahil may pamilya na silang pareho.


"May nangyari na naman ba sa inyo ni Caiden?" tanong niya pa.


"Wala po. Tara na po sa loob" yaya ko sa kanya sabay punas sa luhang lumandas sa pisngi ko.


Sumang-ayon naman si Lola ngunit tila bahid pa rin sa mukha niya ang pag-aalala. But I smiled at her assuring that I'm okay.


Pagkapasok ko sa loob ay sinabi ni Lola na magpalit na muna ako ng damit kaya pagkatapos kong magpalit ay bumaba na ako. Wala pang text sa akin si Caiden kanina pa. Hindi ko alam kung anong meron pero hindi na lamang ako nag-isip ng kung ano-ano.


"Kumusta apo?" tanong ni Lolo sa akin ng pagbaba ko sa hagdan.


"Okay lang naman po ako" sagot ko.


"Nasagutan mo ba lahat?" tanong niya pa.


"Opo" sagot ko at ngumiti sa kanya.


I think Lolo is a bit older than Lola pero kahit sa edad ngayon ni Lolo ay tila hindi siya tumatanda siguro dala na rin ng katikasan ng katawan niya noong nagbabarko pa siya. Lolo's hair now is bit white pero may nakikita pa rin naman akong itim mula roon. Ang mukha naman niya ngayon ay tila nagbago na rin dala na siguro ng katandaan ngunit makikita mo pa rin ang ka-gwapuhan mula roon.


Umupo na lamang ako sa salas at maya-maya ay dumating si Lola. Bumaba na rin si Gab at Cole at sa salas na rin sila umupo. Ngayon na lamang ulit kami nagsama-sama ng ganito sa salas.


"Eto na siguro ang panahon para ibahagi namin sa inyo ang pag-iibigan namin ng Lolo niyo" umpisa ni Lola.


"Precy" tawag ni Lolo.


"Hayaan muna Carlo ngayon lamang ulit tayo nakapag-ganito" banggit ni Lola.


Lolo just nodded at ngayon ay nakaharap na kami kay Lola para simulan ang kwento niya.


"Una sa lahat, ang Lolo niyo ay dakilang crush ng bayan sa campus" umpisa ni Lola at tila nagutla ako sa sinabi niya.


"Ngunit hindi ko siya gusto" sabay tawa ni Lola. Napatawa rin naman si Gab at ako samantalang si Cole naman ay hindi pa masyadong maintindihan ang sinasabi ni Lola pero nakikinig pa rin siya.


"Hindi ko nagustuhan ang Lolo niyo noon dahil alam kong masasaktan niya lamang ako at baka paglaruan niya ako. Pero ang lahat ng 'yun ay nawala ng kumalat sa school na may gusto siya sa'kin"


Parang kami lang pala ni Caiden. Hindi ko rin naman siya gusto noon pero habang tumatagal noon ay tila nagkakagusto at nahuhumaling na ako sa kanya.


"Kaibigan ko noon ang Lola ni Caiden" banggit ni Lola na tila ikinagutla ko rin.


"Patay na patay si Lordes kay Carlo noon" sagot pa ni Lola, hindi naimik si Lolo kaya pinagpatuloy pa ni Lola.


"Nang malaman ni Lordes na may gusto sa akin si Carlo ay tila nagkalayo na rin kami ng agwat. Nawala ang pagkakaibigan namin. Dahil lang kay Carlo. Wala akong naging kaibigan noon dahil doon. Maraming naiiyamot noon sa akin lalo na ang mga babae dahil gawa ng inyong Lolo Carlo"


"Precy" tawag ulit ni Lolo.


Ngunit hindi 'yun pinaunlakan ni Lola nagpatuloy pa rin siya.


"Nagkalabuan kami ng inyong Lolo dahil sumuko ako noon dahil sobra ang dinanas ko sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya. Kahit na pagsabihan ni Carlo ang mga babae noon na nang-aapi sa'kin ay tila nagpapatuloy pa rin sila. Wala akong malapitan noon. Mag-isa lamang ako. Kaya minabuti kong maghiwalay na lamang kami at ng nalaman 'yun sa buong campus ay wala ng nang-api sa'kin at bumalik lahat ang lahat ng mga kaibigan ko noon" sagot pa ni Lola.


"Ngunit ng ibalita sa buong campus na si Lordes at Carlo na ay tila nabaliw ako. Nagsisi ako dahil pinakawalan ko agad siya ng ganon-ganon na lang. Pero 'yun pala palabas lamang ang lahat ng 'yun para masaktan lamang ako at ipamukha sa akin kung anong sinayang ko. Nagkabalikan kami ng Lolo mo noon dahil nagkaliwanan din kami at mahal na mahal namin ang isa't-isa pero may nangyari..." sagot ni Lola sabay tingin kay Lolo.


Nakakunot ang noo ko ngayon at tila kuryoso na.


"Precy" tawag ulit ni Lolo.


"Itutuloy ko Carlo"


"Your Lolo cheated at me" sagot ni Lola.


Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Lola. Hindi nasagi sa isip ko na mang-cheat si Caiden. Alam ko namang gwapo siya at maraming nagkakagusto sa kanya ngunit hindi ko maisip na lokohin niya ako ng ganon.


"Unang sampa niya 'yun sa barko. Nang makita ko siyang may kasamang babae. Halos nagpuyos ako sa galit ng makita kong magkasama sila sa isang cafe sa mall. Galing ako noon sa isang mall at nakita ko sila na nagkakatuwaan mula roon. Hindi ko tinext ang Lolo niyo noon. Wala akong paramdam. Hindi ako nagpakita sa kanya nilayuan ko siya. Hindi ko siya pinag-explain hanggang sa dumating 'yung araw na nagkaunawaan kaming dalawa"


"Na lahat pala ng iyak ko sa gabing 'yun ay hindi worth it na iyakan dahil wala naman pala ang lahat ng 'yun. Hindi ako gusto ng Mama ng Lolo niyo kaya naghanap agad ito ng irereto sa anak at pinatulan naman ng Lolo niyo dahil masunurin siyang anak. But in the end wala paring nakapigil sa pagmamahal namin ng Lolo niyo. Lola smiled at us genuinely.


Bakit kaya hindi gusto ng Mama ni Lolo si Lola kung ganong maganda naman si Lola? Hindi na lamang ako nagtanong dahil pagkatapos magsalita ni Lola ay nagsalita naman si Lolo.


"Ang Lola niyo ay maganda rin noong kabataan niya kaya maraming nagka-kagusto. Pero walang magawa ang mga manliligaw niya dahil nandoon ako" sagot ni Lolo.


Ilan kaya ang mga nabasted ni Lola kung gano'n? Siguro ay marami pero hindi na rin ako nagtanong kay Lola.


Sa relasyon ni Lola ay masasabi kong may pagkakamali rin si Lola. Dahil tila hindi niya pinakinggan si Lolo. Hindi niya pinag-explain si Lolo kaya siya nagkaganon. Pero sayang lamang ang mga luhang pumatak sa kanya nung mga gabing wasak na wasak siya dahil niloko siya ni Lolo. Nang malaman niya na ang katotohanan na hindi siya niloloko ni Lolo ay tila nabuhusan siya ng katotohan. But, tila napapa-isip pa rin ako kung bakit ayaw ng Mama ni Lolo kay Lola. Wala akong nakikitang dahilan pero siguro may dahilan para roon.


Pero masaya ako dahil ipinaglaban nila ang relasyon nila kahit na ayaw ng Mama ni Lolo. They risk everything pero worth it lahat naman ang lahat ng 'yun. At siguro wala silang pinagsisihan bandang huli dahil nakikita ko naman simula noon na mahal na mahal nila ang isa't-isa.


Nawala lamang ako sa pag-iisip ng nabanggit ni Lola si Mama at ang Papa ni Caiden.


"Ang Mama mo Haley at ang Papa ni Caiden ay ipinagkasundo namin noon"


"Pero makulit ang Mama mo. Pasaway hindi sumunod sa amin ng Lolo mo. Mahal na mahal niya ang Papa mo. Kaya nagkagalit kami ni Lordes noon"


Hindi ko rin maisip na fixed marriage pala si Mama at Tito Dennis. Pero hindi niya pinili si Tito Dennis at ang pinili niya ay si Papa. Pero nagsisi kaya siya ngayon?


"Pero kalaunan naging mabuti na rin naman si Lordes sa akin matapos 'yun. Ako na ang humingi ng pasensya dahil ang buong akala ko ay walang kasintahan ang iyong Mama pero nagkamali ako dahil meron pala. Nilihim pa niya sa amin ang lahat kaya nagalit ako. Ipinagkasundo namin siya dahil ang buong akala namin ay wala siyang kasintahan pero meron pala kaya nagalit si Lordes sa'kin. Pero ng isinilang na si Caiden at ikaw Haley nawala na ang galit ni Lordes sa pamilya natin"


Kaya pala simula noon ay tila malapit na ang loob nina Lola at Lola Lordes noon. At tila may tiwala si Lola kay Caiden dahil kilala niya ito bilang apo ni Lola Lordes at tila kilala niya na rin ang mga Almanzor.


Ngunit wala pa rin paramdam sa akin si Caiden simula kanina pa. Ano kayang ginagawa niya? Natapos na ang kwento ni Lola wala pa rin siyang paramdam.


Pagkatapos mag-kwento ni Lola ay nagpaalam siya na pupunta sa kusina para maghanda ng hapunan. Kaya naiwan ako sa salas. Si Gab naman ay umakyat na sa taas pagkatapos noon.


May isang sasakyan na tila nagpatay ng makina. Alam kong siya na 'yan dahil tila pamilyar na ako sa tunog ng sasakyan niya.


Ang bumungad agad sa akin ay ang bagong ligong si Caiden. He's wearing a jeans right now and a plain white shirt. At tila napapansin ko rin na parang lumalaki na ang mga braso niya.


Tumayo ako para salubungin siya. At pagkatapos noon ay binalot niya ako ng yakap.


"I missed you" he whispered.


"I missed you more" I whispered back.


"Sorry, hindi na ako nakapagtext. I was busy with the restaurant again. Nagkaproblema kaya pinatawag na naman ako ni Mama" si Caiden sabay kalas sa yakap niya.


"May gagawin ka ba?" tanong niya.



"Wala naman" sagot ko.


"Yayain sana kita mag-dinner sa bahay" sagot niya na ikinakaba ko.


"But first, nasagutan mo ba lahat yung mga question sa NCAE?" tanong niya.


"Yes. May iba na hindi sure, pero may sure naman" sagot ko.


"See I know you can do it" he chuckled.


"Papaalam lang ako kina Lola. Magbihis ka na" sagot niya pa.


I just nodded to him.


Nagbihis na lamang ako ng simpleng dress at naglagay ng konting make-up pagkatapos noon ay bumaba na ako.


Pinayagan naman kami ni Lola kaya pagkatapos kong bumaba ay nagpaalam na kami ni Caiden.


Pinagbuksan niya ako ng pinto sa front seat at pumunta na siya sa driver sear at pinaandar ang sasakyan.


I was too nervous dahil ito ang unang pagkakataon na makikila ko ang pamilya ni Caiden.


Nagpark na si Caiden sa bahay nila. Sa labas palang ng bahay nila ay abot na ang tahip ng puso ko.


"'Wag kang kabahan kasama mo naman ako" sagot niya at hinawakan ang kamay ko.


Pagpasok ko pa lamang sa bahay nina Caiden ay tila nag-uumagaw na sa karangyaan ang bahay nila. Nilibot ko nag paligid at puro mamahaling muwebles ang nandoon. The color of their house was painted with a light colors. Everything seems to be perfect ngunit ang chandelier nila ang tila naging agaw pansin sa'kin. Saan kaya nila nabili ito dahil tila sobrang ganda nito. Siguro'y pinasadya pa nila ito.


Ngunit hindi na muli akong nagmasid sa paligid dahil sinalubong agad kami ng Lola ni Caiden mula roon.


"Hello hija" bati sa'kin ni Lola Lordes na banayad ngayon ang ngiti sa'kin.


"Hello po" bati ko sabay ngiti.


Tila nag-agaw pansin sa'kin ang suot ng Lola ni Caiden dahil hindi bakas sa suot niya ang katandaan. She look more younger today. And the dress she's wearing right now are screamed powered.


Nagpunta kami sa dinig area nila. Tila hindi na ako makagmasid ng maayos dahil nagulat ako roon na nandoon ang mga Almanzor.


Umupo si Lola Lordes sa kabisera at pumunta naman kami sa tabi ng Mama ni Caiden wala si Tito Dennis doon. Katabi ng Mama ni Caiden ay si Caleb at may dalawang walang naka-upong upuan roon kaya umupo kami sa tabi nito.


Pagkatapos kong umupo ay nginitian naman ako ngayon ni Ma'am Anne. I just smiled at her. Ngunit ang isang Tita ni Caiden ay tila tinignan lamang ako. I smiled at her pero hindi niya sinuklian. Bumaling na lamang ako sa Tito ni Caiden nginitian ko siya and he smiled at me too.


Tahimik ang buong hapag ngunit nakatingin sila ngayon sa aming dalawa. Busy si Caiden sa pagsandok ng mga ulam na nilalagay sa plato kaya napapatingin silang lahat sa amin. Si Lola Lordes naman ay napapatawa na ngayon.


"Caiden may kamay naman si Haley" si Lola Lordes na ngayon ay tinatawanan ang apo sa ginagawa.


Hindi umimik si Caiden at pinagpatuloy lamang ang ginagawa. Maya-maya ay bumulong ito sa'kin.


"Okay na ba 'yan?" he whispered


I just nodded to him. Kitang-kita ko ang titig ng Tita ni Caiden sa akin. Na tila tinitignan niya ang bawat galaw naming dalawa.


"Kumusta ang Restaurant, Karen?" tanong ni Lola Lordes habang nakain na kami.


"Okay naman Ma, medyo nagkaka-aberya minsan kaya pinapatawag ko si Caiden" sagot ni Tita Karen.


"Ikaw Haley, kumusta naman ang school mo?" tanong ni Lola Lordes na labis na nagpakaba sa akin.


"Okay naman po" sagot ko na kabang-kaba na.


"Anong grade muna nga ulit?" tanong ni Lola Lordes.


"Grade 10 po"


Muling sumilay ang ngiti sa labi ng Tita ni Caiden nanc sabihin ko 'yun. Hindi ko alam kung bakit natatawa siya sa sinagot ko at tila wala namang nakakatawa sa sagot ko na 'yun.


"Is that so?" tanong ng Tita Caiden at tila ramdam ko ang pait sa tono ng pagkakasabi niya.


"Ang babata niyo pa"


"Karla" sagot ni Lola.


"Totoo naman Mama, ang babata pa nila sa ganitong bagay" sagot niya.


Sa totoo lang tama naman si Tita Karla bata pa nga kami sa ganitong relasyon. Marami pa kaming pagdadaanan sa buhay. Marami pang dadating na pagsubok.


Natatakot ako. Natatakot ako na baka pag iniwan ako ni Caiden ay baka tuluyan akong mawasak. Nakakatakot... pero wala akong magagawa kung hindi sumubok dahil mahal ko siya. Sinagot ko siya dahil mahal ko siya, kaya sana siya na... sana siya na yung tamang tao para sa akin na hindi ako sasaktan at iiwan sa huli.


"Ate Karla stop it" si Ma'am Anne.


"Ate" sagot ng Tito ni Caiden.



Walang imik si Tita Karen sa nangyayari kaya lalo akong kinakabahan.


"Hayaan mo ang mga bata" dagdag pa ni Ma'am Anne.


"Ate tama na" sagot pa ng Tito ni Caiden.


"Hindi Chad. I won't stop" sagot ng Tita ni Caiden. "Ang punto ko rito ay masyado pa silang bata sa ganito. Baka mapagaya pa sila kay Anne at Mon. Kung hindi natin napigilan noon ay paniguradong sa kang-kungan ang hantungan niyan. Education is the key to success. Mag-aral muna sila bago sila humantong sa gana'n"


"At anong hahayaan Anne?" sabay tingin ng Tita ni Caiden kay Ma'am Anne. "Nung time na nahumaling ka kay Mon halos hindi ka nakain, nalabas at palagi ka nalang naiyak. Bakit!? Dahil niloko ka?! Tama ako diba!? Grade 10 ka rin naman noon diba!? Grade 10 ka ng nahumaling ka kung hindi ka sana namin napigilan ngayon saan ka pupu-"



"Stop talking about the past! Tapos na 'yun! Kaya pwede ba Ate tama na!" putol ni Ma'am Anne kay Tita Karla na ngayon ay galit na.


"Tama na nga 'yan!" Awat ni Lola Lordes sa dalawa niyang anak na nag-aaway.


Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam...


Worth it pa ba 'to? At tama ba ang narinig ko? Si Ma'am Anne at Tito Mon dati?! At Grade 10 din ng naging sila ni Tito Mon!? And what happened? Bakit niloko ni Tito Mon si Ma'am Anne?! Bakit tila naging matandang dalaga nalang si Ma'am Anne dahil ba hindi niya matanggap ang ginawa ni Tito Mon? O may iba pang dahilan?


"Cortez ka diba?" tanong ni Tita Karla na tinignan ako nang mariin.


"Hindi ko 'yun maipag-aakila dahil halata naman sa itsura mo. Kamukhang-kamukha mo si Ate Hilari who knows na baka lokohin ka lang din niyan Caiden gaya ng ginawa ng Mama niya" si Tita Karla sabay tingin kay Tita Karen at kay Caiden.


Hindi makaimik si Tita Karen hanggang ngayon. Gano'n din si Caiden. Tila nakatitig lamang siya ngayon sa pagkain.


Gusto ko nang umalis. Gusto kong umimik tungkol kay Mama dahil bakit tila napasama pa siya. Pero kahit na may galit ako kay Mama, Mama ko pa rin siya at wala akong magagawa roon. A part of me was mad dahil ang totoo hindi naman niloko ni Mama si Tito Dennis. Gusto kong umalis ngunit pag-umalis ako ay magmumukhang bastos lamang ako sa kanila.


Nawalan na rin ako nang gana kumain kaya hindi na rin ako kumain. I was so shocked on what's happening right now. Si Ma'am Anne ay tila kalmado na ngayon hindi katulad kanina. Ngunit si Tita Karla ay hindi pa rin siguro tapos sa lintanya niya.


"Oh well another Almanzor and Cortez issue again. Hija mag-isip ka ng mabuti ha" baling niya sa akin "At ikaw rin Caiden" si Tita Karla sabay tingin kay Caiden.



"Alam mo ba ang past ng mga Almanzor at Cortez hija?" sagot pa ni Tita Karla na tila hindi ko alam ang past ng mga Almazor at Cortez.


"Karla tama na!" sigaw ni Lola Lordes na ngayon ko lang narinig.


Pagkatapos noon ay tumayo na si Tita Karla at umalis na mula ro'n sa kusina. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. Alam ko na ang nangyari sa pagitan ng Almanzor at Cortez ngunit may hindi pa ba sinasabi sa akin si Lola?


"Pasensya ka na Haley" sagot ni Lola Lordes sa akin.


"Okay lang po, hindi na rin po ako magtatagal" sagot ko.


Tila napabaling si Caiden nang marinig niyang aalis na ako. Kanina pa siya nakatitig doon sa plato niya at ngayon lamang natauhan. At si Tita Karen naman ay tila tahimik pa rin hanggang ngayon. Ano pa ba ang hindi ko alam na dapat kong malaman? Bakit tila hindi man lang makapagsalita si Caiden at Tita Karen kay Tita Karla!?


Tumayo na ako pagkatapos no'n at dire-deretso na lumabas sa bahay nila na walang tinitignan. Hindi ko na alam gulong-gulo na ako.


Gulong-gulo na ako sa buhay. Tama si Tita Karla ang bata pa namin ni Caiden. At tila parang labag 'yun para sa kanya na bata pa lamang kami ay ganito na. At sa sinabi niya kay Mama. Mama didn't cheat on Tito Dennis dahil hindi naman naging sila. Gano'n na ba ang tingin ng mga Almanzor sa mga Cortez?


Cheater!?


"Haley!" tawag ni Caiden na sinundan pala ako. Akala ko hindi na niya ako susundan.


Tanging buwan na lamang at bituin na ang nagbibigay liwanag sa amin ngayon. At ang mga mumunting ilaw sa labas ng bahay nila.


"I'm sorry" kitang-kita ko sa mga mga niya ang lambot ng pagtitig noon sa akin.


"I'm sorry hindi ako makapagsalita kanina" sagot niya pa, na ngayon ay nakayuko na. Kaya nilapitan ko siya.


"Wala 'yun" I smiled to him to assure that it's okay pero hindi pa rin siya nagpatinag.


"Eto na 'yung kinatatakutan ko" sagot niya. "Ayaw kong mapagaya kina Tito Mon at Tita Anne" sagot niya.


Hindi ako makaimik sa sinasabi niya. Pagkatapos niyang yumuko ay tumitig siya sa akin.


"Pero hinding-hindi ko hahayaan na mangyari 'yun. Hihintayin kita. Hihintayin kapag handa ka na. At hihintayin kita kahit ano mang manyari tandaan mo yan Haley"


Tila may namuong luha sa mga mata ko. At tila pumatak 'yun ng sabihin niya. Hindi ko alam kung bakit ganito pero ang marinig na sabihin niya 'yun mula sa bibig niya ay parang lahat ng pangamba ko ay nawala.


"A-ko rin at lagi mo r-ring tatandaan na h-hindi ako katulad ni M-mama" My voice broke.


Pinunasan niya ang luhang pumatak doon.


"I know. Tita Hilari didn't cheat on Papa. I know that" sagot niya pa


I just nooded to him. At pagkatapos noon ay binalot niya ako ng yakap.


Caiden is my home. My one and only home. And the man that I would only love no matter what happened.


"Hinding-hindi kita iiwan. Pangako 'yan" he whispered.


Muling pumatak ang luha ko pagkatapos no'n.


Sana nga Caiden... sana nga hindi mo ko iwan... sana tayo hanggang dulo.


;)

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...