When the Moon Heals (Sequel #...

By Maria_CarCat

3.5M 158K 96.6K

This is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series Mahirap siyang abutin, masyadon... More

When the Moon Heals
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter

Chapter 4

42.3K 1.9K 1.2K
By Maria_CarCat

Blueprint





Hindi ko na ulit siya pinansin pagkatapos non. Nanahimik lang din naman siya habang hawak ang bulaklak na ibinigay ko sa kanya. The way she hold it, parang ingat na ingat siya. Ilang beses ko pa siyang nakitang napapatitig doon.

"Ito na po, Sir" sabi ng babaeng nag arrange ng flower.

"Thank you"

Nakasunod lang si Alice sa akin pagkalabas ko ng flower shop. Dumiretso kaagad ako sa backseat para maingat na ilapag yung bulaklak para kay Vera. I feel so proud, salamat naman at kahit papaano ay nagkaroon ako ng chance na ma-reedem ang sarili ko mula sa kahihiyan ko noong una.

Napabalikwas ako ng marinig kong bumukas at sumara na ang pinto sa may passenger seat. Hindi na niya hinintay pa na pagbuksan ko siya. Hinayaan ko na lang at umikot na ako papunta sa may driver seat.

"Liliko ba tayo dito, or diretso lang?" tanong ko.

Mula sa bulaklak ay nag angat siya ng tingin sa may kalsada. Nagtagal ang tingin ko sa kanya ng makita kong humaba pa ang nguso niya habang nagiisip. Magiisip na lang, ang tagal tagal pa.

"Ikaw ang bahala" sagot niya sa akin na mas lalo kong ikinainis. Naghihintay ako ng maayos na sagot, buong akala ko ay makakakuha ako sa kanya dahil ang tagal niyang sumagot tapos ngayon ay sasabihin niya sa aking ako ang bahala?

"Taga dito ka, mas kabisado mo ito kesa sa akin" laban ko.

Bahagya pang kumunot ang noo niya. Indication na kung itutuloy ko ang pangungulit ay magagalit nanaman siya.

"Idiretso mo na lang, tapos ikot na lang ulit" sagot niya sa akin. Tumikhim pa na para bang ayaw niya ng makipagusap ulit.

Ang babaeng ito, kaya siguro mainit ang dugo ko sa kanya ay dahil ganoon din siya sa akin. Well guess what, the feeling is mutual. Kung ayaw niya sa akin, ayaw ko din sa kanya. Pasalamat siya at bestfriend siya ni Vera.

Mas lalo pa akong nairita ng mag traffic. Diretso ang tingin ko sa kalsada, pero kita ko sa aking peripheral vision na halos hindi na maalis ang tingin niya sa bulaklak.

"First time mo bang makatanggap ng bulaklak?" tanong ko. I just want to kill the boredom, kung hindi lang traffic ay hindi ko din naman siya kakausapin.

Hindi pa siya nakakasagot ng muling pumasok sa isip ko ang sinabi ni Tita Elaine, marami nga palang manliligaw ito at may boyfriend pa. What a stupid question, Hobbes!

"Hindi" tipid na sagot niya sa akin.

Bumaba ang tingin ko ng magiwas siya ng tingin, humarap sa may bintana at maingat na inilapag ang bulaklak sa kanyang lap.

"Si Vera ba madaming manliligaw dito?" tanong ko. We can give it a try, baka naman pwede ko din siyang maging kaibigan para naman hindi siya palaging galit sa akin.

Nanatili ang tingin niya sa may bintana bago siya nagkibit balikat. "Hindi ko alam" sagot niya sa akin na hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Medyo bastos talagang kausap.

Kumunot ang noo ko ng ibalik ko sa kalsada ang tingin ko.

"Alam ni Vera halos lahat sayo, tapos ikaw..." I don't wanna be sound bitter for Vera, pero ayoko na ginaganon siya.

"Baka bumalik lang din si Vera sa ibang bansa, mas mabuting wala akong alam tungkol sa kanya" she said.

Napaawang ang bibig ko. Hanggang sa mag sink in sa akin ang lahat, this girl is just like me, takot ata sa commitment. Takot ma-attach sa ibang tao. Dahil sa isiping anytime soon, pwedeng umalis si Vera.

Natawa ako. "That's why, tulungan mo ako. Malay mo naman pag naging kami hindi na siya umalis" sabi ko pa sa kanya.

Nawala ang ngiti ko ng manahimik lang siya, walang sinabi na kung ano. Nice talking, tangina.

"Ayaw mo sa akin? Ang init ng dugo mo, eh wala naman akong ginagawa sayo" sabi ko.

Sandali siyang sumulyap sa akin bago niya ako inirapan at muling nagiwas ng tingin. Nagtiim bagang ako.

The last time na may ganitong nangyari, may nasirang pagkakaibigan. Kaya naman pala hindi boto sa akin noon yung kaibigan ng nililigawan ko dahil may gusto din sa akin.

I'm not a fan of boys over friendship na pagaaway, kaya sa huli tinigilan ko silang dalawa. But this time, seryoso ako kay Vera. Siguro naman ay magugustuhan niya din ako anytime soon, hindi ko naman siya pipilitin.

And with this Alice, kung kagaya din siya ng ibang babaeng handang sumira ng pagkakaibigan, I won't let her.

Huminto ang sasakyan sa parking lot ng isang kilalang grocery store. Walang imik na nagtanggal ng seatbelt si Alice, matapos niyang gawin iyon ay bumaba na siya. Nakita ko pa kung paano niya maingat na inilapag sa upuan ang isang pirasong bulaklak.

Nagtaas ako ng kilay at pinabayaan na lang. Medyo weird talaga siya.

Pinagawayan pa namin ang basket at cart, kaonti lang naman daw ang bibilhin kaya yung basket na lang ang pinakuha niya sa akin. Kesa makipag-away pa sa kanya ay iyon na lang ang kinuha ko.

Napairap ako sa kawalan ng sumunod ako ng lakas sa kanya. Gusto kong magreklamo ng halos maikot na namin ang lahat ng shelfs pero hindi pa din niya mahanap ang bibilhin namin.

"Hindi ka ba familiar dito?" tanong ko, sa pangalawang ikot namin.

Sinamaan niya ako ng tingin at nagtaas pa ng kilay. "Hindi ka rin ba marunong maghanap? Sunod sunod ka lang, eh kung naghanap ka din?" tanong niya sa akin.

Naikuyom ko ang aking kamao. Nanatili siyang nakatayo at nakaharap sa akin, nakataas pa din ang kilay. Marami ng nanginis sa akin noon, pero ang isang ito. Nakakakulo talaga ng dugo.

"Kilala mo ba ako?" tanong ko sa kanya, hindi ko na mapigilan. Ayoko sanang umabot kami sa ganito, pero wala na sa lugar yung pagiging masungit niya.

Nagtagal ang tingin niya sa akin bago dahan dahang umiwas ng tingin, kita ko din ang pagbagsak ng balikat niya.

"Hindi ako sanay sa grocery, kaya hindi ko alam kung saan hahanapin" sagot niya sa akin.

Nalaglag ang panga ko. "Grocery lang?" giit ko.

"Lang? Naka punta ka na ba ng palengke?" tanong niya sa akin, kahit malumanay na ngayon ay ramdam ko pa din ang tapang sa boses niya.

Hindi ako nakasagot.

"Doon mo ako dalhin, baka ikaw pa ang iligaw ko" sabi niya sa akin kaya naman kumalma ako.

Bayolente akong napalunok at nagiwas ng tingin. Pakiramdam ko, sumusobra na ako kaya naman hahayaan ko na lang. Hindi ko lang kasi talaga maintindihan, kung ibang babae itong kasama ko baka magkaibigan na kami ngayon.

Hinayaan ko siyang maghanap, naghanap na din ako para mapabilis kami. Nadaan kami sa chips section, binilhan ko na din ng mga chocolates yung mga bata.

Nilingon ko si Alice na kanina pa nakatingin sa syrup, pati iyon ata ay pagiisipan pa niyang mabuti.

"Yung pula" sabi ko sa kanya.

Tumango siya at lumapit sa akin para ilagay yung Maple Syrup sa hawak kong basket.

"Tara na, kumpleto na ang lahat" yaya niya sa akin pero muli kong tiningnan ang stante ng mga chocolates.

"Pumili ka ng sayo" sabi ko sa kanya.

Kita ko ang gulat sa mukha niya, nakuhanan ko na din si Vera ng para sa kanya.

Lumipat ang tingin niya sa mga chocolates, kita ko namang nagliwanag ang mukha niya ng habang pumipili siya.

"Dadami ang utang ko sayo" marahang sabi niya habang pumipili.

Nagtaas ako ng kilay at humalukipkip pa. "Madami akong pera" pagyayabang ko kaya naman nakita ko kung paano tumaas ang isang sulok ng labi niya.

"Wala akong gusto" sabi niya at kaagad akong tinalikuran.

Nalaglag nanaman ang panga ko. Hindi ko na din maintindihan ang mood ng babaeng ito. Nalipasan ata ng gutom.

Sa huli, ako na lang ulit ang kumuha ng para sa kanya. Kailangan kong amuhin si Alice, kung titingnan ko kung gaano siya kagusto ni Vera, akala mo ay kakambal niya ito.

Kagaya kanina ay nauna nanaman siyang sumakay sa sasakyan, ni hindi nga siya lumapit sa akin nung nasa counter ako. Kung makaiwas siya ay akala mo naman pagbabayarin ko siya.

Papasok pa lang kami ng Villa ay nakita ko na kaagad ang pagtakbo ng mga bata palapit sa amin. Hindi ko maiwasang mangiti ng makita ko si Vera na nakatayo sa may front door, karga si Gianneri habang nakatingin din sa amin.

Para bang siya yung asawa ko na uuwian ko pagkatapos ng trabaho, at ganito ang mga anak namin. Ilang anak kaya ang gusto niya? We can have as much as she wants, walang magiging problema sa akin.

Mabilis na bumaba si Alice pagkahinto ng sasakyan, hindi na din ako nakapalag pa ng kinuha niya ang plastick ng mga pinamili namin, walang kahirap hirap niya iyong binuhat. Ang babaeng ito, nagbubuhat ba siya ng sako ng bigas sa ricemill factory nila Eroz?

"Yehey!" sigaw ng mga bata ng salubungin nila si Alice.

Binuksan ko ang backseat para kuhanin ang bulaklak na binili ko para kay Vera, nagtaas siya ng kilay ng makita niya ang hawak ko. Pagkatapos ay lumipat din ang tingin niya sa hawak na bulaklak ni Alice.

"You like sunflower, right?" tanong niya dito na ikinagulat ko.

Nilingon ko si Alice pero nagiwas lang siya ng tingin sa akin bago siya tuluyang pumasok sa loob kasama ang mga bata.

"Para sayo, I bought it kahit hindi tama yung timming. I just want to brighten your day, kahit konti" sabi ko kay Vera.

Napabuntong hininga siya, inayos niya ang pagkakakarga kay Gianneri bago niya kinuha ang bulaklak na ibinigay ko para sa kanya.

"Thank you" she said kaya naman nawala lahat ng pagod at inis ko sa naging byahe kanina.

"C'mon, you should eat. Pakainin na din natin ang mga bata" sabi ko sa kanya kaya naman natawa siya.

"You sounds like a concern Daddy, alam mo magasawa ka na" sabi niya sa akin kaya naman mas lalo akong napangiti.

"Pwede ka na ba?" tanong ko sa kanya kaya naman inirapan niya ako.

"Ayoko sa corny" sabi niya sa akin bago niya ako iniwang magisa. Damn this woman.

Nagkakagulo na sila sa dinning pag pasok ko. Tawang tawa si Tita Afrit dahil sa mga bata. Nakaupo na si Vera sa may gitna, hawak pa din niya si Gianneri. Kaagad kong binuhat si Prymer para iaayos siya ng upo, kanina pa ito nakatayo sa may upuan. Kulang na lang ay gumapang sa itaas ng lamesa.

"The pancake is not hot na" si Kianna.

Tumango si Cassy. "But, yummy pa din naman. Tita Afrit, can I have more syrup?"

After they all settled, umupo na din si Alice na ngayon ay karga si Primo, may sarili pagkain ito. They way she hold him, para bang sanay siya sa pagaalaga ng bata.

"Kamusta na kaya ang mga iyon?" si Tita Afrit.

"You don't have to worry about them, Tita. Kayang kaya iyon nila Tadeo at Piero" sabi ko sa kanya, para na din hindi na sila masyadong magalala.

Napabaling ako kay Vera, she wants to enjoy the pancake pero kita kong hindi naman talaga. Gusto niya lang din makisama sa mga bata para hindi siguro maramdaman ng mga ito na may problema.

Panay ang haplos niya sa likod ng matamlay na si Gianneri. Tahimik lang din ito habang nakayakap sa Tita Vera niya. She's going to be a great Mom someday, alam ko.

"Anong ipapaluto natin for lunch? Padalhan na lang siguro sila? Or sana naman umuwi na lang silang lahat ng ligtas at sabay sabay tayong kumain" si Tita Afrit, hanggang ngayon ay kinakabahan pa din. Hindi ko naman iyon maiaalis sa kanya.

It's just that, kilala ko ang mga pinsan ko at alam kong kayang kaya nila iyon. Si Piero pa, eh nung minsang sinabi niya sa akin na dati siyang hired killer, hindi ako naniwala. Hanggang sa makita mismo ng dalawang mata ko kung paano siya makipaglaban.

Tsaka lang kami nakahinga ng maluwag ng ibalita sa amin ni Tito Darren na nailigtas na si Yaya Esme at nasa hospital na. Wala naman masyadong nasugatan bukod dito kundi si Piero na may daplis daw ng bala sa braso.

"Tutulong na po ako sa pagluluto, Tita" sabi ni Alice kay Tita Afrit. Tumango ito at ngumiti sa kanya. They're cool naman pala talaga, akala ko noon ay magkakaroon pa ng ilangan dahil sa nangyari sa kanilang dalawa ni Tito Darren.

"Buti na lang at nandito ka" pahabol pa ni Tita Afrit.

"That's true, Tita Afrit. Magaling magluto si Alice, lalo na yung chicken feet na adabo" Vera said na ikinagulat ko pa nung una.

"Kumakain ka pala non?" tanong ko sa kanya.

Tumango siya sa akin bago siya sandaling napaisip, para bang may naalala siya pagkatapos ay nangiti.

Naging abala sina Tita Afrit at Alice sa may kitchen para maghanda ng lunch. Nakatulog ang ibang bata, kaya naman ang naiwan sa amin ay sina Kianna, Cassy, at Prymer.

"Girls, you want pizza? What do you want for snacks?" tanong ni Vera sa mga ito.

Nagpalatag pa siya ng picnic cloth para ma-feel ng mga bata na nag pi-picnic talaga kami.

"Yes po, Tita Vera" Prymer said.

Tinitigan ni Vera si Prymer, kita ko ang pagtaas ng isang sulok ng labi nito bago siya umirap sa kawalan.

"Sure, Tito Hobbes will order for us" sabi niya at tumingin sa akin.

Kaagad akong tumango, hindi naman iyon problema sa akin. I can give them all they want. Kaya ko namang ibigay kay Vera ang lahat ng request niya sa akin. Kahit ano.

Matapos niyang sabihin iyon ay kaagad na tumalon si Prymer at yumakap sa kanyang paa.

"Oh damn, anak ka pa din ni Piero" asik niya dito.

Hindi napansin ni Prymer iyon kaya naman mas lalo siyang nagtatatalon.

"Thank you, Tita Vera. Super mabait ka pala" she said cutely.

Umirap si Vera sa kawalan bago siya lumuhod para pantayan ito. "Ang disgusting ng bangs mo, just like your Mom...before" she said, I know that she didn't mean it. Ganyan lang siguro talaga siya.

Kahit ganoon ang sinabi niya ay nagawa pa din niyang haplusin ang bangs ni Prymer na para bang inaayos niya.

"Tumingin kayo dito, I'll take a pic then ipapakita natin kay Piero" sabi ko. Nagprotesta si Vera, pero bago pa man niya magawa iyon ay yumakap na si Prymer sa kanya.

Nakita nina Kianna at Cassy ang ginagawa namin kaya naman sumama din sila. Nagreklamo si Vera, pero kita ko namang gusto din niyang makipag bonding sa mga ito.

Natatawa na lang ako sa tuwing, may kuha na si Vera lang ang nanduon. Mas lalo siyang gumaganda pag ngumingiti siya.

"Patingin kami" sabi niya sa akin.

"Order muna ako ng Pizza" sabi ko sa kanya. Baka makita niyang may mga shot na siya lang ang nandoon, dagdag nanaman sa kahihiyan ko.

Nagtaas siya ng kilay. "Galawang babaero" akusa niya kaya naman napakamot ako sa aking batok.

"Anyways, it's your personal space naman. I'm not that kind of girl na makikialam ng phone ng iba" sabi pa niya at nagiwas ng tingin.

I can hand her my phone kung gusto niya. Wala din naman akong tinatago dito.

Ok na sana ang lahat ng bigla akong naka receive ng tawag mula kay Tito Luke. Dahil sinabi ko sa kanyang kukuhanin ko ulit yung project dito sa Sta. Maria ay wala akong magagawa kundi ang sundin lahat ng iuutos niya sa akin.

"Tito, Naka vacation ako" pangaasar ko dito.

"Tigilan mo ako, Hobbes. Meet Architect Escuel. Gusto kong malaman kung approve din sayo ang nasa blueprint. I need that tomorrow" si Tito Luke.

Dumating ang Pizza kaya naman nakiupo ako sa kanila sa may picnic cloth kasama si Vera. Kumuha siya ng isang slice pero hindi naman niya iyon kinain, tahimik lang niyang pinanuod ang mga bata.

"Senyorita Vera, may bisita po" lapit sa amin ng isang kasambahay.

Naghanda na sana akong tumayo dahil malakas ang pakiramdam ko kung sino iyon. Siya ang may kailangan sa akin kaya siya ang lumapit.

"Julio!" tawag ni Vera dito.

Kumunot ang noo ko ng makita ko kung paano siya ngumisi, para bang gustong gusto niya ang nakikita niya ngayon. Bagay na hindi naman niya ipinapakita sa akin sa tuwing magkikita kami.

Tiningnan lang siya ni Julio bago nito nilipat ang tingin sa akin.

"Engr. Jimenez" pormal na tawag niya sa akin.

Tamad ko siyang tinanguan. Bumaba ang tingin niya sa picnic set up namin. Umayos ako ng tayo at niyaya siya sa may table sa gitna ng garden para makita ko na kaagad ang laman ng blueprint at makaalis na siya.

"Gusto ni Sir Luke na dumaan muna ito sayo, bago ko iluwas ng Manila" sabi niya sa akin.

Hindi ko siya pinansin, nanatili ang tingin ko sa mga nakalatag na blueprint sa aking harapan. Sabihin ko kaya kay Tito Luke na pang world class ang gawa ni Julio kahit hindi naman para ipadala siya sa ibang bansa.

"Magpapahanda ako ng coffee" sabi ni Vera at tumayo pa talaga para siya mismo ang magsabi sa mga kasambahay.

Sinundan ko siya ng tingin, hindi ko maiwasang mapaisip. Mas lalo akong nainis ng makita kong wala namang pakialam si Julio. Ang gagong to.

Hindi nagtagal ay bumalik si Vera kasama si Alice. Pareho na silang may dalang kape ngayon.

"So tuloy na tuloy na talaga ang project para sa bagong mall dito. I'm happy for you...guys" Vera said.

Nagtaas ako ng kilay ng makita ko kung paano nagtagal ang tingin ni Julio kay Alice.

Dinala nila ang isang box ng pizza. Sinamahan nila kami sa table. Hinayaan na lang namin dahil hindi naman sila nakaka-istorbo.

"Oh, ayaw mo ng pineapple sa pizza mo?" tanong ni Vera. She seems so excited everytime na may nalalamang bago tungkol kay Alice.

Nilingon ito ni Julio at tipid na nginitian. "Kakainin niya yan pagkatapos" sabi ni Julio sa amin kaya naman nakita ko kung paano humaba ang nguso ni Vera.

Sumama ang tingin ko sa ginagawa ni Alice. Isa isa niyang hinihiwalay ang pineapple sa pizza. Itinatabi sa gilid para daw kainin pagkatapos. Napailing na lang ako, hindi ko din talaga maintindihan ang trip ng isang ito.

Napansin kong kumakain na din si Vera ng pizza ngayon. Hindi katulad kanina na hindi niya pinapansin. Mas lalong naginit ang dugo ko kay Julio. Maayso naman ang trabaho niya pero ang sama ng tingin ko sa mga blueprint.

"You can sleep over here, para may kasama akong magbantay kay Gianneri" rinig kong pagkausap ni Vera kay Alice.

"Hindi pwede, walang kasama si Nanay sa bahay" sagot ni Alice sa kanya. Dahan dahan niya ng kinakain ngayon yung pineapple na hiniwalay niya kanina.

Nilingon iyon ni Julio na isa din palang chismoso at mukhang kanina pa din nakikinig. "Asaan ang mga kuya mo?" tanong niya kay Alice.

Nagkibit balikat lamang ito ng hindi man lang tinatapunan ng tingin si Julio.

Padilim na ng dumating ang aking mga pinsan. Nawala sina Alice at Vera para bantayan si Gianneri. Nakaalis na din si Julio at sana naman ay wag na siyang bumalik.

Pumasok ako sa loob ng mansion ng mga Montero para sana magpaalam kay Tita Afrit at Vera na aalis na muna ako, nasa bahay na ang mga Herrer.

"Nasa kwarto iyon binabantayan si Gianneri. Akyatin mo na lang" si Tita Afrit na masyadong abala sa kusina.

Wala akong nagawa kundi ang umakyat para hanapin si Vera at magpaalam. Nasa hallway pa lang ako ng makarinig ako ng pagsara at pagbukas ng pintuan. Nagulat ako ng makita kong lumabas mula sa isang kwarto si Alice.

Wala naman sanang kaso, ngunit nakita kong hawak niya yung bulaklak at chocolates na ibinigay ko kanina para kay Vera.

"Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong niya sa akin. At siya pa talaga ang may ganang magtanong ng ganon.

Kumunot ang noo ko ng makita niyang bumaba ang tingin ko sa mga hawak niya ay kaagad niya iyong itinago sa kanyang likuran na para banag may magagawa pa siya.

"Bakit nasa iyo yan? Para yan kay Vera"

mas lalo siyang napayuko. Itinaas ko ang kamay niya kaya naman nakumpirma kong iyon nga.

"Ano bang pakay mo? Bakit pakiramdam ko, kontra ka sa amin" madiing tanong ko sa kanya.

Nagtiimbagang ako ng hindi pa din siyang sumagot. "Balak mo ba kaming sirain ni Vera? May balak ka ba?" tanong ko.





(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

7.8M 229K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
991K 34K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.