Lascivious Series #4: Fumble...

By sachtych

473K 9.8K 499

Eos Carisa Amaro and Zechariah Lambourne's Story "Do you really want me that much?" tanong nito habang naglal... More

Hedone
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Hedone's Note
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 24

8.8K 252 8
By sachtych

"Eos kaya today?" napanguso ako habang inaayos ang mga bulaklak sa shop.

"Sabi ko naman kasi sa inyo, hindi na ako sasama. Kaya ko naman dito mag-isa. Sayang din ang kita ngayong araw oh." sabi ko kay Ate Aiora.

Kinuha niya sa akin ang hawak kong bulaklak at inilapag iyon sa table. Nameywang pa siya sa harapan ko at tinaasan ako ng kilay.

"Hay nako! Magagalit si Yell sa atin sa lagay na iyan. Tingin mo ba kawalan sa babaeng iyon ang isang araw na naka-close ang shop? Barya lang sa kanya iyon! Mas uusok ang tenga ng babaeng iyon kapag hindi tayo nagpunta sa bahay nila kaya dalian mo at ligpitin mo na ang gamit mo. Aalis na tayo."

Napakamot ako ng ulo ko at bagsak ang mga balikat na pumasok sa loob ng staff room para kuhanin ang mga gamit ko. Inayos ko din muna ang mga bulaklak doon bago lumabas.

"Maga-alas dose na, Eos! Gutom na ko dali!"

"Eto na nga po!" lumapit ako sa kanya at kinurot niya naman ang pisngi ko.

"Napaka-cute talagang bata na ire! Tara na nga at nag-book na ako. Malapit na iyong driver."

Napabuntong hininga ako at sumunod na sa kanya palabas. Ni-lock namin ng maigi ang shop at naghintay na lang sa tapat ng ni-book ni Ate Aiora.

Ilang sandali lang ay may huminto na kotse at hinatak na ako ni Ate papasok.

"Sabadong-sabado busangot iyang mukha mo, Eos. Isipin mo na lang free time natin ito. Totoo din naman kasi na kailangan natin mag-unwind paminsan-minsan. Hindi yung nakatayo na lang tayo palagi sa shop at naghihintay ng customer." sabi niya sa akin habang nagi-scroll sa cellphone niya.

"Hindi naman sa ganoon, Ate. Ano kasi..." napakamot ako sa ulo ko at napakagat sa ibabang labi ko.

Tumingin siya sa akin at unti-unting sumilay ang mapanloko niyang ngisi.

"Uy~ Affected ka pa din ba kay Zel? Naku! Sinasabi ko na nga ba imposibleng makakamove-on ka sa ilang buwan lang lalo na sa mga tinginan niyo noong nakaraang araw? Aysus!" tinusok niya pa ang tagiliran ko kaya agad ko siyang sinaway.

"Ate naman."

"Ok lang 'yan. Kung naiilang ka pwede mo naman kaming tawagin para hindi kayo magkalapit. Okay ba 'yun?"

Tumango ako sa kanya pero inasar pa din niya ako.

Nakarating na kami sa loob ng village nila Yell at lalo atang dumoble ang pagkabog ng dibdib ko at pagkailang.

Nang huminto kami sa tapat ng mansyon nila Yell ay agad na kaming bumaba at nag-doorbell. Pinagbuksan naman kami agad ng gwardiya at pinapasok na kami sa loob.

Ngayon lang ako nakapunta dito at hindi ko maiwasang mamangha sa itsura ng mansyon nila Yell. Nagsusumigaw talaga ng karangyaan ang bawat sulok ng labas pa lang ng bahay nila. Madami ding naka-park sa garahe na mamahaling kotse.

Nang makapasok kami sa loob ay halos mapanganga ako sa ganda. Hindi din mapagkakaila na si Yell ang nakatira dito dahil puro white and gold ang mga kagamitan.

"Finally! Oh my gosh! You two are so tagal ha! Nagugutom na kami!" biglang sumulpot so Yell sa harap namin ha ang may isang gwapong lalaki ang nakapulupot sa likod niya.

Nagtataka man ngunit nanatili akong walang imik.

"Oh! Don't mind this asshole here. Kapitbahay ko lang siya na feeling close." sabi ni Yell at pilit na tinutulak iyong lalaki.

"Hi, I'm Lay. Yell's husband." iniumang niya sa harap ko ang kamay niya pero pinalo lang iyon ni Yell at tinignan iyong lalaki ng masama.

"Diba I told you hindi ka na ulit welcome dito? FYI! Hindi pa tayo okay!" tinulak na ni Yell iyong lalaki at hinatak na kami ni Ate Aiora sa loob ng dinning area.

"Kunwari ka pa na galit eh may anak na nga kayo. Mamaya malaman ko lang nagjujug-jugan na naman kayo diyan. Isa ka pa naman sa mga marurupok."

"No way! Watch you words, Aiora ha! Naku kapag ako nanggigil sa iyong babae ka tatanggalin kita sa trabaho!"

"As if naman kaya mo." tumawa pa si Ate Aiora at kinurot si Yell sa tagiliran.

"Ouch! You!"

"Eos! Long time no see ha!" lumapit sa akin si Pia at nakipagbeso sa akin.

Sumunod naman si Ate Xiara at Ate Cholita sa pagyakap sa amin. Kung tutuusin halos lahat naman sila mas matanda sa akin pero ayaw ni Pia at Yell na tinatawag ko silang Ate kaya sinusunod ko na lang kaysa humaba pa ang diskusyon.

"Nasaan na ang mga lalaking hamog? Nagugutom na ako!" angal ni Ate Cholita habang akay-akay sa kabilang kamay niya si Cronus

"Wage! Hoy! Pumasok na kayo dito at kakain na! Babae na naman siguro usapan niyo dyan!" sigaw ni Pia habang nakadungaw sa sliding door.

Nakita ko naman na agad nagsitayuan ang mga lalaki sa labas at mabilis na pumasok. Agad na pumulupot ang mga braso noong iba sa mga asawa nila habang ang iba naman ay napapasipol at nagkunwari na nasusuka pa.

Nagsimula na kaming kumain at wala atang minuto na naging tahimik ang hapagkainan. Madalas kasi ay nag-aasaran sila o hindi naman kaya ay mag-uusap tungkol sa kung ano man.

"Yow! Nandito na pala ang mga dakilang babaero!" sigaw ni Tyler habang nakatingin sa bungad ng dinning area.

"Gago! Nagsalita ang malinis. Palibhasa nabubulok ka na hindi ka pa din binabalikan ni Ate Cholita." asar ng bagong dating kaya napalingon ako.

Napaawang ang bibig ko nang makita roon si Zel kasama iyong dalawang lalaki na sumagot kay Kuya Tyler.

"Pare-pareho lang naman kayong nabubulok." asar ni Kuya Simon.

Napaiwas ako ng tingin nang mapadako ang tingin sa akin ni Zel. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain kahit alam kong wala na doon ang buong atensyon ko.

"Aray ko naman 'tol! Upuan na lang nakikipag-agawan ka pa eh." napalingon ako bigla sa tabi ko at halos mapasinghap ako nang makitang si Zel na pala ang katabi ko.

"Yown! Gumagalaw na iyong manok natin!" rinig kong kantyaw nila kaya lalo akong napayuko sa sobrang hiya.

Nanatili lang akong tahimik habang lalong lumalakas ang asaran sa paligid dahil sa pagdating ni Zel at iba pa nilang kaibigan.

"Bakit wala sila bebe Everleigh at Liona?" tanong ni Ate Aiora kaya napatingin ako sa paligid.

"Nag-bonding sila. Aalis na kasi this month si Lex at Liona papuntang Switzerland. Matatagalan sila bumalik kaya ayun, halos laging magkadikit iyong dalawa araw-araw." sagot ni Pia habang pinagsasandok ang asawa.

"Hala para pa namang kambal tuko ang dalawang iyon at hindi mapaghiwalay."

"Kaya nga eh. Kainis kasi itong si Andres! Bakit pa kasi bibitbitin mo ang barbie doll namin! Sabi ko naman sa'yo I can take care of her naman."

"No, Yell. Knowing you, lagi mo lang ii-spoil ang kapatid ko. Kaya lumalaki ang ulo niya eh. Lagi kayong kumukunsinti."

"I agree with him. Mas okay kung isasama niya muna si Liona kaysa iwan dito." seryosong sagot ni Kuya Lay kaya tinignan siya ng masama ni Ate Yell.

Nang matapos na ang tanghalian ay ibinigay muna sa mga kasambahay ang mga bata habang nagkayayaan naman ang lahat na magsama-sama sa lounge area.

Agad nagsi-pwesto ang iba sa tapat ng tv at naglaro ng x-box samantalang iyong iba naman ay nagtabi-tabi na sa mga mahahabang sofa.

"Kamusta ka naman, Eos?" tanong sa akin ni Ate Xiara.

"Ayos lang naman ako, Ate. Ikaw ba? Balita ko buntis ka ulit ha?"

Napangiti siya ng malawak at hinimas ang impis niya pang tiyan.

"Sharp shooter ang gunggong eh. Hindi ako tinitigilan sa pangangalabit gabi-gabi." tumawa siya kaya napatawa din ako sa sinabi niya.

"Sana all, everyday nadidiligan." biro ni Ate Aiora kaya napahagalpak kami ng tawa.

"Balikan mo iyong ex mo para madiligan ka na din. You want?" asar naman ni Ate Cholita kaya binato siya ng unan ni Ate Aiora.

"Gaga! Ikaw na lang tutal magme-menopausa ka na. Kailangan niyo na mag-doble kayod ni Tyler sa paggawa ng kapatid ni Cronus. Don't me."

"Loko ka ha, anong menopause ka dyan, hindi pa ako ganoon katanda 'no!" Atsaka anong akala mo sa akin, easy to get?"

"Bakit, hindi ba?" asar ni Pia kaya pinanlakihan siya ng mata ni Ate Cholita.

Natawa na lang kaming mga babae at napatingin sa mga lalaking walang ginawa kundi ang mag-asaran. Iyong iba naman na pipili lang ata na seryoso ay nasa isang gilid lang at nag-uusap.

Sumapit ang gabi at nilabas na ng mga kasambahay ang mga alak at nagsimula ng magkumpulan ang lahat.

"Tara laro tayo!" sigaw ni Hendrix habang hawak ang isang bote na walang laman.

"Isip bata talaga."

"Hoy, Poseidon! Kapag ako nainis sa'yo papa-pormahan ko talaga sa kapatid ko si Everleigh, kita mo!"

"Subukan mo, babangasan ko talaga iyang mukha mo!"

"Talaga! Inisin mo pa ako lalo kong bubuyuin kapatid ko sa sinisintang pururut mo."

"Bata pa si Everleigh ha?! Poseidon sinasabi ko sa'yo ha! You stop it na! Huwag niyong paglaruan ang mga kaibigan ko." sita ni Yell at binato ng unan ang lalaki.

"Tama na 'yan! Tara na kasi laro na tayo. Papaikutin ko na 'to ha! Truth or dare. Kapag natapatan ng bote, iinom."

Pinaikot na nga niya iyon at tumapat kay Ate Cholita.

"Truth or dare?"

"Dare!" matapang na sagot ni Ate Cholita at ininom iyong nasa shot glass.

"Oh, Ate! Lap dance mo si Tyler! Wala ng bawian ha! Kapag umayaw mas malala yung dare!"

Naghiyawan naman ang lahat at kulang na lang ay umusok ang tenga ni Ate Cholita.

Lalong lumakas ang hiyawan ng walang sabing tumayo si Ate at ginawa nga ang dare. Halos manlaki ang mga mata ko at matawa sa nangyayari.

Nakailang ikot na ng bote at halos malasing na silang lahat. Ilang sandali pa ay sa akin naman tumapat ang bote kaya napakamot ako sa noo ko.

"Truth or dare?" tanong sa akin ni Zel dahil siya iyong huling natapatan ng bote.

"A-ano...Truth." sagot ko at nakita ko ang mga mapang-asar na tingin nila sa amin.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanila at ininom iyong nasa shot glass habang hinihintay ang itatanong niya.

"Minahal mo ba ako?"

Lalong lumakas ang kantyaw nila sa aming dalawa at ramdam ko ang pag-init ng magkabilang pisngi ko.

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo o hindi.

"Eos." tawag niyang muli sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

"Pwedeng dare na lang?" tanong ko sa kanya kaya mas lalong lumawak ang ngisi niya.

"Wala ng bawian 'yan ha!" sigaw ni Hendrix kaya lalo akong naiilang.

"Kiss me." saad ni Zel na lalong nagpalakas ng hiyawan nila.

Kahit sila Ate Yell ay inaasar na ako kaya hindi ko alam kung kanino pa ako hihingi ng tulong.

Ayaw ko man gawin pero baka mas malala pa ang ipagawa niya. Nag-aalangan akong lumapit sa kanya at binigyan siya ng halik sa pisngi.

Aalis na sana ako nang bigla niya akong kabigin papalapit kaya napasubsob ako sa kanya.

"OMG! Hoy! Kinikilig ako!" rinig kong sigaw ni Ate Cholita kaya napakagat ako ng labi.

Napatili ako nang bigla akong binuhat ni Zel na parang sako at kinuha iyong bag ko sa sofa.

"We're going home." simpleng sagot ni Zel at hindi pa din sila natapos sa kakaasar sa amin hanggang makalabas kami ng mansyon.

"Hoy! Ibaba mo ako! Anong uuwi ang sinasabi mo dyan?! Ano ba, Zel!"

Ipinasok niya ako sa kotse niya at idinantay ang magkabilang kamay niya sa upuan kung kaya't nakulong ako sa tapat niya.

"I can't stay away from you. Siguro naman sapat na iyong mga nagdaang buwan para sa space na gusto mo. Ngayon ang gusto ko naman ang gagawin ko. Liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo. Hindi ako titigil hangga't hindi ko naririnig mismo sa'yo na mahal mo ako." sabi niya at mas lalo pang inilapit ang mukha niya sa akin.

"P-paano kung ayaw ko? Wala kang magagawa at hindi mo pwedeng ipilit sa akin ang bagay na ayaw ko." gusto kong sampalin ang sarili ko ngayon dahil sa pagka-utal ko.

Sumilay ang nakakalokong ngisi sa mga labi niya at itinapat sa tenga ko ang ulo niya.

"You left me with no choice, then. I will impregnate you right here, right now."

Continue Reading

You'll Also Like

138K 4.7K 21
Hacienda Alegre Series 1 "Your touch healed by broken heart..." __ Malvine was an ex-OFW who came back to the Philippines to reach her dream of becom...
183K 6.8K 56
Completed ✅ Mature Content Under The Mondragon Gold Series Collections Ang sabi ni Mama, ang buhay ng tao ay maihahalintulad daw sa bagyo, at may da...
24.2K 363 49
"we have known each other for years and now we've finally found each other" -Shawn ♥ Zel Let's witness how their love story works if they are both fi...
102K 3.5K 32
Serenity lost her dream. She will never again live her life as it was and she shuts out people around her. She's trying to live her life normally aw...