THE UNEXPECTED Season 2

Por Rheevie

4.3K 1.5K 211

THE UNEXPECTED Season 2 This is the revelation of Thrianne Kilein's past, the real story behind her past. Sin... Mais

CHAPTER 103
CHAPTER 104
CHAPTER 105
CHAPTER 106
CHAPTER 107
CHAPTER 108
CHAPTER 109
CHAPTER 110
CHAPTER 111
CHAPTER 112
CHAPTER 113
CHAPTER 114
CHAPTER 116:CHARITY EVENT Part 2
CHAPTER 117:CHARITY EVENT Part 3
CHAPTER 118: CHARITY EVENT Part 4
CHAPTER 119
CHAPTER 120
CHAPTER 121
CHAPTER 122
CHAPTER 123
CHAPTER 124
CHAPTER 125
CHAPTER 126
CHAPTER 127
CHAPTER 128: Shinichi's Date
CHAPTER 129
CHAPTER 130
CHAPTER 131
CHAPTER 132
CHAPTER 133
CHAPTER 134
CHAPTER 135
CHAPTER 136
CHAPTER 137
CHAPTER 138
CHAPTER 139
CHAPTER 140: SPORTS FEST
CHAPTER 141: SPORTS FEST/The Manifest
CHAPTER 142: SPORTS FEST/Volleyball Part 1
CHAPTER 143:SPORTS FEST/ Volleyball Part 2
CHAPTER 144
CHAPTER 145: Protection
CHAPTER 146
CHAPTER 147
CHAPTER 148: THE STARTING POINT
CHAPTER 149: THE STARTING POINT 2
CHAPTER 150
CHAPTER 151
CHAPTER 152
Chapter 153: Thrianne Kilein's Devoured Pasts
Special Announcement!
CHAPTER 154:Thrianne Kilein's Devoured Pasts

CHAPTER 115: CHARITY EVENT Part 1

108 37 5
Por Rheevie

CHAPTER 115:Charity Event Part 1

Part 1 will be Jehridale's POV, for this whole chapter 😍

Please after you read. every chapter, kindly vote and genuine comments must be done! It will help me to continue updating chapters thank you 💓💓

SORRY PO KUNG NATAGALAN ANG UPDATE, NAHIRAPAN KASI AKO BUKSAN TONG ACC. HUHUHU




Jehridale's POV

-_-

>_<

Panaginip----

Uhuh uhuh,Life like this

Uhuh uhuh, that's the way it is...

Habang hinahabol ko ang isang babae ay bigla akong napatigil. Isang babae rin ang nagpatigil sa akin. Mula sa pagsunod mula sa nakaraan hanggang sa kasalukuyan.

"JD! Please! Wag mo akong iiwan!"

Hindi ko sya nilingunan. Patuloy lang ako ngayon sa pagsunod sa kasalukuyang itinitibok ng puso ko.

Sinusundan ko ang isang anino, na may di kalayuan sa akin. Naglalakad ito palayo sa akin, hindi ko maintindihan kung bakit. Gustong-gusto ko syang pahintuin sa paglalakad pero hindi ako makapagsalita. Hindi ko maigalaw ang bibig ko.

Patuloy pa rin ako sa pagsunod sa kanya. Hindi ako huminto hangga't hindi ko sya naabutan. Hindi ko man sya nakilala pero, pakiramdam ko napakaimportante nyang tao sa akin na ayaw kong mawala.

"JD!"

Napatakbo na ako dahil sa kasabikan kong masundan ang anino. Hindi ko nilingunan ang babaeng tumatawag sa akin.

"JD ano ba!"

Malapit na ako sa kinaroroonan ng sinusundan kong anino. Nang mapalapit na ako sa kanya ay saka sya lumingon sa akin. Direkta ko syang niyakap at walang anu-ano'y napaluha ako sa hindi malamang dahilan.

"B-Bakit? Bakit mo ako iiwan?"

"A-Ano bang--"

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ko sya sa magkabilang braso.

"JD! What are you doing?!"sigaw ng babaeng nasa likuran ko. Pero hindi ako nag-abalang tingnan sya. Ang anino namang nasa harap ko ay napaatras.

"Hindi ko alam kung bakit ginagawa mo ito"aniya ng anino. Patuloy sya sa pag-atras.

"Sandali...wag kang...umatras...pakiusap"pagsusumamo ko. Isa isang pumapatak ang mga luha ko habang pinipilit kong maaninag ang mukha nya. Pero. Hindi ko makita ito. At nakakalungkot isipin na, tanging kadiliman lang sa kanya ang nakikita ko.

Hindi ko man makita ang reaksyon ng mukha nya ay nararamdaman kong naguguluhan ito. At ng mapalapit sya sa liwanag ay saka na lang akong huminto sa paglapit sa kanya.

"Hindi ko maintindihan kung bakit mo ito ginagawa, pero, pwede bang tigilan mo na ang ginagawa mong pagsunod sa akin...wala akong nararamdaman para sa'yo"

Ilang beses akong nagpakurap-kurap bago ko maintindihan ngayon at pumasok sa sarili kong sistema ang mga sinabi nya. Para akong pinana sa dibdib. Sobrang sakit. Itinataboy nya ba ako?

"P-Pero bakit? Bakit mo sinasabi iyan?"

"Tsk"singhal ng pamilyar talaga sa akin na babae. Naguguluhan ako sa hindi malamang dahilan.

"Sabihin mo, ano bang dahilan at ayaw mo sa akin! Thrianne Kilein! Binigay ko naman lahat ah! Pero bakit ayaw mo sakin?! Bakit?!"

"Simple lang ang sagot ko dyan"nagbaba sya ng tingin saka sinilip ang liwanag, doon na naging malinaw ang itsura ng kausap ko ngayon.

"Iyon ay dahil, hindi tayo pwede. Hindi tayo para sa isa't isa------"

CHIIIIIINGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG---------

>>>________<<<<<

O_O

"Waaaaaaaahhhhhhhhhhh!"napasigaw ako sa kawalan. Napakunot noo ako, ilang beses kong inihilamos ko ang mukha at ginulo ang buhok. Ano ba iyon?! Banugngot?!

Kinusot ko ang mga mata ko at pinagsasampal ang sarili.

"Kinginang panaginip! Lumayas ka! Binabangungot ako! Waaaah! Bakit?! Bakit nandoon si Thrianne sa panaginip ko?! Gabi gabi na lang ah! Bwiset!"

Inis akong bumangon at nagpapadyak patungo sa banyo. Lintik! Hindi na talaga sya maalis-alis sa isip ko! Umagang-umaga sya na ang bungad! Badtrip kang tadhana ka! Sinisira mo buhay ko!

Matapos maligo at magbihis ay binuhat ko na ang maleta ko na naglalaman ng mga kakailanganin ko pagpunta sa charity event na iyan. Hula ko nga, hindi lang basta charity event ang pupuntahan dahil kasama sina Mitch, Yashiko, si Sunshine, Prof. Rin, at mga hindi ko pa nakikilalang tao. Sigurado akong magtatagal kami doon at may mahalaga silang inaasikasong kung anuman.

Bukod pa doon, ninais ng pinsan kong si Sunshine na magdiwang ng birthday sa Quezon City, pagkatapos pa ay pupuntahan nya ang sinasabing sorpresa ng aming pamilya sa kanya sa mismong SMU.

Pagkababa ko ay nakaabang na doon ang atribida kong kapatid. Katabi nya ngayon si Lola Patricina na nagbabasa na naman ng kung ano sa dyaryo.

"Oh? Himala!"hiyaw nya ng makita ako. Inismiran ko sya.

"Walang himala ate, psh."binalingan ko si Lola na magiliw na akong sinalubong ng yakap,"good morning Lola! Grabe ang ganda nyo ngayon ah!"

"Naku ikaw talaga apo! Hihihi, magandang umaga din naman! Halika na at baka mahuli ka pa sa biyahe ninyo"

"Sige po!" ^_^

Nalingat ng paningin ko si Ate na may pagkasama-samang tingin. Inirapan na nya ako.

"Ano po bang ulam?"iniba ko na ang usapan at bumaling kay Lola. Ayaw kong tuluyang masira ang araw ko kapag pinatulan ko pa ang topakin na si Jehnica.

"May tinolang manok at longganisa hijo, magbaon ka ng kanin ha? Naku wag kang papagutom sa pupuntahan ninyo. Malalagot ka sa akin"

"Kayo naman 'La, wag po kayo mag-alala, hinding-hindi ko po iyon gagawin, at isa pa, ako pa? Eh inaalagaan ko po ang sarili ko hehehehe. Ah Jehnica pakiabot ng tinolang manok, gusto ko kasing matikman tong luto ngayon ni Lola eh"

Pigil ang tawa ko ng samaan ako ng tingin ni Ate. Hindi sya makaangal dahil nandito si Lola. Padabog syang tumayo at pinakakalansing ang mga plato at kutsara.

"Kamusta na kayo ng babaeng inaaway mo hijo? Nagkaayos na ba kayo?"

O_O

"O-Opo..."yata? alinglangan kong sagot. Napakamot na lang ako sa ulo. Hindi ko alam. At wala akong pakialam. Tsk.

"Ah! Mabuti kung ganon, ay sya, sa susunod ay sana makabisita sya dito sa atin, para naman makilala ko sya"

Nani?

Napaisip ako. Bat ganon? Si Kilein pala talaga ang gusto nyang makilala eh samantalang noon pagdating kay Aoko parang ayaw nyang pag-usapan. Ni hindi nga sya tumatawaga para kamustahin ang tungkol sa relasyon namin noon?

WTF.

Dag!

O_O

Padabog na namang ibinagsak ni Ate ang sinandok nyang ulam sa harap ko. Umawang ang bibig ko.

"Parang ayaw mong pagsandukan ako ng ulam ah?"

"Ang kapal mo stupid! Tsk! Ako ang ate mo pero ako pa inuutusan mo! Balibagin kita eh!"

Nagwalk-out na sya after nyang masabi iyon. Tsk, anong problema ng delubyong iyon? May problema ba sya? Kunsabagay, nautusan ko sya sa harap ni Lola. Hehehehe. Tagumpay sa umaga!

"Pilyo ka talaga apo hahaha! Oh kumain ka na. Parating na ang bus ninyo"

B-Bus?

"Bus? As in B.U.S.? BUS?!"

"Oo! Bus!"singit na naman ni Ate, "hindi ba kayo nainform? Duh! Bus malamang ang sasakyan nyo kasi marami kayo no! Besides, hindi ordinaryong bus iyon, air conditioned bus, with home based pa! Galing 'yon sa mga Mondrallgo!"

O_O

Home based na air conditioned bus? Ginagago ba nila ako? Waaah! I can't believe it!

"Kaya bilisan mo na dyan apo--"

Beep! Beep! Beep!

Parang pangtren ang tunog ng bus na iyon! Agad agad akong tumakbo papalabas ng bahay dala ang maleta ko at tinungo ang bus na sinasabi ni Ate.

Supreme Castle Bus Corporation

@0@

Napamaang ako sa nakita kong bus na kulay puti at kalahating itim, para iyong karo na sumusundo ng patay. Kingina! Sinong gago ang gumawa ng ganyang bus?!

"Hoy iceberg!!"

Napalingon ako sa bandang kaliwa. Nahagip ng paningin ko si Natheleo habang kumakaway sa gawi ko. Nakangiti pa ang ungas.

"Sumakay ka na bilis! Heheheheh!"

"N-Nandyan na!"kumaripas ako ng takbo papasok sa loob ng bus. Pagpasok ko sa loob ay ramdam ko ang sobrang lamig dito. Hindi pangkaraniwan sa normal na aircon bus. Para akong nasa Antartica dahil dito.

Napansin ko ang lahat na nakasuot ng jacket. Shit! Nakat-shirt na white lang ako! Nakalimutan kong aircon bus pala sasakyan namin kanina. Eh wala naman kasing nag-inform! Sesh.

"Jehridale! Bilisan mo dude! Hahahahah!"

"Nice gwapo ah! Blooming ka ata?!"panunukso pa ni Nath. Sinamaan ko sya ng tingin.

Lumapit na ako sa gawi nila ng mapansin ko si Rangovine at katabi nyang si Sunshine at Mitch .Nasa likod naman nila sila Prof. Rin at Prof. Cieli. Napapagitnaan ang dalawa ng isang malaking bag, na kung saan ay hindi nila allowed sa isa't isa ang magtabi. Maarte talaga ang utol ni Thrianne.

Ayaw magdidikit sa babae, eww.

Napadako naman ako sa gawi ng babaeng pinagmulan ng panaginip ko kaninang umaga.

Blangko. Ang ekspresyon ng mukha nya ay parang wala lang habang natutulog. Kalapit ang bintana ay nakasandal ang ulo habang yakap ang isang knapsack na itim. Kapansin-pansing kulay itim din ang suot nyang t-shirt. Pinagkunutan ko iyon ng noo.

Ang lamig lamig dito sa aircon bus tapos t-shirt lang? Ginagaya ba nya ako?

At namumutla na ang mga balat nya, para syang natutulog na bangkay hehehehe.

Pero mukhang hindi naman ata. Tsk. Bahala sya dyan. Umupo na ako sa tabi ng mga mokong.

"May dala kang jacket Jehridale? Tsk, badtrip kasi itong si Nath, minadali ako kanina"si Tim. Hinihimas-himas ang balat nya na halata ngang nanginginig na ito sa lamig.

"Meron ako kaso, isa lang nadala ko"kamot sa ulong tugon ko. Nakaramdam na din ako ng panlalamig sa katawan kaya ibinigay ko na sa kanya ang nagiisa kong jacket na kulay puti. Niyakap ko na lang ang sarili at namaluktot na parang bata.

"Hoy iceberg, ok lang ba talaga? Baka kasi--"

"Oo! Ok lang! Tsk, pag di mo pa sinuot yan ako ang magsusuot sige?"

"A-Ah hehehe, thanks ah"

Inirapan ko na lang si Timrelli saka tumingin sa bintana. Ano ba namang bus ito? Aircon bus daw pero parang nagsisiksikan pa kami, daig pa namin ang fieldtrip. Ginawa kaming mga bata.

Pero wala naman na akong magagawa. Kahit ilang beses akong magreklamo hindi nila ako papakinggan. Besides mukhang makakasama pa namin dito si Dean. Hindi iyon sasabay sa amin dahil hindi angkop sa kanyang temperatura ang ganitong lamig.

Nahiga na lang ako sa mismong sandalan at ipinikit ang mga mata. Kinuha ang panyo at pinangtakip sa aking gwapong mukha.

Makalipas ng ilang minuto ay hindi ko namalayang nakaidlip ako. Pero, dama ko na ang panginginig ng aking katawan. Hindi ko lang pinahalata sa mga kaibigan ko.

"Bakit naman kasi expired ang binigay sayo? Hahahaha! Ang malas mo ata ngayon Nath"si Airon. Nabaling sa kanila ang pandinig ko.

"Santisima! Hindi ko kasi alam na expired na! Tsk! Bwiset! Nagmamadali kasi ako kanina eh!"

"Excited ka kasi masyado"nakangising anito ni Tim. Tsk, ang yabang nito, bawiin ko kaya jacket ko sa kanya?

"Parang hindi ka excited na makakita ng mga bata Timrelli?"natatawang angil ni Shinichi. Katabi sya ni Airon mula sa dulo.

"H-Ha?"

Bumaling naman sya kay Nath,"Sesh, ang pupuntahan natin doon ay ang mga bata, hindi ang pagbabakasyon"

"Alam namin yun Shin!"

"Eh bat parang mas gusto mo pa yatang magbakasyon sa Quezon kaysa ang gawin ang tunay na misyon natin doon?"

Ngumiwi ako. Heto na naman ang mga litanya ni Shin.

"Hindi naman sa ganon! Psh, ang sinasabi ko lang kanina yung expired na delatang nabili ko noon sa Italy! Susmaryosep! Kung saan-saang lupalop ng daigdig napupunta ang usapan natin!"

"Aba kayo na nga lang naguusap-usap nagaaway-away pa kayo"

"Wow! Hahahahahaha! Tingnan mo tong si lonely boy, bumababa na iyong IQ plus sa pagintindi hahahaha!"

"Psh hoy"saway ko kay Nath dahil parang sumusobra na. Bakas sa mukha ni Shin ang pagkabigla. Natahimik na sya at hindi na muling lumingon pa sa amin. Sinamaan ko ng tingin ang kaibigan ko.

"What?"

"Hindi ka magdahan-dahan sa mga sasabihin mo pre, hayss. Anyway, matagal pa ba ang biyahe nito? Nilalamig na ako eh"

"Pwede mo naman kasi ibaba ang aircon sa gilid Dale"utos pa ni Airon. Bumusangot lalo ang mukha ko.

"A-Alam ko! Alam ko ang gagawin"saka ko inabot ang maliit na bilog na pangmini-aircon at itinabi ito sa kanan. Nabawasan kahit papaano ang lamig. Gayunpaman, parang umiinit ngayon ang pakiramdam ko. Para akong lalagnatin.

"Ok students"napukaw ni Prof. Cieli ang atensyon ng lahat sa kanya. "habang nandito tayo sa loob ng bus ay may nais lang akong sabihin sa inyo. Tutal, this is our first time na makalabas ng Cavite for the birthday of granddaughter of Mauricio Callevein, Ms. Maureen Zeidylle, we may announce to all of you, na si Professor Thraundille Rin Mondrallgo ang magiging adviser to lead nyo. Bawat instructions na sasabihin nya ay susundin ninyo, whether you like it or not"

"Precisely, meron pa tayong mga makakasama sa Charity na ito, nauna na silang dumating doon kaya naman inaasahan namin ang kooperasyon ninyong lahat. Hangad namin ang ligtas at walang mapapahamak sa ating lahat." hindi ko maiwasang kabahan sa huling mga sinabi ni Prof. Cieli. Mas lalong nag-init ang katawan ko.

"Sino kaya mga makakasama natin doon?"si Nath na katabi ko.

"Aba malay ko hahahah"natatawang angil ni Tim. Sinamaan sya nito ng tingin.

Bumaling ang paningin ko ngayon kila Thrianne. Katabi nito si Yashiko  at nagiingay na naman ang babae.

Kitang kita ko kung paano yugyugin ni Yashiko ang mga balikat ng katabi. Hindi ko kita ang reaksyon ng babaeng iyon pero alam kong nayayamot na sya. Mabilis umiinit ang ulo nya kapag ginugulo sya.

Pero hindi ko maisip na magiging kami...

>>>>_____<<<<<

"Bat ko naisip iyon?! Badtrip!"inis na singhal ko. Gulat na napatingin sa akin ang lahat. Nabaling ang atensyon nila sa akin, maski ang dalawang propesor.

"B-Bakit?"

"Bigla-bigla ka na lang sumisigaw Dale, wala pa tayo sa Quezon City ah"nakangising anito ni Airon. Nagtawanan sila pagkatapos. Inis akong naupo at humalukipkip ulit. Pesteng mga kaibigan. Psh.

"Coz!"

O_O

Nag-angat ako ng tingin kay Mitch. Ayos ang pormahan ng pesteng pinsan kong ito ah, nakajacket na nga, may  puting t-shirt pa na may sunglasses na itim sa loob.

"Hindi ka nagjacket? Magkakasakit ka"

"Ano bang pakialam mo?"angal ko. Tuloy na naman sa tawanan ang mga kaibigan ko pati na ang yawang pinsan ko.

"Hey idiot! What are you laughing at?!"inis na tanong ko dito. Natigilan naman ang pagtawa nito pero ang nang-aasar nyang ngisi ang lalong nagpapakulo sa dugo ko.

"Ano nga palang gift mo sa kapatid ko coz? Siguro naman nakapagdala ka"

Gago talaga. Nagpunta lang dito para manghingi ng regalo? Iniintindi pa talaga ang kapatid nya?

"Nakapagbigay na kasi kami sa kanya kanina Dale hehhehehe"

"E di kayo na!"nagagalit na talaga ako. Tsk. Pinagsisisihan ko na talagang maupo rito. Sira na buong araw ko.

"Galit na kaagad sya"

"Ibalik mo yan tangina!"

O_O

Napaharap kaming lahat sa kinaroroonan ng boses. Napakalakas ng sigaw nya, sapat na iyon para mabaling sa kanya ang paningin naming lahat sa kanya.

"Kunin mo muna! Hahahahaaahhaha!"

"Naku po"mahinang bulong ni Mitch na narinig ko. Napahawak sya sa bibig at parang namumutla na ito sa kaba.

Anong mayroon?

Tumabi si Yashiko sa utol ni Thrianne. Pero hindi nagpatinag ang babae, pikunin?

"Hindi mo ibabalik?"

"Sabi mo kasi kunin ko na eh! Hahhahahaaha!"

"Gusto mo na bang mapatay ha?!"

O_O

"Damn..."naibulong ko sa sarili. God. Kababaeng tao ni Kilein, marami kami rito at naririnig namin malinaw ang lahat ng sinasabi nya.

Tinawanan sya ni Yashiko, pero nangangarag na ang boses nya, "S-Sabi ko nga eh! Ibabalik ko hehehehe"sabi pa nya habang nanginginig ang mga kamay na inabot sa babae ang pitaka na kulay black. Tsk, lahat na lang black. Baka pati bahay nyan hanggang sa banyo black?

Ano ba yan Jehridale! Kung saan-saan nakakarating ang isip mo!

Hinablot na lang ni Kilein ang pitaka at nanlilisik ang mga mata nito habang naglakad na palayo dito. Naging tensyonado ang paligid dahil sa nasaksihan ko.

"What happened?"naguguluhang aniya ni Shinichi. Parang clueless sya sa nangyayari.

Walang sumagot sa kanya. Hindi maialis ang paningin ko sa babaeng iyon. Ano kayang nangyari? Tsk. Ano bang pakialam ko?! Pambihira!

Sa loob ng halos 2 kalahating oras na biyahe ay nakarating kami sa venue ng gaganaping Charity Event. Malaking orphanage ito, may third floor sa tantsa ko. Para itong public elementary school sa laki. May mga nagtatakbuhang mga bata sa labas nitong gusali.

"Oh nandito na kayo!"

Napalingon ako sa isang lalaking may kulay pula ang buhok at isa pang lalaki na parang pamilyar sa akin. Itim na itim ang buhok katulad ng kay Jhin, at ang mga mata naman nito ay medyo singkit ng bahagya ngunit medyo bilugan. Seryoso ang mukha nito, sa tantsa ko rin, kasing edad ito ni Alimir.

"Vugh Hidalgo! Nasaan na iyong iba?"salubong ni Mitch dito.

Vugh Hidalgo? Vugh Hidalgo ang pangalan nya? Weird.

Sinenyasan na lang ng nagngangalang Vugh ang mismong gusali. Pahiwatig na naroon na ang iba at naghihintay na lang sa amin.

Nagmasid-masid akong maigi sa paligid. Wala naman akong nakikita kakaiba, pero parang kinakabahan na ako sa unang pagkakataon. Hindi maialis ang kabang ito simula pa kanina. Tsk, badtrip, nagiging nerbyoso na yata ako.

Nahuli ng paningin ko na tinapik ni Kilein ang balikat ng isang binatilyong kasa-kasama ni Vugh. Saka ito iniwan at tinungo ang kinaroroonan namin.

"Anong masasabi mo dito coz?"

O_O

Nilingunan ko ang idiot kong pinsan. Nakaakbay ito kay Vugh Hidalgo, parehong nakangisi ang dalawa sa akin.

"Okay ka dito? Baka may suggestion ka, magsabi ka lang"

Hindi ko sya kinibo. Dire-diretso na akong pumasok sa loob. Nakita kong naguusap-usap ang mga nangangalaga dito at ang mismong mga propesor namin.

"Good morning po sa inyo!"magiliw na bati ng isang batang babae sa amin. May kasama itong batang lalaki na mas maliit sa kanya. Napansin ko kaagad ang kapansanan ng batang lalaki dahil malikot ang ulo nito, kung saan-saan ito tumitingin. Kulay puti ang mga mata nya, nakaramdam ako ng kakarampot na awa kahit papaano.

"Hello mga bata!"salubong naman ni Yashiko sa mga ito. Kasama nya syempre si Panda. Nagtataka nga ako, laging nagbabangayan ang dalawa pero magkasama pa rin sila.

"Iceberg! Anaka ng dinosaur!!"

>>>___<<<<

Inis kong tinapunan ng tingin si Nath. Dinosaur?! Kinginang yan!

"Dinosaur mo mukha mo! Ice cream!"

"Sus! Hehehehe! Mukhang nageenjoy ka na agad dito ah! Hindi ka na kasi sumasama sa amin"

"Ulul! Napatigil lang ako dito kasi--"

"Ngayon lang kayo?"nakapamaywang na saad ni Dean. Mukhang nainip nga sya, kasama nito ang isa pang lalaki. Pamilyar din ito sa akin, parang nakita ko na sya noong nakaraan.

Nang makita nito si Mitch ay abot tainga ang ngiti nito at parang inaasar ang pinsan ko. Nginisihan ko na lang sila.

"Okay! Okay mga panauhin naming mga magaganda at gwapo!"aniya ng matandang babaeng isa sa mga tagapangasiwa ng mismong orphanage, "magandang magandang araw sa inyong lahat! Maraming salamat sa pagpunta! Masaya kami na kami ang pinili ng inyong paaralan na bisitahin at tulungan, hulog kayo ng Langit sa amin. Kung makikita ninyo ang mga batang narito,"sinenyas nya ang batang lumapit sa amin, "karamihan sa kanila ay ulilang lubos, wala ng mga magulang nila, meron naman sa kanila ay inabandona, iyong iba naman ay dahil sa kanilang mga kapansanan. May kanya-kanyang mgs rason kung bakit sila naparito, pero iisa lang ang layunin namin dito, ang alagaan at palakihin sila ng tulad sa mga normal na bata. Pinaparamdam namin dito sa kanila, ang kahalagahan ng lahat ng bagay na blessings at oportunidad para sa kanila."

Hindi ko maiwasang maawa talaga ngayon sa mga batang nasa harap ko. Hindi man sila gusgusing tignan, pero ang kaibahan, wala silang mga totoong magulang na nagpapalaki sa kanila. Kay dami nila! Paano masisikmura ng mga pabayang mga magulang ang maiwanan ang kani-kanilang mga anak?

"Isa itong espesyal na araw para sa amin, ang inyong pagpunta rito ay isang napakalaking tulong na para sa mga bata. Alam namin ang inyong bukal sa pusong pagtulong, kaya naman hangad namin na sana ay matulungan din namin kayo"

"Ah wag na po, Ma'am Erna"singit ni Sunshine, "ang totoo po, kaya po kaming lahat ay narito kasi kaarawan ko po ngayon. Gusto ko pong dito ko icelebrate sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila."awtomatiko akong napangiti sa sinabing iyon ni pinsan. Kagaya ni Hanabi ang isang ito, mabait at matulungin. Nakakaproud lang sa isang Callevein na kahit nasa mundo sya ng magulo at walang kinikilalang kaayusan ay pinili nyang hindi malayo sa pagiging likas na tao.

"Ay ganon po ba? Happy birthday po Ma'am Maureen! Oh mgs bata! Hindi ba't may inihanda kayo para sa kanila?"

"Opo Mrs. Ramban"

"Maaari niyo ng ipakita sa kanila!"

Ang mga bata ay may pinakitang mga papel, ngunit bawat isa sa mga iyon ay mga letra. Malaki ang mga letrang iyon, enough na para malinaw na makikita ang mensaheng nais nilang iparating sa amin.

HAPPY BIRTHDAY ATE MAUREEN ZEIDYLLE CALLEVEIN! AT MALIGAYANG PAGDATING PO SA AMIN!

Sobra-sobrang kagalakan ngayon  ang makikita kay Sunshine ng makita ang mensahe. Napaiyak pa nga ito. Nilapitan ko sya at sa akin ito yumakap.

"Masayang-masaya ako...sobra.."mangiyak-ngiyak na anito habang nakatingin na sa kuya nyang si Mitch na nasa likod ko na pala.

"This is your gift baby girl, from now on, those kids are under my overall protection, there will be no danger behind those kids."

"Talaga kuya? Promise?"

"Oo naman! Hehehhe! Di ba coz?"sabay baling sa akin. Napangiwi ako.

"B-Bakit?"

"Tutulong ka diba coz? Diba?!"

Gagong ito! Dinadamay pa ako?!

"A-Ano?!"

"Talaga kuya Dale?! Tutulong ka kay kuya Mitch?!"parang natutuwa pa sya sa ideyang iyon sa kuya nya. Paguntugin ko kaya itong mga ito?!

Napakamot na lang ako sa ulo. Saka bumaling kay Lolo Mau na binigyan pa ako ng thumbs up. Badtrip tong mga toh ah.

Napapikit ako at pinagiisipan ng maigi kung tutulong ako. Malaking responsibilidad ito pag nagkataon. Pero, walang masama kung gagawin ko. Medyo nakaramdam din ako ng tuwa kanina sa mga bata, kaya siguro...

"S-Sige....tutulong ako---"

"Waaaaaaaahhhh! Yeeeeyyy!"niyakap ako ng mahigpit ni Sunshine at pati na rin ng kupal kong pinsan. Tuwang tuwa ang dalawa, tsk pag ako napahamak dito ibabaon ko na lang sa limot na naging pinsan ko ang mga yan.

Continuar a ler

Tambรฉm vai Gostar

3.2M 261K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
3.6M 150K 61
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally โฃ๏ธ Cover credit...
707K 73.1K 27
ููŠ ูˆุณุท ุฏู‡ู„ูŠุฒ ู…ุนุชู… ูŠูˆู„ุฏ ุดุฎุตู‹ุง ู‚ุงุชู… ู‚ูˆูŠ ุฌุจุงุฑู‹ ุจุงุฑุฏ ูŠูˆุฌุฏ ุจุฏุงุฎู„ ู‚ู„ุจู‡ู ุดุฑุงุฑุฉูู‹ ู…ูู†ูŠุฑุฉ ู‡ู„ ุณุชุตุจุญ ุงู„ุดุฑุงุฑุฉ ู†ุงุฑู‹ุง ุชุญุฑู‚ ุงู„ุฌู…ูŠุน ุฃู… ุณุชุจุฑุฏ ูˆุชู†ุทูุฆ ู…ุงุฐุง ู„ูˆ ุชู„ูˆู† ุงู„ุฃ...
455K 24.9K 17
๐’๐ก๐ข๐ฏ๐š๐ง๐ฒ๐š ๐‘๐š๐ฃ๐ฉ๐ฎ๐ญ ๐ฑ ๐‘๐ฎ๐๐ซ๐š๐ค๐ฌ๐ก ๐‘๐š๐ฃ๐ฉ๐ฎ๐ญ ~By ๐Š๐š๐ฃ๐ฎ๊จ„๏ธŽ...