Sa Bawat Araw

By HerWorldAtSunset

24.6K 903 350

Araw - araw, may mga taong naghihiwalay at nagtatagpo. Umiikot ang mundo. Pero paano kung sa pag - ikot ng mu... More

Cast and Characters
Salubong
Unexpected Happenings
What now?
Sunset
A Hundred And One Reasons
Balang Araw
Fun?
Dinner
Dinner Kulitan
Don't turn around
Ang Lunch. Bow.
Evicted
New House
Focus
Bad Mood
Chill ka lang
Awkwardness Level 100
And I'll Never Be the Same Again
She Looks Like You
Thank you! I Love you
9 AM Meeting
When 'Destiny' Plays Her Part
Tshirt and Jeans
Late
Ria's Idea
Evening Walk
Iwas to the Max
Amara's Hero
Plan is working 100%
Uwian na
Birthday Planner
Photo Album
Happy Birthday!
After the Party
Girl Problems
First Day
Debut
Model
Can't leave you
Feeling loved
Sweetness Overload
O.S.S.B.S.F.A.
Under the Moonlight
Garden and Flowers
Invitation
Big Day
Family Day
Hmmmmm....
O.M.G.
Extra Care
New Year
Back to Work
Half Day from Work
Little Girl
Kilig Much?
Story Time
Top Two
Worried
Dream
Confused
Bonding
Back to Young Love
Problems
Smiling Too Much
Beautiful Sight
A Mother's Heart
Heartbroken
Attached
Fun Day, Happy Heart
3 - 0
Shared Custody
Ria's Resbak
Relax
Questions
Business Trip
She's worried
Lunch with Her
Almost
Reasons
Time and Space
Fresh Air
Love is in the Air
Secret Garden
Sensitive
LQ?
Isabella
Ship
Regrets
Living in a Hospital Room
Mamita
A Happy Family Dinner
Surprise Visitors
Friends
Who She Really Is
Start Anew
Memories
Suspicious
Nightmare
Unwind
Just Calli and Mommy
Shopping
Crush
Confession
Forgiveness
Starting Again
Happy ending?
Special Chapter
Epilogue
Special Chapter

Who's to Blame?

225 8 1
By HerWorldAtSunset

Calli's POV

"Dad? Mommy? Dinner na po." Kumatok ako sa kwarto nila at pagkatapos ng ilang segundo, binuksan ito ni dad.

"Uhmm, Calli, hindi muna ako kakain." Sabi niya.

"May problema po ba? Si mommy po?"

"Natutulog. Mamaya nalang kami ha." Tumango lang ako at tumalikod na para bumaba sa hagdan at narinig kong sinara na ni dad 'yung pinto pero lumingon ulit ako doon. Anong problema?

"Oh? Nasaan ang mommy at dad mo?" Tanong ni lola pagbaba ko sa kusina.

"Hindi daw po sasabay kumain. Mamaya nalang daw po." Sagot ko. Nakakalungkot kumain na kami lang nila lola.

Tapos na kaming kumain at nandito ako sa kwarto at hinihintay ko na pumasok dito sila mommy para mag goodnight tulad ng lagi nilang ginagawa. Pero mag aalas dyes na ng gabi at wala pa rin.

~~~~

Ilang araw na ang lumipas and parang ang weird na simula noong umuwi si dad at mommy mula sa lakad nila. Hindi ko maintindihan kung nag-away ba sila o ano. Hindi na kami sabay sabay kumain at isa o dalawang beses sa isang araw ko lang nakikita si mommy na lumalabas ng kwarto niya.

Mag-aakyat ako ng pagkain sa room ni mommy kasi hindi siya nagbreakfast at lunch kaya dadalhan ko ng late lunch.

Kumatok muna ako bago pumasok. Nakatanaw lang sa bintana si mommy at parang ang lalim ng iniisip.

"Mmy, kain ka po muna. Hindi ka kumain kanina eh." Sabi ko pagkalapag ng tray sa table.

"Ibaba mo nalang 'yan. I'm not hungry."

"Pero mmy."

"I said I'm not hungry!" Nagulat ako dahil medyo tumaas ang boses niya. "Please. Sorry." Dugtong niya at hindi pa rin humaharap sa akin.

"Sige po." Mahina kong sagot tsaka ko dinala sa baba 'yung tray ng pagkain.

Ang lungkot ng bahay. Ang lungkot ko. Bakit nagkakaganito kami? Hindi naman kami ganito dati ah.

~~~~~~

"La, bakit gano'n? Anong nangyayari kila mommy at dad?" Tanong ko kay lola. Nandito kami sa dining room dahil gusto ko nang makakausap.

"Intindihin mo nalang muna ang mga magulang mo. Baka may problema sila at ayaw nalang nila na mag-isip ka masyado." Sabi ni lola. Nakaupo siya sa tabi ko habang nakasandal ako sa kaniya.

"La, ako po ba 'yung dahilan ng lahat ng 'to? Ako po ba ang may kasalanan?"

"Ay nako. Huwag kang mag-isip ng ganyan. Mahal na mahal ka ng mommy at dad mo. Bakit mo naman naisip 'yan?"

"Kasi, nagkagulo gulo lang naman po ang lahat noong nakilala nila ako noon eh. Parang pakiramdam ko, may kasalanan ako sa mga nangyayari ngayon sa kanilang dalawa, kahit hindi nila sabihin. Baka pabigat na po ako sa kanila."

Amara's POV

Nakalingon lang ako sa pinto after Calli went out of my room. What did I do? Nasigawan ko si Calli. Amara naman.

Bumaba ako sa dining para sundan si Calli but before I could enter, I heard her conversation with manang. Sumilip lang ako ng kaunti to hear it better.

"La, ako po ba 'yung dahilan ng lahat ng 'to? Ako po ba ang may kasalanan?"

"Ay nako. Huwag kang mag-isip ng ganyan. Mahal na mahal ka ng mommy at dad mo. Bakit mo naman naisip 'yan?" I smiled at what manang said. She really loves Calli and is good at comforting her.

"Kasi, nagkagulo gulo lang naman po ang lahat noong nakilala nila ako noon eh. Katulad po noong nahospital ako. Pinag-alala ko pa po sila. Parang pakiramdam ko, may kasalanan ako sa mga nangyayari ngayon sa kanilang dalawa, kahit hindi nila sabihin. Baka pabigat na po ako sa kanila." Yumakap si Calli kay Manang and I can hear her soft sobs. Nagulat ako sa sinabi ni Calli. I never thought that she felt that way. What have you done, Amara?

"Huwag kang magsalita ng ganyan. Tahan na." Sabi ni manang habang hinihimas ang buhok ni Calli.

Pumasok agad ako ng dining room at medyo nagulat si Calli nang makita ako. "Mmy?" Agad niyang tanong. Tumayo naman si manang sa kinauupuan niya.

"Maiwan ko muna kayo dito para makapag-usap." Sabi niya pagkatapos ay pumasok na siya sa kusina. Tumabi agad ako kay Calli and I held her face.

"No. No, sweetheart. Hindi ka pabigat ha. I'm sorry dahil napagtaasan kita ng boses kanina." I said then she buried her face on my chest at tuluyan na siyang umiyak. I hugged her and caressed her hair.

"Sorry. Sorry if you felt neglected, masama lang talaga ang pakiramdam ko. I shouldn't have ignored you." I kissed the top of her head and nararamdaman ko na nababasa ang damit ko dahil sa luha niya kasabay ng malakas niyang hikbi.

"Hindi ko sinasadya. I'm sorry." If there's something na ayokong maramdaman ni Calli, it's the feeling of being alone and forgotten. Ayokong maramdaman niyang mag-isa siya and kasalanan ko na ipinaramdam ko sa kaniya 'yun these past few days.

"Wala kang kasalanan okay? It's my fault. Marami lang kaming iniisip ng dad mo pero wala kang kasalanan doon." I said trying to comfort her. I pulled away a little from our hug and I cupped her face. Tuloy tuloy lang ang paghikbi niya.

"Akala ko po....g-galit kayo sa akin eh." She stuttered in between her sobs.

"No. Tahan na. Shhh. We're not mad. Something just came up lang talaga. Hindi ako galit sayo. Okay?"

"And what were you saying na nagulo ang lahat when I met you?" Dugtong ko.

"Kasi po....naging mas komplikado po ang buhay niyo dahil sa akin. Baka napapagod na po kayo." I wiped her tears using my thumb.

"Sweetheart, meeting you was the best thing that ever happened to me. Never in my life na naisip kong magiging ganito pa ako kasaya and that's because of you. You brought our family back together. Never akong mapapagod sayo ha." I also wiped my tears dahil hindi ko napapansin na umiiyak na rin ako. Masakit kay Calli 'yung ginawa kong silent treatment. Pero hindi ko naman sinasadya. I just wanted to think and nadamay lang siya.

"I love you so much. Always remember that. Sorry for ignoring you noong mga nakaraang araw. Marami lang iniisip si mommy but we're fine."

I kissed her forehead and the top of her head multiple times.

"Are you okay na?" Tanong ko when she finally stopped crying. Tumango siya at ngumiti.

"Yan. Huwag ka nang umiyak ha. I'm not mad. Dad is not mad."

Tumango tango lang siya while I am fixing her hair dahil dumidikit sa mukha niya dahil basa ng luha.

~~~~~~~

I'm here sa room and Calli is downstairs preparing dinner. I heard the door behind me opened.

"Hon, let's eat dinner." Yaya ni Alex. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit may part sa akin na nagagalit sa kaniya because of what I heard from Sam. Alam kong hindi ko dapat paniwalaan agad agad ang narinig ko pero you can't blame me kung iyon ang ang nararamdaman ko.

"Sige, susunod nalang ako." I told him. Sinara na niya ang pinto and humiga muna ako sa bed.

"Amara! Bakit ka ba nagkakaganito?" I asked myself habang sinasabunutan ko ang sarili ko. Nararamdaman ko na naman 'yung feeling na gusto ko munang mapag-isa. Gusto kong makapag-isip isip.

Kaya kong icomfort ang anak ko pero bakit hindi ko magawa sa sarili ko?

Knowing na may kinalaman ang mama sa mga nangyari. Sino pa ba ang pwede kong pagkatiwalaan? Parang puro kasinungalingan nalang ang lahat ng naririnig ko sa lahat ng nakakausap kong tao.

Lahat sila nagtuturuan. Hindi ko alam kung sinong paniniwalaan ko. Gusto kong makausap ang mama.

Naiinis na ako. Naiiyak na ako sa sobrang gulo ng isip ko. Gusto kong magwala. Gusto kong ibato lahat ng gamit dito. Gusto kong magkulong sa kwarto.

Hindi ko na kilala ang sarili ko. Pati anak ko napagtaasan ko ng boses. Sarili kong asawa, hindi ko pinapansin. Parang ang sama sama ko na dahil sa mga nangyayari at nalalaman ko.

Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nakakausap ang mama.

Kinuha ko na ang susi ng kotse ko at lumabas ng kwarto. Pagbaba ko sa sala, nandoon si Alex at mukhang aakyat pa sa hagdan.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya pagkakita sa susi ng kotse na hawak ko.

"Hayaan mo muna ako." I said.

"Sasama ako. Gabi na oh. Hindi ka dapat lumalabas ng ganitong oras." Tinignan ko siya sa mata and I know that he can see the coldness in my eyes.

"Kaya ko ang sarili ko." Iyon ang sinabi ko bago ako lumabas ng bahay.

I drove to mama's house and after 20 minutes, nandito na ako. Hindi ko alam kung anong sagot ang makukuha ko sa kaniya pero gusto ko nalang na maklaro ang isip ko.

I pressed the doorbell at pinagbuksan ako ng kasambahay ng mama.

"Ma'am, good evening po. Hinahanap niyo po ba si ma'am Liandra?"

"Yes. Nasaan ang mama?"

"Nasa loob po. Sa dining room." Sagot niya. Pumasok na ako at nagdire diretso sa sinabing kwarto.

Pagdating doon, nagulat ang mama nang makita ako. I know I look like a mess right now. Pero wala akong pakialam.

"Amara! What are you doing here?" Tanong niya at sumilip sa pintuan. "Sinong kasama mo?"

"Ako lang po. May gusto lang akong itanong and gusto ko pong sagutin niyo ng tama." Seryoso kong sabi. Nagpunas muna siya ng bibig tsaka tumingin sa mga kasambahay.

"Maiwan niyo muna kami dito."

Kaming dalawa nalang ang nandito.

"What is it? Bakit parang ang seryoso ng mukha mo?"

"Ma, may kinalaman ka po ba sa nangyari kay Isabella noon?" Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya pagkatapos ay tumingin sa akin.

"What are you talking about?"

Napasapo nalang ako sa noo at bumaling sa kabilang direksyon. "Ma. Sagutin niyo nalang." I said in frustration. Sana....sana hindi niya isasagot 'yung inaasahan kong sagot. She's still my mother.

"Ano bang--"

"Sinabi na po ni Wilson at ni Sam. Ma please. Just answer my question. Gulong gulo na ang isip ko." Naiiyak na ako sa inis.

"Oo. Sam told me about her plan and I agreed. Dahil ayaw kong mapunta ka kay Alex. I wanted him to stay away from our family." Sagot niya with absolutely no expressions on her face. Napasandal nalang ako sa pader dahil pakiramdam ko ay babagsak ako anumang oras.

"Bakit? Ma bakit? Bakit niyo ginawa 'yun? Does it mean na alam niyong buhay si Isabella?"

"Ang sinabi lang sa akin ni Sam, she will make a way para paglayuin kayo. I didn't expect na ganu'n ang gagawin niya at madadamay si Isabella. Pero wala akong kinalaman sa pagkawala ng anak niyo." She answered straight forward.

"Bakit ba galit na galit kayo kay Alex? Wala naman siyang ginawa kundi ipakita na karapat dapat siyang maging parte ng pamilya natin. He proved himself to you pero anong ginawa niya para magalit kayo ng ganu'n sa kaniya? Ha?" Hindi ko siya kayang pagtaasan ng boses pero naiinis na ako.

"Ayokong mapunta ka sa kaniya because he reminded me of your father. Your father who ran away dahil sa pera at sa ibang babae. Ayokong matulad ka sa akin na iniwan ng asawa just because of money."

"Ma, hindi porke't nagmula si Alex sa pamilya na hindi kapantay ng estado natin, doesn't mean na katulad siya ni papa. Magkaiba sila ni papa. Ma naman." My papa didn't come from a rich family katulad ni Alex. Pero nagsumikap siya just to prove to my lolo at lola na karapat dapat siya kay mama.

I covered my face remembering the day that papa left us for another woman. I was so young back then. I just graduated elementary at that time.

Flashback

I woke up dahil sa sigawan na naririnig ko sa baba. Madaling araw palang and unusual para sa akin na makarinig ng gano'n because mama doesn't like loud noises kapag ganitong oras.

Bumaba agad ako sa hagdan and nagtago ako only to see papa with his luggages. Saan siya pupunta? May business trip na naman ba siya?

"Fabian, please. Huwag mo naman kaming iwan ng anak mo." Mama was clinging on to papa's arm trying to stop him from leaving. Iiwan kami ni papa?

"Liandra, tama na. Hindi ko na kaya. Nasasakal ako sa pamilyang ito. Pati sa mama at papa mo na hindi naman ako tanggap." Papa said.

"Anong sinasabi mo? Tanggap ka ni mama at papa. Kahit huwag nalang para sa akin. Kahit para kay Amara nalang. Huwag ka ng umalis."

"Maiintindihan din ni Amara ang desisyon ko. Ayoko na." Sabi ni papa. Unti-unting namumuo ang luha sa mga mata ko habang pinapanood ang eksenang ito.

"Ang sabihin mo, pupunta ka sa babae mo. Ano? Magsasama na kayo?! Iiwan mo kami ng anak mo para sa kaniya? Isipin mo naman si Amara. Anong mararamdaman nu'ng bata?!?!" Tinulak ng mama si papa pero parang walang emosyon na tumingin si papa sa kaniya.

"Gagampanan ko pa rin naman ang responsibilidad ko bilang tatay kay Amara kahit na wala ako dito sa bahay na ito." He firmly said.

Hindi ko na nakayanan kaya bumaba na ako ng hagdan at nagulat sila nang makita ako.

"Kanina ka pa ba nandyan?" Tanong ng mama sa akin pero hindi ko sinagot.

"Pa, aalis ka? Iiwan mo kami?"

"Amara, I'm sorry. Kailangan ko lang umalis pero babalik ako para sa'yo." Sabi niya. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang umalis.

"Pa, dito ka nalang. Huwag ka nang umalis. Please." Yumakap ako sa kaniya at umiyak.

"Babalikan kita." Inalis niya ang pagkakayakap ko sa kaniya at lumabas na ng bahay.

"Pa!!!!!" Sigaw ko pero hindi siya bumalik.

End of Flashback

He left for his own happiness. Napatawad ko na siya noon pa kahit na hindi niya na kami binalikan at bumuo na ng sarili niyang pamilya.

Iyon ang iniiwasan ng mama na mangyari sa akin. Kaya nagsumikap si Alex to also prove himself. Pero I can already tell from the start na hindi siya katulad ng papa. Hindi niya ako iiwan. Pero mismong ina ko pa pala ang isa sa mga dahilan kung bakit naghiwalay kami.

"Paano? Paano mo po nagawa 'yon? Tell me how." I tried to lower my voice because I don't want to sound disrespectful.

"Dahil mahal kita at ayaw kong dumaan ka sa parehong daan na pinagdaanan ko. Kaya sobra ang galit ko kay Alex noong maghiwalay kayo. The same reason kung bakit hindi ako malapit sa anak niyo. Because alam kong anak siya ni Alex."

Napapikit nalang ako at napahilamos ng kamay sa mukha.

"I'm so sorry. I didn't realize na lalo kang nasaktan because of your separation with Alex before. Mali akong isipin na pareho sila ng papa mo. Siguro hindi lang ako makalimot sa ginawa ng papa mo kaya naibunton ko ang sama ng loob ko kay Alex."

"Tama na po muna. Gusto ko na lang pong umuwi."

"Sana patawarin mo ako." She said and I just looked at her.

"Kakausapin ko nalang po kayo sa ibang araw." I said and started walking palabas ng dining room.

Wala ako sa sarili na bumalik sa kotse at nagmaneho pauwi. I heard them na nasa dining room pero dumiretso nalang ako sa kwarto. Wala akong ganang kumain.

Kung noong mga nakaraang araw, parang sobrang manhid ko. Ngayon, gusto kong umiyak. Gusto ko nang iiyak lahat. Ngayon lang nagsisink-in sa akin ang mga nalaman ko. It all started to make sense to me. Parang wala nang totoo sa buhay ko after knowing all of those.

"Nakauwi ka na? Saan ka galing?" Mahinahong tanong ni Alex who just entered the room. Lumingon ako sa kaniya at tumayo ako. Lumapit siya sa akin and held my hand.

"What's wrong? Anong nangyari?"

Hindi ako nakasagot and I just hugged him habang tumutulo ang mga luha ko. Ngayon lang ako nakaiyak ng ganito after talking to Sam a few days ago.

Alex's POV

We're done eating dinner and tahimik lang si Calli. She knows na may problema. Kinausap daw siya ng mommy niya kanina pero 'yun lang daw. After no'n, tahimik na daw ulit si Amara.

She left kanina bago kami kumain ng dinner. I don't know where she went dahil ayaw niyang sabihin. Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin or what. Hindi niya ako kinakausap and hinahayaan ko lang. I'm just here to make her feel na hindi siya nag-iisa and she can tell me anything.

"Goodnight. Matulog ka na ha." I told Calli pagkahatid ko sa kaniya sa tapat ng room niya.

"Goodnight dad." I kissed her forehead tsaka ako pumunta sa kwarto.

There I saw Amara sitting on the bed. Nakahinga ako ng maluwag knowing that she's home dahil hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin if she's still not here.

"Nakauwi ka na. Saan ka galing?" I asked her. Lumingon lang siya sa akin and I can see the sadness in her eyes. She stood up kaya lumapit ako sa kaniya.

Yumakap siya and there. She cried while I'm caressing her back to comfort her. Ngayon lang siya umiyak after our conversation with Sam and to think that that was a few days ago, almost a week ago.

Hindi ako nagsalita and all we can hear is her loud sobbing. I just want her to let it all out. Iiyak niya, kahit abutin kami ng bukas, ayos lang basta gumaan ang pakiramdam niya.

"What happened?" Tanong ko. I don't want to ask her if she's okay dahil obvious naman na hindi.

She didn't answer. I'm worried about her and our baby. Kung nasstress siya, nasstress din ang anak namin.

I cupped her face and wiped her tears. Basang basa na ng luha ang mukha niya.

"Come on. Tell me what happened. Saan ka pumunta?"

"I confronted mama. Sana pala hindi ko nalang ginawa." I knew it. Alam kong hindi siya matatahimik hangga't hindi niya nakakausap ang mama.

"Ang sakit pala. Na marinig lahat ng sinabi niya. Akala ko kaya ko."

"Tahan na." I said to her and hugged her once more.

~~~~~~~~~

A/N: Hiii!!! So just a few chapters left. 🥺

Thanks for reading!!!!

Continue Reading

You'll Also Like

344K 18.2K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
385K 26.9K 232
Rosabella Nataline swore to keep off dating when she got her heart broken two years ago. She kept herself protected and bound by a rule she establish...