Xander:Till Death Do Us Part

By anniansker

814K 19.9K 4.2K

"Hindi kita mahal! Bakit hindi mo maintindihan iyon! At mas lalong hinding hindi kita mamahalin! Stop pushing... More

Prologue
1. Chasing Xander
2. New Friend
3. She's Sick
4. Denial King
5. Elimination Round
6. Broken Heart
7. She's Leaving
8. Furious Talia
9. She is Back
10. Bar Encounter
11. Xander wants
12. Sweet Sauce
13. Smells good
14. Seatmates
15. Yummy food
16. Xander Beast Mode
17. Caught In the Act
18. Ice for Martin
19. Concert Tickets
20. Xander's Revenge
21. Shower Room-SPG
22. Dining Room-SPG
23. Wedding Booth
24. Let's Get Married-SPG
25. Taking the Risk
26. Quickie-SPG
27. Tired and Hungry Jess
28. goodluck kiss
29. SPG-i love you
30. She's in danger
31. Jess? What's wrong?
32. we will try our best
33. Secret
34. cheese
35. broken
36. walang nangyari
37. smile
38. buking
39. I Miss You
40. chance-SPG
41. Mrs. Steve
42. pumasok ka na!-SPG
43. I can't calm!
44. Truth
45. Truth 2
46. Pain
47. I'm sorry
48. Death
49. Lost
50. Start Again
51. The New Girl
52. Second glance and gone
53. Kid
54. Pregnant
55. She's coming back
56. Sino ka?
58. Allowance
59. Shopping
60. Lavigne Miguel Esteban
61. Water
62. Picture
63. Big Boss Wife
64. Daddy
65. Soft
66. Home-SPG
67. Towel-SPG
68. Asawa-SPG
69. Elevator
70. See it yourself
71. Penthouse
72. Pissed
73. Furious
74. Don't love love me! haha!
75. She's bleeding
76. Shake
77. I don't like her
78. Xander is Mad
79. Shut Up

57. Crush

9.1K 217 50
By anniansker

"You are not going anywhere"

Biglang natakot si Jessica matapos makitang seryoso ang lalaking nahampas niya kanina.

Hindi niya mapigilan ang mapasinghap ng mapansing sobrang gwapo pala nito!  Ang sarap magpayakap! Charot! Hindi pwede may crush na siya! Si Lucas lang dapat ang crush niya!

"Bitaw, Xander!",galit na sigaw ng kanyang kapatid na si Hans kaya napatingin siya sa kapatid.

"I have all the fucking right!",hindi paaawat na sabi ng lalaki kaya napatingin siya ulit dito.

Wow! Grabe nahampas lang may right na siya agad?

"Nag-usap na tayo tungkol dito Xander! She can't remember anything! So shut up! You fucking let go of her hand now!",hindi rin patatalo na sabi ni Hans kaya napatingin siya ulit dito.

Ano bang pinagsasabi ng mga to!

Hanggang sa sumakit na ang ulo niya sa kababaling sa kanila.

Samantala, naguguluhan na din ang mga naroon board of directors habang nanonood sa kaganapan.

Hindi nila kilala kung sino ang magandang babae na bigla bigla nalang pumasok. Nagtataka din sila kung ano ang kaugnayan nito kina Hans at Xander.

Si Talia ay tahimik na pinapahid ang luha habang nakatingin kay Jessica. Mababanaag ang labis na kagalakan sa kanyang mukha. Maging si Ben ay kinokontrol din ang sariling damdamin. Pero masaya sila na makitang buhay si Jessica.

"Babe?",tawag ni Sofia kay Xander pero hindi lumingon si Xander at walang balak bitawan ang pagkakahawak sa asawang si Jessica.

He miss her so much! He just want to fucking hold her and not wanting to let her go again.

Natatakot siya na baka panaginip lang ito.

"Hindi mo ba naririnig? Tinatawag ka ng syota mo!",bulyaw ni Hans dito pero hindi pa din tumitinag si Xander.

"Ang kulit mo ah!",naiinis ng sabi ni Hans.

"Bitawan niyo nga akong dalawa!",nabwibwisit na reklamo ni Jess.

Siya ang nahihirapan sa gitna ng mga ito. Ano bang problema nila!

"Ano ba! Bitawan niyo na nga si Jess. Nasasaktan na siya!",hindi na rin napigilan ni Talia ang sumingit at parehong hinampas sina Hans at Xander. Hindi nila napaghandaan ang hampas nito kaya pareho silang napabitaw.

Pareho nilang tiningnan ng masama si Talia pero tinaasan lang sila nito ng kilay.

Lumapit si Sofia at hinawakan ang braso ni Xander pero mabilis iyong tinanggal ni Xander.

Naiiyak na din si Sofia dahil sa inaakto ni Xander.

"Hay salamat! Sumakit ang kili kili ko sa inyo!"inis na reklamo ni Jess at ginalaw galaw ang kanyang braso.

Agad hinuli ni Hans ang kamay ng kapatid at mabilis na hinila na palabas.

Susunod pa sana si Xander para kunin ang asawa ng pigilan na siya ng kapatid na si Aaron.

"Bitawan mo ako!",galit na asik ni Xander.

Hindi niya hahayaan na mawala pa sa paningin ang asawa!

"Kuya ano ba! Nandito pa ang mga Board of Directors baka gusto mo munang tapusin ang meeting no?",sarkastikong sabi ng kapatid.

---

Galit na galit si Hans kaya naman kusang nagpahila nalang si Jessica.

Galit na galit gusto manakit? Siya pa ang galit! Siya ang nanggulo sa tahimik na mundo niya! Bigla nalang icut ang credit cards niya! Saan siya kukuha ng pera! Kaya naman napasugod siya dito ng wala sa oras!

She went to their own company pero wala siya doon. Nalaman niya na nasa  Steve Corp ito to attend a board meeting kaya bigla siyang sumugod doon.

"What the hell are you thinking ate!",inis na sigaw ng kapatid na si Hans matapos silang makarating sa opisina nito.

"You idiot! Ikaw ang nauna! Why did you cut my credit cards!",inis na sabi ni Jess

"You want your credit cards? Bumalik na kayo ngayon din sa New York and I will give back your credit cards!"

"What?! Matapos kong paghirapan ang pag-uwi namin tapos ganun ganun nalang yon?",naiinis na sagot ni Jess sa kapatid.

"Then, I am not going to support you financially until you go back to New York!"

"E di huwag! Sayo na pera mo!",galit na galit na umalis si Jess palabas sa opisina ng kapatid.

Pabalibag niyang sinara ang pintuan para ipakita sa kapatid na galit siya dito.

Napakislot pa ang secretary nito na nasa labas lang.

"Arrrgghhh! Pangit! Bakulaw!",inis na sigaw ni Jess mula sa labas ng opisina nito at saka nakasimangot na inayos ang sarili.

Natigilan siya ng pagtalikod niya para umalis ay hinarang siya ng isang babae at lalaki.

"What?",supladang tanong niya sa mga ito sabay taas ang kanyang kilay.

"May iaalok kaming work sayo kung gusto mo",sabi ng babae.

Biglang nanlaki ang mata ni Jess. Huminga siya ng malamim at matamis na ngumiti sa kanila.

Tingnan mo nga naman ang swerte. Balak niya palang maghanap ng work ay kusa ng lumapalapit sa kanya.

"Sure. I like that",nakangiting sabi niya.

"Tara. Let's have lunch together so we will discuss about the work we are talking about", masayang sabi ng babae.

"Sure. Tara!",tuwang tuwa na sabi ni Jess. Kaya sabay na silang umalis na tatlo papunta sa Angels.

Ginamit nila ang sasakyan ni Ben papunta roon.

"I'm Talia nga pala",pakilala ng babae.

"I'm Ben",sabi naman ng malambot na lalaki.

"I'm Jessica Esteban and I am Hans Eric Esteban sister"

"We know",sabay na sagot ng dalawa.

"Ha?"

"I mean yeah base from what happened earlier we learned na kapatid ka ni Hans",paliwanag ni Talia saka agad kinuha ang juice na inorder at uminom.

"Ahhhh",tumango tangong sabi ni Jess.

"So, anong work ang inooffer niyo kanina?",tanong ni Jess

"We need a model for our next project and you are a perfect candidate for it",sabi ni Ben.

"Ako? Model? Mukha ba akong model?",nakasimangot na tanong ni Jess.

Ano ba yan! Akala pa naman niya magiging office girl na siya!

"Magpose ka lang naman eh. Ngingiti sa camera tapos. Sayang naman ang malaking sahod kung tatanggihan mo. Magkano na ulit ang sahod Ben?",tanong ni Talia kay Ben.

"Well, mga 500 thousand lang naman ang contract. Sabagay kunti lang talaga yun. But I heard there will be incentives or rewards too kapag mas mataas ang sale kesa sa kabilang group"

"500k?",di makapaniwalang ulit ni Jess

"Yes. Maliit no? Sabagay sino ba ang tatanggap sa ganoong kaliit na halaga sa simpleng pagpose pose lang",sabi ni Talia.

Napalunok si Jess. Magpose pose lang pala eh. Kaya naman niya siguro.

"Sige na nga pumapayag na ako mapilit kayo eh",agad na sagot ni Jess.

Mabilis namang lihim na nag-apiran sina Talia at Ben.

Kumakain pa sila ng mapansin ang commotion sa may entrance. Napatingin naman sila doon ng may pagtataka.

Impit na tilian ng mga babae ang naririnig.

Ang Trive Band!

Kaya naman pala nagkakagulo ang mga babae dahil pumasok ang sikat na sikat ngayon na bandang Trive. Agad silang dinumog. Nagkukumpulan na ngayon ang mga tao doon at gustong makalapit sa mga myembro ng banda. Agad namang lumapit ang security para palibutan sila.

"Ohemgee! What a lucky day! Andito ang forever ko! Waahhhh! Lucas! Ako ang destiny mo!"nagtitiling sabi ni Jess at agad tumakbo palapit sa nagkakagulong mga babae doon sa may entrance

Napanganga nalang sina Talia at Ben habang nakasunod na nakatingin kay Jess na tumatakbo.

What the heck! I think Xander will not be happy about this!

Nakikinita na nila ang umuusok nitong ilong sa galit.

---

"Babe, may problema ba tayo?",naluluhang tanong ni Sofia

Nasa loob na sila ng opisina ni Xander.

Nakatalikod si Xander habang nakatingin sa labas. Napapikit siya ng marinig ang malungkot na boses ni Sofia.

He needs to tell her the truth. He is so sorry to hurt her but he can't miss this chance to take his wife back.

"I am sorry", panimula ni Xander saka matapang na hinarap si Sofia.

"Bakit ka nagsosorry?",lumuluhang tanong ni Sofia.

"I will take responsibility of the child. Hindi ko siya tatakbuhan. Susuportahan ko siya"

"W-what do you mean?",naguguluhang tanong ni Sofia.

"I am married. That woman in the conference room just now is my wife.",matapat na sabi niya.

Parang bomba iyon sa pandinig ni Sofia. Hindi niya napigilan ang napahikbi.

"M-married? B-bakit hindi ko alam? K-kailan pa? P-paano naman ako? P-paano naman kami ng anak ko?",nanghihinang tanong niya.

"I am sorry but I love my wife so much. And I want her back. I will support you financially and our child. I am sorry for causing you so much pain.",nahihirapan ding sabi ni Xander.

Dahan dahang napaupo si Sofia at umiyak ng umiyak.

Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa na buntis siya? Akala niya magiging pamilya na sila?

Naaawang nakatingin nalang si Xander dito.

----

Paalala: 1 update only for today wala ng hihirit. Enjoy your weekend! 😘😘😘

Continue Reading

You'll Also Like

373M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
381K 26.8K 232
Rosabella Nataline swore to keep off dating when she got her heart broken two years ago. She kept herself protected and bound by a rule she establish...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...