CURSED: THE LONG LOST ENCHANT...

By scarlet_rain17

924 113 11

It all started with a nightmare. A nightmare that will make the biggest twist of her life she had never imag... More

DISCLAIMER
Synopsis
Chapter 1: Strange dream/nightmare
Chapter 2: Curious Erza
Chapter 3: Unknown connection?
Chapter 4: Mr. I dunno the name
Chapter 5: Eros
Chapter 6: The abno squad
Chapter 7: Crush
Chapter 8: Man in her dream
Chapter 9: So it's you
Chapter 10: Almost a kiss
Chapter 11: Unforseen disaster
Chapter 12: Pointing the mystery
Chapter 13: Unboxing the mystery
Chapter 14: mystery case
Chapter 15: the search for the enchantress
Chapter 17: the enchantress
Chapter 18: Preparation
Chapter 19: Her responsibility
Chapter 20: vampires and witches
Chapter 21: Vampires and witches part 2
Chapter 22: Rite of passage
Chapter 23: Claveria kingdom
Chapter 24: De Luna Clan
Chapter 25: The prophecy
Chapter 26: kiss
Chapter 27: War: the beginning
Chapter 28: Russiana

Chapter 16: traitor

18 2 0
By scarlet_rain17

Erza

Hindi ako mapakali sa kama. Ang utak ko ay naglalakbay pabalik sa nangyari kanina.

'Hindi, hindi. Pinaglalaruan lang ako ng mga mata ko' naisip ko. Pero alam kong kahit na anong pilit ko ay hindi ako nagkakamali. Si anak ng kahoy at dugo yun. Si Yannah at Zein iyong nakita namin kanina. Kitang kita ng dalawa kong mata, at hindi ako pwedeng magkamali sa nakita ko kasi kilalang kilala ko ang mga yun eh, base sa pag oobserba ko sa kanila, sa lahat ng galaw nila, kahit pa anino nila ay malalaman ko kung sila ba. At masakit, ayokong tanggapin na sila nga.

Hindi ko aakalaing magiging traydor sa kapwa tao ang dalawa sa mga itinuring na kaibigan ko, o kaibigan ko pa nga ba ang mga yun? Ngayon ay nagdududa na rin ako kung tama ba ang pagkakakilala ko sa kanila. Malamang hindi, malamang isang huwad na katauhan lamang ang pinakita nila sa akin.

Hindi ko kayang tanggapin na sila nga 'yon, hindi, mas tama sabihing hindi ko gustong tanggapin. Ayoko. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko kung kitang kita na mismo ng mga mata ko?

"Hey, okay ka lang?" tanong ni Eros sa akin na halatang nag aalalala. Nandito pa din ako sa lungga, este sa inuukupang kwarto nya kasi hindi naman sila papayag na mag isa lang ako sa boarding house ko. Sa totoo lang may kasama naman ako dun kaya lang ay ayaw nila ako payagan na lumabas na hindi sila kasama. Kaya hindi na din ako nagpumilit pa, para sa kaligtasan ko din naman 'yon eh.

"Sa totoo lang hindi. Ayaw ko pa rin maniwala pero wala naman akong magagawa kasi hindi naman ako pwedeng magkamali eh. Sila 'yong nakita ko" mahina ngunit may bahid ng lungkot na saad ko.

"At saka paano sila may powers? Hindi naman yata sila vampire gaya nyo eh?  At saka bat may tungkod na parang yung sa mangkukulam? Kalahi ba sila ni Madam Auring?"

"Wag ka nang mag-alala maayos din ang lahat, pangako yan" sagot ni Eros. Ewan ko ba, hindi ko alam kung anong meron sa kanya at napapakalma nya ako. Tumango tango na lamang ako bilang pag sang-ayon. Sana nga, kasi hindi ko na alam pa ang gagawin ko kung magpapatuloy pa itong mga nangyayari.

"Halika na nga, matulog ka na" pukaw nya sa aking lumilipad na kaisipan at hinila ako pabalik sa kama nya.

"Eh ikaw?" tanong ko sa kanya.

Ganito kasi lagi eh, sa loob ng ilang araw na naririto ako sa poder nya ay hindi pa sya natulog dito sa mismong kama nya. Malaki naman ang kama nya at pwedeng kasya ang dalawa o tatlong  katao pero hindi naman sya tumatabi. Hindi naman sa gusto ko syang makatabi, nag aalala lang ako sa kanya. At isa pa medyo nakakahiya din naman kasi na ako yung prenteng nakahiga sa malambot na kama nya tapos sya hindi na natutulog o di kaya ay sa sala sya hindi ba?  

"Why baby? Want me to join you here?" mapaglarong tanong nya na syang ikinakunto ng noo ko. Hindi naman sa hindi ko sya naiintindihan ah pero parang ganun na nga.

"Ha?"

"Wala, matulog ka na nga lang" natatawa pa ding sagot nya. Hays Eros madalas talaga hindi kita maintindihan, buti na lang gustong gusto kita kaya segi na lang. Pwede na rin.

Eros

I found Erza in a deep thought. Sabagay sino ba naman ang hindi kung 'yong mismong dalawa sa mga taong nakasama at pinakakatiwalaan mo ay sya palang dahilan ng nga kaguluhan na nangyayari sa paligid. And to ease that worry in her eyes, I need to do something. And I will do everything, I will do whatever it takes to make her happy, just to her sweet and innocent smile again.

'Why baby? Want me to join you here?" I am kidding though, gusto ko lang naman makita ang reaksyon nya pero mukhang hindi naman tumalab sa kanya. Ba't ko nga ba ulit nakalimutan na hindi masyadong naiintindihan ng babaeng to ang mga pinagsasabi ko? Well maybe because I want to see that adorable puzzled face of hers when she's trying to understand what I have said.

Hays matulog ka na nga lang baka sakali maintindihan mo na kinabukasan kahit pa masyadong malabo naman na maintindihan mo. Natatawang hinalikan ko na lamang sya sa noo para makapagpahinga na din sya.

"Goodnight baby, dream of me" I whispered through her ears. I look at her again and found her frowning face, mukhang hindi naman na naiintindihan ang pinagsasabi ko maliban ata sa goodnight. Segi na nga lang, kahit pa madalas hindi mo naiintindihan ang pinagsasabi ko at least naman mahal kita.

Hindi na lang nya inintindi pa ang sinabi ko at ipinikit ang mga mata hanggang sa tuluyan na syang nakatulog ng mahimbing.

'I promise baby, I will do whatever it takes just to keep you safe, I will not let them harm you one more time. Tama na yung nangyari ilang daang taon na ang nakakaraan. Pangako yan Erza, ipinapangako ko sa milyon milyong mga bituin sa langit, huwag ko lang makitang mawala ang mga ngiti mo sa labi' 

I kissed her forehead once again and left the room.

"Dude" Drake called me once I get out of my room.

"Yeah" I replied.

"Tulog na bebe mo?" Drake asked teasingly. Akala nya ata may ginawa pa akong kababalaghan sa loob ng kwarto ko.

"Hmm" tanging yun na lamang ang sagot ko para matigil na ang pag uusisa nya.

"So ano nang ganap? May nalaman ka ba tungkol sa dalawang yun?" I asked

"Hmm. Ayun sa impormasyong nakalap ko, ang dalawang iyon ang tapat na tagapaglingkod ng reyna ng mgadark wizards, ang mama ni Erza. And yeah dark wizards, base sa ginawa nila matatawag silang dark wizards" pagsisimula nya.

"Russiana" I mumbled that name. Hinding hindi ko makakalimutan ang pangalan ng babaeng isinumpa ako at ang kanyang sariling anak para lamang sa kanilang hangarin.

"Yep. Russiana is the name of her mother. That wicked witch. Sinadya nyang i-teleport ang anak nya gamit ang space magic spell niya sa mismong lugar natin upang tapusin ang lahi ng mga bampira. Hindi coincidence na sa mismong teritoryo natin napadpad si Erza kundi dahil palanado iyon. Maliban sa protektahan ito sa iba pang masasamang wizards na nais patayin si Erza upang makuha ang kapangyarihan nya ay nais nilang magmanman si Erza sa lahi nating mga bampira. She will be the ears and eyes of those witches while she is in our territory" pagpapatuloy nya na syang  ikinasinghap ko. I never expected of a mother to make her own child as a bait to lure the enemies. Pero ang ipinagtataka nya ay kung bakit pati silang mga bampira ay pinamanmanan pa, wala naman syang natatandaang may naging alitan ang mga bampira at mga wizards kaya bakit.

"Hindi mo talaga alam kung bakit pati tayo ay nais nilang salakayin?" Drake asked curiosly, malamang ay nabasa na nya ang iniisip ko.

Umiling iling naman ako bilang sagot.

"For power. Nais nilang makuha ang kapangyarihan at abilidad na meron ang isang bampira. To enhance their power and to finally have the full control over the human world and the world of magic" Drake replied.

"And Erza is the enchantress, the strongest mage of their time and the whole history of magic world, that's why they forbid her to fall inlove with a vampire" dagdag pa nya na syang ikinagulat ko. Over those centuries I have been wondering why the hell did they cursed me and Erza for having a special connection. At yun pala ang sagot, dahil sya ang itinakda. Sya ang nakasulat sa mga aklat ng bampira at mga salamangkero na magiging dahilan ng pagkawasak at katapusan sa oras na umibig sya sa isang bampira.

'Pero bakit pa nila ginawang i-teleport si Erza sa teritoryo namin kung ganun naman pala ang mangyayari sa oras na magkaroon ng espeyal na koneksyon sa isang bampira?' I thought.

"Yun ang hindi naisip ng reyna. Ang posibilidad na mahulog ang loob ng iniingat ingatan nilang enchantress sa isang bampira" Drake said as a response to my confusion.

"At ngayon at gumagawa sila ng paraan para buhaying muli ang kanilang reyna sa pamamgitan ng mga nakalap nilang kaluluwa. And once they already had enough souls, that would be the rebirth of their wicked witch queen" dagdag pa ni Drake.

Mas lalo tuloy syang nababahala. Hindi na isang simpleng sakuna ang nais ng mga witch na iyon kundi ay isa palang higit na mas makapangyarihang sakuna pag naisakatuparan na nila ang muling pagbuhay sa kanilang reyna. And that would also lead Erza another heartache.

"Pero may nasagap akong impormasyon na ang lola ni Erza ay tutol sa dito, hindi lang ako sigurado" I blurted out.

That information I had was gathered long ago, the time when the grandmother witch was still alive. She died the moment when Erza died too. At doon ay tuluyan nang naipasa ng nakatatandang mangkukulam ang kabuoan ng kanyang kapangyarihan sa magiging tagapagmana ng kanilang kaharian, at magiging tagapamahala ng mundo ng mahika. Subalit ang hindi ko maintindihan ay kung papaanong namatay si Erza kung nasa kanya naman ang pinakamalakas na kapangyarihan? Sya nga ba talaga ang nasabing enchantress? Or maybe because she was still so young that time na hindi nya pa alam kung paano gamitin? Tinuruan nga ba sya na gumamit ng mahika? It just feels so wrong that she is labeled as the strongest witch, the enchantress but she died with just a curse.

"Hmm sa palagay ko ay hindi sya tinuruan ng kahit na anong uri ng mahika. For her mom and those two witches were traitors of their own kingdom. Ang nais ng grandmother witch ay maayos na pamumuhay kasama ang mga tao at bampira pero iba ang gusto ng reynang si Russiana, iyon ay ang pamunuan ang mundo ng mahika at alipinin ang bawat bampira at tao na makikita ng kanilang mga mata, and she used her own daughter as a bait, at tagumpay na naisagawa ang plano ng sugurin sila ng ibang kampo ng mga mangkukulam, the dark witches at naipasok sa teritoryo natin si Erza. Nagkabulilyaso lang ng magkaroon kayo ng espeyal na koneksyon sa isa't isa"

Ibig bang sabihin ay nung mapadpad kami sa teritoryo nila nang iniuwi ko si Erza ay mga sugatan na sila at katatapos lamang makipaglaban sa dark mages. And it happened that they've won, yun lang ay isinumpa naman ang koneksyon namin ni Erza matapos iyon that lead to the death of my beloved Erza. Lubha akong nasugatan sa atakeng iyon kasabay ng pag ukit ng sumpa, pero hindi kinaya ni Erza na syang ikinamatay nya. She was never taught how to use any form of magic kaya ganun na lamang kadali syang namatay.

'Ipinapangako ko, hinding hindi na ulit kita hahayaan na mawala pa. If I need to teach you how to use magic then so be it. Wala na akong pakialam pa sa mga orakulo na naisulat sa mga aklat ng mga bampira, wala din akong pakialam kung ikaw ang nakatakdang magwasak ng mundo dahil alam kong hindi mo magagawa ang bagay na yun. You were too soft and gentle for you to behold any form of evil. Sa pagkakataong ito poprotektahan kita laban sa kanila Erza'

Continue Reading

You'll Also Like

10.4M 479K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
3M 227K 68
Eleanor worked for several masters until an incident forced her to restart her life in a small town of Van Zanth, where hybrids prosper than humans. ...
11.3M 506K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
20.1K 1K 36
| COMPLETED | | UNEDITED | Ally Cole, an ordinary person, was engrossed in reading an online novel while walking down the street when she was suddenl...