Sweet Scheming Playgirl (TOG...

By FGirlWriter

3.7M 88K 8K

Saan dadalhin ng twelve years age gap ang pagmamahal ng mapaglarong si Haley sa respetadong vice-mayor na si... More

Disclaimer
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen (Part 1)
Chapter Fifteen (Part 2)
Finale Chapter
Epilogue

Chapter Twelve

160K 4.2K 459
By FGirlWriter

CHAPTER TWELVE

MAY mga bagay talagang kahit anong gawin mong pagpapa-plano ay hindi nangyayaring matuloy kapag mismong pagkakataon at oras na ang pumipigil nito.

Ganoon ang nangyari kay Haley sa plano niyang bawiin si Gideon sa fiancee nito. After her cousin Reeve's wedding, hindi na magkatagpo-tagpo ang landas nila ng lalaki. Gustung isipin ni Haley na tila ba sadyang pinagtaguan siya ng lalaki o iniwasan siya.

Nasa Amora si Gideon, sigurado siya. Ngunit nang panahon na pupunta sana siya doon upang mapalapit sa binata ay hindi siya hinayaan ng mga magulang na makauwi ng kanilang probinsiya. May death threats kasing natatanggap ang Papa niya dahil sa pagiging malinis na politiko nito. Maraming nagbabanta sa buhay nito dahil lang sa tuwid na pamamalakad nito sa Amora. Baka daw malagay siya sa peligro kung uuwi siya roon. Huwag na muna daw siya dumagdag sa alalahanin. Mas ligtas kung nasa Maynila siya at malapit sa mga kamag-anak nila.

Walang nagawa si Haley kahit anong pilit niya. Hindi naman siya takot sa death threats kung tutuusin. Basta makalapit lang siya kay Gideon ay ayos na, pero imposibleng mangyari iyon.

Sa sobrang inis niya ay tinutok niya na lang ang sarili sa pagpipinta. Ngunit, hindi siya nawalan ng oras na malaman ang balita kung may petsa na ba ang kasal nina Gideon. At kanino pa ba siya makakakuha ng source kundi sa bago nilang cousin-in-law...

"So, you mean, kahit isa sa mga pinsan mo na may mga fiancee na, wala pa ring date ang mga weddings nila?" pasimpleng tanong niya kay Agatha nang inaya niya itong mag-kape sa labas.

Tumango ito. "Yes. They are all seemed busy. Lalo na si Kuya Gideon."

Pasimpleng napatuwid siya ng upo. "Why?"

Humigop muna ito ng Cappuchino nito bago sumagot. "Ang balita ko, talagang hindi pa napagpapasyahan nina Kuya Gideon at ng fiancee niya ang wedding date. Lagi kasi silang busy na dalawa. Lalo na ngayon na bothered din si Kuya Gideon kasi nakakatanggap siya ng death threats." Lumarawan ang pag-aalala sa mukha nito. "You know politics..."

She shrugged. "Nakakatanggap din ng ganyan ang Papa ko. Kaya nga ayaw nila akong pauwiin ng Amora. But they are all just death threats. Panakot lang kumbaga."

"Exactly. Kapag naglie-low na daw ang death threats at saka ulit pag-uusasapan nila Kuya Gideon ang tungkol sa kasal. At saka hihintayin niya pang bumalik ang fiancee niya from a modeling project na ginawa sa London."

Napataas siya ng kilay. So, wala si Olivia sa Pilipinas? Well, that would be great! Mas makakakilos siya ng malaya.

Iniba na ni Haley ang usapan para hindi makahalata si Agatha na masyado siyang interesado kay Gideon. Maya-maya ay umalis na ito dahil sinundo ito ng bestfriend nito. May klase pa daw ang mga ito sa pangalawang kurso na kinukuha ng mga ito.

Nakangiti si Haley habang nagmamaneho pauwi. Hihintayin niya lang maglie-low ang mga walang kuwentang death threaths at saka siya uuwi ng Amora. Say—one to two months...

But after two months, kung kailan puwede na siyang umuwi ng Amora ay hindi natuloy dahil sa dami ng mga kailangan niyang tapusing commissioned paintings. And painting is not an easy thing kahit pa mahal niya ang pagpipinta. Pinag-iisipan niya talaga lahat ng concept ng mga paintings na ginagawa.

So bago matapos ang lahat ng trabaho niya, it took her days, weeks, and more months! Halos wala na siyang social life dahil kung hindi siya nagpipinta ay natutulog lang siya. Kapag nagising naman siya ay tinutuloy lang niya ang pagpipinta.

One day, she was busy painting again when her cousin Lavender visited her.

"Hey you, little painter," bati nito sa kanya nang pumasok ito sa painting studio niya.

Hindi na siya nakipagbeso pa rito dahil madungis ang mukha niya dala ng pintura. "And what brought you here?" tanong niya habang nagbe-blend siya ng mga kulay sa hawak na palette.

Tinignan nito ang ginagawa niya. "Well, mga tatlong buwan ka na naming hindi nakikita. Hindi mo sinasagot ang phone mo. So, no choice ako kundi puntahan ka."

"Why? What's up?" tanong niya habang pinapahid na ang bagong gawang kulay sa canvas. Maingat ang ginawa niyang strokes.

"Birthday bukas ni Reeve. And he and his friends planned a surprise second wedding for his wife. Invited tayo. Can you come?"

Malapit naman nang matapos ang ginagawa niya kaya baka puwede naman siyang lumabas bukas. "Kung si Reeve ang may birthday, bakit kay Agatha ang pa-surprise?"

"I don't know. But they are so inlove na. And Reeve's being romantic. Oh, can you imagine that? From an arranged marriage, they fell in love?" Lavender dreamily sighed. "Let's go tomorrow night, alright? Sabay-sabay na tayo nila Saphi at Crystal Jane. I think it's going to be the happiest wedding that we'll attend."

Wedding... Wedding! Damn! Nahinto siya sa pagpipinta at napalingon sa pinsan. Dahil sa pagka-abala niya ay hindi niya na nasundan kung ano nang nangyari kay Gideon!

Limang buwan na rin nang huli niya itong makita at sa unang kasal pa iyon nina Agatha at Reeve. And three months ago, sabi ni Agatha sa kanya ay nasa ibang bansa pa si Olivia. Nakabalik na kaya ang dalaga? Nakapagplano na ba ang mga ito ng petsa ng kasal? Or nagpakasal na ang mga ito.

No. No. Hindi puwede! No, hindi pa sila nagpapakasal.

"Ahm, why are you looking at me like that?" tanong ni Lavender sa kanya.

Napailing-iling siya. "Sa 'surprise' wedding ba bukas...nandoon din ang mga pinsan ni Agatha?"

"Yes. Both mother and father side. Pang-family and friends lang daw talaga ang wedding for tomorrow. Para mas intimate."

Naisip niya itong tuksuhin. "You aren't affected that you will see Reynald? Or can I say, excited ka pa?"

Lavender just smiled. "Hindi naman namin kailangan mag-usap bukas, right? So as long as we have a distance, hindi ko kailangang mag-alala." Lumungkot ang ngiti nito. "Afterall, hindi naman siya makikipag-usap sa'kin kung hindi ako lalapit sa kanya."

Kapag nakita niya si Gideon bukas, talagang lalapitan niya ang lalaki. Malakas ang kutob niyang hindi pa ito kasal, dahil kung ganoon ay makikita niya iyon sa mga newspaper or sa television news. May pag-asa pa siya.

"How about you? Probably, you'll meet Gideon..."

She playfully smiled and went back to painting. "And I'm excited to see him."

"I know that look in your face. Uh-oh. Haley, kung anong binabalak mo, huwag mo nang ituloy."

"What?" natatawang sabi niya. "Don't be paranoid, Lav. Kukunin ko lang kung anong sa akin."

***

TAMA NGA ang sinabi ni Lavender. Pinakamasayang wedding na yata na napuntahan nila ay ang pangalawang kasal ng pinsan nilang si Reeve. Maybe because they felt the genuine love and happiness that the couple has. Dumagdag pa ang magandang balita na magkaka-baby na daw sina Agatha at Reeve—isang rason para lalong maging masaya ang okasyon.

Napahikab si Sapphire na nasa tabi niya. "I'm bored. I'm going home."

"Dito ka muna. Tignan mo nga, nagkakasiyahan pa," pigil rito ni Crystal Jane. "And the night is still young."

Umingos ito. "Kung gusto niyo mag-stay, mag-stay kayo. Alam ko naman kasi na magpapaka-martyr na naman kayo... Magtitiis tumingin sa malayo," pang-aasar nito at saka binalingan ang table kung nasaan nakapuwesto ang magpipinsang Anderson.

"You really know how to spoil the occasion, huh? Bitter," balik pang-iinis niya niya kay Sapphire.

Sapphire rolled her eyes. "Go drool over those boys. Hindi naman ako ang masasaktan."

"Hindi mo kasi kami naiintindihan. Kapag na-inlove ka, you'll get crazy too," Haley said and sipped her red wine.

Mapang-asar na tumawa lang ito at saka tumayo. "Basta uuwi na 'ko." Pagtayo nito at pagtalikod ay may lalaki itong nakabangga.

"Ouch!" daing nito.

"Ay, sorry! Sorry, Miss!" paumanhin ng lalaki rito. Akmang hahawakan nito si Sapphire pero mabilis na umatras ang pinsan nila.

"Don't touch me, I'm okay," mataray na sabi ng pinsan nila at saka tuluyang umalis.

Sinundan ito ng tingin ng lalaki. "Suplada. Buti na lang maganda ang legs."

Nagkatawanan silang naiwan sa table.

"Well, that's Sapphire, the man-hater," aniya sa lalaki.

"Pagpasensyahan mo na ang pinsan namin," ani Crystal Jane rito. "Pagod lang siguro."

Ngumiti ang lalaki at sumingkit ang mga mata nito. This one's a cutie. "Walang problema iyon. Hello pala sa inyo. Kayo ang mga pinsan ng birthday boy, diba?"

"Yes. Ang you are?"

"Ako si Johann. Half-brother ng bride. Kumusta naman kayo, enjoy ba kayo?" Johann joined them. Nakipagkuwentuhan ito sa kanila at naaliw naman sila sa napaka-friendly na presence nito.

Habang nakikipagkuwentuhan sila rito ay napansin ni Haley si Gideon na tumayo at umalis sa puwesto nito kasama ang mga pinsan. Mukhang pupunta ito ng banyo.

Finally, nakahanap na siya ng timing para makausap ito. She excused herself and simply followed Gideon.

Tama nga ang hinala niya na magbabanyo ito. Sakto na may kalayuan iyon sa crowd kaya tahimik at talagang makakausap niya ito.

Hinintay niya itong makalabas. And when he did, sinalubong niya ito.

"Hi!" magiliw na bati niya rito.

Napahinto ito at parang hindi na nagulat nang makita siya. "Haley," he acknowledged her.

"Long time, no see! How are you?" pangangamusta niya rito at saka pasimpleng tumingin sa mga kamay nito. Wala siyang nakitang wedding ring. Yes!

"Busy. As always," seryosong sagot nito at saka nagpaalam na babalik na ito sa mga pinsan.

"Wait," pigil niya sabay hablot sa kamay nito. "Aren't you gonna ask me how I am?"

Napabuntong-hininga ito at pasimpleng binawi ang kamay. He looked at her with that familiar gentleness in his eyes. "Kumusta ka na, Haley?"

She smiled. "Naging busy rin katulad mo...and," she sighed. "And I missed you..."

Nagbawi ito ng tingin sa kanya at akmang tatalikod na pero muli niyang kinuha ang kamay nito. Naramdaman na lang ni Haley ang parang pagkirot sa puso niya. Halata kasing hindi talaga interesado si Gideon na makausap siya.

"Gideon, please...D-Don't ignore me like you don't know me. I won't say sorry sa mga sinabi ko sa'yo the last time we met. These past few months, gumagawa ako ng paraan para makalapit sa'yo pero parang hindi hinahayaan ng panahon at oras na makita kita. Imagine how hard is it for me not to see you?"

Lumingon ito sa kanya. "Ikaw na rin ang nagsabi, hindi hinahayaan ng panahon at oras na makita mo 'ko. Kaya wala ka ring naging tsansa para 'maagaw' ako, hindi ba? Hindi kaya isang mensahe na iyon sa'yo ng tadhana na tigilan mo na 'ko?" Napailing-iling ito at napabuntong-hininga. "You know, Haley, we can be friends if you like. Huwag mo nang ipilit ang nais mo. Ayokong makita kang nagpapakababa para lang maangkin mo 'ko."

Nakagat niya ang labi. "So, chasing after you makes me cheap?"

"That's not what I mean," mahinahong sabi nito. Binawi nito ang kamay na hawak niya at nilagay iyon sa bulsa ng pantalon. "Pero sinasabi ko sa'yo, mapapagod ka lang. You want my attention? I'll give it to you. Puwede tayong maging magkaibigan. "

"How can we be just friends when I'm deeply in love with you?" madamdaming tanong niya. "You see, Gideon, from the first time we met, I know I can't only be just friends with you! Nagkasundo naman tayo noon."

"Dahil pinaniwala mo 'ko na buntis ka."

"That's a year ago, already! Ang sabi mo, napatawad mo na 'ko sa panloloko ko? Nagawa ko lang naman iyon para ako na lang ang mahalin mo. And you said, you almost love me. So it means, may feelings ka na sa'kin. Imposibleng basta na lang nawala iyon."

Umaasa si Haley na kahit katiting ay may nararamdaman sa kanya si Gideon at tinatanggi lang nito iyon.

Walang emosyong tumingin ito sa kanya. "Paanong imposible mawala kung hindi iyon ganoon kalalim? Nasaktan mo 'ko noon. Nasaktan mo ang ego ko dahil nagawa kong magpaloko sa'yo. Pero tapos na. Hindi na mababalik ang nakaraan. Kaya nga pinatawad na kita kahit alam kong hindi ko nang magagawa pang magtiwala sa'yo..."

Napalunok si Haley. "That's why you can't love me anymore?"

Nakipaglaban ito ng tingin sa kanya at mga ilang sandali ring hindi tumugon. "You're too young..."

"Stop that crap! Bata pa ako, oo. Pero sa simula pa lang, kapag may mga bagay akong gusto, gusto ko iyon hanggang sa huli."

"Masyado ka lang nagpapadala sa emosyon mo, Haley. Be mature."

"I'm mature! Nagbago na 'ko at—"

"Kung talagang nag-mature ka na, hindi mo maiisip na mang-agaw ng nobyo ng iba." Nagsalubong na ang mga kilay nito. "Saan mo ba banda hindi maintindihan na hindi na 'ko puwede? Haley, isipin mo ang mararamdaman ni Olivia bilang babae rin siya katulad mo. Paano kung sa ibang pangyayari ay ikaw ang fiancee ko? At siya ang umaagaw sa'kin? Anong mararamdaman mo na may ibang babaeng pilit sumisira ng relasyon natin?"

"Ipaglalaban kita..."

"Hindi mo kailangang lumaban dahil ako mismo, hindi ako magpapa-agaw o magpapatukso dahil may isa akong salita na ipinangako sa'yo. Ganoon ako, Haley. May pagpapahalaga ako sa relasyon. My commitments are serious. Alam mong ganoon ako. I'm true with my words. Ano pa bang gusto mong marinig sa'kin para lang tigilan mo na 'ko? Gusto mo pa bang sabihin ko sa'yo at ipamukha ko sa'yo na hindi kita mahal? Na kahit kailan hindi naman talaga kita minahal? Na pinakisamahan lang naman kita noon dahil ang akala ko may pananagutan ako sa'yo?" Tumiim ang mga bagang nito. "What do you want me to say right infront of your face just to make you stop from this madness?!"

She started to cry. Suddenly, all of her hopes of having him again slipped away. Nakita niyang galit na galit na ito at nagpipigil lang. Lahat ng binitiwan nitong salita ay paulit-ulit na sumaksak sa puso niya.

Oh, how she hated Gideon for being a noble man. Napayuko siya at nagsimulang impit na mapahagulgol. Hindi pa man siya nagsisimula sa plano niya, wala na talaga siyang pag-asa.

Talagang wala naman sa kanyang gusto si Gideon... If she didn't put up her scheme a year ago, he wouldn't even bother to get intimate with her...

"Haley..."

Umatras siya nang tangkang aabutin siya nito.

"I'm sorry, Haley," mahinang sabi nito.

"I-I love you, G-Gideon..." she whispered.

He sighed. "If you really know what true love is, you won't bother to wreck two people apart."

Tiningala niya ito. "I would play fair...I won't do any schemes anymore." Napasinghot siya.

"It's not about you playing fair or not. Iyong intensyon mo na sirain kami ni Olivia para mapunta ako sa'yo, that's what makes it so selfish of you. Hindi ganoon ang tinatawag mong pag-ibig, Haley." Napatingala ito at napailing-iling. "Paano mong naiisip na manakit ng damdamin ng tao para lang sumaya ka?"

Kumuyom ang mga kamay niya at hindi magawang makasagot.

"You did change your way of living, Haley. Pero hindi mo binago ang paraan ng pag-iisip mo kung paano ba talaga makakuha ng totoong kasiyahan at pagmamahal. Iniisip mo lang kung paano ka sasaya, wala ka ng pakialam sa damdamin ng iba. Kung hindi mo magawang respetuhin ang relasyon ng ibang tao, respetuhin mo naman ang sarili mo."

Lalo siyang napahagulgol. Bakit lahat ng sinabi nito ay tumagos sa puso niya at pati konsensya niya ay dumadagdag pa?

Maingat nitong inangat ang baba niya at masuyong pinunasan ang mga luha niya gamit ang panyo nito. Then, he gave her a hug—a comforting embrace.

"I care for you, Haley, that's a fact I can't deny. Ayokong makita kang ganito. Don't chase love. Let it come to you."

***

Social Media Accounts:

FB Page: C.D. de Guzman / FGirlWriter

FB Group: CDisciples

Twitter: FGirlWriter

IG: fgirlwriter 

Continue Reading

You'll Also Like

3.6K 195 5
Patrick Lauchengco of Apollo's Heartbreak 10/14/2022 - ONGOING
452K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
16.5K 411 30
A story about bad breakups, hidden feelings, second chances, learning to fall, taking chances, happy crushes, unrequited love... Match and unmatch, l...
7.6M 216K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...