Sands & Sparrow

Por AeonGray

84.9K 4.7K 1K

Sa simula pa lang ay hindi na umaasa si Aveline na magbabago ang kaniyang kapalaran. Sanay na siya na kinukut... Más

NOTE
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61

1

9.1K 158 20
Por AeonGray


Sa panahon ng sinaunang sibilisasyon, mayroong isang hari na nagngangalang Akmenra. Pinamunuan niya ang Imperiyo ng Elydia, sinalakay ang maraming kaharian na nagpalawak ng imperiyo. Ang lahat ng maharlika na kaniyang nasakop ay nagbigay respeto, bilang kasunduan ng katapatan sa dakilang pinuno ng Elydia, ang mga maharlika ay nagpadala ng isa sa kanilang mga anak na babae upang maging asawa ni Akmenra.

Pinakasalan ni Akmenra at ang kaniyang pinsan, ang magandang prinsesa sa kaharian ng Asmatala na si Meshkenet. Morena ang kutis, napakagandang pagmasdan ng kaniyang mata na binagayan ng mahabang pilik mata at ang kulay ng kaniyang mata ay katulad ng gabi.

Si Meshkenet ay labing anim na taong gulang lamang nang siya ay napangasawa. Ang hari ay nangangailangan ng isang anak na lalaki ngunit ang kaniyang binhi ay nabigo sa loob ng sinapupunan ng reyna.  Samakatuwid, ang mga kaharian sa loob ng imperiyo ay kailangan mag-alay ng anak na babae sa hari.

Si Haring Kesekth ng Samaria ay may isang anak na babae na nagngangalang Femi, nangangahulugan ito ng pag-ibig sa salitang Ehipto.  Nagtataglay si Prinsesa Femi ng mala-gintong mga mata, malarosas na pisngi at ang kanyang buhok ay kagaya ng kulay ng kalawakan. Tuwing nasisinagan ng araw ay lalong tumitingkad ang kulay nito at kakaiba ang ganda ng prinsesa dahil sa kaniyang porselanang kutis. Si Femi lang ang natatanging prinsesa na maputi dahil sa pinaghalong kultura ng Samaria.

Si Prinsesa Femi ay nagkaroon ng anak na babae mula sa hari at tinawag siyang Nefertari. Si Nefertari ay lumaking mapagmahal sa kaniyang ina at ang kaniyang pisikal na anyo ay nalampasan ang kagandahan ni Femi.
Ang buhok ni Nefertari ay malasutla na itim na binagayan ng porselanang kutis, balingkinitan at matangkad katulad ng kaniyang ama at ang mga mata ay kakulay ng ginto katulad ng kaniyang ina.

Nagpasya si Princess Nefertari na maglingkod sa diyos na nagngangalang Horus. Ang sinaunang Elydia ay mayroong maraming mga diyos at diyosa.  Bawat isa ay may natatanging paggamit at iba't iba ang mga simbolo ng mga bathala. Si Horus ay ang diyos ng kalangitan at ng paghihiganti, ang kaniyang simbolo ay naglalarawan ng isang taong may ulo ng lawin.

++++

Bilang pagbibigay pugay sa mga bathala, kasalukuyang mayroon pagdiriwang sa kaharian. Isa sa mga natatanging selebrasyon ang ialay sa diyos ang mga buhay ng nagkasala at mga nabihag mula sa digmaan.

Nanunuot sa disyerto ang init mula sa buhangin, napakainit ng araw na humahaplos sa mga balat ng taong naghihintay sa dakilang hari. Naghintay ang mga kawal sa pinakamalaking bulwagan. Mayroong isang daang karwahe sa isang hilera at isang daang sundalo ang nakatayo habang ang pamilya ng hari ay nakaupo sa isang espesyal na lugar malapit sa bulwagan, napapalibutan ang mga maharlika ng mga alipin na matiyaga silang pinapaypayan at pinapayungan.

Ang reyna ay nakaupo, ang kaniyang ulo ay may palamuti ng mamahaling bato.  May gintong pulseras ang mga braso at napakaganda ng puting bestida na humahapit sa magandang katawan nito. Sa wakas, ang binhi ng dakilang hari ay lumago sa loob ng kaniyang sinapupunan at nagbigay ng anak na lalaki na magmamana sa trono. Sa kasalukuyan, ang isang grupo ng sundalo ay nagsimulang hihipan ang trumpeta, hinampas din ng mga alipin ang tambol at ang ingay ay namutawi sa disyerto. Lumabas mula sa templo ang pari na si Hamar. Sa paligid ng bulwagan ay mayroong isang malaking templo na may dalawang haligi at malalaking rebulto sa bawat panig, ito ay ang mga higanteng estatwa ng Diyos na nakapalibot sa templo.

May mga monghe na nakapalibot sa altar at ang pari na si Hamar ay nagpakita ng isang tunika na nilagyan ng ginto, may suot siyang pulseras at kwintas na simbolo ng bathala. Si Hamar ay isa ring tagapayo sa pulitika ni Akmenra; ang pangalawa sa pinakamakapangyarihang tao sa Elydia.

Ipinahayag ni Hamar ang natatanging pagdiriwang sa pagsigaw sa langit, "Ginawaran tayo ng mga diyos sa araw na ito. Narito kami upang saksihan ang langit na ibuhos ang pagpapala at tuparin ang mga hangarin na nagmumula sa ating mahal na hari!" Yumuko si Hamar upang magbigay respeto sa mga rebulto.

Lumabas ang dakilang hari sa templo. Naging tahimik ang paligid, natapos ng mga pari ang dasal at hininto ng mga alipin ang paghampas ng tambol. Lahat sila ay yumuko sa hari ng Elydia. Lumuhod ang mga tao, yumuko ang mga maharlika bilang pagbigay pugay sa dakilang hari. Seryoso ang mukha ni Akmenra, ang kaniyang mga kamay ay nakahawak sa dibdib habang hawak ang mga simbolo ng kapangyarihan. Nagsimulang magsalita ang dakilang pinuno, umalingawngaw ang kaniyang boses sa tahimik na bulwagan at sumabay ang mga buhangin na sinasayaw ng hangin.

"Ang hari ay dumating sa inyo, ang lalaking Diyos ng dalawang lupain, ang panginoon ng imperiyo. Mula sa kapangyrihan ni Amun, ang hari ng mga Diyos na nasa loob ng Karnak, ang na namumuno sa lahat ng sanlibutan."

Tumingin si Akmenra sa kalangitan, nakasuot ng asul na korona na tinatawag na Khepresh, isang asul na tela ng katad na pinalamutian ng tanso at ginto. Ang korona ay isinusuot sa mga laban, pati na rin sa mga seremonya. Ang kaniyang sandalyas ay may disenyo ng mamahaling bato at ang kaniyang roba ay kulay pula.

"Ako ang inatasan ng panginoon. Ipinahahayag ko sa araw na ito na igalang ang ating dakilang diyos na si Amun Ra, ang diyos ng araw. Pakinggan ang aking tinig, sundin ang aking mensahe, igalang ang mga diyos at tayong lahat ay magpugay sa araw." Inilahad niya ang mensahe sa pagsigaw, itinaas niya ang kaniyang braso nang iginawad ang pagpapala; pinalo ng mga alipin ang tambol at ang mga trumpeta ay hinihipan, maging ang mga kumikinang na karwahe ay nagsimulang sumulong sa gitna ng disyerto.

Bawat hampas at dagundong ng tambol ay nagbibigay ng kirot sa puso ng isang batang prinsesa. Si Prinsesa Nefertari ay hindi komportable na manuod ng karahasan; natatakot siyang tingnan ang walang magawang alipin at mga nagkakasala na pinapatay. Inilayo ng batang prinsesa ang kaniyang mga mata mula sa bulwagan. Naramdaman ni Femi ang kaniyang takot.  "Ano ang gumugulo sa isipan ng anak ko?" marahang tanong niya sa anak na babae.

Tumingin ang prinsesa na may takot sa mga mata.  "Ina, bakit kailangan ko makita ang pagpatay sa mga kriminal? Ang mga kapatid ko na babae ay nasa loob ng palasyo, sumasayaw at kumakanta upang masiyahan ang mga diyos."

Hinawakan Femi ang kamay ng prinsesa upang alisin ang takot nito, habang ang kamatayan ay malapit nang magsimula. Umihip ang hangin, ang buhangin ay nagsimulang sumayaw, ang mga karwahe na pinapatakbo ng matatapang na mga heneral ay nagsimula nang yanigin ang disyerto. Ang bawat yabag ng mga kabayo ay may dalang panganib, ang bawat saliw ng mga buhangin ay nagbabadya ng kilabot.

Dumating na ang mga nagkasala. Sila ay isasakripisyo sa mga diyos, tatlong lalaki at isang babae ang iniharap sa gitna ng bulwagan. Isang itim na belo ang nagtatago ng kanilang mga mukha. Ang mga lalaki ay inakusahan ng pagnanakaw, panggagahasa at pagpatay at ang babae ay nagkasala dahil sa pangangalunya. Dinala sila sa gitna ng malawak na bulwagan at tanging ang buhangin ang kanilang karamay.Umalingawngaw ang trumpeta at sabay umusal ng dasal ang mga monghe habang umuusok ang asupre sa paligid ng templo.

Nagsimulang sumugod ang mga heneral na sakay ng karwahe, lahat ay may hawak na mahabang latigo, hinabol na nila ang mga mga tumatakbo at sabay na hinahampas. May isang lalaki ang nasagasaan at naapakan ng kabayo, ang babae ay tinusok ng sibat sa tagiliran at bumulwak ang dugo sa buhangin. May isang lalaki ang nakaligtas, tumakbo ito ng mabilis, itinapon ng sundalo ang sibat at tinamaan ang lalaki sa binti. Umusli ang pangalawang sibat sa hita ng kriminal pati na rin ang buto ay nabali at lumusot sa balat.

"AAHHHHHH!" isang malakas na panaghoy ng kriminal ang nangibabaw nang bumulwak ang dugo at diniligan ang buhangin. Ang mga sigaw at tunog ng mga karwahe ay nagbibigay ng mga kilabot sa batang prinsesa. Napapapitlag ito sa bawat tunog ng latigo.

Marahang hinawakan ni Femi ang pisngi ng anak. Ngumiti kay Nefertari, sa pagitan ng sigaw at kilabot at ng matinding paghihirap. "Tingnan mo ang aking mga mata, pakinggan ang aking tinig." Nagsimula siyang bumulong ng natatanging awitin sa batang prinsesa. "Huwag kang tumingin, huwag kang lumingon." Hinawakan ni Femi ang mga kamay habang marahan niyang kinakanta at pinapanood ang pagdanak ng dugo sa buhangin.

Nilatigo ng sundalo ang naghihingalong lalaki.

Napapitlag na naman sa sigaw ang batang prinsesa, ipinikit niya ang kaniyang mga mata at pilit na iniiwasan ang madugong palabas. Hinawakan ng ina ang kamay ni Nefertari nang maramdaman ang pagkagulat nito. Umiihip ang malakas na hangin, saglit na nabalot nang nagliliparang buhangin ang paligid. Dumanak ang dugo ng lalaking bilanggo nang mahuli ng latigo, isang matulis na espada ang iwinasiwas sa hangin at biglang lumipad ang ulo nito.

Napaiwas bigla ng tingin ang prinsesa sa nasaksihan, ibinaling sa kanan ang ulo at napapikit ng mga mata. Pakiramdam ni Nefertari ay natanggal ang kaniyang ulo sa nasaksihan. Tumaas rin ang kaniyang balahibo sa leeg at kinilabutan ang buong katawan.

Marahang pinisil ng ina ang kamay ng anak at pinagpatuloy ang mahinang pagkanta. "Pakinggan mo ang tinig ng iyong ina at dalhin ang pagmamahal."

"AMUN RA!!" Umiiyak ang lalaking bilanggo habang gumagapang sa buhangin. Paparating na ang karwahe mula sa kaniyang likuran. Isang palahaw ang umalingawngaw mula sa pag-iyak ng babaeng bilanggo. Dahan-dahang ibinaling ng prinsesa ang kaniyang mukha sa harapan at unti-unting iminulat ang mga mata. Nasilayan ni Nefertari kung paano magmakaawa ang babae sa gitna ng disyerto, nakaluhod sa buhangin at sumisigaw ng kapatawaran.

Sumugod ang mga gulong ng karwahe, ang tunog nang hagupit ng mga latigo ay sumabay sa pagsigaw ng babae mula sa malupit na hampas.

Tuluyang nasaksihan ng prinsesa ang karahasan, hinawakan ang kamay ng kaniyang ina, bumuntong hininga at ipinako ang mga mata sa madugong tanawin.

"Narito ako, papawiin ko ang iyong takot." Binigkas ni Femi ang mga salita sa isang malambing awitin upang mapawi ang takot ng prinsesa. "Huwag kang tumingin, huwag kang iiyak." Sa kabila ng mga sigaw at panaghoy ay unti-unting nabawasan ang takot at pangamba ni Nefertari at marahang hinalikan ni Femi ang kaniyang noo.

Natapos na rin ang habulan sa mga duguang kriminal, dalawa na lang ang natira, isang lalaki at babae. Pinatayo sila ng isang sundalo, kahit nahihirapan na ang kanilang katawan sinubukan pa rin tumayo habang naliligo sa sariling dugo. May mga bahagi ng kanilang balat at laman na unti-unti nang natatanggal, sinabayan pa ang init ng araw na nagpahapdi sa sariwang sugat.

Tumayo si Hamar mula sa pagkakaupo, itinaas niya ang mga kamay at ipinahayag sa malakas tinig ang pasasalamat sa diyos. "Oh, dakilang mga diyos mula sa langit, buong puso namin inaalay ang aming handog." Tumingala siya sa langit at itinaas ulit ang mga kamay bilang pagpupugay sa mga bathala.

Upang wakasan ang sakripisyo, ang isa sa mga pamilya ng hari ay dapat na kumitil ng buhay bilang alay sa diyos, ang abo ay itinapon mula sa nasusunog na katawan ng buwitre. Ang usok ay tumaas at napunta sa estatwa ng diyosa na nagngangalang Sekhmet. Kung kaninong bathala ang mapipili ng usok, ang naninilbihang may dugong bughaw ang papatay.

Si Prinsesa Hamitha ay nagtungo sa templo, isa sa anak na babae ni Akmenra.  Labinlimang taong gulang siya, tatlong taong mas matanda kay Prinsesa Nefertari.

Naramdaman ni Femi ang kakaibang takot, nag-aalala siya sa magiging kapalaran ng kaniyang nag-iisang anak na babae at isang kilabot ang pumasok sa kaniyang puso. Balang araw ay papatay si Nefertari at ang kaniyang kamay mababahiran din ng dugo.

Isinuot ni Hamitha sa mukha ang maskarang ginto na kagaya ng leon. Si Sekhmet ay bathala ng digmaan at leon ang simbolo nito. Pinapili ang prinsesa ng sandatang gagamitin at napili ang isang palaso. Sinuri niya ito at inihanda ang gagamitin, sinipat din ang distansiya. Nang inangat ni Hamitha sa langit ang pana ay biglang idinako ang direksyon ni Femi.

Nagulat ang manonood sa kaniyang kapangahasan, maging ang reyna ay napatayo mula sa kinauupuan at napakunot noo ang hari, agad binawi ni Hamitha ang direksyon ng pana, tuluyang binitawan ang palaso at tumama sa dibdib nang naghihingalong bilanggo. Kumuha ulit ng palaso at pinatay ang natitirang kriminal. Pansamantalang napawi ang tensiyon sa kapangahasan ng prinsesa at biglang dumagundong ang mga tambol mula sa mga kamay ng isang-daang alipin. Namutawi ang amoy ng asupre sa paligid at sumabay din ang lumalagablab na init ng disyerto.

Tinanggal ni Prinsesa Hamitha ang maskara, nagbigay siya ng nakakainsultong ngiti kay Femi. Nakita naman ng batang prinsesa ang kawalanghiyaan ng kapatid. May bumahid na poot sa puso ni Nefertari. Tumingin siya sa kaniyang ina, nanatili lang banayad ang mukha nito. Huminga ng malalim ang batang prinsesa. Nalaman ni Nefertari ang totoong mundo sa loob ng palasyo at tahimik siyang nanumpa na protektahan ang kaniyang ina. Tuluyan naglaho ang kaniyang takot sa pagdanak ng dugo at napalitan ng tapang ang puso ni Nefertari.

Pinarusahan ng reyna ang ginawa ni Hamitha, ipinagbawal siyang dumalo sa pagdiriwang sa palasyo. Si Prinsesa Hamitha ay inatasan manatili sa kaniyang silid sa loob ng isang buwan.

++++

Lumipas din ang maraming taon at si Prinsesa Nefertari ay lumaking maganda at naging paborito ng reyna at hari. Hindi rin maiwasan na maging sentro siya ng inggit ng ibang kapatid sa harem at siya rin pinapangarap na maging asawa ng mga kapatid na lalaki. Sa pagdaan rin ng panahon ay nabago ang Hari ng Elydia, ang kaniyang kalusugan ay dahan-dahang humina at ang kaniyang katawan dinapuan ng malubhang sakit.

Ang tagapagmana ng trono, si Prinsipe Amhra ay bata pa at siya ay anim na taong gulang pa lamang. Kailangan na rin magpasiya ang hari at ang reyna ngunit wala pang napipiling mapapangasawa ang prinsipe. Umaasa si Prinsesa Hamitha na pakasalan ang kaniyang kapatid, ngunit si Prinsesa Nefertari ang kaniyang pinakamalaking karibal.

++++

Isang malakas na sigaw ang binitawan ni Hamitha sa katunggali. Sinugod niya ng mahabang punyal ang kalaban ngunit mabilis itong nakailag sabay ginamitan ng matulis na espada at panangga. Huminga ng malalim ang kaharap ni Hamitha, may suot ito na gintong maskara ng lawin sa mukha habang suot naman ni Hamitha ang maskarang leon. Isinugod muli ni Hamitha ang punyal ngunit mabilis ang ibon at agad nakaiwas sa kaniyang atake.

Matangkad ang kalaban ni Hamitha, nakikitaan ng magandang balat at walang bahid ng mga daplis ang porselanang kutis. Habang ang morenang kutis ni Hamitha ay mayroong maliliit na sugat ng espada na nagmumula sa katunggali.

Tanging manipis na tela na kulay ginto at magaan na bakal ang tumatakip sa kanilang dibdib at may puting balabal sa beywang. Nakikita ang kanilang tiyan, hita at mga braso. May gintong pulseras ang kanilang mga kamay at paa. May bahid ng marka sa tagiliran na simbolo ng sinasambang bathala.

Pinalo ng kalaban ang espada sa hawak nitong gintong panangga, tumaginting ang tunog na animo'y kinukutya si Hamitha sa pagiging mahina. Ang kanilang mga sandata ay sumisiklab at lumikha ito ng kislap habang umaatake. Ang maskarang leon ay nilamon ng galit, habang ang lawin ay mabilis at pinag-aaralan ang bawat kilos.

Sumiklab ang galit ng leon laban sa ibon, buong tapang na sinugod, inulos ang punyal sa mukha ng ibon ngunit nabigo dahil mabilis na nakailag ito. Inindayog ng ibon ang espada sa tagiliran ni Hamitha, nawalan ng balanse at biglang tumilapon ang katawan ng leon at bumulagta sa sahig ng palasyo.

Napasinghap sa gulat ang karamihan sa manonood. May munting ngiti ang sumilay sa labi ng hari at maging ang reyna ay hindi maiwasan na maaliw sa nasaksihan.

Itinapat ng ibon ang matulis na espada sa leeg ng leon, lumuhod at marahan niyang itinusok ang dulo ng patalim sa leeg hanggang sa may isang butil ng dugo ang tumulo. Ang maskara ng lawin ay handang pumatay. Malalim na huminga si Hamitha, inaasahan ang nalalapit na kamatayan mula sa kaaway.

Pinalo ng alipin ang gong sa pagtatapos ng laro at nailigtas si Hamitha mula sa kamatayan

Magalang na yumuko ang babaeng may suot ng maskara ng lawin sa harapan ng hari at reyna, tinanggal ang maskara at nakita ang magandang mukha ni Prinsesa Nefertari.  Tumayo na rin ang Leon, kasabay na yumuko sa hari at reyna, may bahid ng panlulumo sa mukha at inggit sa mga mata ni Hamitha.

Mula sa loob ng templo ay naglalakad ang magandang prinsesa habang nakaluhod ang mga alipin. Matiyagang naghihintay ang dakilang pari na si Hamar at nakayuko sa papalapit na prinsesa.

"Ikinagagalak ko ang ating pagkikita, Hamar." Magalang na kinilala ni Nefertari ang pari. Napakaganda niyang tingnan sa suot na puting bestida na may palamuti ng mamahaling bato at nakasuot ng manipis na korona na may simbolo ng lawin na gawa sa ginto. Ang kaniyang pulang tunika ay bumabagay sa porselanang kutis.

Ang pangalawang pinakamakapangyarihang tao sa Elydia, ang pari na si Hamar ay kapatid ni Reyna Meshkenet. Siya ay isang eskriba at kilalang doktor at siya rin ang dakilang tagapag payo ng hari. Ngumiti si Hamar sa kaniyang naging estudyante. Katulad ng hari at reyna, naging paborito rin niya ang anak ni Prinsesa Femi. Itinuro pa ni Hamar kay Nefertari ang isang sinaunang wika, ang ninuno ni Hamar ay mayroong isang lihim na wikang hindi alam ng mga taga-elydia.

"Hierse magnaber nishtakan lokhniéray traéûyu ... genakha teroqna. [" May nais akong ipakita, kamahalan." Wika ni Hamar sa makalumang lengguwahe na tanging ang prinsesa, ang reyna at si Femi lang ang nakakaunawa.

Ginabayan niya ang Prinsesa sa malawak na pasilyo; ang paligid ay dinisenyo sa mga sinaunang diyos ng Elydia na ipininta sa mga dingding. Ang ilaw mula sa mga sulo ay gumabay sa daan. Dumaan sila sa maraming silid na pag-aari ng hari;  pribado ito kasama ang lahat ng mga ginto at kayamanan ni Akmenra. Kapag pumanaw ang hari, ang lahat ng kaniyang mga kayamanan ay maiimbak sa piramide sa tabi ng libingan.

Naglakad sila sa isang madilim na sulok, at sinindihan ng pari ang sulo.  Inabutan niya ng ilaw ang alipin ng prinsesa, sabay nilang tinahak ang madilim na pasilyo na patungo sa templo ng bathalang si Horus.

Pinahinto ni Hamar ang alipin sa labas ng pinto. Tanging si Nefertari lang ang kaniyang pinapasok.

Malawak ang loob ng templo na napapalibutan ng malalaking poste. Ang apoy sa lahat ng sulo ay kumikinang at mayroon grupo ng mga pari na umuusal ng panalangin sa estatwa ni Horus. Lahat ay nakasuot ng puting tunika, ang kanilang mga mukha ay pininturahan ng simbolo ng mga diyos.

Napakalaki rin ng nakatayong rebulto, mukhang isang higanteng tao at sampung palapag ang taas nito. Isang ibon ang mukha ng bathala. Lumuhod sina Nefertari at Hamar sa paanan ni Horus.

Natapos na rin ang pagdarasal ng mga pari. Naglalakad sila na nakapila habang may dalang umuusok na mangkok na naglalaman ng insenso. Si Hamar ay nagtungo sa altar at may kinuhang isang maliit na kahon.

"Kamahalan, nais kong ipakita ang natatanging kayaman mula sa kalawakan." Yumuko ang matanda habang ipinakita niya sa prinsesa ang natatanging yaman. Hawak ni Hamar ang isang uri ng bato, kakaiba ang kulay na kumikinang, parang berde at asul. Hugis mata ang laki, hindi matigas at hindi rin malambot.

"Anong uri ng kayamanan ito?" pagtatakang tanong ng prinsesa.

"May isang bulalakaw ang nahulog mula sa kalangitan. Ang aking mga ninuno ay gumawa ng sandata mula sa mga elemento ng nalaglag na bato, natagpuan ito sa loob. Walang sinuman ang nakakaalam kung paano gamitin ang kayamanan na ito at ito ay itinuring na walang halaga dahil walang taglay na kagandahan. Nais kong tanungin ang iyong karunungan hinggil sa yaman na taglay nito, kamahalan," tanong ni Hamar.  Hinahangaan niya ang talino ng prinsesa, nakitaan na ito ng abilidad simula nang tinuruan niya si Nefertari.

Tiningnan ni Nefertari ang bato, sinipat ng mabuti habang nakayuko ang pari.  "Ako ay natutuwa sa iyong pagtitiwala. Mayroong katotohanan sa iyong sinabi, sa katunayan walang halaga kung walang kagandahan. Kung nakalulugod sa iyong puso, dadalhin ko ang kayamanan na ito at iaalay ko sa diyos sa oras ng aking paglisan. Ito ay magkakaroon na ng halaga sa harap ng bathala," isang pangako ang binitawan ng prinsesa na panghahawakan ng matandang pari.

May isang pari ang naglakad sa gitna ng templo, yumuko siya sa estatwa ni Horus, siya ay bulag, ngunit naramdaman niya na may ibang tao sa paligid. Isang malakas na hangin ang umihip, nagsipagsayawan ang mga apoy sa loob ng templo at naging balisa ang bulag na pari. Lumuhod ito sa rebulto at napako ang tingin nina Hamar at Nefertari. Dahan-dahan pinunit ng bulag ang kaniyang damit, tumingala sa bathala habang bumubulong ng dasal. Sa kaniyang mahinang tinig ay tumingin siya sa dako ng prinsesa na parang may pangitain na tanging siya lang ang nakakaalam.

"Ang langit ay magiging madilim, ang bituin sa kaharian ay mahuhulog sa kamay ng isang mandirigma." Binubulong ng bulag na pari ang mga salita kay Nefertari. Tumayo siya sa pagkakaluhod, dahan-dahan lumapit sa prinsesa na tanging ang hangin ang gumagabay at nagdedeliryong lumuhod sa paanan ni Nefertari.

Umiyak ang pari na nakatingala sa prinsesa. Nanginginig ang kamay na hinawakan ng pari ang sariling pisngi. Humikbi ang bulag, may lungkot sa kaniyang boses. "Ang sumpa ni Horus ang kukulong sa isang mortal at siya ay mananatiling alipin ng magpakailanman," bulong ng matandang bulag sa paanan ni Nefertari.

May kinuhang isang matalim na punyal ang bulag, napaatras ang prinsesa sa nakita ngunit taliwas sa kaniyang inaasahan, buong lakas na itinarak ng pari sa sariling dibdib ang punyal. Umubo ito ng dugo at idiniin ang pagkakabaon ng punyal.

Umihip ang napakalakas na hangin, dinala ang usok ng asupre sa pang-amoy ni Nefertari.

Bago malagutan ng hininga ang bulag, naging puti ang mga matang nakatitig sa prinsesa, malungkot siyang binigyan ng ngiti at isang nakakapanindig balahibo ang sinambit sa huling sandali. "I-ikaw ay sinumpa ng diyos."

++++

Seguir leyendo

También te gustarán

75.2K 3.6K 28
(Completed) Homophobic and Sensitive people are not allowed. This is a GxG story. Kakia Nox Cozen, The Blue haired girl at the Coffee Shop. She's th...
349K 13.9K 35
Ang isang sulat na iniwan ko sa pagitan ng lumang upuan sa gitna ng parke ang magdudulot sa pagkakatagpo ko sa hindi inaasahang pag-ibig. Hindi ko in...
Chasing Cars (GxG) Por Mooney

Misterio / Suspenso

144K 4.6K 55
Elouise Dacini Achilleo/Dane Aesceil Perez "It's you, Rei. It's always been you. Fuck!" Louise/Dane decided to continue her second-year college at El...
5.1M 102K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...