SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES
CHAPTER 38:
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
Napamulat si Daisho dahil sa ingay...
"TOKYO FAITO!
FIGHT OH!
FIGHT OH!
FIGHT OH!..."
Napatingin siya sa tabi niya.
*PAK!*
Malakas siyang hinampas ni Mari sa ulo. Agad siyang napahawak dun.
"Ang ganda ng bungad mo sakin ah?" kunwari naiiyak siya. "Alam mo bang biruin mo lang ang lasing, wag lang ang bagong gising---"
*PAK!*
Hinampas siya ulit nito.
"Aray! Nakadalawa ka na agad sakin ah!"
"tssk..." inirapan siya ni Mari.
Napatigil si Daisho sa kakamaktol nang marealize niyang hindi na nakajersey uniform si Mari.
"Hindi ka Magtatraining sa team niyo?" tanong ni Daisho.
"ipinagliban ko muna..."
"Ha? Bakit?"
"ito ang unang beses na ipinagliban ko ang training ko... Dahil lamang sayo." tiningnan siya ni Mari ng direkta sa mga mata.
Napatikom si Daisho.
"Kanina sa classroom, bago ako umalis pinuntahan ako ni Olivia at nakipag-usap sakin. Ang sabi niya walang anumang ibig sabihin yung ginawa niya sayo, sadya daw nakasanayan na nila ang ganun sa bansa nila. Kung iniisip mo parin Daisho na nagagalit ako sayo or ano... Wag kang assuming, nabigla lang ako dun." paliwanag ni Mari.
Napangiti ng hindi namamalayan si Daisho.
"Kung ganun ba nyan, Mari... Peace na tayo?" nakangiting tanong ni Daisho.
Umismid lang si Mari.
"Waaaaaahhh kaya nga mahal---"
*PAK!*
Agad siyang hinampas ulit dahil akmang yayakapin niya si Mari.
"Hahaha hindi naman masakit." ngumiti si Daisho.
"Tumayo ka na dyan at magtraining ka na, Daisho Lyovochka!" sigaw ni Mari sa kanya.
Agad siyang napatayo saka nagsalute... "Yes, Ma'am!" sagot nito at tumakbong pumasok sa court.
Napacross-arm si Mari at naglakad patungo sa bench saka umupo sa tabi ni Fujima.
"Hay nako..." tangin sambit ni Fujima na nakatingin sa gawi ng court.
"SAKURAGI! KIYOTA! TIGILAN NIYO ANG BANGAYAN MGA GUNGGONG!" Sigaw ni Maki sa kanila at isa-isang pinagbatukan.
*BLAG!*
*BLAG!*
Parehong napahawak ang dalawa sa kanilang ulo.
"wala ba kayong balak magbago? Nasa iisang team na kayong dalawa kaya dapat nagkakasundo na kayo." suway pa ni Maki.
"Siya kase, Maki eh! Ang yabang-yabang!" Kiyota
"Ehh maniwala ka dyan, Lolo! Saksakan kase siya ng kabobohan!" Hanamichi
"Mas bobo ka!" Kiyota
"Mas bobo ka!" Hanamichi
"Bobong Unggoy!"
"Bobong Matsing!"
"Laking gubat!"
"Ikaw, taong gubat!"
"Hoy, hoy, hoy... Tigilan niyo na nga yang dalawa. Daig niyo pa ang kindergarten mag-away." suway ni Sendoh sa kanila.
"Sendoh, tulungan mo nga ako. Anong english ng BOBONG MATSING?" tanong ni Hanamichi.
"Ahmmm... Ewan ko." sagot ni Sendoh.
"ANO! Isa ka rin palang bobo eh!" Hanamichi
"Eh sa Pulang-tikbalang, Sendoh?" Kiyota
"R-Red... Red horse... REDHORSE!" sagot ni Sendoh.
*BLAG!*
Binatukan rin siya ni Maki... "Isa ka pang gunggong. Naturingan ka pa namang Super Ace Player."
"Aray! Ang sakit nun ah? Ewan ko nga sa inyo." napanguso si Sendoh at iniwan sila.
"NYAHAHAHA REDHORSE!" Natatawang sambit ni Kiyota.
"Shattap!" Hanamichi
"REDHORSE!..." Mas lalong humalakhak si Kiyota.
"You shattap! KASALANAN MO'TO SENDOH!" Sigaw ni Hanamichi pero nagpeace sign lang si Sendoh.
***
Ilang oras ang lumipas saka natapos ang training nila. Nagsiuwian na ang ibang player maliban kay Hanamichi na nagbibihis pa sa loob ng locker.
Habang nagbibihis si Hanamichi napatingin sya sa wall clock.
"Pambihira... Alas nuwebe na pala, ang bilis ng oras ah? Naku naman! May assignment pa akong sasagutan! AAAAAAAAARRRGHHHHH~ KAINIS!" napasigaw siya ng malakas.
Tarantang lumapit sa pinto ng locker room si Haruko dahil sa malakas na sigaw ni Hanamichi.
"Sakuragi, anong nangyari---ayy..." agad tumalikod si Haruko nang makita niyang hindi pa ito natapos sa pagbihis ng pang itaas nito kaya nakita niya ang mga bakat sa tiyan ni Hanamichi.
"S-sorry, di ko sinasadya. Sumigaw ka kase Sakuragi kaya dali-dali akong pumunta dito." paliwanag ni Haruko na namumula sa hiya.
"A-ayos lang, teka sandali na lang." agad tinapos ni Hanamichi ang pagbibihis. Nakasuot siya ng maitim na kaki at puting XXL T-shirt.
Pagkatapos nun ay sabay silang lumabas ng University. Ang apat na ungas ay naunang umuwi dahil maglilinis pa daw sila ng dorm at magluluto pa sila para sa hapunan nila, ganun din ang mga kaibigan ni Haruko. Kaya magkasama sila ngayong naglalakas ni Hanamichi sa daan.
Tahimik na naglalakad ang dalawa kaya napaisip si Hanamichi.
__________________________
HANAMICHI SAKURAGI's POV
Teka papaano na to ngayon? Sabay nga kaming naglalakad ngayon pero wala man lang akong maitopic para naman magkausap kami.
Mag-isip ka Hanamichi! Mag-isip ka!
Ikaw ang Henyong si Hanamichi Sakuragi kaya dapat marami kang alam! Mag-isip ka!
Para na kaming nagdadate ngayon dahil kaming dalawa lang ang magkasama, kaya hindi ko na sasayangin ang pagkakataong ito at para...
Para...
Maipagtapat ko na sa kanya ang tatlong-taon na lihim kong nararamdaman para sa kanya.
Aha!
"H-Haruko..." sambit ko sa pangalan niya.
Tumingin siya sakin... "Ano yun, Sakuragi?" nakangiti niyang tanong.
"Ahmm... A-ah ano... W-wala ka bang assignment?" panimula ko.
Ano ba tong bibig ko! Bakit ganito?! Ampanget ng tanong ko!
"Meron, Sakuragi. Eh ikaw?"
"Ahehehehe meron din. Essay." sagot ko.
"Essay? Sa History subject ba yan?"
"ah... Oo."
"Pareho lang pala tayo ng assignment eh... Akin na lang yan at ako nang sasagot." namilog ang mga mata ko sa sinabi niya.
"H-Ha? Naku, Haruko wag na. Kayang-kaya ko atang sagutin ang Essay na ito. Essay is Easy para sa Henyong ito NYAHAHAHAHA---" naputol yung tawa ko nang magsalita ulit siya.
"Alam kong napagod ka sa kakaensayo, Sakuragi. Kaya para hindi madagdagan ang pagod mo, ako na lang ang bahala sa assignment mo." ngumiti siya sakin.
Napangiti ako sa isip ko.
Ang swerte ko naman... Bihira ka lang na makakakita ng babaeng katulad ni Haruko. Kyut na, mabait pa.
Kaya nga mahal na mahal ko'to eh...
Siya ang buhay koooooooooooooo...
Sapat na yung tatlong taong pananahimik ko sa nararamdaman ko para sa kanya, siguro pagkakataon ko na'to para magtapat na sa kanya.
"Ah... Haruko. May tanong ako..."
"Ano, Sakuragi?"
"A-ano... G-gusto mo parin ba si Rukawa?" tanong ko.
Halata sa mukha niya na medyong pagkagulat. Umiwas siya ng tingin sakin.
Awts! So totoong may gusto pa siya kay Rukawa?
Hahahahaha I'm alright mga Pardz!
"Oo..." Siya
WHAAAAAAAAHHH AYOKO NA! ANSAKET NA MGA PREHHH!
Napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan ang mga luha ko.
Biglang pumasok sa isipan ko ang mukha ni Daisho.
Daisho, parekoy! Naiintindihan ko na ang nararamdaman mo, hindi pala biro ang ganito.
Ang saket saket RORRRRR!
"... Oo, totoong nagkagusto ako kay Rukawa..." sagot niya ulit.
Awts! Awts! Awts!
Ang saket na! Parang mahihimatay na ako... Sa mismong harapan ko pa niya narinig ang mga katagang yun!
"Pero..."
"Huh?" ako
"... Pero, hanggang dun lang yun, Sakuragi. Ang galing kasi ni Rukawa at ang gwapo pa kaya walang babae ang hindi napapahanga sa kanya, at narealize kong Love Poison lang pala yun..." tumingin siya sakin at ngumiti.
"H-Haruko..."
"... Kasali na ako sa humahanga sa kanya. Pero alam mo ba kung kanino ako mas napapahanga?... Sayo, Sakuragi." ngumiti siya sakin.
Parang may kung anong lumilipad sa tiyan ko dahil dun.
Ayieeeeeee kinikilig ang henyo niyo!
"Sayo ako humahanga ng sobra at isa ka sa mga taong malapit sa buhay ko..."
"T-talaga, Haruko?" tanong ko
Pakiramdam ko tuloy uminit yung mukha ko. Awiitttt
"Oo, kaya ipinapangako ko sa sarili ko na aalagaan kita ng mabuti dito. Kahit wala sina kuya pati ang dating first-five ng Shohoku atleast nandito ako para sayo." kumabog ng malakas ang puso ko nang hawakan niya ang kamay ko gamit ang maliliit niyang kamay.
Ang sweet niya, pwede na ba akong sumakabilang buhay?
"H-haruko..." tanging sambit ko
"Hindi kita pababayaan, Hanamichi. Nandito lang ako sa tabi mo." Haruko
AaaAAAaaaAcccccccckkk halos mabibingi na ako sa lakas ng kabog ng puso ko na tumatambol na tila nagsasaya sa loob ko.
Di ko na kayang pigilan pa to.
"Haruko!---- G--G-G-GUSTO KITA! MATAGAL NA!" Direktang sabi ko at agad napatakip ng bibig ko.
Nabigla siya.
Tila naging tahimik ang buong paligid dahil sa natahimik siya sa sinabi ko.
"..." siya
"Haruko..." nag-aalangan akong tumingin sa kanya.
Ang bigla niyang mukha ay...
Napalitan ng ngiti.
S-Si Haruko Akagi ngumiti sa sinabi ko?
"Matagal ko nang napapansin yun, Hanamichi..." nakangiting sagot niya.
"A-ahhehehe a-anong ibig mong sabihin?"
Ano ba yan! Nakakabakla naman to! Nakakahiya!
Parang sasabog na ang puso ko sa lakas ng tibok.
Kalma lang, Hanamichi! Kalma lang!
"Ang totoo... Matagal na din kitang gusto."
(O_O)
Parang sasabog na ang mukha ko sa init...
Nakakakilig...
Parang tatakbo palabas sa loob ko yung puso ko...
Pwede na akong sumakabilang buhay...
*BLAG!*
"Hah! Hanamichi!" rinig kong boses ni Haruko hanggang sa tuluyang pumikit ang mga mata ko.
Nakakamatay ang pag-ibig ko sayo Haruko Akagi.
[PS: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang at walang kinalaman sa tunay na kwento ng Slam Dunk.]