SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES
CHAPTER 19:
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
KINABUKASAN...
*** GYMNASIUM ***
"ALRIGHT! LET'S GO! LET'S GO!..." Sigaw ni Daisho na tumatakbo habang pinamumunuan ang pangkat ng mga First year.
"FIGHT OH! FIGHT OH!..." Sigaw rin nila Hanamichi habang tumatakbo.
Kanina pa sila paikot-ikot sa kakatakbo para matapos lang ang 50 Laps na sinabi ni Daisho sa kanila.
"OKAY! LAST LAP!" sigaw ulit ni Daisho.
"FIGHT OH! FIGHT OH!..."
Pagkatapos nilang gawin ang 50 laps ay nagsitubahan sila dahil sa sobrang pagod maliban kay Hanamichi, Daisho at Kiyota na nakatayo.
"Whaaaahh ayoko na..." habol hiningang sabi ni Watanabe habang nakahiga sa sahig.
"Parang naubos yung buong lakas ko para sa araw na'to..." pagod na wika ni Nishizaki na nakahiga rin.
"... Mamamatay yata ako ng maaga nito." halos paos na sabi ni Ikegami sa sobrang pagod.
Nagtinginan ang tatlong nakatayo...
"Pambihira... Ang hihina niyo pala eh!" sabi ni Kiyota sa kanila.
"Kaya nga ginagawa natin to para masanay ang katawan niyo mga mahihina ang stamina..." napasipol si Daisho.
"Pwehh kung ganyan kayo, hindi kayo tatagal sa laro. Mga walang kwenta!" Hanamichi
"Wow makasabi to, bakit? Gaano ba kalakas ang stamina mo?" tanong ni Kiyota kay Hanamichi.
"Ano bang pakealam mo, Matsing?" masungit na tanong pabalik ni Hanamichi.
"Sagutin mo na lang kaya?... Aha! Siguro wala ka talagang ginagawang ganito na klaseng training ano?" Panunukso ni Kiyota.
"Tigilan mo ako sa kayabangan mo."
"Nyehh wala ka pala sakin eh... Nung si Maki pa ang kasama ko sa training halos ilang metro niya ako pinapatakbo sa maikling segundo lang, tapos pinapatalon ako ng mataas habang nakatali sa spring ang mga paa ko, buwan-buwan kong ginagawa yun... Kaya hindi talaga nakakagulat kung magiging Ace Player ako ng Kainan..." Nakangising wika ni Kiyota na tila pinagyayabang na hindi basta-basta ang training niya.
"Sabing wala nga akong pakealam sa kayabangan mo eh!" iritang sabi ni Hanamichi.
"Ang sabihin mo, naiingit ka lang..." tumalikod si Kiyota sa kanya.
"Gilitan kita ng leeg dyan eh!" Hanamichi
"Ang tindi naman ng training mo, Kiyota. Kaya pala magaling kang maglaro dahil mula ka sa Team ng mga kampeyon!... Ako kasi dati nung nasa Nissin pa ako, kasama sa training namin ang makipaglaro laban sa mga College Leagues. In specific words... Our training with these two jerks..." Tinuro niya si Watanabe at Nishizaki na nakahiga parin. "... Is an advancement training with the international High School Teams. Pero yung pinakamatinding training namin sa Nissin ay yung nagsama-sama sa iisang Team ang Neighborhood Coaches from powerhouses team laban saming mga trainee." Share din ni Daisho sa kanila.
"Oo nga, naalala ko yun. Mga Coaches yung nakalaban natin dati, pambihira halos hindi ako nakatulog nun." sabi ni Watanabe kay Daisho na parang inaalala ang pangyayare.
"At hindi sila mga ordinaryong Coach... Mga dati silang player na nirerepresenta ang bansang Japan sa International games." Singit ni Nishizaki.
Napatingin si Hanamichi sa kanila na napasabi sa isip... 'Kaya pala magagaling ang tatlong others na'to. Mga national player pala ang nagtatraining sa kanila.'
"Wow! Ang galing naman!" puri ni Kiyota. "Sana masubukan ko rin mag training mula sa mga National Players na yan!"
"kaya nga lang, Kiyota... Kapag naimbitahan ka nila na sumali sa training ng association nila, kinakailangan mong iwan ang Team ng Kainan gaya ng nangyari samin." Watanabe
"Ano?! Grabe naman yan! Hindi ko kayang gawin yan!" napanguso si Kiyota. "Mahal ko ang Team ng Kainan at ako lang ang inaasahan nila." Kiyota
"Mayabang!" Hanamichi
"Shattap!" Kiyota
Hindi alam ni Hanamichi nq nangyari rin yan kay Akagi dati. Nung nasa Shohoku pa si Akagi ay may opisyal na bumisita sa bahay nila at inimbitahan si Akagi na sumali sa Powerhouse Team pero ang kapalit ay iiwan niya ang Team ng Shohoku. Kaya tinanggihan yun ni Akagi, pero nakaramdam ng saya si Akagi ng mga oras na yun dahil inimbitahan siya nito na sumali sa malalakas na Team pero tumanggi lang siya at pinagpatuloy ang pagiging Team Captain ng Shohoku para matupad ang pangarap nito na maging number 1 team.
"Oo nga pala, Kiyota... Gaya nang sabi mo mula ka sa kuponan ng mga kampeyon, bakit hindi ka naimbitahan na magtraining sa mga foundation or association?" takang tanong ni Nishizaki.
Napairap si Hanamichi sa kinatatayuan niya.
"Malay ko, walang lumapit sakin na mga ganyan eh." sagot ni Kiyota
"Syempre walang iimbita sayo, ang sama kase ng ugali mo, Matsing!" singit ni Hanamichi
"Tumigil ka dyan asungot!" naiinis nang sabi ni Kiyota. "Naiinggit ka lang samin kase ang titindi ng mga training namin hindi tulad sayo, laking gubat!"
"Pweehh wag mo akong hamunin sa payabangan!"
"Oh bakit? Masisindak mo'ko?"
"wala akong pake sayo!"
"Sabihin mo nga sakin kung anong klaseng training ginagawa mo? Baka naman wala yang binatbat samin."
"Anong sabe mo?" lumapit si Hanamichi sa kanya dahil sa inis.
"hahaha sabe ko na nga ba walang binatbat ang training mo." nakangising sabi ni Kiyota.
"walang binatbat? Eh kung isampal ko sa mukha mo na nagtraining ako ng... 20,000 JUMPSHOT SA LOOB LANG NG ISANG LINGGO?" sabi ni Hanamichi sa kanya.
Natahimik silang lahat na first year sa sinabi ni Hanamichi.
"Wehh?" Watanabe
"Di nga?" Nishizaki
"that's a prank, right?" Daisho
"Imposible yan..." Ikegami
"BWAHAHAHA SINO NILOLOKO MO UNGGOY?!" Di naniniwalang tanong ni Kiyota.
"oo nga naman, imposible talaga ang 20,000 jumpshot na 1 week allotment." Daisho
"Bakit ba ayaw niyo maniwala! Ewan ko sa inyo---" napatigil si Hanamichi nang may nagsalita sa likuran niya.
"Totoo yung sinasabi niya, dahil ako sismo ang tagabilang sa mga jumpshot niya ng mga araw na yun." nakangiting sabi ni Haruko sa kanila.
"H-Haruko... Hehehe nandyan ka na pala..." napakamot si Hanamichi sa hiya.
"Oo totoo yun, kami pa nga taga video sa mga nakakalaswa niyang jumpshot eh, diba guys?" sabi ni Takamiya sa tatlong ungas.
" Yeah True!" sila
"Wow, nakaya mo yun?" Watanabe
"Hahaha ano ka ba! Baka nakakalimutan niyo ako ang Henyong Si Sakuragi, walang imposible sa Henyong posible!" Nakangising sabi ni Hanamichi habang tinuturo ang sarili.
"Grrrr hindi ako magpapatalo sayo..." Kiyota
"Oh tapos? NYAHAHAHA!" napahalkhak si Hanamichi sa naging hitsura ni Kiyota.
Napatingin siya ulit kay Haruko at sa apat na ungas.
"Bakit ngayon lang kayo? Saan kayo galing?" tanong ni Hanamichi.
"may ginawa pa kase kami bago natapos ang klase, Hanamichi." Mito
"Nacucurious na ako! Ano ba kaseng ginagawa niyo mula pa kahapon?"
"Secret na yun." Takamiya
"Pambihira naman oh!"
"Wag mo na kaseng alamin yun gunggong!" Ohkusu
"Oo nga, isa yung surpres---" agad tinakpan ng tatlo ang bibig ni Noma.
"Pambihira nadudulas ang bibig mo." sabi ni Mito habang nakatakip sa bibig ni Noma.
Tumaas ang isang kilay ni Hanamichi.
"GOOD AFTERNOON PLAYERS DO YOU MISS ME?!" sigaw ni Mari na nasa pintuan.
"Uy!" sila
"Hehehe yes I am Mari! I miss you a lot!" sagot ni Daisho sa kanila pero umismid lang si Mari.
Lumapit si Mari sa gawi ng mga sempai at may sinabi kay Fujima.
"Fujima, may nagbabalik tayo..." sabi ni Mari sa kanya.
"Huh? Sino?" Tanong ni Sendoh.
Tinuro ni Mari ang pintuan ng gymnasium at doon may lumabas na dalawang matatangkad na lalake at tulad nila ay nakauniporme rin. Napatingin silang lahat pati na ang mga first years.
Nagulat ang mga sempai ng makilala kung sino ang mga ito.
Ang mga dating Captain ng Tokyo Black Samuraiz.
"Uyy kamusta, Maki at Fujima!" bati nung matangkad na lalake na nakapony tail ang dilaw na buhok hanggang bewang.
"Ikaw na pala ang Coach ng Team natin, ang galing mo naman Fujima." nakangiting bati rin nung matangkad na lalake na kulay ube ang buhok na nakahair-up undercut.
Pumasok ito sa loob ng gym at dumiretso sa gawi nina Fujima.
Tumayo sina Fujima, Maki, Sendoh at iba pang 2nd at 3rd year player at yumuko kanila.
"SEMPAI!" bati nila.
Napatingin ang nga first year sa kanila.
"huh? Sino an mga mga yan?" Kiyota
"Ewan... Sempai daw eh." Hanamichi
"Grabe ang haba naman ng buhok nung nakablonde... Lalake ba talaga yan?" Watanabe
"Ang pogi naman nung violet ang buhok..." Haruko
"Pweehh mas pogi ako dyan..." Hanamichi
Tumingin si Maki sa gawi nina Hanamichi at sinenyasan sila na lumapit sa kanila. Lumapit naman sila...
Pagkarating nila napatingin yung dalawang lalake sa kanilang lahat.
"Wow ito ba ang nga first year niyo? Ang aastig naman nila." Sabi nung violet ang buhok.
"At may dalawang long haired guy pa... Sabi nung nakablonde na nakatingin kay Hanamichi at Kiyota na magkatabi.
"Kaasar... Mas mahaba pa ang buhok niya sakin..." bulong ni Kiyota kay Hanamichi.
"Wag kang maniwala dyan baka wig lang yan..." bulong din ni Hanamichi.
"Sempai... Sila ang mga bagong players natin, mula silang lahat sa Powerhouses High School Team." sabi ni Maki sa kanila.
"Ang galing naman, siguradong mga malalakas tong mga bagong players niyo."
"Tatlo sa kanila mula sa mga powerhouses higg school team... Si Ikegami na mula sa Ryonan at defensive specialist, Si Kiyota na dating kasamahan ko at Ace Player ng Kainan at si Sakuragi ng Shohoku na Ace Player at ang Red-Haired Rebound King sa Interhigh Matches..." Pakilala ni Maki.
"Hmm... Rebound King?..." Lumapit kay Hanamichi yung long hair na blonde ang buhok. "Pag tayo kaya ang magkaharap maaagaw mo kaya sakin ang Rebound?" tanong niya kay Hanamichi.
Nakaramdam ng inis si Hanamichi... "Ang yabang mo, lalake na mukhang babae..."
Napaismid na lang yung blonde hair.
"At yung tatlo pa sa kanila ay mga Trainee players ng Nissin Company, si Daisho na mula sa Yokohama na Leading Center, si Watanabe ng Dujo na Top 1 point guard sa prefecture nila at si Nishizaki ng Ogata na 3-point Leading scorer..." dagdag ni Maki.
Parehong napaismid ang dalawang lalake sa kanila.
"Kung ganun mga Company Players kayo tulad namin..." Nakangiting sabi nung kulay ube ang buhok.
"Tulad niyo?..." Tanong ni Daisho.
Nagtinginan muna yung dalawa saka sumagot.
"Let me introduce myself... I'm Ryueen Zakusa, company player din ako ng college association team na FUJIDENZO..." Pakilala nung kulay ube ang buhok.
"Ako naman si Saihetei Yuki, same as him player din ako ng Fujidenzo Company." pakilala nung blonde hair
"...Si Zakusa-sempai ang dating Team Captain Last year bago ako at si Yuki-sempai naman ang Vice Captain at Coach ng Team bago si Fujima, at sila ay mga 4th year student dito sa school. Kaya gumalang kayo..." Maki
Yumuko sina Hanamichi sa kanila at bumati... "MAGANDANG TANGHALI SA INYO SEMPAI!"
"Hahah magandang araw rin, galingan niyo ang pag-eensayo ah?" sabi ni Zakusa
"Dahil napanood namin kanina ang first matches ng Prefectural Elimination Matches, doon sa bracket line niyo, ang Osaka Evessa ang makakalaban niyo bukas. Kaya sipagin niyo ang training." Yuki
"Opo,, Coach!" Sila.
***
Ilang oras ng matapos ang usaping yun, mag-aalas otso na ng gabi nang makauwi na ang ibang player maliban kina Hanamichi, Sendoh, Maki at Fujima.
Nagtipon silang apat.
"nasa inyo na ba yung binigay ni Mari satin kanina?" tanong ni Maki.
"Teka, ano ba tong maliit na bag nato? Ang bigat ata?" binuksan ni Hanamichi ang bag...
At nakita niya sa loob ang isang Mug at isang dosenang kape.
"Aba ayos to ah! Ambait talaga ni Mari, talagang pinaghandaan niya pa tayo ng Kape para hindi tayo aantukin sa pagtatraining natin kay Hanamichi." tuwang sabi ni Sendoh.
"Nasa gilid ang Heater na gagamitin natin para magpakulo ng tubig. Inihanda rin yan ni Mari para sa atin." sabi ni Fujima.
"Ano pang hinihintay natin? Simulan na!" Hanamichi
"Okay sige... Si Sendoh ang unang magtuturo sayo, pagkatapos si Maki at huli naman ay ako. Alas Otso na, 2 hours kang sasanayin ni Maki sa Depensa, 2 hours din ang pagsasanay ni Sendoh sayo. At pagsapit ng alas-Dose ng hating gabi hanggang alas-Singko ng umaga ay gagawa ka ng 1,000 3-Point Area Shot sa loob lang ng limang oras." sabi ni Fujima sa kaniya na ikinagulat ni Maki at Sendoh.
"Teka lang Fujima... Ang ikli naman ng 5 hours para sa 1,000 3-Point Shot training niya?" wika ni Sendoh na parang tinatawaran na babain ng kunti yung 1,000.
"Fujima, baka mapagod at hindi na makalaro si Sakuragi bukas? Kakailanganin siya sa first Five...:" nag-aalalang sabi ni Maki.
Ngumiti lang si Fujima.
"Yan lang ba, Fujiboo? Baka kulangin pa yan?" nakangising sabi ni Hanamichi.
"HAH?!!" maki/Sendoh
"1,000 3-Point Shot in 5 Hours." sambit ulit ni Fujima.
"Tssk... Kahit 2,000 pa kayang-kaya ko yan..." Sabi ni Hanamichi... "Basta wag niyo kong tutulugan?"
"Walang tulugan!" sila
[PS: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang at walang kinalaman sa tunay na kwento ng Slam dunk.]