SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES
CHAPTER 14:
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
"Mukhang mahirap pa sagutin yan. Ang Akita State University na Top 1 College Basketball Team dito sa Japan... Baka nakakalimutan niyo. Ang Team na yun ay Pinaghalong Players ng TOYOTAMA at SANNOH." Sabi ni Takasago
"May punto si Takasago, hindi natin masasabi kung anong Team ang malakas... Ang Tokyo ba o ang Akita..." Uekusa
"Coach... Kahit nakabangko ang mga malalakas na player ng kalaban natin, magagaling naman ang first five nila." Shozaki
"Oo nga po, 8 pa lang ang score natin samantala sa kanila ay 27 score na sila. Sa lagay na yan wala pang ambag si Kiyota at Sakuragi." Kakuta
"Pambihira... Halos sa tatlong baguhan na member ng Tokyo ang nanghahakot ng puntos, pero si Sakuragi at Kiyota na parehong mga Ace Player ay hindi pa nakakapaglaro ng maayos. Kung magiging maayos ang laro nila, matatalo tayo Coach!" Miyamasu
"Alam ko... Alam ko. Kaya ko Sila inimbitahan para makipaglaro sa Practice Game na ito ay hindi dahil sa tatalunin niyo sila..." Sabi ni Coach Mifune na ikinagulat ng mga players niya.
"P-po Coach?..." Yasuda
"Kaya ko Sila inimbitahan ay dahil makakatulong sila sa ensayo niyo para sa darating na Prefectural Elimination Games(Regional)." Coach Mifune
"Kung ganun po Coach, ayos lang sa inyo na matalo kami sa laro na ito?" Koshino
"Hindi naman sa sumasang-ayon ako pero parang ganun na nga... Kahit na ganun ay gawin niyo parin ang makakaya niyo para mahirapan sila sa inyo." Coach Mifune
"Opo Coach!" Sila
(Pumito...)
Nagsibalikan ang lahat sa court nang matapos ang time-out nila. Si Hanamichi at Kiyota ay napaayos sa kanilang mga sarili.
"GALINGAN NIYO TEAM!" Sigaw ni Mari sa kanila.
"GALINGAN NIYO RIN KANAGAWA!" Sigaw rin ni Haruko.
Parehong napangiti ang magkabilang team. Ibinigay ng Referee ang bola sa Team Tokyo para sa opensa at tinanggap yun ni Nishizaki.
Naghanda naman ang Team Kanagawa sa kanilang depensa.
(Pumito...)
Nagsimula nang magdribol si Nishizaki para sa gagawing opensa. Mabilis na kumalat sa kani-kanilang area sina Hanamichi, Kiyota, Watanabe at Daisho, ganun rin ang kabilang team.
Tiningnan ni Nishizaki ang kanyang teammates at nakita niya si Watanabe na nakatingin sa kaniya. Pero mabilis na sumulpot sa harapan niya si Uekusa kaya ipinasa niya agad ang bola kay Watanabe.
Mabilis na pinatalbog ni Watanabe ang bola papasok sa area nila. Nakita niya si Hanamichi na libre.
"Ayos, mukhang mapapadali ang pagpasok ko sa loob." Sabi ni Hanamichi sa sarili niya.
"SAKURAGI!"
"Huh?" Napatingin si Hanamichi sa sumigaw nun.
*Boogsh!*
Tumama yung bola sa mukha niya. Dahil sa lakas napahiga siya.
*Blaag!*
"(*•*)" Hanamichi
"(O_O)" sila
"(•_•)" pangkat ni Sakuragi at Haruko.
Napahilot sa sentido si Maki... "Gunggong talaga..."
Napatawa ng malakas si Kiyota at Koshino.
"WHAAAAHAHAHAHAHAHA!!!" Tawa nilang dalawa.
"Ano ba yan Sakuragi! Wala ka paring pinagbago!" Natatawang sigaw ni Koshino.
"Unggoy ka talaga kahit kailan!" Sigaw rin ni Kiyota na parang mamamatay sa kakatawa.
"Talagang naiwan parin ang utak mo sa bahay mo!" Koshino
"Ano ba yan Hanamichi bokya ka!" Sigaw ni Okhusu
"Tama na Ohkusu baka mas lalong magalit yan." Nag-aalalang sabi ni Mito.
"Pambihira talaga tong si Hanamichi , ano bang pinag-iisip nito?" Takamiya
"Nasa ere ang utak niya pre." Noma
Bumalik sa wisyo si Hanamichi at agad napatayo. Tiningnan niya ng masama si Watanabe.
"Oh? Bakit ganyan ka makatingin sakin? Kasalanan ko ba na lutang ka?" Mataray na tanong ni Watanabe sa kanya.
"Pambihira kang Watanabentoy ka! Hindi ka man lang sumisignal sakin!" Naiinis na sagot ni Hanamichi
"Ano ka ba, Sakuragi? Sa ganitong lebel ng paglalaro, titigan sa kasamahan ang magiging komunikasyon." Watanabe
"Ano bang pinagsasa-sabi mong Bentoy ka? Titigan mo mukha mo!" Hanamichi
"Pssh palibhasa laki sa gubat eh..." Bulong ni Watanabe pero narinig yun ni Hanamichi.
"Tumigil ka dyan Bentoy!" Sigaw niya
"Magfocus ka kase sa laro, Sakuragi. Nakakahiya sa team ang nangyari sayo phewww..." Nishizaki
"Isa kapa Nishizakingkoy!" Hanamichi
"Hindi ako KINGKOY!" Nishizaki
"KINGKOY ka!" Hanamichi
"Pssshh gunggong talaga..." Mahinang sabi ni Daisho.
"Mas gunggong ka Daishokoy!" Hanamichi
"What the fvck! Di ako SHOKOY!" Inis na sabi ni Daisho.
Tiningnan ng tatlo si Hanamichi ng masama. Imbis na mainis rin si Hanamichi napangisi ito...
"Ahuhh... Naiinis ba kayo dahil sa mga bagong pangalan niyo ha? Bentoy? Kingkoy? Shokoy?" Nakangising tanong ni Hanamichi.
"Tumigil ka na Sakuragi! Ampapanget ng mga pangalan na yun!" Watanabe
"Choosy ka pa Bentoy, nickname mo lang yung maganda sa tatlo eh." Sakuragi
"BWAHAHAHA tapos ikaw naman UNGGOY, Sakuragi!" Tiningnan ni Hanamichi si Kiyota ng masama.
"Wag kang makisawsaw kung ayaw mong madamay, KIYOTOY!" Hanamichi
Imbes na mainis si Kiyota ay mas lalo itong natawa. Halos napaakbay siya kay Koshino na kapwa tumatawa rin.
"Kaasar..." Hanamichi
(Pumito...)
"Tama nang asaran... Tokyo sa inyo parin ang bola." Referee
Sa mga nakabangko naman, pareho silang nahihiya dahil sa asal ni Hanamichi.
"Si Hanamichi talaga, ang hilig mang-asar." Sendoh
"Maraming oras na ang nasayang nila. 12 minutes na lang ang first half nila." Maki
"Pero hindi na masama sa lap ng puntos natin. Namamanage pa rin naman nila." Hanagata
"Tama, kahit anong habol pa ng kalaban sa puntos natin, imposibleng magawa nila yun dahil sa center natin." Sabi rin ni Fukuda.
"Hindi sila makakalusot kay Daisho... Nakikita kong kumpyansa si Daisho na hindi sila makakapuntos hanggat siya ang nagbabantay sa ilalim ng ring." Maki
"Syempre may kumpyansa sa sarili... Ikaw ba naman mayabang." Napaismid si Jin.
"Umayos ka, Jin." Fujima
"Hindi kita nanay." Jin
Napanguso si Fujima... "Ang sama talaga ng ugali mo."
"Masanay ka na, Fujima. Hindi ko hilig ang makipagplastikan." Jin
"Ayy bet ko yang sinabi mo Jin!" Natatawang sabi ni Mari.
"Ee ako? Bet mo?" Jin
"Betbetin mo yang mukha mo." Inirapan siya ni Mari.
"Pfft..."Tili ni Sendoh
(Pumito...)
(Talbog ng bola...)
Si Nishizaki ulit ang may hawak ng bola at nagdribol ito papunta sa area nila. Mabilis na nakasunod si Yasuda sa kanya at naagaw ito mula sa likod.
Napalakpak ng malakas ang mga estudyanteng nanonood dahil nasa panig nila ang bola.
Mabilis na nagdribol si Yasuda sa area nila at ipinasa niya ang bola sa libreng si Uekusa.
Pagkatanggap ni Uekusa nasa harapan niya agad si Watanabe at mahigpit na dumedepensa.
"I-ikaw na naman..." Uekusa
"Di ka makakalapas sakin..." Watanabe
"Tssk..." Ipinasa niya bola kay Koshino muna sa ibaba.
Natanggap yun ni Koshino at nagdribol papunta sa Shooting area. Doon, ang nagbabantay sa kanya ay si Kiyota.
"Nyahahaha wala yan Pre, uubusin namin ang 30 seconds niyo para hindi kayo makapuntos." Nakanging sabi ni Kiyota.
"Ewan ko sayo." Koshino at ipinasa ang bola kay Muto na nasa Power Forward area kasama si Hanamichi.
Pagkatanggap ni Muto sa bola gumawa ito ng jumpshot, pero mabilis na nakatalon si Hanamichi para matamaan ang bola. Kaya ang Jumpshot ni Muto ay tumama sa gilid ng ring...
"REBOUND!" Sigaw ni Mari.
"Oo!" Sagot ni Daisho at tumalon ito ng mataas pero nakasabay sa kanya si Takasago.
Habang nasa ere ang bola dalawang kamay mula sa mga matatangkad na center ng magkabilang team ang umaabot sa bola.
"Akong ang makakakuha..." Takasago
"Akin ang bolang yan..." Daisho
Hanggang sa...
"ANAKNANG! PAANO SIYA AGAD NAKAPUNTA DYAN?!!!" sigaw ng isa sa mga manonood.
May namumulang kamay ang sumingit sa pagitan ng dalawang Center.
"ANG TAAS NYANG TUMALON!"
"IMPOSIBLE! PAANO NIYA NALAGPASAN ANG TALON NG NAGTATAKANGKARANG MGA CENTER?!!"
"IT'S TIME TO SHINE, HANAMICHI!" Sigaw ng pangkat ni Sakuragi.
"GO SAKURAGI!!!" Sigaw ni Haruko
Nakuha ni Hanamichi ang Rebound mula sa dalawa at napangisi ito...
"Ako ang Henyong Basketbolista na si Hanamichi Sakuragi... Ang Hari ng Rebound!" Nakangising sabi nito.
"Hindi ko kayo hahayaan na maagaw niyo ulit ang rebound sakin, at ikaw Daishokoy tama na yung pakitang gilas mo!" Dagdag pa ni Hanamichi at pagbaba nito sa sahig ay agad itong nagdribol.
"Aba! Ibang klase ang reflexes niya, mula sa pagtalon ng malakas at pagtakbo agad ng mabilis ni wala pang isang hakbang mula sa ere ay isang napakapambihirang kakayahan ng manlalaro." Manghang sabi ng Manager ng Kanagawa.
"Ngayon alam ko na kung bakit siya ang dating secret weapon ni Coach Anzai." Napatawa ng mahina si Coach Mifune.
[PS: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang at walang kinalaman sa tunay na kwento ng Slam dunk.]