SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES
CHAPTER 4:
(Ps: Typo Errors Ahead!)
HANAMICHI SAKURAGI'S POV
*** Gymnasium ***
"at Ang Henyo sa Basketball... Hanamichi Sakuragi!" Pagpapakilala ko.
Nagsitinginan silang lahat sakin...
Grabe! Iba talaga pag may pangalan! Hinahangaan talaga ng nakararami! Sige lang, kahit hindi niyo sabihin alam kong pinupuri niyo ako sa mga isipan niyo.
"Ayy oo nga pala! Naalala kita!" Lumapit sakin si Mari.
"Nakita ko ang mga laban ng Shohoku laban sa ibang kuponan, nung gumraduate si Akagi, si Miyagi ang sumunod na Captain, pagkatapos yung Super Rookie niyo na si Rukawa tama ba?"
"Pano mo nalaman?" Tanong ko
"Mahilig kase ako manood ng mga men's basketball matches, para alam mo na... Magagamit ko rin ang mga skills nila pag maglalaro ako ng basketball." Nakangiting sagot niya sakin.
"Tama! Sinabi din sakin ng boypren ni Fujima na basketball at volleyball player ka rin. Mukha kang matangkad... Ilan ba ang height mo?" Tanong ko
"Ang totoo... Half-Japanese at Half-Filipina ako, kaya medyo nabiyayaan ako ng tangkad. Huling sukat ko nasa 182cm ako." Sagot niya.
"Hala, ang tangkad mo namang babae. Baka naman lalake kang talaga na nag binabae lang?---"
*PAKKK!*
"Arayyyy..." Napahawak ako sa ulo ko dahil pinalo niya ng nakatuping papel.
"Kawalang gana kang kausap, sige balik tayo sa laro." Suplada niyang sabi at bumalik siya sa tabi ni Fujima.
"Nyahahaha anong napala mo, Unggoy? Nakatikim ka rin." Walangya tinawanan pa ako ni Matsing.
"Heh! Makakatikim ka rin sakin pag di ka tumigil." Naiinis kong sabi.
Asungot yung mukha niya pwehh!
"Maraming salamat sa pagpapakilala mga first year, hayaan mong magpakilala rin kaming mga Sempai sa inyo." Napaayos ako ng tayo dahil sa sinabi ni Lolo.
Ang totoo hindi na sila kailangang magpakilala pa, kilala ko na silang lahat eh at hindi lang basta kilala... Lahat sila nailampaso ko na NYAHAHAHA!
"Magpapakilala ulit ako, ako si Shinichi Maki, 3rd year at Captain ng Team. 20 yrs old at 192cm. Dati rin akong Captain nung nasa Kainan High School pa ako at kasama ko sa position ko ang pagiging Point Guard at Ace Player ng Team namin magpaka hanggang ngayon." Pagpapakilala samin ni Lolo.
Grabe talaga tong si Lolo, kaya nga IDOL ko'to eh!
"Ako naman si Souichiro Jin, 2nd year at Vice Captain ng Team. 19 yrs old at 196cm. Graduated din ako sa Kainan High School tulad ni Maki. Dati rin akong Kanagawa Scoring Champion at Ace Player magpaka hanggang ngayon." Pakilala rin ni Jin.
Edi wow! Kayo nang may award! Kayo na ang Ace!
Kung sa bagay bat naman ako maiinis? Kainan yan eh, hindi na nakakagulat kung marami ang magagaling.
"Ako naman si Kicchio Fukuda, 2nd year at ako ang Power Forward ng Team. 19 na ako at 193 ang height ko. Graduated ako mula sa Ryonan at nahirang ako bilang Offensive Treat ng Kanagawa." Pakilalala ni Fukulot.
"At Ako naman Akira Sendoh, 2nd year at katulad ni Fukuda mula rin ako sa Ryonan, dati rin akong Captain. 19 na ako at 204cm. Ang postion ko sa Team ay Point Forward..." Sendoh
"Anong point forward?" Tanong ko.
"Katangian ng Point Forward ang pagiging Point Guard at Small Forward. Tulad nina Maki at Jin... Ace player din ako ng Ryonan at nahirang ako dati bilang Ace Player ng Kanagawa." Dagdag pa niya.
Oo, Sendoh alam ko. Nandun ako habang nahirang ka.
"Ako naman si Toru Hanagata, 3rd year at ang Center ng Team. 20 yrs old at 209cm. Graduated ako mula sa Shoyo High School, isa ako sa mga Twin Tower ng aming distrito at nahirang ako bilang 'Fade Away Specialist' ng Kanagawa." Hanagata
Ang bangis naman ng boypren ni Fujiboo. Fade Away Specialist? Napakabihirang titulo nun ah?
"Nagpakilala na sila at ako na ang panghuli... Ako si Kenji Fujima, 3rd year, 20 yrs old at 189cm. Graduated ako mula sa Shoyo High School, dati akong Captain, point guard at Ace Player... At mula pa nung High School hanggang ngayon... Ako ang COACH-PLAYER ng Team namin. Sa madaling salita... Ako ang Coach ng Team na'to." Makatwirang pagpapakilala samin ni Fujima.
"Ikaw ang magiging Coach namin?" Tanong ni Daisho.
"Seryoso?" Azuhe
"Napakabata mo pa para maging Coach ah?" Yuu
"Oo, kahit siya ang pinakabatang Coach. Malawak ang pag-iisip niya at mas lalong lalakas ang laro natin pag naglaro na siya para sa Team natin." Sagot ni Lolo.
"Okay tapos na nagpakilala ang isa't-isa, kayong mga first year, respituhin niyo ang mga Sempai natin ah? At dapat Captain ang tawag niyo kay Maki at Coach Fujima ang itatawag niyo sa kanila, naintindihan niyo?..." Nakangiting sabi samin ni Mari.
Ilang segundo kaming natahimik...
"NAINTINDIHAN NIYO?!" sigaw niya samin.
"Oo!!/Opo!!" Sabay-sabay naming sagot.
"Mabuti naman." Mari. "Coach, simulan na po natin." Lumapit si Mari sa kaniya at pinakita yung log book kay Fujima. Nakita kong nagsitanguan yung dalawa.
"Okay may sasabihin si Coach!" Mari
"Maglalaro kayo... 1st years VS 2nd and 3rd years. Susubukan namin ang mga sempai niyo ang mga galing niyo." Fujima
"Opo Coach!" Sagot nilang lima.
"Oo!" Sagot ko.
"Ang mga 1st five na maglalaro ngayon ay si Daisho, Center. Azuhe, ikaw ang point guard. Yuu, ikaw ang Shooting guard. Kiyota, power foward at ikaw Ikegami ang small forward." Tumaas ang isang kilay ko sa mga sinabi ni Fujima.
Teka... Nasaan ang henyo? Bakit hindi niya binanggit?
Nilapitan ko si Fujima at inakbayan...
"Uyy Fujiboo... Baket hindi ako kasali? Bakit hindi mo palalaruin ang Henyo?" Mangiyak-ngiyak kong tanong habang tinuturo ko ang sarili ko.
"Maki, Jin, Sendoh, Fukuda at Hanagata... Simulan niyo na." Fujima
"Uyyy Fujiboo, paano ako? Pansinin mo naman ako!" Ano ba yan parang wala lang ako dito ah?
"Mari, ikaw ang referee." Sabi ni Fujima at inabot yung pito.
"Okay, Coach!" Sagot ni Mari at tinggap yun. "Laro na!" Sigaw niya.
Naglakad na silang sampu sa court...
Bakit ganito?!!!!
"Sakuragi, bangko ka muna." Napatingin ako kay Fujima.
Inakbayan ko siya ulit.
"Ano bang problema mo sakin bench warmer? Bakit hindi ako kasali? Gusto ko nang maglaro eh." Tanong ko saka pinisil ang isang pisngi niya.
"B-bumangko ka muna para makita mo ang laro nila." Sagot niya.
Hinawakan ko ang isa pa niyang pisngi at pinag-iinat yun. "Ang sabihin mo, ayaw mo lang ako na makitang maglaro ang Henyong katulad ko..."
"Ganun talaga pag Henyo, nagpapahuli." Napatigil ako sa sinabi niya.
Tama ba yung narinig ko? Tinawag ako ni Fujima na Henyo?
"Ikaw ang magiging Key Player ng Team na to, Sakuragi. Kaya bumangko ka muna para malaman mo kung ano ang magiging susunod na hakabang pag pumasok ka na sa court." Paliwanag niya.
Ako? Key Player?
Inakbayan ko siya ulit... "NYAHAHAHA! Hindi ko akalain na ganyan mo pala ako ka mahal Fujiboo ah? Key player pala, sige! Uupo muna ako at panonoorin ko ang mga laro nila." Masaya kong sabi at umupo dun sa bangko na nasa gilid.
"HANAMICHI UTO-UTO!!!" Naningkit ang mga mata ko sa sinabi ng Tatlong ungas habang si Mito pinipigilan ang tawa.
"Tumahimik ka Tabachoy, Hilaw at Erap! Mga inggitero!" Sigaw ko sa kanila.
"BWAHAHAHAHA!" Tawa nila, bwesit mga sira ulo.
"Kayong apat!" Napatigil sila sa kakatawa nang tawagin sila ni Fujima.
"Bakit po?" Sagot ni Mito
"Bumaba kayo rito, kayo ang Scorer." Sagot ni Fujima.
"Aba, sige ba!" Sagot ni Takamiya at sabay-sabay silang bumaba.
(Pito...)
Tumingin ulit ako sa court dahil sa tunog ng pito. Nakita kong si Maki ang nag bantay kay Kiyota, si Sendoh kay Azuhe, si Hanagata kay Daisho, Si Jin kay Yuu at si Fukuda kay Ikegami.
Pumwesto na si Mari sa gitna dala ang bola at hinagis ng napakataas.
Unang tumalon si Daisho na 210cm pero nakuha ni Hanagata ang bola dahil mas mataas itong tumalon.
Pagbagsak ni Hanagata sa lupa, sinimulan na ni Fujima ang oras.
Hmmm... Panonoorin ko ang bawat galaw ng laro nila. Tingnan natin kung matatapatan niyo ang Henyo na si Hanamichi Sakuragi.
[PS: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang at walang kinalaman sa tunay na kwento ng Slam dunk.]