Sa Bawat Araw

By HerWorldAtSunset

25.4K 904 350

Araw - araw, may mga taong naghihiwalay at nagtatagpo. Umiikot ang mundo. Pero paano kung sa pag - ikot ng mu... More

Cast and Characters
Salubong
Unexpected Happenings
What now?
Sunset
A Hundred And One Reasons
Balang Araw
Fun?
Dinner
Dinner Kulitan
Don't turn around
Ang Lunch. Bow.
Evicted
New House
Focus
Bad Mood
Chill ka lang
Awkwardness Level 100
And I'll Never Be the Same Again
She Looks Like You
Thank you! I Love you
9 AM Meeting
When 'Destiny' Plays Her Part
Tshirt and Jeans
Late
Ria's Idea
Evening Walk
Iwas to the Max
Amara's Hero
Plan is working 100%
Uwian na
Birthday Planner
Photo Album
Happy Birthday!
After the Party
Girl Problems
First Day
Debut
Model
Can't leave you
Feeling loved
Sweetness Overload
O.S.S.B.S.F.A.
Under the Moonlight
Garden and Flowers
Invitation
Big Day
Family Day
Hmmmmm....
O.M.G.
Extra Care
New Year
Back to Work
Half Day from Work
Little Girl
Kilig Much?
Story Time
Top Two
Dream
Confused
Bonding
Back to Young Love
Problems
Smiling Too Much
Beautiful Sight
A Mother's Heart
Heartbroken
Attached
Fun Day, Happy Heart
3 - 0
Shared Custody
Ria's Resbak
Relax
Questions
Business Trip
She's worried
Lunch with Her
Almost
Reasons
Time and Space
Fresh Air
Love is in the Air
Secret Garden
Sensitive
LQ?
Isabella
Ship
Regrets
Living in a Hospital Room
Mamita
A Happy Family Dinner
Surprise Visitors
Friends
Who She Really Is
Start Anew
Memories
Suspicious
Nightmare
Unwind
Just Calli and Mommy
Shopping
Crush
Confession
Who's to Blame?
Forgiveness
Starting Again
Happy ending?
Special Chapter
Epilogue
Special Chapter

Worried

219 10 6
By HerWorldAtSunset

Amara's POV


"Sana ikaw nalang si Isabella."

"Sana ikaw nalang yung anak ko."

Ngumiti si Calli and inayos niya yung buhok ko na nakaharang sa mukha ko. I smiled and laughed a bit. Ano ba yan. Sa harap pa ni Calli ako nagbreakdown.

"Naku. Sorry ah. Ang drama ko. Hahaha." I said while laughing and wiping my tears.

"Hehe. Okay lang po. Eto po panyo." She handed me a handkerchief and i used it to wipe my face.

"Halata ba na umiyak ako? Hahahaha." I asked Calli. Namamalat tuloy yung boses ko. Yung tunog niya parang may nakabara sa ilong ko. Hahaha.

"Hindi naman po. Ang pretty niyo pa rin eh. Haha." Bolera talaga.

"Balik na po tayo dun?" She asked me and i nodded.

"What happened?" Tanong ni Alex pagbalik namin sa office. Hindi ako makasagot kasi ayokong mag-alala siya sa akin.

"Uhmm. Sumuka po kasi si mommy. Hehehe. Alam niyo naman po." Calli said. Hayyy. Buti nalang at nakaisip ng excuse itong si Calli.

"Ayos ka lang?" Alex asked.

"Yes. Kain na tayo. Hahaha." I sat down and sila din. We continued eating and Calli would always smile kapag napapatingin siya sa akin.

~~~~

Calli's POV

Tapos na kaming kumain and nagligpit lang kami ng pinagkainan namin. Kinuha ko yung chocolate milkshake ko and umupo ako sa couch.

May mga employees na pumapasok dito na may dalang folders and envelopes. Ganito pala sa opisina. Minsan si ate Tarra yung pumapasok dito tapos hindi ko na kilala yung iba.

~~~

2 pm na and nag-aayos na ng gamit si dad. Aalis na daw kami kasi tapos na yung work niya.

"Mauna na kayo sa kotse. May kukunin lang akong document kay Meea." Sabi ni dad kaya lumabas na kami ni mommy ng office and sumakay ng elevator pababa sa basement parking.

Naghintay lang kami sa loob ng kotse then after a few minutes, nandito na si dad.

"We'll go to the mall." Sabi ni mommy bago paandarin ni dad yung kotse.

~~~~~~

Alex's POV

We're here sa mall and una kaming pumunta sa department store. Gusto daw ipagshopping ni Amara ng damit si Calli. And as usual, sumusunod lang ako kung saan sila pumupunta.

"Bagay po ba?" Calli asked us while holding a light pink dress.

"Yes. It looks great. Hanap ka pa." Amara answered and tinulungan niya na maghanap ng damit si Calli.

I took pictures of them habang namimili ng damit. Ako na nga may dala ng bag ni Amara kasi may mga hawak siyang damit eh. Hahaha.

"I-fit mo muna then pakita mo sa amin." Amara said then we walked towards the fitting room.

Umupo muna kami ni Amara sa bench sa labas ng fitting room while waiting.

"Ang saya ipamili ng damit si Calli. Hahaha. We have the same taste sa mga damit." Sabi ni Amara.

"Well, after a few years, dalawa na ang ipagshoshopping mo ng damit." I told her. Bigla naman siyang tumawa.

"That's right kaya get ready kasi lagi tayong magshoshopping nun. Hahaha." She said.

We heard the fitting room door open and Calli walked out wearing a pink off shoulder dress. "Okay po ba?"

"Wow. Bagay na bagay sayo. Try the other clothes pa." Sabi ni Amara kaya pumasok ulit si Calli sa loob to fit other dresses.

~~~~

Nakailang fit ng damit si Calli and lahat yun bagay and sakto sa kaniya. I think ito na yung pang huling outfit then magbabayad na daw kami sa cashier.

"What about this?" Calli stepped out of the fitting room wearing shorts and a tucked in tshirt. Honestly, wala akong alam pagdating sa ganyan kaya si Amara lang talaga ang nagsasabi kung bagay sa kaniya.

"That is perfect on you. Sobrang bagay. O sige, magchange ka na ng clothes then bayaran na natin sa cashier itong mga napili mo." Amara said and tumango si Calli before going back inside.

After paying, we went to the bookstore because Calli wanted to buy art supplies. I said to Amara na ako naman ang magbabayad dahil siya na ang nagbayad dun sa clothes na binili nila kanina. Meron pa nga silang binili na pareho sila eh. Hahaha matchy daw sila sometimes.

"Ito ba yung paint na ginagamit mo?" Amara asked while holding a set of paint.

"Opo." Calli answered kaya nilagay na ni Amara sa basket yung paint. Ayaw na nga daw dapat ni Calli na pumunta dito kasi sobra sobra na daw yung mga biniling clothes for her pero we insisted lalo na si Amara. Kaya napilit namin siya. Haha.

"Okay na po ito." Sabi ni Calli. Actually mapupuno na yung basket because may canvas siya na binili for her artworks. May books din and mga stationery decoration. Natatawa ako kasi kami lang ni Amara ang lagay ng lagay sa basket niya eh.

"Where are we going next?" Amara asked pagkalabas namin ng bookstore.

"Dinner? Hahaha." Calli suggested. Napatingin ako sa watch ko and it's already 6:30 pm. Dinner na nga.

"Okay. Hahaha let's eat dinner." Sabi ni Amara and we went to a Japanese restaurant.

~~~~~

Amara's POV

Hinihintay lang namin yung order. We ordered three bowls of ramen and a sushi platter.

"Thank you po for today. Sobrang naappreciate ko po lahat lahat." Sabi ni Calli.

"Awww. Naappreciate din namin yung pagpapahalaga mo sa studies mo kaya deserve mo yan. Keep up the good work." I told her.

"And kung may kailangan ka sa school or anything, don't hesitate to ask." Alex added.

After a few minutes, nandito na yung order namin. Hmmm. Ang bango.

~~~~

After namin kumain, umuwi na rin kami kasi gabi na.

"Sige, pasok na kayo sa loob. Ako na magdadala nito." Alex said referring to the paper bags sa trunk. Ang dami kasi naming binili.

"La!!! Eto na po yung report card ko." Sobrang excited si Calli na ipakita kay manang yung card niya.

"Aba. Ang tataas ah. Napakatalino mo talaga." Niyakap naman ni Calli yung lola niya. Sobrang sweet at genuine talaga ni Calli.

"O sige, magbihis ka na dahil pawis na pawis ka." Sabi ni manang kay Calli and she gladly obeyed her.

"Congrats po. Ang talino po ng apo niyo. Nakakaproud." I said to her. Ngumiti naman siya sa akin.

"Maraming salamat din sa inyo ni Alex. Salamat dahil tumatayo kayong magulang sa kanya kahit hindi naman kayo obligadong gawin yun. Hindi lang tungkol sa materyal na bagay na binibigay niyo sa kaniya kundi sa suporta at pagmamahal na pinapakita niyo sa bata." Awwww. Manang naman.

"Wala po yun. We are more than happy na tulungan kayo. Deserve po ng apo niyo ang isang masayang pamilya and salamat din po dahil pinapayagan niyo kami ni Amara na iparamdam yun sa kaniya." Sabi ni Alex na nasa likuran ko. Hahaha nandyan na pala siya.

"Mahal na mahal po kayo ng apo niyo and napakabait po na bata ni Calli. Actually, eto nga po yung savings card ni Calli." I gave her Calli's savings card.

"Nandyan po yung earnings niya for being a model ng company namin and allowance. Pero ayaw niya pong tanggapin. Lagi niya pong binabalik sa akin." I said. Calli would always say na ako na lang daw ang humawak ng Savings card niya dahil hindi naman din daw niya alam kung saan niya gagastusin yun.

"Naku. Sobra sobra na ito. Pero sige, kakausapin ko siya tungkol dito. Maraming salamat ulit sa inyong dalawa." Ngumiti naman kami ni Alex sa sinabi niya.

"Sige po. Akyat po muna kami sa kwarto." I said and tumango siya.

Hayy. This is a tiring day but definitely fun.

~~~~~~~~

Two days later...

I woke up because nasusuka ako. Tumakbo agad ako sa CR.

*ackkkkkkk* I hate morning sicknesssss!!!

I gargle water before going out of the bathroom. I started getting ready because it's Monday again and kailangan kong pumasok dahil may mga kailangan din akong asikasuhin and gawin sa office.

~~~~~~~

I'm here sa office ko and i'm busy on my laptop. May katabi akong profiteroles and brownies because araw araw na akong nagccrave dyan. May stock na nga din kami sa bahay dahil kahit madaling araw nagccrave ako eh.

I feel a bit nauseous pero kaya pa naman. I can do this. Tsaka kailangan ko din gumalaw galaw dahil lagi nalang akong nakaupo sa office ni Alex.

~~~~~

Calli's POV

"See you tomorrow! Chat nalang kita about sa activity." Sabi ni Tori bago sumakay sa sasakyan nila.

"Sige! Ingat!" And naiwan na naman akong mag-isa dito sa parking lot. Hinihintay ko lang yung driver ni mommy.

Parang may tumatawag sa akin pero wala namang tao sa paligid. Medyo lumalakad ako kasi hindi maganda ang pakiramdam ko. Sobrang alert and observant ko na sa paligid kasi parang hindi lang ako mag-isa dito.

Then may nakita akong nakablack na hoodie na palinga linga sa paligid habang lumalakad. Tumakbo agad ako sa gitna ng mga kotse para makapagtago. Sana hindi niya ako makita. Ewan ko pero unang instinct ko talaga is magtago dito sa gitna ng mga kotse. Umaatras lang ako kasi nakikita ko siya.

Nagulat ako nang biglang may bumuhat sa akin mula sa likod.

"Tulonggg-------" Tinakpan niya ng panyo yung bibig ko. Ano bang nangyayari? Sinusubukan kong kumawala pero ang higpit ng pagkakabuhat sa akin.

Tinry kong magpupumiglas pero may tinakip na panyo sa bibig ko and nawalan ako ng malay.

~~~

Amara's POV

Ang weird ng pakiramdam ko. Hindi ako mapakali. Hayyy.

"Ate, okay ka lang?" Tanong ni Tarra. Hindi ko napansin na hinihintay niya pala yung pinipirmahan ko.

"Ah oo. Here." Inabot ko sa kaniya yung papel and she bowed then lumabas na siya ng office.

~~~~

Nakatitig lang ako sa orasan across my office. It's 3 pm. I've been having this uneasy feeling simula kaninang lunch. Hindi nga ako makakain ng maayos eh.

Then nagring yung phone ko. Si manang pala.

"Hello po?"

"Amara, itatanong ko lang sana kung kasama niyo si Calli."

"Hindi po. Bakit?"

"Hindi pa siya nakakauwi eh. Diba alas dose ang tapos ng klase niya?"

Napatayo agad ako and biglang bumilis yung heartbeat ko.

"Wala pa po siya dyan sa bahay?" Tanong ko to make sure.

"Wala pa. Hindi naman nagsabi kung may pupuntahan na kaklase o kaibigan."

"Ah sige po. Try ko pong tawagan yung mga kaklase niya." I said then dropped the call. I'm trying to sound calm pero kinakabahan na ako. Nasan na si Calli? Wala din naman siyang nasabi sa akin na may pupuntahan siya. Imposible naman natraffic dahil tatlong oras na simula nung uwian nila.

Tinawagan ko yung driver ko and he said na wala daw si Calli sa school pagdating niya kaya akala niya sinundo na namin. Pero naghintay pa siya ng konti kasi daw baka lumabas lang ng school pero wala daw talaga si Calli dun.

I tried to contact Drake dahil magkaklase sila.

"Hello? Drake?"

"Tita? Napatawag po kayo."

"Yes. Uhmm may group study or group activity ba kayo kasama si Calli?"

"Wala po. Bakit po tita?"

"Hindi pa kasi siya nakakauwi eh. May kilala ka bang pwede kong tawagan?"

"Yes po. Si Tori and Lacy. Sila po ang usually na kasama ni Calli kapag uwian. I'll text you their phone numbers nalang po."

"Sige salamat."

While waiting for his text message, i tried calling Calli. Pero unattended or out of coverage area daw yung phone niya. Hayyyy. Laging sumasagot sa tawag si Calli. Pero bakit ngayon?? Okay Amara, kalma ka lang. Matatawagan mo din siya okay?

My phone vibrated and i received the text message from Drake. Tinawagan ko agad yung phone number ni Tori.

"Hello?"

"Hello po? Who is this?"

"This is Calli's mom, Amara."

"Ay hello po. Bakit po kayo napatawag?"

"I just want to ask kung magkasama kayo ni Calli kaninang uwian?"

"Opo. Pero dumating na po yung driver namin kaya nauna po akong umuwi. Nandun lang naman po siya sa parking lot naghihintay ng sundo."

"So she's not with you?"

"Hindi po. If you don't mind po, ano pong nangyayari?"

"Hindi pa kasi siya umuuwi kaya i called you dahil ikaw daw ang lagi niyang kasama tuwing dismissal time."

"Hindi pa nga rin po ako nakakareceive ng chat from her eh."

"Sige. Salamat. I'll call you nalang kapag may balita na kami kay Calli."

"Sige po."

Kahit sabihin kong huwag mastress, nag-aalala pa rin ako. Puro missed calls lang ako kay Calli kasi hindi niya sinasagot. Lumabas ako and i headed to Alex's office.

"Alex." I said pagpasok ko.

"Yes? What's the matter?" Tanong niya sa akin.

"Si Calli, hindi pa daw siya nakakauwi sabi ni manang." Tumayo naman si Alex and pinaupo ako sa chair sa harap ng desk niya.

"Have you tried calling her?" Tanong niya sa akin.

"Yes. I tried calling her multiple times pero hindi niya sinasagot. P-paano kung may nangyari sa kaniya?"

"Relax. Calm down. We'll---" hindi niya natuloy yung sasabihin niya dahil pumasok si Meea sa office.

"Sir, nandito po si Ms. Samantha Guillermo. Yung nagpaschedule po ng meeting ng 3:30" She said then pumasok si Sam sa office.

"Oh. Did i came at the wrong time?" Tanong niya. Nakaupo kasi sa harap ko si Alex and he's trying to calm me down.

"No. Uhmm. May problema lang." Alex said.

"Can i help? Baka may maitulong ako." Sabi ni Sam.

"Nawawala kasi si Calli." I said to her. Nagulat naman siya sa sinabi ko.

"May kilala ako sa authority. We can ask for help." Tumango lang ako and tumawag siya sa phone.

"Calm down okay? Mahahanap natin si Calli. Kumalma ka lang, masstress din yung anak natin kapag nasstress ka. Okay?" Alex said. I nodded. He's right. Medyo nahihilo na nga ako eh.

"They just need to know the details para masimulan na nila ang paghahanap kay Calli." Sabi ni Sam.

Calli's POV

Nasan ba ako? Sinubukan kong isipin kung paano ako nakarating dito. Ang naaalala ko lang may nagtakip ng panyo sa bibig ko. Parang nasa loob ako ng kwarto na madilim.

Anong oras na? Kailangan kong makaalis dito. Tumayo agad ako at sinubukang buksan yung pinto pero nakalock sa labas.

"Tulong!!!!" Sigaw ko habang hinahampas ko yung pinto. Hindi ko alam kung mag-isa ako dito o ano.

Okay, Calli, huwag kang umiyak. Makakaalis ka dito. Kalma ka lang.

Sinubukan kong maghanap ng bintana pero wala.

"Yung cellphone ko." Kinapa ko sa bulsa and sobrang nakahinga ako nung naramdaman kong nandito pa sa bulsa ko. Nanginginig yung kamay ko habang dinadial yung number ni mommy.

"Walang signallll!!!" Naiiyak kong sabi. Tumungtong ako dun sa parang kahoy para makahanap ako ng signal. Then napatingin ako sa maliit na butas sa pader.

"Nasa gitna ba ako ng gubat?" Tanong ko sa sarili ko. Puro puno lang ang nakikita ko eh.

"Hoy. Ano sa tingin mong ginagawa mo?" Nagulat ako dahil may nagsalita sa likod ko.

"Anong kailangan niyo sa akin? Pakawalan niyo na ako parang awa niyo na." Nakablack siya and nakamask kaya hindi ko makita ang mukha.

"Sa tingin mo ganon kadali yun? Diba anak anakan ka ng mga Montevista? Syempre hindi ka namin pakakawalan kung wala kaming makukuha sa nanay nanayan at tatay tatayan mo." Ano? Ransom? Ganon?

"Wala kayong makukuha sa kanila!" Sigaw ko.

"Huh. Tignan lang natin." Tumayo siya at parang may tinawagan sa cellphone niya.

"Mr and Mrs. Montevista. Kamusta? Hahaha. Gusto niyo bang marinig ang boses ng anak anakan niyo?" Tapos tinapat niya sa akin yung phone.

"Anong ginawa mo kay Calli? Pakawalan mo siya."

Narinig kong sabi ni dad sa kabilang linya.

"Dad! Mommy! Tulungan niyo po ako!" Sigaw ko tapos biglang nilayo sa akin yung phone at tinalian ng panyo yung bibig ko. Pati yung kamay ko tinali sa likuran ko.

"Oh? Narinig niyo na yung anak anakan niyo. Tulungan niyo daw siya. Ganito. Para malinaw na usapan, magdala kayo ng limang milyon. Kapalit ng anak anakan niyo. Dalhin niyo bago mag alas singko. Kundi, alam niyo na siguro ang mangyayari." Tapos binaba na niya yung tawag.

"Hilingin mong iligtas ka ng mga magulang mo." Sabi niya bago sila lumabas ng kasama niya.

~~~~~~~

Alex's POV

"Tinext na sa akin kung saan magkikita. Pupuntahan ko na." I said while looking at the address.

"Uhmm Alex, what if ako nalang ang pumunta? Kailangan ka ng asawa mo." Sam suggested.

"Sam, hindi mo kailangang gawin yun. Ako dapat ang pumunta doon." I insisted. Hindi niya obligasyon yun.

"But i want to help. Paano pag may nangyari sayo? Paano si Amara? Si Calli? Buntis ang asawa mo Alex." She said.

"Ibigay mo nalang sa akin yung address and hindi natin kailangang ibigay sa kanila yung pera. Fake money ang dadalhin ko. Magsasama ako ng tao."

"Sigurado ka? Kaya ko. Ako nalang ang gagawa." Ayokong may iba pang madamay.

"Dito ka nalang. Bantayan mo yung asawa mo. Akin na yung address." Kinuha niya yung phone and pinicturan yung address na tinext kanina.

"Ibabalik ko sa inyo si Calli." She said before heading out of the office.

Nakasandal lang si Amara sa couch dahil i told her to calm down. Kanina pa siya nagpapanic eh tsaka nahihilo din siya.

~~~

Calli's POV

Kanina pa ako nakatali dito. Nakasandal nalang ako sa pader and hinihintay na may dumating at tulungan ako. Nanghihina na rin ako. Tinatry kong tanggalin yung tali sa kamay ko pero ang higpit.

Maya maya, may narinig akong nag-uusap sa labas.

"Pakawalan niyo muna yung bata. Tsaka ko ibibigay sa inyo yung pera." Narinig ko. Hindi ko kilala yung boses pero pamilyar.

Then parang may nagbubugbugan sa labas. Hindi ko na alam ang mga nangyayari.

Biglang bumukas yung pinto.

"Ako to. Si Sam." Sabi niya pagkakita sa akin. Tinanggal niya yung busal ko sa bibig tapos tinatanggal niya ngayon yung tali sa kamay ko.

"Teka. Kalma ka lang para matanggal ko yung tali ng kamay mo." Sabi niya.

"Thank you po. Nasan si dad?" Tanong ko agad.

"Kasama ng mommy mo sa office. Halika na. Bilis." Hinila na niya ako palabas ng lugar na yun tapos sumakay na kami sa kotse and siya yung nagdadrive.

"Salamat po sa pagligtas sa akin." Sabi ko habang binebend ko yung wrist ko kasi ang sakit nung pagkakatali.

Tumingin siya sa akin through the rear view mirror.
"You're welcome. Sinaktan ka ba nila?" Concerned niyang tanong sa akin. Hanggang ngayon nanginging pa rin ako.

"Hindi po." Sagot ko.

"Huwag kang mag-alala. Makukulong din yung mga kumidnap sayo." Sabi niya. Nakatulala nalang ako sa bintana dahil sa sobrang bilis ng mga pangyayari.

~~~~

Amara's POV

It's 6 pm and umuwi na kami ni Alex. Sobrang nag-aalala na ako kay Calli. Hindi pa tumatawag si Samantha. Si Alex naman palakad lakad sa harapan ko.

Biglang may nagdoorbell sa gate then Alex and I rushed to open it.

"Mommy!" Tumakbo sa akin si Calli and i hugged her very tight. I can feel her tears running down kasi nababasa yung likod ko.

"Okay na. Nahuli na yung mga kumidnap kay Calli." Samantha said. Napatingin nalang ako sa kaniya and i mouthed 'Thank you'.

"Sobrang thank you Sam. I don't know how to express my gratitude sa pagligtas mo kay Calli." Sabi ni Alex.

"Wala yun. Alam ko ang pakiramdam na mawalan ng anak. Ayaw kong maranasan niyo ulit yun." She said. Hindi ko namamalayan na tumutulo na rin yung luha ko. Ayokong mawala si Calli sa amin.

"Nasaktan ka ba?" Tanong ko when i pulled away from our hug. I wiped her tears dahil tuloy tuloy. Umiling lang siya sa tanong ko.

"Tahan na. Shhh." I said habang hinahagod ko yung likod niya.

"Pagpahingahin mo muna si Calli. Pumasok na muna kayo sa loob." Sabi ni Alex. Sinamahan ko si Calli pagpasok sa bahay.

"Calli! Ayos ka lang ba?" Tanong ni manang sa kaniya. Kanina pa din nag aalala si manang kay Calli eh. Tumango lang si Calli and umupo kami sa sofa dito sa sala.

"Sinaktan ka ba nila? Anong ginawa nila sayo?" Tanong ni manang.

"Wala po. Nakakulong lang po ako sa kwarto." Calli said. Kaya pala hindi ako mapakali kanina sa office.

"Ikukuha lang kita ng tubig." Sabi ni manang Carina tapos pumunta na siya sa kusina.

"Sobra akong nag-alala sayo." I told her habang inaayos ko yung buhok niya. Yumakap ulit siya sa akin at isinubsob ang mukha sa dibdib ko.

"Okay na. Tapos na. Sisiguraduhin kong hindi na mauulit ito." Sabi ko sa kaniya. Ang bigat sa loob nung nakita ko siyang umiiyak kanina.

Umatras ako para makita ko yung mukha niya then i held her face. "Tandaan mo. Hinding hindi ko hahayaan na may mangyari sayo. Okay?" Tumango siya and i hugged her.

~~~~~~

A/N: Apakadramaaaaaaa. Okay. Sensya na sa kadramahan nila. Hahhahahhaha.

Thanks for reading!!!

Continue Reading

You'll Also Like

26.8M 799K 48
Jesusa, a homeless girl in Quiapo, Manila, luckily caught the eyes of Damon Montemayor, a young boy who happens to be from a prestigious family. Her...
136K 546 16
WARNING!! (SPG AHEAD) This is for matured content only young reader is not suitable here. #ONGOING.
26.1K 510 25
Clay Verdera is an actor while Isla Aurora Randal is just a typical person. Makabagong panahon ngunit makalumang paniniwala pa rin ang nananalaytay...
256K 8.7K 24
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...