Shot Through the Lights

By artysant

255K 13.1K 4.7K

[Politico 2] For Alunsina, life is a one-time shot. It's a one-time risk and a one-time drown into the open... More

Shot Through the Lights
Taft Avenue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Cosmos
Last Note
Special Chapter

Kabanata 48

3.6K 190 40
By artysant

Talk

Muli kong naaninag ang pamilyar na lugar na ngayon ay pinapalamutian ng mga tanawing estranghero pa para sa 'kin.

I sighed for the nth time. Tahimik lang ang driver pero paminsan-minsa'y napapatingin sa direksyon ko sa tuwing ginagawa ko 'yon.

I just can't help it. Palaisipan sa akin kung bakit palagi akong dinadala ng tadhana sa kanya. This isn't just mere coincidence. I wanted a peaceful space. Binigay ng mundo. Pero 'yon nga lang, ang may-ari ay siya.

"Ayos lang po ba kayo?"

Napatingin ako sa nagsalitang driver at ngumiti.

"Ayos lang po. May iniisip lang."

'Di nagtagal ay tumigil na ang taxi sa gilid ng entrance. Walang parking space dito kasi hindi pa naman siya opisyal na tanawin at hindi rin masyadong nagdadala ng sasakyan ang mga pumupunta. Isa pa, sa sobrang lawak ng lote, maaaring ipasok ang mga 'yon kung sakali.

I literally had to drag my feet towards the massive mansion. Narito si Sherry. I just... don't know how to handle it. I don't know how she will take my presence. I was her husband's ex for fuck's sake! At pinatay ng tatay ko ang kanya.

With every ounce of courage that I have, I pressed the doorbell.

Malimit kong inisip noon kung paano naging maybahay si Sherry. She must be so wonderful to be with. Magaling magluto, maalaga, at malambing. I always imagine seeing them together, happy. With kids, pets, or just themselves. Sinanay ko ang sarili sa pag-iisip ng ganoon bilang parte ng mabagal kong pag-usad, pilit sinasabayan ang matuling takbo ng oras. It hurt each time. But do I really have a choice?

At ngayon, hinahanda ko na ang sarili ko para sa pagbubukas niya ng pinto.

But to my surprise, a middle-aged lady wearing a maid's uniform opened the door for me.

"Sino po sila?"

Lumunok ako. Baka... baka nasa loob lang.

"Uh, dito po ba nakatira si Mr. Mercado?"

I know. But I had to make sure. Baka namali ako ng bahay.

"Opo. Ano po'ng sadya niyo kay Senyorito?"

"Uh, balak ko po kasing bilhin ang lupa niya roon malapit sa hillside ng Basco."

"Ay, pasensya na po kayo, Ma'am. Bilin po ni Sir sa amin na pina-reserba na raw po 'yon."

A voice from behind her interrupted my next question.

"Sino 'yan, Manang?" his baritone voice filled the seemingly empty house.

Napalingon naman ang babae sa kanya.

"Ay, Sir! Nandiyan po pala kayo. May nagbabalak po kasing bumili ng lupa, yung pinareserba niyo po sa may hillside."

Bumilis ang lakad niya patungo sa amin. Kinakabahan ako lalo. Dahil pakiramdam ko, nakasunod na sa kanya si Sherry.

Ngunit nang makita ko siya at pasimpleng tinuon ang pansin sa kanyan likuran, walang ibang taong naroon.

"Come in, then," sabi niya.

"S-Sir?" naguguluhang tanong ng kasambahay.

Pero hindi siya sumagot. Kaya nataranta na naman ako at 'di malaman kung ano ang gagawin.

"Ma'am? Maghihintay lang po ba ako rito?" tanong ng driver sa akin.

"Hindi na po. Ako na ang maghahatid sa kanya."

I don't know if I should say yes or not. Pinangako ko sa sariling hindi na ako muling magpapahatid sa kanya! Ayokong isipin ng ibang tao na kumakabit ako. Dahil hinding-hindi ko magagawa ang ganyang pambabastos sa sarili ko at sa ibang babe.

"No, uh, you wait po. Saglit lang po 'to."

"Hindi na. Ako na ang maghahatid sa 'yo," marahan ngunit may diin niyang ulit.

I felt my patience snap.

"Diyan lang po kayo, Manong," mariin kong utos.

Naguguluhan at pabalik-balik ang tingin ng driver sa akin at kay Sergio. Maging ang kasambahay ay parang walang alam.

What the fuck?

Bakit parang wala lang 'to sa kanila?! Is he regularly cheating? Kaya naging normal na ang pagpapaporma niya sa ibang babae habang wala ang asawa?

Right. That must be it. Sa ilang linggo ko na rito, ni minsan ay hindi ko nakitang kasama niya si Sherry. And the woman is very sociable. Sa pagkakaalala ko, ayaw niyang sa bahay lang palagi. She must be somewhere. Kaya malayang nakakapambabae 'tong asawa niya.

"What are you playing, Sergio?" I darkly asked.

His eyes were innocent.

"What?"

The harsh words are ready to spill. Konting-konti na lang at masasabi ko na ang mga salitang alam kong pagsisisihan ko rin kapag napagtanto ko na ang mga nagawa ko. Pero naalala kong may mga nakatingin pala.

So, I shut my eyes and tried to regain my lost patience before talking calmly to him.

"Sasakay ako ng taxi. At wala kang ibang gagawin kundi manatili rito kasi hindi ako magpapahatid sa 'yo."

Lumamlam ang kanyang mga mata sa narinig mula sa akin. I looked away. I don't want to dive into his eyes and see other things I'm not prepared for.

"Okay," he agreed.

Tumikhim ang kasambahay matapos 'yon.

"Snacks po, Sir? Ma'am?"

Magalang akong tumanggi. Giniya naman ako ni Sergio papasok. Sa kaba at pagkalito ko, hindi ko na lubos maigala ang paningin sa loob ng bahay niya. It's crazy that all I could think about are my questions as of the moment.

Tahimik. Lahat ng mga kaonting tauhan niya sa loob ng bahay ay may ginagawa. I tried to glance around, looking for some baby stuff. But this house... felt more like something owned by a bachelor, rather than a person who has a family.

"May kukunin lang ako sa opisina," tahimik niyang paalam.

I only nodded, not really having enough courage to speak.

"Kung may gusto ka, pakisabi na lang kay Manang."

"M-Matatagalan ka pa ba?"

He pursed his lips.

"It depends. Sana mahanap ko agad ang mga papel," he turned and stopped, "or... you can come with me to my office. Para... doon na lang tayo mag-usap."

I thought about it for a while. If we're alone, I can bravely ask him about... his marriage. Kaysa rito na rinig na rinig kami ng mga kasambahay, mas mabuti nga na mapag-isa kami.

Pero hindi rin ako komportable. Right now, it's about my comfort and the truth.

Sa huli, tumango ako. Bahala na. I need to ask him. I don't want to cause any misunderstanding. Matatanda na kami. We should handle this like adults.

Sumunod ako sa kanya tungo sa isang kwarto malapit sa staircase papuntang second floor. The tall glass windows gave way for some view from the outside. It's not totally private. And I appreciate that. At least, malayo kami sa mga tenga.

"Please, have a seat."

I settled myself on the chair near his huge table. I looked for any family picture. Or even a picture of Sherry. Isn't that a thing? May ganoon din kasi si Mikael sa akin sa studio niya. It's a huge painting of me.

My eyes wandered around the walls. But there's none. Wala ring mga litrato sa kanya. Awards lang ang naroon.

Pinagpag niya ang isang folder.

"I'm sorry. May kalumaan na ang mga papeles. Hindi ko kasi dapat 'to ipagbibili. Pero... I heard that someone's looking for a lot like this. So..."

Nag-angat ako ng kilay doon.

"Then, why are you selling this to me?"

His gaze dropped to the floor before staring intently at me, as if he's carefully weighing the situation.

"I reserved this... for you," he swallowed, "dahil narinig kong naghahanap ka."

I stilled at that. Nahihirapan akong iproseso ang sinabi niya.

I breathed deeply. Okay. Maybe he did hear. And we were friends. We were once friends. Maybe he only considered that when he decided to reserve the land for me. 'Yun lang 'yun. There's nothing more to this.

"Okay... thank you."

He stared at me for a few more minutes before his eyes strayed towards the papers.

Hindi siya nagsalita. Pinagmasdan ko lang ang paghigpit ng kapit niya sa papel, na para bang doon nakadepende ang bawat hininga niya.

Sa loob-loob ko nama'y gustong-gusto nang bumagsak ng mga tanong. I've waited for this moment. It was a very unlikely place. But if we don't talk today, then when? Hanggang kailan ako sasakupin ng mga tanong na walang sagot?

"Kumusta ka?"

He broke the silence first.

It was the same question we shared when we first saw each other after so many years. As if we were once old friends separated by time, not choices. As if all is well between us even before we parted ways. As if nothing much really happened.

But now, that question seemed to carry a different meaning. Along with it are memories, hopes, failed promises, and illusions of a forever we once thought was possible through love alone.

"I lived well... and good," tumango-tango ako. "Ilang taon ang ginugol ko bago ko marating 'to. But I'm here now."

Pareho naming alam kung ano ang pinapahiwatig ko. I wasn't talking about money. Nor fame.

"Mahirap, pero kinaya ko. Wala akong choice, e. Kailangan magsikap. Kasi wala akong ibang makakapitan kundi ang sarili ko."

Tuluyan na niyang binitawan ang mga papel na nagkalat sa mesa niya. I continued, feeling immensely empty and full of emotions all at the same time.

"Ikaw? How are you?"

I tried hard to keep my voice from shaking. And it took me almost every ounce of willpower to do that.

He gave a smile. Almost pained. And the question lingered on my lips.

"Trying to live, Alunsina. Trying to see if there's anything worth it. Kasi... ang taong mahal na mahal ko, masaya na," he looked straight to my eyes, "she's happy. And I'm happy that... you're happy."

I nodded repeatedly. Right, Sergio. You should be happy. Kasi ilang taon akong nagsikap para lang itabi ka sa utak ko. Para lang maramdaman kong kahit papa'no, nakawala na ako.

I breathed deeply. Muli kong binalik ang atensyon sa lupang bibilhin. Somehow, I don't feel like this is the right place to talk about the past.

"A-Anyway, ang lupa," I cleared my throat, "magkano ang presyo mo?"

His expression was pained, like he didn't really want us to be talking about the land, especially now. But I promised myself since then that I will take things one at a time. Hindi kailangang ipagsabay ang lahat kung hindi kaya.

Mariin ang titig niya na ibinalik ko rin naman. Napagtanto niyang ayaw kong pag-usapan 'yon kaya bumuntong-hininga siya.

"Isang ektarya lang ang ibebenta ko. Isang libo bawat square meter. Kompleto na lahat ng papeles dito. May mga kailangan pang i-proseso sa DENR. Pero ako na ang bahala roon."

My brows furrowed.

"Isang libo? Sigurado ka ba riyan? I'm glad that you're lowering the price, Sergio. But isn't that too low? And why shouldn't I involve myself in the processing of papers?"

Kinagat niya ang kanyang labi at binasa ang pang-ibabang parte nito.

"Ayos lang 'yan. It's cheap, I know..." he said, "but... it's for you. And I don't want you tired."

His words were enough to stir dangerous thoughts in me. Hindi pa nakatulong ang pagiging banayad ng kanyang boses.

Suddenly, I felt angry. I thought of his wife who probably did not know about his cheating ass. Siguro'y pati na rin ang anak niyang walang kamalay-malay sa ginagawa ng ama niya, kung mayroon man. Ilang babae na ba ang sinabihan niya nang ganoon? And how... can he disrespect me like this?

People do change. But this isn't the change I was willing to see in him.

"What the fuck happened to you?" diretso kong tanong.

Naguguluhan siyang nag-angat ng tingin sa akin, kunot ang noo.

"What do you mean?"

I rolled my eyes. Lalo lang sumama ang pakiramdam ko. Kabilang na roon ang sakit. Did he really see me as someone still so desperate for his attention that he's willing to belittle me like this?

"What the fuck happened to you, Sergio?"

"Your words, Alunsina—"

I stood, not wanting to hear more of his bullshits. Dinadagdagan niya lang ang problema ko! Una, 'yong pangalan ng parke. Pangalawa, wala ang asawa niya. At pangatlo, umaakto siyang parang walang pamilya!

Tinignan ko saglit ang kanyang mga kamay. Ngayon ko lang 'yon naisip. At wala ni isang singsing ang naroon.

"You're married, Sergio! Fucking married! And you act like this? Flirting with me? Ilang babae na ba ang nadala mo rito, kung ganoon? At ano ba ang ginawa ko sa 'yo para bastusin mo nang ganito?!"

Unti-unting nanlaki ang mga mata niya bago niya 'yon pinikit nang mariin. Bigo ang kanyang ekspresyon at pinigilan ko ang sariling makaramdam ng konensya. He deserved it!

"Ganoon ba kababa ang tingin mo sa akin?" mababa ang kanyang tinig. "Do you really think..."

Matapos ay tumango-tango siya.

"Of course, of course. Because you didn't know," he licked his lips once more. "Of course, wala kang alam."

"What the hell are you talking about?!" asik ko.

He tried to go step forward, but I took one step backward. At that, his hands fell to his sides. Ang kanina'y nakakuyom na mga kamao ay humina.

"I-I'm no longer married, Alunsina," bulong niya. "Sherry and I... we divorced. We both gave it up. Kasi sa bawat hakbang ko sa araw-araw, nasa ibang bansa ako, pero sa 'yo ako dinadala ng mga paa ko."

Nakatayo lang ako roon. Blangko ang isipan. Nawawala ang boses.

"I tried to make it work. God knows how many times I did try to make it work. We both did. Pero sa huli, I just ended up hurting the two of us."

Umiling ako. Hindi ko matanggap 'yon. Hindi ko kailan matatanggap ang rason niyang 'yon. I've come this far. And... why would it matter? What difference would it make?

May kani-kaniya na kaming mga buhay. We lived contented and apart for years. Hindi man lubos na masaya, kontento kami sa buhay naming magkaiba ang tinahak na landas.

So, I just nodded. And tried my best to look like nothing happened.

"Oh, is that so?" I asked. "Then, we should just continue this some other time. Nalaman ko na ang gusto kong malaman tungkol sa lupa."

I turned around, but he was quick enough to hold my arm back.

"Please, hear me more," he pleaded.

Hindi ako tumugon. Nanatiling nakaharap ang aking likuran sa kanya. The empty void in my heart became emptier the longer I stayed here.

He's no longer married. Doesn't have a kid.

Nagpaulit-ulit 'yon na parang sirang plaka habang papaalis ako. Milyun-milyong posibilidad ang dumadaan sa utak ko at hindi ako natutuwa.

Sa ilang taon, namuhay akong iniisip na kasal na siya. Na kahit kailan... hindi na maaari. I can only dream of having him in this lifetime. It was a secret I kept in the deepest parts of my mind and heart. It was something only I knew, and faded with time.

I thought I was ready. Akala ko, maayos na ang lahat. It's been years! Bakit pa ako maguguluhan? I already have everything figured out!

But everything I thought I knew shattered today.

Hindi pa ako handa. At hindi ko alam kung kailan ako magiging handa para kausapin siya nang hindi natitinag ang mga prinsipyong tinayo ko para sa sarili ko.

Kusang lumuwag ang kapit niya sa akin. Sa unti-unting pagkalas niya, ramdam ko ang panghihina niyang naramdaman ko rin.

Perhaps, there are scars whose pains are still present. When you press your fingers to them, they still hurt. That lingering feeling of pain is still there, with no plans of going away in this lifetime. And you can't choose to accept it or not. You just have no choice but to take it. Because it's what's best for you. And for everyone else around.

You take the pain... for the other people.

Sinubukan kong kausapin si Aling Tisay tungkol dito. Pero ang tanging sagot niya lang ay matagal nang nakahain ang katotohanan sa harap ko. Ni hindi ko na raw kailangang itanong. Na minsan, kailangan lang nating buksan ang lahat sa atin para maintindihan ang mga bagay-bagay.

That left me in a deeper confusion now more than ever.

"Sponsor? Sigurado ka na ba riyan, M-Ma'am?" tuwang-tuwang tanong ng manager ng pageant para sa fiesta.

I just gave her a smile.

"Yes. Hindi kasi ako nakasali noon," tawa ko. "Kaya pambawi na lang 'to sa sarili ko."

"Naku! Sige po, Ma'am! Iko-contact ka po namin para sa iba pang detalye!" excited nitong sabi.

Matagal na 'tong sinasabi ni Ate Judith sa akin. Nagbiro pa nung isang araw na isasali niya ako. Buti na lang ay naagapan pa.

"Hoy 'wag mo nang ipasali riyan si Alunsina! Hindi na nga maabot ng ibang babae rito kahit sa anino man lang, papahirapan mo pa ang mga buhay nila pag isasali mo 'to?" madramang ani Aling Tisay. "Maawa ka naman, Judith!"

Naglakad-lakad kami sa Abad para mamili ng mga rekados sa lulutuing pancit ng ginang para ipamigay sa mga bata.

"Sus! Para may challenge! Ang boring ng kompetisyon. 'Yung mga 'di pinalad nung mga nakaraang taon, sila-sila lang din naman ang bumabalik, e!"

"Hindi pa nagsisimula, registration pa lang, tapos na ang laban kung sasali 'yan," turo ni Aling Tisay sa akin.

Tumawa lang ako. Tanda ko noon ang malimit na pagpunta ng mga organizer at talent scout sa bahay namin para isali ako. Hindi lang talaga ako pumapayag kasi dagdag gastos. At kailangan pang mag-effort para makakuha ng mga sponsor. Balita ko pa naman na mga manyakis daw ang halos mga nagssponsor sa mga contestant.

They argued about me joining the pageant. Pinagtitinginan din kami ng mga tao. May iba na bumabati at nagbubulung-bulungan kapag nakikita ako.

It's been a month since I'm here. And I think they've gotten used to my presence. Wala na masyado ang nanghihingi ng litrato kasama ako.

My smile faded when we turned to another corner as my eyes found the same pair of eyes I've been avoiding for a few days now.

After our last talk, hindi na 'yon nasundan. I wanted him to think that it was nothing for me. So I kept smiling at him whenever our paths cross, kasi hindi naman talaga 'yon maiiwasan. Pero hindi na 'yon umabot pa sa puntong nagkukumustahan na kami.

And now, to my utter horror, Aling Tisay called him.

"Sergio, hijo! Nandito ka pala! Tulungan mo naman kaming dalhin 'to sa bahay! At nangako ka pang kakain doon!"

There was a hint of hesitation in his eyes, lalo na nang dumapo 'yon sa akin. Nag-iwas na lang ako ng tingin matapos siya bigyan ng isang tipid na ngiti.

Calm the fuck down, Alunsina. It's fine. A dinner is nothing. Isa pa, kailangan namin ng taga-tulong sa pagluluto at pagdistribute ng pagkain. Walang panahon para mag-inarte. As if namang makikinig din si Aling Tisay sa 'kin.

"Sige po. Bubuhatin ko na lang po muna ang mga 'yan sa sasakyan. May masasakyan po ba kayo?"

"Wala! Mabuti na rin at narito ka!" bumaling si Aling Tisay sa akin.  "Hija, tulungan mo!"

"Pasensya na, matatanda na kami, e," tawa ni Ate Judith.

I grumbled under my breath. Pero wala na akong kawala. Alangan namang magreklamo ako sa simpleng utos na 'yon. And this is supposed to be nothing for me.

Wala kaming imikan patungo sa kotse niya. I was actually thankful of the loud noises in the background. Nabigyan ako ng kasiguraduhang hindi naman talaga 'to awkward kahit papaano.

We loaded the groceries one by one to the trunk of his car. He would sometimes talk to me and give me directions on where to put the other groceries.

"'Wag diyan. Doon sa dulo. Para magkasya pa 'to."

Tahimik ko langna sinusunod ang mga bilin niya hanggang sa nakabalik na kami sa bahay nila Aling Tisay para sa lutuin.

Maraming tao. Pero wala siyang kausap ni isa. He was alone in the backyard, with no one to keep him company. And it reminded me of the times when he'd sit with me and stay back then.

At that moment, I figured that I have to at least... talk to him.

Kaya habang naghahanda siya ng mga panggatong, pasimple akong pumwesto sa mesang nasa malapit lang at doon naghiwa ng manok.

"A-Aren't you busy?" panimula ko.

He glanced at me and smiled.

"Hindi naman. May kinuha lang ako at saktong nakita niyo ako roon."

"Ah," tango ko.

Hindi na muling nasundan 'yon. Tahimik na lang ako na naghihiwa.

"Ikaw? Hindi ka ba... abala?"

I almost jumped in surprise when he spoke to me.

"Uh, hindi naman."

"How about, uh, tomorrow? O sa Sabado? M-May gagawin ka?"

The nervousness in his voice was evident. I can't help but be conscious. Kasi pakiramdam ko, ninenerbyos din ako habang nagsasalita.

"I'm... free, I guess?"

Tuluyan na siyang tumigil sa mga panggatong at tumayo para pumunta sa akin. At ako bilang dakilang tanga, muntik nang mahiwa ang sariling hintuturo dahil sa kaba.

"Then, will you go to the park? To see a meteor shower?" he asked carefully. "You... promised before."

I wanted to decline. But seeing his face right now, I just can't decline. Marami rin namang tao roon. Pwede ko pang isama sina Ate Judith at Aling Tisay. O 'di kaya'y si Maribeth.

Shit. Bahala na talaga.

I took a deep breath before answering.

"Okay. Saturday, then."

Continue Reading

You'll Also Like

29K 41 1
Forever Series 2/4 - Forever Agape II An Email from Hell Elizander Sy Laurette
1.6M 76.9K 92
Overworked and in dire need of sleep, Mea Rivera accidentally sends a hate mail instead of a report to her boss--the grumpy Stan Azcona IV of Azcona...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...