Shot Through the Lights

By artysant

263K 13.2K 4.8K

[Politico 2] For Alunsina, life is a one-time shot. It's a one-time risk and a one-time drown into the open... More

Shot Through the Lights
Taft Avenue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Cosmos
Last Note
Special Chapter

Kabanata 33

3.1K 167 70
By artysant

Betrayal

Until now, it's still a great mystery to me how fast things change. Like the spin of the Earth is thrice to how quick it's supposed to. The universe just doesn't want you to breathe. There are no pauses. Everything changes in a blink of an eye. You just can't expect anything.

Tumatawa ako habang iniikot-ikot ni Sergio sa kanyang isang kamay na nakabitin sa ere, hawak ang akin.

"What... are you doing?" I asked in between laughs.

"Hindi mo ba na-miss sumayaw?"

I rolled my eyes.

"Hindi 'to hiphop or urban, Sergio! This is romantic! Waltz!"

Ngumisi siya. "You think this is romantic? How about this?"

He stopped spinning me around and pulled me close to him, dropping a kiss on my lips. I happily returned it and wrapped my arms around his neck.

Na-miss ko ang pagsasayaw. It reminds me of my life in Manila. Pati na rin sina Viel at Nikki. I wonder how they're doing? Matagal-tagal na rin.

Ngunit hindi ko na 'yon inatupag pa. Let's face it. Hindi makakabuhay ng pamilya ang pagsasali sa mga street competitions tuwing may sayawan dito. It's simply the dreaded reality I have to face. And with our state, I have to be more realistic and wise about my choices.

Muli niya akong inikot-ikot sa itaas ng mga burol ng Naidi. At umalingawngaw ang tawa ko sa buong paligid.

With every spin, with every turn in his hand that I took, with every laughter that went past my lips surreptitiously, I loved him even more. And this world, as well. Even when all it did was hurt me.

Perhaps, love is found in both pain and pleasure of things. Of people. You love despite everything. It's beautiful, actually.

"Ano'ng gagawin mo kung matatapos ang mundo?" biglang tanong niya matapos kaming sumayaw sa dilim.

Nagkibit-balikat ako at ngumisi.

"Ewan. Siguro matutulog ako. Kasama ka. Para kapag tapos na ang mundo, kasama pa rin kita!"

Gumuhit ang isang ngiti sa kanyang mukha.

"You really know how to make me fall even harder, huh? This is unfair," kunwari'y nagtatampo niyang sabi.

"'Wag kang mag-alala, hulog na hulog din naman ako sa 'yo."

He laughed hard.

And as I watch him laughing as if it's the end of the world, I kind of wished it would happen right here, right now. If the world would end, there are no more sufferings. No more tears for me. No more sadness for him.

Kahit na hindi ko alam kung totoo ba ang kabilang-buhay, parang nabigyan ako nito ng kasiguruhang hindi ko nahahanap sa kahit ano'ng bagay sa mundong ginagalawan ko ngayon.

Sergio gave me assurance with his love. But even so, the uncertainty of this life overpowers everything good that I try hard to keep holding on to.

"Simula na naman ng pangangampanya! Hindi na ako makapaghintay sa pera! Paniguradong malaki ang bigay ng kabila ngayon."

"Ha? Lilipat ka? Akala ko ba kay Gov ka?"

Luminga-linga si Aling Tisay sa paligid bago bumalik sa kausap na si Aling Marites. Nangingiti na lang akong sumunod sa kanila.

"Kay Gov pa rin! Pero, sus! Dalawa ang kamay ko! May paa pa. Tatanggapin ko lahat ng ibibigay!" ani Aling Tisay sa mababang boses.

Tinuro ako ni Aling Marites.

"Nakikinig si Alunsina! Baka isumbong ka niyan! Nobyo niya pa naman ang anak, naku!"

Ngumisi lang ako.

"Tatanggapin ko rin po lahat ng iaabot," tawa ko.

I missed the last elections due to college. Now, I'm determined to place my vote. Kahit walang pera, alam ko kung ano ang responsibilidad ko. And yes, I'm still accepting money. Magkalimutan na tayo sa moralidad. Kailangan namin ng pera.

The town became busy because of the political rallies. Kani-kanyang pangampanya ang taga-kabila at sila Gov. Andami ring mga plataporma. Lahat ng 'yon, para sa mga mahihirap.

"Ang dali lang naman kasing isali ang mga mahihirap sa plataporma," ani Nanay. "Dahil kahit alam natin sa likod ng isip natin na halos imposible ang mga programang masunod nang maayos, umaasa pa rin tayong makakaahon sa kahirapan."

"Pero... marami naman pong nagawa si Gov, hindi po ba?" tanong ni Alex.

Tumango si Nanay.

"Oo naman. 'Yon nga lang, hindi pulido. Kasi hindi rin matino ang mga nasa linya niya. E, karamihan dito naghahangad ng perpektong pamamahala."

"May ganon po ba?" singit ko. "Parang imposible naman 'yan?"

"Imposible nga. Pero... sabagay. Hindi ko rin sila masisisi. Nakakapagod ang paulit-ulit na ganitong sistema, kung saan pakikinabangan lang tayo ng mga nasa itaas kapag kailangan. Tulad ngayon. Pangangampanya."

She makes a fair point. The poor people like us are always used to amplify their causes. Parang 'yon na lang ang alam nilang problema sa lugar. Poverty has its roots. Kabilang na roon ang kakulangan sa edukasyon. Hanggang ngayon kasi, hindi pa naipapatayo ang maayos na pampublikong kolehiyo para sa Batanes. Pribado lang ang meron.

I hope that in time, they will acknowledge that.

"Magrarally si Papa mamaya sa Itbayat. Bukas naman sa Ivana. Will you go with me?"

Umiling ako sa kanya at pinaglaruan ang mga kamay namin.

"Nope. May gagawin kami ni Nanay. Icocontact namin si Tito Roberto. Para mabenta na talaga ang lupang 'yon. Alam mo naman... ilang taon na 'yang binibenta. Hindi pa rin binibili."

He nodded.

"Alright. Pero pwede namang ako ang bumili."

"300 million, Sergio. Take it or leave it," I cockily said.

Nag-angat siya ng kilay.

"Hinahamon mo ba ako, Alunsina?"

"Biro lang naman, e. At saka, hindi pwede kapag ikaw. Papatayin ako ng mama mo," biro ko.

But I guess, he didn't take that as a joke.

Until now, his mom is still hard on me. Nadadamay na rin unti-unti si Sergio. She's being difficult to him. At walang ibang sisisihin kundi ako.

Sabay kaming nagpakawala ng malalim na hininga.

"Just give her time, okay? She will accept us soon, Love. She will come around. Mahal niya ako. Kahit na ang pagmamahal para sa kanya ay pananakal, pagkukulong. But the truth still stands. She loves me. So... she'll love you too, in time."

Ngumiti ako sa sinabi niya. It was lovely to hear. My mind brought me to places with that. I know I've said countless of times that I don't need anyone's approval. Still, it makes my heart at ease to hope that one day, she'll accept me. She'll accept what we have.

I went home that day, hopeful. Like all the other times I did. Except that when I do, it all comes crashing down once I step inside the house I can't call home.

"Saan ka na naman nanggaling? Sa lalaki na naman, Alunsina? Wala ka na talagang ibang alam kundi ang lumandi, ano?"

I clenched my teeth hard and just proceeded to cook. Wala akong raket ngayon. Hindi rin ako makapagtinda kasi pansamantalang sinara ang lighthouse para sa kaonting renovation.

"Ano, hindi ka sasagot? Imbes na maghanap ng trabaho para makakita nang maayos, ang inaatupag mo ay 'yang kalandian mo!"

Pumikit na lang ako nang mariin at hindi na sumagot, kahit gaano ko pa kagustong sagut-sagutin siya. Ayoko nang lumaki pa ang gulo sa isang maliit na bagay na pwede namang pag-usapan nang maayos. O 'di kaya'y iwan na lang sa katahimikan.

Lumapit siya sa akin, bagay na ikinakaba ko nang husto. Sa paglapit niya, naamoy ko kaagad ang alak. As if that makes a difference, anyway. Even when he's sober, he would still hurt me.

Dinuro-duro niya ang sentido ko gamit ang hintuturo. Nasasaktan man, ininda ko na lang ang pagkakadiin ng kuko niya sa balat ko.

"Wala kang kwentang anak, alam mo ba 'yon? Ha? Wala kang kwenta!"

Nilapit niya lalo ang kanyang bibig sa aking tenga at bumulong.

"Tutal, wala ka namang kwenta sa pamamahay na 'to, 'di ba ang dapat sa 'yo'y pakinabangan ko?"

And things swerved to even darker paths than to where it is now. Nalalamig ang buong katawan ko. I can't move. Even though I try to move a muscle, I just can't. It seemed like I was glued here. Forever.

Ang daliri niyang kanina'y nakadiin sa sentido ko ay unti-unting lumambot, at bumaba. His finger traced my cheek, until it went to my neck. Tumigil siya roon.

"Kung alam ko lang na ganito ka pala kalandi, sana ginamit ko na lang 'yon nang maayos."

Yumuko siya para singhapin ang leeg ko.

My hands shook. My entire body shook with fear. It was the kind of fear that I know would scar me for a lifetime. I felt disgusted. Ashamed. Embarrassed.

His hand traveled further. Dumaan 'yon sa aking bewang. At tumigil sa gilid ng aking pang-upo.

This... this is my own father.

I can never name any bigger betrayal than this.

Gusto kong sumigaw. Gusto kong hawiin ang kamay niya. Gusto kong saksakin siya ngayon din ng kung ano'ng makikita kong matulis na bagay.

But then, I was paralyzed by fear. This is always the one thing that keeps me from doing the right thing. Fear. Hanggang ngayon, namumuhay pa rin ako sa takot, kahit gaano ko kagustong kumawala roon.

He was so close... so close to shattering my dignity to pieces.

"Ate? Luto na ba 'yan? Gutom na raw si Lyn—"

Agad binawi ni Tatay ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa akin. Hindi ako lumingon kay Alex. Her voice drowned in my thoughts. I'm swimming in this bottomless pit, and letting myself drown. And allowing the water to invade my lungs in this pitch black misery.

Slowly, I looked up. And asked Him. Just... what did I do? If I can only beg and beg for the universe to answer me, I'd be glad to do so. I just want to know if I deserved this. Kahit 'yon na lang. Kahit sagot na lang ang ibibigay ng mundo sa akin.

I felt so empty that night. Buong gabi akong hindi nakatulog. Buong gabi akong hindi mapakali. My father molested me. I couldn't do anything. I couldn't tell anyone a single thing. Not when my mother's face creeps into my head. Not when Alex and Evelyn are still growing up. Not when Sergio has too much on his plate.

Mag-isa na naman ako.

I curled up into a ball. No tears came out, just questions. Mga tanong na walang kasagutan kahit pa halughugin ko ang lahat ng bagay sa sanlibutan.

"Sige na, isa lang. Malandi ka naman, 'di ba? Wala naman 'tong malisya sa 'yo," he whispered.

This torture went on. And on.

Sa buong buhay ko, hindi ko inakalang ang galit at pagkamuhi niya sa akin ay aabot ng ganito. Never have I thought of him being capable to do this crime.

I bit the sheets as hard as I could. Just to stop myself from screaming as his hands violated every inch of me. Right beside my sleeping sisters, right beside them who knew nothing of what he's doing to me.

And yet... when the sun shone morning after morning, I fucking smiled. I fucking gave them a smile. I laughed. I went on to do the normal things I do. I kissed the love of my life. I walked on the same roads. I looked hopeful.

I looked every bit normal. But inside me, I'm shattering into pieces. With no one left to pick them up but me.

"Love? Are you alright? You've been shivering in your sleep."

Naggising ako sa tabi ni Sergio nang maramdaman ko ang mahinang pagyugyog niya sa akin. Ni hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa balikat niya habang nagsasalita siya.

"And you've been sleeping a lot. Ang boring siguro pakinggan ng boses ko," biro niya, ngunit pansin ko sa boses niya ang pagiging seryoso.

Ngumiti ako, gaya ng madalas kong ginagawa.

"I'm fine, Love. Hindi lang talaga ako makatulog nang maayos sa gabi. Marami kasing gawaing-bahay."

Mataman niya akong tinitigan, na parang hindi naniniwala sa sinasabi ko. But please... please don't ask me anything beyond what I can answer. I've dragged you too far down the hole with me. I don't want to drag you further.

"If you need anything, just tell me. I know you don't like it when I offer you money. But I'm willing to listen."

I know, Sergio. And I'm not willing to tell you anything.

Ginagawa 'yon ni Tatay kapag lasing siya. Kapag hindi naman ay puro pambubulyaw ang ginagawa niya sa amin ng mga kapatid ko.

And what hurts the most is despite that, Evelyn still loves him.

Gabi-gabi, inaabangan ko ang pagbukas ng pinto. Kahit mainit at magtatalukbong ako ng kumot, sa pag-asang matatakasan ang kamay ng sarili kong ama.

Ngunit kapag uuga ang kama, alam ko nang babangungutin na naman ako nang buhay sa gabing 'yon.

Who said that you'd go to hell on the judgement day?

This is hell!

Sinusunog ako nito nang buhay. Kahit saan ako magpunta, kahit ano'ng gawin ko, sinusundan ako ng apoy na ako lang ang nakakakita.

"Ate, m-may problema," nag-aalinlangang bungad ni Tito Roberto.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana nitong kwarto at pinagmamasdan silang nag-uusap. Kapag mapag-isa ako, nawawalan ako ng emosyon. I didn't have to pretend I'm alright. I can be myself. I can feel what I wanted to feel.

The only ones keeping me sane are my sisters, my mother, and Sergio. I stopped hoping for a good tomorrow. I stopped wishing to wake up to a new day. I just focused on thinking how to sleep every night.

Because every day started to feel the same. Walang bago. Ganoon pa rin.

"Ha? Bakit? At ngayon ka lang nagpakita, ah? Ang tagal-tagal mong nawala, Roberto!"

Nag-iwas si Tito ng tingin.

"May ginawa lang," aniya. "Ang problema rito ay ang lupa, Ate. Hindi ko pa alam, e. Pero... susubukan kong pumunta sa CENRO bukas. O 'di kaya'y sa munisipyo muna... o sa barangay."

I looked away. Problema na naman. Walang katapusang problema.

Sergio once told me that the only time the road's gonna stop stretching is when you give up. That the road will never end as long as we're walking or running. Or doing both.

If I stop now... will it be the end of mine?

"Hindi ko na alam kung ano'ng gagawin ko, anak. Napagalitan kasi ako kanina, e. Tapos sabi ni Ma'am Haze huwag na raw akong magtrabaho roon. 'Yon na lang sana ang pag-asa natin para makakuha ng kaonting loan sa bangko."

Binigyan ko siya ng walang lamang ngiti.

"'Di bale, Nay. Kapag pumasa ako sa interview na 'yon, baka makatulong na rin ako sa pag-iipon."

Kinuha ni Nanay ang kamay ko.

"Salamat, anak. Hindi ko alam kung paano 'to kung wala ka."

I think it would be easier for you. Wala kang anak na aalalahanin. Wala kang anak na iisiping nanganganib ang buhay araw-araw dahil sa mapang-abuso mong asawa.

I did everything that I could to get away from home. Napagtanto kong hindi ako pwedeng magpaalipin sa takot at sa pagiging mahina. I had to do something just to feel that I'm alive.

Kaya kahit na ayaw ko at wala akong interes, nakikinig na lang ako sa mga rally malapit sa amin. Napapunta pa ako sa ibang lugar para lang makinig sa mga gasgas na linya ng bawat politikong bukambibig ang kahirapan.

I have no choice. If I have to sit here for hours and hours just to escape, then I will.

Hate is terrifying. It can betray your morals. It can make you the person you are not. It can turn you away from every good thing there is in this world. It will slither beneath your skin, and swallow you whole, muffling the screams of your true self as it gets torn piece by piece. Until it becomes nothing. Until you become the embodiment of hate yourself.

'Yon ang nangyari sa sarili kong ama. At sa iba pang tao na nagpaangkin sa kani-kaniyang demonyong hindi nila sinubukang labanan.

"Magandang araw po, nakatira po ba rito si Rudith..." tumigil siya saglit para tignan ang dala-dalang papel, "... si Rudith Enriquez?"

"O-Opo," I weakly muttered.

Tumingin saglit sa akin ang nagdadala ng mga sulat, siguro'y pinagtataka ang magulo kong ayos.

"May sulat po para sa inyo. Galing sa munisipyo."

Tumango lang ako at kinuha 'yon matapos pirmahan ang iilang papel. I heaved a deep sigh as I watched the man walk away.

It's 5 in the afternoon. Abala sa pagluluto sila Nanay at ang mga kapatid ko. Wala si Tatay. I shivered at the last thought. There was this relief, knowing that he won't be home and won't be drunk for today. And who knows... maybe it'd go for weeks.

Ilang linggo nang ganito. Ilang linggo ko nang dinadala mag-isa ang bigat sa pakiramdam ko pagkatapos ng lahat ng ginagawa ni Tatay sa akin.

The only comfort after everything else was Sergio's touch. I wasn't exactly traumatized by anyone. Not even by my own father. Kahit na literal na pambababoy na ang ginagawa niya sa akin. I just feel empty. I just feel hollow. Like I do not own my body anymore. Or anything that I have as of now.

"Wave? Anak? Ano 'yang hawak mo? At bakit nasa labas ka? Hindi ba't masama ang pakiramdam mo?"

Lumingon ako at nasilayan ang nakakunot-noong si Nanay. I smiled slightly. Lumapit ako sa kanya at inabot ang sulat.

"May sulat daw. Ako na ang kumuha."

Nagpunas siya ng mga kamay at binuksan ang sulat.

I didn't really pay attention to it. I just gazed at the skies. It's beautiful today. Well, the skies here in Basco are always beautiful. It's just that... today seemed different than the rest.

Wala akong narinig na kung ano mula kay Nanay. Matagal-tagal din akong nakatingala kaya nagtaka ako sa pananahimik niya.

So I looked down and saw her turning pages after pages several times. Tapos babalik na naman sa pinakauna. Tapos pupunta sa panghuli. Nakakunot ang kanyang noo roon at mukhang namomroblema.

"Nay? Ano'ng meron po?"

Umiling-iling siya.

"Hindi pwede 'to," nilahad niya sa akin ang papeles. "Subukan mo ngang basahin, anak? Baka nagkamali lang ako. B-Baka namali ako ng basa."

Curious, I held the papers and began to read them page by page, word by word. Marami akong hindi naunawaan doon. Subalit isa lang ang naging malinaw sa akin.

Lumunok ako, hindi malaman kung ano ang sasabihin sa ina kong puno ng pag-asa ang mga mata. And I do wish I had read wrong. But as I checked it multiple times, it still held the same context.

I stopped flipping the pages. Dahan-dahan kong binaba 'yon, halos bitawan ko pa. I held myself together and breathed heavily.

Bakit ganoon? Pagkatapos ng isang problema, may dadagdag na naman sa listahan. Hindi pa dumarating ang lahat sa isang bagsakan. Paunti-unti. Hanggang sa unti-unti ka ring maubusan ng pag-asa.

"Hindi raw... dapat tayo rito naninirahan, Nay," my lips quivered. "G-Government property raw 'to. Hindi raw kayo taga-rito kaya... nullified daw lahat ng claims na meron tayo. At... pinapaalis na tayo. Limang buwan ang palugit."

My mother shook her head and smiled in disbelief.

"H-Hindi 'yan totoo, anak! Amin 'to. Hindi pwede 'yan. May titulo kami! Bakit gano'n? Hindi!"

I rushed to her side to calm her down.

"Nay, 'wag kang mag-alala. Pupunta tayo bukas na bukas din sa munisipyo. B-Baka namali lang po."

But we both know it's not the case. The municipality will never make an effort of sending a notice only to have it all wrong. Still, we held on to that small flicker of hope.

Sana... sana dinggin man lang kami ng langit. Sana hindi totoo. Kahit ngayon lang. Kahit ito na lang.

Wala kaming mapupuntahan kung sakali. Walang wala na kami.

Balisa si Nanay sa gilid ko. We walked inside the municipal hall. Nagtanong pa ako sa nasa front desk kung sino ang lalapitan namin. She pointed to the nearest door near the staircase leading to the second floor.

Kumatok ako roon at nag-alay ng kaonti at tahimik na dasal.

"Pasok po!" sigaw ng nasa loob.

I was greeted by a smile, something that I could not return.

"Ano po ang atin, Ma'am?" bumaling siya kay Nanay. "Magkasama ho kayo?"

Tumango lang ako at si Nanay.

"Ano po ang sadya natin dito po?"

Binuksan ko ang folder at nanginginig ang kamay na inabot sa kanya ang mga papeles na naglalaman ng notice kasama ang tax declaration at ang titulo na mabilisan naming ipinapadala kay Tito Roberto sa madaling araw.

Wala siyang imik sa balita. He just gave the title away and went. And that did not ease me. Mas maayos sana kung may reaksyon siya. Kahit ano. Pero wala.

"May titulo po kami. May tax declaration din po. M-May iba pang papeles diyan. Wala po kaming alam tungkol sa iba pang nandiyan. T-Totoo pong hindi taga-rito sila Nanay. P-Pero... pero amin po ang lupang 'yon. May signature din po diyan ng gobernador noon. Kaya amin po talaga yan," paliwanag ko.

She examined everything. Paminsan-minsan din siyang tumitingin sa logbook niya at sa iba pang journal na nasa mesa.

"Sigurado po ba kayo? Hindi po kasi nagtutugma sa pinasa sa amin."

"Saan po galing?"

"Sa sekretarya ni Gov po. Galing daw 'yon sa land management at sa forestry. Dalawang office po kasi ang nag-confirm. Nullified daw ang claim. Binawi ng bagong administration lahat ng claims ng mga hindi taga-rito. Batanes is for the people living here. Nakasaad po 'yan sa bagong konstitusyon."

Desperada na kung desperada. Wala na akong iba pang magagawa. If I go home and accept things as they are now, that means we'll be homeless again.

"Ma'am, please po. Kahit bigyan niyo lang kami ng mga pangalan ng opisina... o mga tao na kailangan naming puntahan, pakiusap po," I held her hand.

Napatingin siya roon. A look of pity crossed her eyes. She nodded and jotted down some names. And I took it.

"Sige po. Maraming, maraming salamat po."

At nagpunta nga kami ni Nanay sa kung saan-saan. At sa lahat ng opisinang pinuntahan namin, iisa lang ang sinasabi.

"Hindi na po 'to valid ngayon, e. Marami na pong binawian. Ang sa inyo lang ang nahuli. Ngayon lang din kasi naungkat ng head bagong head ng forestry and land management."

"S-Sino po ang bagong head?" bulong ko.

"Mr. Arden del Rosario, kapatid ng negosyante at alkalde ng Bacolod na si Malvin del Rosario, asawa ni Ma'am Amanda del Rosario!"

And just like that, my hope crushed into pieces.

"And this has been supported by Atty. Guytingco. Kaya... pasensya na po talaga. Unless you want to process an appeal, kailangan niyo po ng abogado. E, si Atty. Guytingco panigurado ang makakalaban ninyo."

As if our suffering is not enough, dinagdagan pa 'yon ng mga binitawan niyang salita.

This is too hard.

It's like fighting against Goliath and David. Oo, silang dalawa. At kami lang ng pamilya ko ang lumalaban para sa kapakanan namin. Kami-kami lang ang nandito. Wala pa kaming sandata.

This is a lost fight. A lost cause. Sa una pa lang, alam ko nang talo na kami.

Ang saklap lang na ang hirap na ngang mabuhay sa mundong 'to, lalo pang pinapahirapan ng mga nasa itaas ang mga lugmok na lugmok na. 'Yong tipong hindi pa sapat ang pagkakasubsob mo sa putikan at kailangan ka pa nilang ibaon ng sampung talampakan pababa mula sa tinatapakan nilang lupa.

Ang hirap. Ang hirap mamuhay sa mundong 'to.

Pakiramdam ko... pinagtataksilan kami ng mundo. At habang tumatagal, unti-unting nawawala ang katiting na pag-asang hinahawakan ko.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.2K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
131K 9.3K 44
Pagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa k...
14.1K 365 105
an epistolary ; tri and jaxon [PUBLISHED, HANDLED BY GOOD SAMARITES BOOKSHOP]
882K 40K 40
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.