Serendipity

By injeelll

3.1K 266 6

[Completed] Kiana Fortunato, a young woman who sees her own life as an unfortunate life will fall in love to... More

SERENDIPITY
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Serendipity

Chapter 32

39 6 0
By injeelll

Fight...

Months have passed since that day happened. May mga nagbago at hindi ko alam kung posible pa bang maibalik lahat sa dati. However, even when it's kinda sad, i can say that i made the right decision.

Sa loob ng ilang buwan ay nag-iba ang paligid ko. Hindi ko masasabing masaya pero hindi rin naman malungkot. Kumpleto na parang may kulang. May kulang na parang kumpleto.

Archer focused on his project na isang buwan na lang ay mukhang bubuksan na. Ngayon pa lang ay sobrang successful na no'n and i'm so proud. Nakita ko ang tunay na saya ni Archer dahil sa naabot niya.

His parents are also so proud of him. Masaya akong muli nang bumabalik sa dati si Archer. Kampante na ang mga magulang niya lalo na ang Mommy niya dahil finally, Archer picked himself up from the ground.

Symon and i haven't talked with each other for months now. Nagkita man kami ay aksidente lang. I do not intend to avoid him, but if that's what he's doing to me then i'll accept it. I'll respect his decision just like how he respected mine. Ang huli naming aksidenteng pagkikita ay two months ago pa.

Regarding Celine, patuloy pa rin ang paghahanap namin sa kaniya specially Archer. Despite of everything, he still wants to find Celine. Naniniwala siyang Celine is just out there so i believed him too. Sinuportahan ko siya sa kahit anong naging desisyon niya sa buhay at sinamahan siya.

It's just so sad that we still can't find Celine. Halos dalawang taon na ang lumilipas pero wala pa rin siyang paramdam. Did she really abondoned all of us here?

Keifer and i almost stayed the same. After what happened that day, he asked me to treat him the same way. At first, i was so hesitant dahil baka hindi 'yon makatulong sa kaniya pero that's his first favor from me. I treated him the same way at kahit gano'n ay hindi nagbago ang nararamdaan ko para sa kaniya. Hindi ko na rin alam kung hanggang ngayon ba ay may feelings pa rin siya sa'kin because we never talked about it. Not even once.

And me, napromote ako sa trabaho although superior ko pa rin si Mrs. Prado. Halos walang nagbago sa trabaho maliban na lang sa mas mataas na ako sa ilang mga empleyado rito.

Lumipas ang ilang buwan at nagkaron kami ng sari- sariling mundo kung saan nagagawa namin lahat ng gustuhin namin. Si Symon ay mas pinapalago pa ang hotel chains nila. Si Keifer ay gano'n rin sa sariling business nila at bilang isang Engineer ay mas naging kilala pa siya. Si Archer naman ay mas lalong naging matunog ang pangalan dahil sa sunod-sunod na tagumpay at ako ay masayang nakasubaybay sa buhay nila. Wala akong pakialam kung aangat pa ba ang buhay kung nasaan ako ngayon dahil sapat na para sa'kin na makitang masaya silang lahat.

"Ma'am Kiana!" Nakangiting tawag sa'kin ng isang intern.

"Yes?"

"Ah, kasi may gusto po sana akong itanong. If that's okay with you?" Nahihiyang paalam niya pa kaya naman bahagya akong natawa.

"Sure. Go ahead. What is it?"

"May relasyon po ba kayo ni Engr. Fajardo?"

Natigilan ako dahil sa naging tanong niyang 'yon. Napaka usisera naman nito!

Gayunpaman ay nginitian ko siya. Naaalala ko sa kaniya ang sarili ko noong nasa edad niya pa lang ako. Although, magkaiba naman ang sitwasyon naming dalawa.

"Bakit mo naman naitanong?"

"Ah, para po kasing sobrang close niyo pong dalawa. Madalas nakikita kita na nasa loob ng office ni Sir Archer kahit wala naman siya do'n at mukhang close ka rin po sa family niya. Akala ko nga noong una asawa ka, e kaso Fortunato pa rin naman ang surname mo kaya baka girlfriend ka pa lang."

Tipid ko siyang nginitian. Ang madaldal niyang bibig ang magpapahamak sa kaniya pero dahil bata pa naman siya ay natural lang na maging matanong siya.

"Me and Arch-"

"Inahas niya yang si Engineer!" Rinig kong sabat ni Jane.

Naestatwa ako sa kinauupuan ko. Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig.

"Ha?" Gulat na reaksyon ni Carie, yung intern.

"Yang si Kiana, sinulot lang si Engineer. May girlfriend si Engr. Archer, si Architect Celine Reyes. It just happened that Engr. and Architect had a huge fight kaya umeksena yang si Kiana. Nagtake advantage sa kabaitan nung dalawa kaya pati pagpasok dito sa opisina ay nacareer niya at ngayon, promoted pa!" Pagkukwento pa ni Rica.

"Wala akong sinusulot..." mahinang ani ko.

Narinig ko ang sarcastic na tawa ni Rica at Jane.

"At sinong niloko mo? Lahat dito sa company ay alam at nakikita ang ginagawa mo! Porket wala si Architect ay umaabuso ka na. Hoy, kahit anong gawin mo, kahit pa mapromote ka dito ay hinding-hindi ka papatulan ni Engineer. 'Wag kang masyadong ambisosya, Kiana!" Sigaw ni Jane sa pagmumukha ko.

"Carie, talo ng malandi ang maganda kaya 'wag kang magdididikit dito kay Kiana. If i were you, kilalanin mong mabuti kung sino ang lalapitan mo." dagdag pa ni Rica.

"Rica, Jane! Stop it!" Sigaw ko sa kanilang dalawa.

"Ooh, so you're mad, ha? Why? Does it hurt? Hearing the truth?"

Palihim akong napairap dahil sa attitude ng dalawang babaeng 'to. I will never stoop down into their level. Never.

"I am not mad because none of what you just said is true. In fact, naaawa pa nga ako sa'yo. Are you that desperate to have attention? You're even spreading false rumors."

"Now, you're blaming me? Kiana, kahit hindi ko ipagsabi, maraming mata ang nakapaligid sa inyo! Just admit it! You're a slut!"

Lihim akong napabuntong hininga. Masiyadong makitid ang utak nila para maintindihan ang paliwanag ko and i don't even owe them any explanation.

"Archer and i is not in a relationship. Hindi porket nasa paligid niya lang ako ay nilalandi ko na siya. Were you there everytime that we're together? No. You're just here spying over us and making an issue about something without even knowing the whole story because that's just who you are. That's how low you can be, both of you! It just shows how envious you are to me dahil ako, without efforts, nakakalapit kay Archer while both of you na mukhang make up na tinubuan ng kaunting mukha, hindi pa rin niya napapansin. Isn't that so sad?"

"You bitch!" Akma akong sasampalin ni Rica pero iniwas ko kaagad ang mukha ko saka siya sinampal ng dalawang beses sa magkabilang pisngi!

"Don't you even dare lay your filthy fingers into my face, Rica. Ilang taon na akong nagtitimpi diyan sa ugali mong kasing panget ng mukha mo kaya tigilan mo na ang pambubwiset sa'kin. Hindi ako kasing baba mo para patulan yang nauulol na isip mo!"

Nanlaki ang dalawang mata nila dahil sa sinabi ko, but i don't care! Sumusobra na sila!

"Yan! Lumabas din ang tunay na kulay mo!" Sigaw ni Jane.

"Bakit? Ano bang tingin mo sa kulay ko all this time? Artificial?!"

"Slut!" Muling sigaw ni Rica kaya nginisian ko siya.

"Look who's talking? The other day, i saw you kissing a man in the storage room. Yesterday, i saw you again with a different guy kissing in the janitor's room. Earlier today, i saw you... again! And take note, it's with another guy! You were making out in the parking area at sa likod pa talaga ng basurahan! Taray mo, Rica! Palagi kang may flavor of the day at wala kang pinipiling lugar, ah!"

"W-what the?!"

"So stop telling me that i'm a slut because you are! Kahit matandang paubos na ang buhok, pinatos mo pa! Nakakahiya ka!"

"Then at least hindi ako nanghihimasok sa relasyon ng iba! You're cheap! Nag-aantay ka lang na magkalamat yung dalawa saka ka eeksena!"

Napairap ako dahil sa sobrang inis. Pakiramdam ko ay aatakihin ako ng highblood dahil sa dalawang 'to.

"I already told you, wala kaming relasyon! Bulag ka ba? Palaging nakatutok sa'ming dalawa yang mga mata mo! Bakit hindi mo makitang walang namamagitan sa'ming dalawa? Palibhasa, nabubuhay ka dyan sa inggit mo sa'kin because we both know that from the very first start ay mas angat na ako sa'yo at hinding hindi mo ako mahihigitan because compared to me, walang wala ka. Hindi kasi ako katulad mo na nanghihila pababa para lang makaangat!"

Naglakad ako papalapit sa kanilang dalawa. Kita ko ang gulat sa mga mata nila at takot dahil nanlilisik na talaga ang mga mata ko pero bahala sila! Talagang dapat lang na matakot sila!

"Don't you ever drag my name again specially Archer's name into your bullshits. You both are just nothing, but an envious bitch!"

Kita sa mata nilang dalawa ang takot kaya naman umasta akong sasampalin sila dahilan para umilag sila.

"I hate touching your face. My hands feel dirty. One slap of dirt is enough..." mataray na pagkakasabi ko.

"L-let's go, Jane! She's a psycho!" Natatarantang anyaya ni Rica.

Si Jane naman ay halatang natataranta rin dahil kita pa rin ang takot sa mukha niya.

"Y-yeah. I just want to find some peace of mind but may a-asungot dito sa com-"

"Stop finding a piece of mind if you're just a piece of shit." Nakangising sabi ko saka sila tinalikuran na.

Dami-dami pang sinasabi pwede namang lumayas na lang sila. Akala mo kung sinong malilinis, e nangangamoy naman sila sa karumihan!

I'm more than aware naman sa sinasabi nila. Hindi naman ako bingi. I have heard of that rumors for a long time now pero ngayon lang talaga ako lumaban ng ganito.

Archer and i are not really in a relationship. We just stayed being friends and damn! Until now nga ay hindi ko pa rin naaamin kay Archer ang feelings ko!

And in fact, walang rason para pag isipan na may relasyon kami. Pwedeng sabihin na talagang may gusto ako kay Archer but Archer and his feelings towards me? Halatang bilang isang empleyado lang at kaibigan ang nararamdaman niya. There's nothing more than that. We never crossed the line dahil alam naming pareho kung ano at sino kami sa buhay ng isa't isa.

Nagkataon lang talaga na nandito kami sa lugar na maraming usisero't usisera. They cannot live without talking about other people's lives.

The whole day, Archer is not around the company. Nasa site siya ngayon at sa office niya doon nagtatrabaho. Isang beses pa lang naman ako nakapunta doon at hindi pa masiyadong yari ang buong gusali.

"You look tired." puna ni Keifer sa'kin.

Nakasimangot naman akong ininom ang kape ko, "Those two girls are really testing my patience."

"Who?"

"Rica and Jane."

Tumalim ang tingin niya. Alam naman niya kung anong relasyon ko do'n sa dalawa. Talagang hindi kami magkasundong tatlo. Ako na nga lang ang umiiwas kaso para silang lintang dikit nang dikit.

"What did they do to you again? Gusto mo resbakan ko?"

I rolled my eyes at him dahil ayan na naman siya, "You're damn rich pero yang mga salitaan mo, e!"

"Why? Pati ba mga salita ngayon may social class na?" Sarkastikong aniya kaya naman iniwas ko na lang ang paningin ko sa kaniya.

"Stop drinking too much coffee, baka hindi ka makatulog niyan." awat niya sa'kin sabay baba sa tasa ng kapeng hawak-hawak ko.

"I need coffee. It's my medicine. It keeps my blood flowing. Coffee keeps me alive."

"You're really weird." nakangiwing sabi niya pa kaya naman tinawanan ko na lang siya.

"Just one of a kind, Mr. Torres."

Nagkwentuhan na lang kaming dalawa habang nagpapalipas ng oras. Sandali rin namang nawala ang mga kanina ko pang iniisip dahil sa presensiya niya. He really knows how to use his charms.

"I'll take you home." alok niya sa'kin pagkalabas namin ng coffee shop.

Ngumiti naman ako sa kaniya saka tinapik ang balikat niya.

"I have somewhere else to go."

"Where?"

"Somewhere," walang ganang sagot ko pa.

"Will you be safe?" Kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya kaya naman natawa ako.

"I will be safe, so i'll go now. You should go home too. It's already getting late, delikado na sa daan."

"Pwede naman kitang ihatid muna sa pupuntahan mo, Kiana. Uuwi rin ako kaagad."

Tanging ngiti na lang ang isinagot ko sa kaniya saka siya tinalikuran. Inangat ko pa ang kamay ko habang naglalakad papalayo sa kaniya tanda na mauuna na ako

Kung hindi pa kasi ako aalis doon ay aabutin ako ng magdamag kakakumbinsi sa kaniya na kaya ko na. Palagi namang napakakulit ng lalaking 'yon.

While on my way there ay hindi ko naitago ang saya ko. Sobrang halaga sa'kin ng mga oras na 'to because finally, one of my dreams will turn into my reality.

Actually, i never thought that this would be this early pero sobrang saya ko. Wala pa man ay ramdam ko na ang bunga ng lahat ng pagsisikap ko. Naiimagine ko pa lang na abo't kamay ko na ang pangarap ko ay naiiyak na ako sa labis na tuwa.

I have dreamed of this day to come, that i can finally say to myself that i did it. If i were be able to meet my younger self, i know that she would be so proud of me, us. We made this far and now, it's almost in my hands.

"Sorry. Kanina ka pa ba nandito?" Nakangiting paumanhin ko sa kaniya.

He offered me a sit and i gladly accepted it.

"I just got here. I should be the one saying sorry. Gabi na pero ngayon ko pa napiling makipagkita."

"It's okay."

"Shall we order first?" Tanong niya kaya naman tumango ako.

Nakakailang na makipag dinner pero ang sama ko naman kung hindi ko siya sasabayan and besides, i personally want to meet him.

"So, can we speak to each other casually? Just to lighten up the mood."

I smiled at him and nodded "Of course, Engineer."

Saglit niya akong tinitigan sa mata saka tumawa. Kumunot naman ang noo ko dahil sa inasta niya.

"Just call me Alex. Alex Sarmiento."

He handed me his hand for a handshake kaya naman tipid ang ngiting inabot ko yon

"Kiana. Kiana Fortunato."

"So, Ms. Kiana-"

"Drop the Miss, please." naiilang na saad ko kaya naman natatawa siyang humingi ng sorry.

"Okay. So, Kiana, where should we start first?"

"My house." I shortly answered.

"Yeah, right. First, why did you hire me to be the Engineer for your house? I heard that you're friends with Engr. Torres and most especially, Engr. Fajardo. They are both good Engineers, so why me?"

Yes. I'm going to start building my own house and i chose Mr. Alex Sarmiento to be the Engineer of it.

"Let's just say that i cannot afford them?" Pabiro kong sagot.

"And you can afford me? Gano'n ba?" Natatawang aniya.

"Most likely. But i really like your designs of a house."

This is my dream... finally coming true. Hindi ko kinuhang Engineer si Archer or Keifer dahil hindi naman nila alam na magpapagawa na ako ng bahay. I just don't want to work with them at noong nakita ko ang design ni Engr. Sarmiento ay talagang nagustuhan ko 'to.

"I believe in the saying simplicity is beauty. I don't like to design an extravagant house. I only wanted a precise look."

Tumango ako sa sinabi niya. Kahit ako naman din ay yung ang gusto that's why i didn't hesitate to hire him as the Engineer.

"But, i'm sure that Engr. Fajardo and Torres won't mind even if you don't pay. Malapit ka naman sa kanila."

Ngumisi ako sa kaniya. Bakit ba ang dami niyang tanong? Ayaw niya ba ng trabaho or gusto?

"They won't mind either if i will hire another Engineer,"

"Well, if you say so." Kibit balikat na aniya.

Lihim na lang akong napairap sa kaniya.

"Shall we start now?" Naiinip na tanong ko.

"Alright.." nakangiting sagot niya.

Tulad ng inaasahan ko ay hindi extravagant masiyado ang mga designs niya. Aside sa simple, alam ko namang afford ko yon. That's what exaclty i'm looking for.

Mabilis at malinaw niyang ipinaliwanag ang lahat. I explained to him too about what exactly i like to be my house be. I actually had fun with our conversation dahil sa labis na excitement na nararamdaman.

"Thank you, Miss Kiana."

He handed me his hand for a handshake and i gladly take it. I sweetly smiled at him.

"Thank you, Engr. Sarmientom"

Saglit lang kaming nagpaalaman hanggang sa nauna na siyang umalis. Ako naman ay kinalma muna ang sarili ko dahil wala talagang mapaglagyan ang sobrang sayang nararamdaman ko

Actually, ang lupang nabili ko ay doon sa probinsya kung saan kami nagstay noon ni Archer. I love to be there. I thought i was never going back there but here i am, building my own home in that town.

It's not just because of Archer. When i was there, i really felt that peacefulness that i was looking for. Pakiramdam ko ay nahanap ko na ang lugar kung saan ba talaga ako nararapat that's why noong sunod na bisita ko at nakitang may for sale na lupa kahit medyo maliit lang ay nag inquire kaagad ako.

The terms agreed are good enough kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na bilhin pa 'yon. Besides, wala naman na akong ibang dapat na pag-ipunan for now aside sa sariling bahay ko.

"What are you doing here?"

Nagulat ako nang marinig ang boses na 'yon. Seryosong seryoso ang mga mata niya kaya naman talagang nagulat ako kasabay ng pagtataka.

"What are you doing here?" May diin na tanong ko.

Tumaas ang isang kilay niya kaya naman napangiwi ako.

"What's with that stare, Archer? Stop looking at me like that."

"Looking what at you?" Patay malisyang tanong niya pa.

"Come on, you're looking at me like i did something ridiculous!"

"I didn't."

I stared at him intently, trying to figure out what he's actually thinking right now.

"If you want to tell me something then just tell it and go."

"Woah, bad mood? You're just smiling earlier before i came."

I sighed. Ano ba talagang gustong malaman ng isang 'to. Akala ko pa naman ay hindi ko siya makikita ngayong araw but now, even when i am not looking for him, he's just right in front of me.

"Archer, seriously, what is it? Why are you here?"

"I went out to buy dinner and i saw you here sitting alone. Why? Are you waiting for someone?" He seriously asked.

Lihim akong nakahinga nang maluwag dahil sa sinabi niya. At least he didn't saw me with Engr. Sarmiento. It's not that i don't want him or anyone to saw me with someone else, but i just want my house to be a secret for now. I just dont want anyone else to know about it dahil ano namang pakialam nila, 'di ba?

But i also feel bad dahil mukhang kagagaling lang niya sa trabaho at nagugutom na. Marunong naman siyang magluto. Actually, he's a better cook than me but now, it looks like wala na siyang lakas para magluto pa.

"Nakaorder ka na ba?" Tanong ko at umiling naman siya kaya ngumiti ako.

"I'll cook for your dinner."

"You didn't answer my question, Kiana. Are you waiting for someone?" Seryosong tanong niya.

Bahagya naman akong natawa dahil sa itsura niya.

"I wouldn't offer to cook you dinner if i was waiting for someone else. Stupid." natatawang saad ko pa.

"And you're smart?" Supladong tanong niya pa kaya naman mas lalo akong natawa.

"Kinda!"

"Tsk."

Tumayo na ako sa inuupuan ko at saka naglakad papunta sa gawi niya. Tinapik ko ang balikat niya at itinuro ang puntuan, "Let's go!"

Habang nasa byahe ay tahimik lang kaming dalawa. Hindi rin naman naging matagal 'yon dahil malapit lang ang unit niya dito.

Before, halos everyday akong nasa unit ni Archer but now, almost three times a week na lang. Hindi naman sa ayaw ko or ayaw niya because just like before, hindi naman niya ako pinupuna regarding that but i just chose not to. Idagdag pa na marami akong inaasakiso kahit papaano sa buhay ko and i think, Archer is finally picking up himself again so there's no need na bantayan ko siya 24/7.

"How was your day?" Nakangiting tanong ko sa kaniya.

"Just what usually happens on the site," tipid na sagot niya habang kumakain.

I just nodded. Until now, i still don't know how to open up a conversation with him. Palaging precise ang sagot!

"How about you?"

Naalala ko ang naging sagutan namin nila Rica at Jane kanina. Those two! I swear, kapag may narinig pa talaga ako ay mas mahigit sa nangyari kanina ang magagawa ko

"It's fine." Peke ang ngiting sambit ko.

"I heard you had a fight with your officemates. Who was that again. Ricci-"

"Rica."

"Oh, that, and the other one is Janic-"

"Jane." Muling saad ko.

"Rica and Jane. What happened to you three?"

Natigilan ako sa pagkain dahil sa tanong niya. Should i tell him? I shouldnt. It shouldn't concern him anymore. And besides, baka sabihin pa nila na nagsumbong ako!

"It's nothing."

"You wouldnt fight with each other if it's just nothing, Kiana. I know that there's something going on so tell me."

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya saka umiling at ngumiti, "Just a simple girl fight. You know, girls are more complicated than boys," pagpapalusot ko pero mukhang hindi gumana.

"Kiana..."

"Archer, i'm okay. It's okay. We're all okay."

"I'm your boss. I should know." seryosong aniya.

"Not now. You're just Archer tonight and tomorrow, you will be my boss. If you want to ask more questions, just ask tomorrow, okay?" Nakangiting sagot ko naman.

Nakita ko ang bahagyang inis sa mga mata niya kaya naman mas lalo akong napangiti. Wala naman kasi akong balak talaga na magsabi pa kay Archer dahil ayaw kong maapektuhan pa siya nito. I should show him that i'm not bothered with it so he should just let it pass.

"You always tell everything to Keifer but with me, you have a lot of secrets. Don't you trust me?"

Nanlaki ang dalawang mata ko dahil sa tinuran niya. And where did he get those ideas?

"Archer, it's not like that. Stop being so dramatic."

"I'm not. You're just too close to Keifer instead of me."

I got stunned by his words. What is he trying to tell me?

"W-what?"

"Be honest with me, Kiana. Are you in a relationship with him?"

Mas lalong nanlaki ang dalawang mata ko dahil sa tanong niyang 'yon! How come that he thought of that?!

"Wait, what?! That's absurd!"

"Kiana!"

Sarkastiko akong natawa. Hindi makapaniwala sa mga binibitawan niyang salita. Saan niya ba talaga napupulot yang mga tanong niya? It's all nonsense!

"Archer! Keifer and I are just friends! In fact, i rejected him months ago!"

"And you didn't told me?!"

"Do i have to tell you, Archer? No!"

"Yes!"

"And why?" Nagpipigil ng inis na tanong ko.

I don't get him. Why is he suddenly acting like this? Eto na naman siya sa mga hindi ko maipaliwanag na kilos niya!

"Because i want to know!"

"And why do you want to know, Archer?"

I tried to calm my voice dahil nagsisigawan na kami rito kanina pa. Kanina lang ay si Rica and Jane lang ang pinag-uusapan namin and now, si Keifer na!

I stared at his eyes. I want to know. I want him to show me what he really feels about it. I dont want to hear him lie so i want to look straight into his eyes and see the real him.

"Kiana, you know who you are to me. You are my responsibility! I cannot just let you be with someone who will just hurt you in the end!" Aniya.

"But, Archer, you don't have to know everything about me. It is my choice on what to tell you and what i will not," kalmadong saad ko.

"But you know everything in my life, Kiana. Everything about me even my dark side, you saw it all. Isn't it unfair?"

"H-ha?"

"Just like how you see me, i see you that way too. I care for you like how you cared for me too. We feel the same way, Kiana. We got each other's back, always. That's why i'm being like this."

I stopped.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa mga oras na 'to. Sakit, inis, lungkot, disappointment, kahihiyan.

I shook my head at him at mapaklang napangiti. Unfortunately, that's just what Archer thought of me, us.

"No. We're not, Archer."

Kinuha ko kaagad ang nga gamit ko at naglakad papalabas ng unit niya nang walang kahit anong pasabi or kahit lingunin man lang siya. Tumakbo ako palabas saka pumara ng taxi dahil pakiramdam ko ay kaunting kaunti na lang ay bibigay na ako.

Just a little bit more time and my heart will finally unveil its true side. I'm afraid that this time, i can no longer stop my heart and will just end up saying what i truly feel about him which i kept for years now.

Continue Reading

You'll Also Like

13.3K 194 41
Plot: What if ma- in love ang Panganay nang Coquillo? Edi ayos!!! Kaso pano kung di siya pinapansin? Gawin niya ba lahat ng paraan para mapansin si...
5K 233 61
E L I A L C A R A Z
6.1K 1.5K 32
Love? Walang meaning sa akin 'yan. Love? Wala akong paki diyan. Love? Wala sa vocabulary ko 'yan. Love? Mamatay na 'yan. Kahit kailan, hindi ako...
8.5M 264K 70
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...