Chapter 42

58 4 0
                                    

Goodbye...

Nang huminto kami sa tapat ng sasakyan niya ay malungkot akong gumiti.

Bakas ang galit at pag-aalala sa magagandang pares ng mga mata niya. Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko para mahagkan ang pisngi niya.

"Kia..." gulat niyang saad sa pangalan ko.

"You don't have to do this for me anymore, Symon... Kaya ko na... Kaya ko nang mag-isa." Emosyonal na saad ko.

"What are you trying to say, Kiana? I just have to take you away from Archer. I promise, i won't let you get hurt anymore!"

Umiling ako. It's already done for the both of us. We both deserve to be happy and not to be miserable like this.

Love is suppose to let us grow. Be happy and mature.

"Tama na. Tigilan mo na 'to."

Marahan kong hinaplos ang pisngi niya habang nakatitig sa mga mata niya. Sana, sa susunod na pagkakataon ay hindi na ganito ang pagtatagpo naming dalawa.

"I am glad and i will always be thankful that i have met someone like you, Symon, but this will be the end. I cannot keep you anymore because that will just be so selfish of me. Hindi mo man sabihin, alam kong nasasaktan ka. Hindi mo man aminin, alam kong labag sa loob mo ang katotohanang habang tayong dalawa ang magkasama ay iba ang tinitibok ng puso ko. But don't worry dahil naiintindihan kita. If you get mad, matatanggap ko 'yon. If ever na mag krus muli ang landas nating dalawa at hindi ka na tulad ng dati sa'kin, magiging masaya ako para sa'yo."

"Why are you saying this? Are you going somewhere? Answer me, Kiana!" Sigaw niya.

"Pagod na akong magpumilit na pumasok sa buhay na hindi naman para sa'kin, Symon... Hindi naman dapat lahat ng gusto ay ipinagpipilitan... May mga bagay kasi na kahit anong pilit natin, sadyang hindi mapupunta sa'tin."

"Kian-"

"Kaya tigilan na natin 'to... Symon, alam kong alam mo na sa oras na ipinilit natin 'to, hinding hindi tayo magiging masaya. Masaya akong nasa tabi kita palagi, Symon, pero hindi sa paraan kung paanong gusto kong nasa tabi ko si Archer. It will be unfair for the both of us, so please... let go and find what you deserve... Don't lock up yourself to the thought that i will be the only girl whom you can love because there's always a door for another love... Hindi mo kailangang pagtiisan yung bagay na ipinagkakait sa'yo kung ano yung nararapat... kung ano yung talagang deserve mo..."

I smiled at him for the last time. Parehas na namamasa ang mga mata namin. Alam kong naiintindihan na niya kung ano ang gusto kong iparating.

"This will be the last time, Symon... I'm just hoping that one day, if destiny will let our paths cross again, i want to see your eyes shining again, but not because you love me, but because you're happy that we did the decision to let ourselves finally let go of each other's hands..."

Alam kong kakayanin ni Symon. Kakayanin ko. Mahirap bitawan 'yung mga bagay o taong nakasanayan mong palaging nasa tabi mo. Kung gaano kahirap kumapit, gano'n din kahirap bumitaw. Pero lahat ng bagay ay may hangganan. Palaging may natatapos para may masimulan. Palaging may nawawala para magkaro'n ng panibago.

"Kiana!" Malayo pa lang ay sigaw na niya.

Sinadya kong puntahan siya sa subdivision nila. Masiyado nang malalim ang gabi kaya naman ako na ang nag-adjust para sa kaniya.

"You don't have to come all the way here para lang makipagkita sa'kin, Kiana. It's too late at night, baka mapahamak ka pa! Sana sinabihan mo na lang ako at sinundo kita!"

Bahagya akong natawa dahil sa tinuran niya. Gabing gabi na pero panenermon pa rin ang inaabot ko sa kaniya.

"Sorry. Naabala ba kita?"

SerendipityWhere stories live. Discover now