Chapter 29

57 4 0
                                    

Tears...

"Kiana, answer me..."

Tipid akong ngumiti saka tumango. Bahagya ko pang inilayo ang sarili ko sa kaniya dahil kung may nasaktan man ay nasisiguro kong siya 'yon.

"Are you hurt?" Muling tanong niya.

"I'm fine. You should worry about yourself,"

"I'm okay."

Hindi ko siya pinakinggan at tinignan ko ang buong katawan niya. Bumalot ang labis na pag-aalala sa puso ko nang makita ang dumudugo niyang braso. He probably got this when he tried to save me earlier.

"Archer, thank you..." nakangiting sabi ko sa kaniya pero nanatili ang seryoso niyang tingin sa'kin.

Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya palabas ng kwarto. Hindi ko inalintana ang hiyang nararamdaman ko dahil mas higit ang pag-aalala at pasasalamat ko ngayon kay Archer. Hindi rin naman siya nagsalita at hinayaan lang akong hilahin siya.

Pumasok kaming dalawa sa loob ng kwarto ko. I left the door open saka siya pinaupo sa kama.

"Kia..." marahang tawag niya sa pangalan ko kaya naman ngumiti ako.

"Dumudugo yang braso mo. May dala akong first aid kit kaya maupo ka muna dito at kukunin ko lang 'yon sa bag ko, okay?"

Nang makabalik ay marahan akong naupo saka kinuha ang braso niya. Medyo malaki ang sugat niya pero sa tingin ko naman ay hindi 'yon sobrang lalim.

Walang naglakas ng loob na magsalita sa pagitan naming dalawa. Ramdam ko ang tingin niya sa'kin pero minabuti kong mag focus sa paggagamot ng sugat niya.

"Why did you do that?" I asked.

"Did what?"

Saglit akong nag-angat ng tingin sa kaniya saka muling binalik ang tingin sa braso niya.

"Why did you tried to save me? You should've just let me there. Tignan mo, nasugatan ka pa tuloy."

"Can't you just thank me, Kiana?"

Bahagya akong natawa dahil nahimigan ko ang bahagyang inis sa boses niya.

"I already did but again, thank you. I wasn't expecting that, but don't do that again next time."

Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko.

"Why?"

"I don't want to worry about you,"

"You always worry about me, Kiana."

I smiled at him dahil sa sinabi niya. Atleast, alam niyang palaging may ako na nag-aalala sa kaniya.

"Exactly. I already worry too much about you, so don't ever get into situation that will make me worry more than i worry about you now. Even if it's just a simple cut or scratch, everything about you makes me worry, so please be careful..."

"I did that to protect you. Masasaktan ka kapag hindi ko ginawa 'yon and it's just a cut. Nothing to worry aboutm"

"Hindi ko kailangan ng proteksyon mo, Archer."

Ramdam kong natigilan siya dahil sa sinabi ko kaya naman binilisan ko na ang paggagamot sa sugat niya saka tumayo.

Inangat ko ang kamay ko saka ginulo ang buhok niya. Ngumiti pa ako nang matamis dahil seryoso pa rin ang tingin niya sa'kin hanggang ngayon.

Everything about you worries me, Archer. I care about you more than i care for myself that's why you should always take good care of yourself.

Lumabas ako ng pintuan saka bumaba. Sakto namang mukhang papaakyat si Manang Flor kaya nginitian ko siya.

SerendipityWhere stories live. Discover now