Chapter 20

49 5 0
                                    

Time...


Hindi ko pa nagagawang ikutin ang buong bahay. Kusina pa lang ang nakikita ko dahil gabi na. Tingin ko naman ay hindi kalakihan ang bahay. Tama lang para maging bakasyunan. Hindi ko pa napagmamasdan ang itsura mula sa labas dahil medyo madilim na.

"Ako na ang magluluto, Kiana." Presinta ni Keifer.

He smiled at me.

"Alam kong pagod ka na sa byahe. Magpahinga ka na muna sa taas. Malinis naman lahat ng kwarto do'n. Tatawagin na lang kita kapag handa na ang hapunan."

Tignan mo 'tong isang 'to. Nung sinabi kong ako ang magluluto, tuwang tuwa siya. Ngayon naman ay ayaw na niya.

"Ako na."

"Kiana,"

"Keifer, we both have a long day, but unlike you, nakapagpahinga ako kahit saglit lang. Nakatulog ako sa byahe habang ikaw ang nagmamaneho. Ikaw na lang ang magpahinga. I'll call you when dinner is ready."

"But-"

I smiled at him. He deserves to rest. Hindi lang naman ako ang napapagod at alam kong pagod na talaga siya. Kung ako nga ay pagod, siya pa kaya?

"Sige na. Don't worry, hindi ko lalagyan ng lason ang pagkain mo." I tried to joked, but he didn't laugh.

"Kahit may lason pa, basta galing sayo, buong puso kong tatanggapin."

Napangiwi na lang ako. No wonder why girls are falling in his charms, but obviously, that didn't work for me.

Sa huli ay pumayag din siyang ako ang magluto. Umakyat muna siya sa taas at chineck na lang ang magiging mga kwarto namin. Ako naman ay hinanda na lang lahat ng ingredients para sa lulutuin ko. 

Kahit hindi ko pa nalilibot ang bayan ng Santa Lucia, alam kong maganda ruto. Being surrounded by nature is a divine feeling. Simple at payak ang pamumuhay. Masaya at tahimik. Kahit na medyo challenging, this life is much better than the city life. If i would choose between this life and my life in the city, i would gladly choose this.

But of course, despite of the best life waiting for me in here, the fact that Archer is in the city, the city life will always be different. Kahit pa gusto ko na lang mamuhay ng simple at tahimik, mas gugustuhin ko pa ring tumira kung nasaan siya.

A life that i want will just go to waste if he is not in it. A life with him is the life that i dreamed of. No matter where it will be.

"Eat slowly. Hindi ka mauubusan ng pagkain..." natatawa kong saway kay Keifer.

He kept on eating. Sunod-sunod ang subo at akala mo naman ay huling kain niya na 'to. Hindi ko tuloy maiwasang hindi matawa. Mukhang gutom na gutom na talaga siya dahil sa itsura niya.

"Sorry. Masarap lang kasi talaga yung luto mo,"

"Pwede ka namang kumain ng dahan-dahan. Baka mabilaukan ka,"

He laughed.

"'Wag mo kasi masiyadong sarapan ang luto mo!"

Inirapan ko na lang siya. For sure ay inuuto lang naman niya ako. Isang tao pa lang naman ang pinaglutuan ko, pangalawa na siya. Yung palagi kong pinaglulutuan, never namang sinabing masarap ang luto ko. Duda tuloy ako sa sinabi niya.

"Ano nga palang gusto mong gawin bukas?" He asked.

Napaisip ako. Ano bang gusto kong gawin? Wala naman akong alam na kung anong pwedeng gawin. I'm not familiar in this place, so i don't know what can i do in my stay here.

"I don't know. Kahit ano na lang."

"Are you sure?"

I nodded.

SerendipityWhere stories live. Discover now