Chapter 43

62 4 0
                                    

Right...

Why does seeing him now makes me feel like i haven't seen him for years already?

"Kiana..." sambit niya sa pangalan ko. He tried to reach for me, but i immediately stepped back.

"What are you doing in here?" Sa wakas ay naitanong ko rin.

"I just want to talk to you, please..."

Akala ko noon ay nakita ko na ang pinakamahinang Archer, but why does he look so weak right now? Why?

"Ilang beses ko na bang sinabi sayo na wala na tayong dapat na pag-usapan, Archer?" Pinilit kong patatagin ang sarili ko kahit na sa totoo lang ay gusto ko nang tumakbo papunta sa kaniya.

Bakas pa rin ang pumutok niyang labi mula sa pagsuntok ni Symon kagabi. Gusto kong tanungin kung masakit pa ba 'yon hanggang ngayon.

"Kiana, kahit isang minuto lang, pangako, hinding hindi ko sasayangin 'yon..." bakas sa mga mata niya ang pagod at sakit pero hindi ko maintindihan kung bakit.

"Archer, wala na nga tayong dapat na pag-usapan. Lahat ng may koneksyon sa'ting dalawa, pinutol ko na. Nakapagpaalam na ako sa parents mo, kay Symon at kay Keifer, nag resign na rin ako sa company mo kaya wala ng rason para kausapin mo pa ako."

"But you didn't say goodbye to me. You just left me..."

Natigilan ako dahil sa tinuran niya. Para bang napakasakit no'n para sa kaniya. Ang umalis ako nang walang paalam.

"Is that why you went here? Hindi ko na kailangang magpaalam sayo kung aalis man ako, Archer. And hindi naman katulad ni Celine ang pag-alis ko. Nagpaalam ako, hindi nga lang sayo."

"Kiana, just hear me out. For the last time..." pagsusumamo niya.

"Lahat ng sinabi mo kanina? Narinig ko na. May sasabihin ka pa ba? Kasi kung wala na, mas mabuti pang bumalik ka na lang sa Manila. Baka kanina ka pa hinihintay ni Celine."

Dahil nakatayo siya sa may pintuan ay kailangan ko pang lagpasan siya para lang makalabas. Ayaw ko man ay mas ayaw kong makulong sa iisang kwarto kasama siya.

Pero hindi ko pa man siya tuluyang nalalagpasan ay mabilis na niya akong niyakap na talagang ikinatigil ko.

"Kiana, alam kong magulo. Nakakalito at nakakapanibago, pero hayaan mong ako naman... Alam kong pagod ka na at nagsawa, kaya hayaan mong ako naman ang kumilos this time. Just let me handle everything from now on..."

Hindi ko siya maintindihan. Ni isa sa mga sinasabi niya, hindi ko naiintindihan.

"A-archer, ano ba?" Pinilit kong lumayo sa kaniya pero mas hinigpitan lang niya ang yakap niya.

"I am not a perfect man. I made mistakes. I made you cry. I made you feel worthless most of the times. I won't deny that i am such an asshole, but, Kiana, i am willing to be the best man that you deserve..."

"I d-don't understand what you're saying."

"I don't know why i have to lose you first before i can see your real worth in my life, Kiana... Akala ko kasi, hindi ka mawawala... Akala ko hinding hindi mo ako iiwanan kaya akala ko, kaya ko... Kiana, i can lose everything, except you..."

Malakas ko siyang itinulak palayo sa'kin. I saw his tears slowly falling down from his eyes.

"Bakit ka u-umiiyak?" Gulat na tanong ko.

"K-kiana, mahal kita."

Pakiramdam ko ay tuluyan na akong nabingi dahil sa sinabi niya. 'Yung mga salitang gustong gusto kong marinig mula sa kaniya na inakala kong hindi ko na maririnig pa, at last, i finally heard it.

SerendipityTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang