Chapter 12

49 5 0
                                    

Care...

Agad akong lumayo sa kaniya dahil sa ginawa niya. What the hell is he doing?!

"Bakit mo hinahayaang tratuhin ka lang nila ng ganon?" Maya maya'y tanong niya.

"Wala kang pakialam."

"Meron."

Asar kong nilingon si Keifer.

"Hindi mo ako madadaan sa kakaganiyan mo. Stay out of this dahil hindi ka naman dapat na nangingialam sa buhay ko."

Natahimik kaming dalawa matapos kong sabihin yon. Ayaw ko nang nangingialam siya. I am perfectly fine on my own. Hindi ko kailangan ng awa niya.

"I will not let anyone hurt you from this day onwards. I will protec-"

"Hindi ko yan kailangan, Keifer. Ano bang hindi mo maintindihan?!"

"Kailangan mo man o hindi, handa pa rin akong protektahan ka. That's what a real prince do to his princess. He protects her with all his might."

"Wake up, Mr. Torres. We're not in a fairytale."

Hindi ko talaga makuha ang point ng lalaking 'to. Bakit niya ba talaga ginagawa 'to? Oo, mabait naman talaga siya, pero bakit kailangan niya pang sabihin na gusto niya ako? As if naman na paniniwalaan ko siya!

Mayaman siya. Gwapo at matalino. Hula ko ay may mga itinatago ring talent ang isang 'to. Kung titignan ay kalevel talaga siya nila Archer at Symon. Isang typical boy na kababaliwan ng kahit na sinong babae kaya naman hindi ko makita ang point niya sa mga ginagawa niyang 'to.

Hindi ako maganda at hindi ako yung tipo ng babaeng talaga namang matitipuhan niya kaya paano ko paniniwalaan lahat ng sinasabi niya? Ako nga ay dismayadong dismayado na sa sarili ko, ibang tao pa kaya?

"Salamat." i said nang mag park siya sa parking lot.

"Tandaan mo lahat ng sinabi ko, ah?" Nakangiting paalala niya.

"Ayoko."

"Bakit naman?!"

"Limot ko na."

"That fast?!"

I nodded at him.

"You don't care?" Nakangising tanong niya kaya muli akong tumango.

"Kung gusto mong maglaro ay wag ako, Keifer. Hindi ako isa sa mga babae mo na madali mo lang mauuto. Gwapo ka at talagang may sinasabi sa buhay. Mukhang masaya ka namang maging kaibigan kaya kung gusto mo talagang magkasundo tayo, wag mo akong idamay sa mga target mo."

"You're aware that i'm liking you even more with that attitude of yours right?"

"I still don't care. Anyways, thanks and ingat ka na lang pauwi."

Hindi ko na siya hinayaan pang sumagot at tinalikuran na siya. Ayaw ko ng tumagal pa ang pag-uusap naming dalawa.

"Kiana!" Rinig kong sigaw niya pa.

Huminto ako sa paglalakad pero hindi ako lumingon pabalik sa kaniya.

"Let's go to the office together again tomorrow!"

Napapailing na lang na naglakad akong muli. Sinasabi ko na nga ba't kalokohan nanaman ang sasabihin niya. I'll just make sure na mas maaga akong papasok bukas para hindi na magkrus pa ang landas naming dalawa at kung magkita man kami ay sa opisina na lang sana.

Naalala ko si Archer at as always, hindi ko maiwasang hindi mapangiti as well as masaktan. Seeing him everyday gives me a different kind of feeling. Kahit na masama ang loob ko sa tuwing minamaliit ako ng mga katrabaho ko ay ayos lang. As long as nasa iisang lugar kami. Hanggat natatanaw ko siya kahit na sa malayo lang. That's enough for me to be more than happy.

SerendipityWhere stories live. Discover now