Chapter 38

50 4 0
                                    

Least...

"Kiana!"

Napatigil ako sa pagtakbo dahil sa sigaw na 'yon. Maging ang mga luha ko ay tumigil. Kasabay no'n ay ang marahas na paghigit niya sa'king braso para maiharap sa kaniya.

His eyes are almost flaming because of anger. I am certain about it dahil kabisado ko na siya. Kabisado ko na ang mga mata niyang palagi akong nililigaw sa kung saan-saan.

"Archer, ano ba?!" Iniwas ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.

Tanga ba talaga siya?

"Why did you ran away like that?!" Pigil ang inis na tanong niya kaya naman sarkastiko akong natawa.

"Should i stay then?"

Hindi niya nagawang sumagot kaya naman inipon ko lahat ng lakas ko para maitulak siya.

"Tell me, dapat bang nanatili ako, Archer? Kasi kung oo, hindi ko makita 'yung dahilan kung bakit kailangan pa! But what really confuses me now is you! Being right in front of me na hindi naman dapat! You should be with her! With Celine and not me! You idiot!"

"Kiana, calm down..." pilit niyang pagpapakalma sa'kin pero hindi. I cannot do it kung nandito siya sa harapan ko at nililito ang buong pagkatao ko.

"No, Archer... Please, you shouldn't be here. Dapat nando'n ka kasama niya at hindi rito! Why did you ran after me when you shouldn't?! Sa dami ng pagkakamaling nagawa mo, ito ang pinakamali! Akala ko ba gusto mo siyang balikan ka? Bakit nandito ka?! Kung 'yung bawat minutong ginugol mo para takbuhin ako ay nilaan mo para kumbinsihin siya, e di sana, on the way na kayo pauwi sa Manila! Archer naman, minsan gamitin mo naman 'yang utak mo pagdating sa kaniya kasi nabobobo na talaga ako sa inyong dalawa!"

"Why are you here?"

Natigilan ako dahil sa tanong niya.

"Answer me, Kiana! Why are you here?!" Sigaw niya.

Umiling ako. Sa dami ng tumatakbo ngayon sa isip ko, 'yan pa talaga ang naisip niyang itanong.

"Are you dumb? Nakita mo naman, 'di ba? Si Celine ang sinadya ko. And what could be the possible reason for me to personally went to her? Of course to convince her to go home! You wouldn't do it yourself so i'll do it for you para matapos na 'yang kahibangan mo! Just so you could be yourself again!"

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Ramdam ko ang sobrang pagkainis niya dahil sa higpit ng hawak niya.

"Why did you do that? Why?! Answer me, Kiana! Why do you always have to meddle with someone else's problems?! Why do you always involve yourself into something you shouldn't be involved! Sagutin mo ako, Kiana! Bakit kailangan mong gawin lahat ng 'to!"

"Ano ba?! Nasasaktan ako!"

"Bakit, Kiana?!"

"Kasi nga mahal kita! Kailangan ba ulit ulitin ko pa sa'yo 'yung katotohanang mahal kita kaya gusto kong maging masaya ka?! Kulang pa ba yung mga sinabi ko noon para malaman mong lahat ng ginagawa ko ay dahil sa nakakabobong pagmamahal ko sa'yo?! Archer naman, do i always have to spell it out for you? Saka ano naman sa'yo ngayon? Dapat nga, instead na nagagalit ka at sinisigawan ako ngayon ay nando'n ka sa tabi ni Celine para mas lalo siyang kumbinsihin! I already made the first step, Archer, you just have to take care of the rest but you messed it up! You messed up! Bigtime!"

Marahas kong pinunasan ang mga luhang natulo mula sa mga mata ko. Ramdam ko ang bilis ng pagtibok ng puso ko dahil sa mga emosyong ipinapakita ko.

"A-archer... gusto ko lang namang maging masaya ka, masama ba 'yon? I can do everything just to make you happy so please... please cooperate with me. H-hindi ba ito naman ang gusto mo? Bakit kailangan mo pang sumunod sa'kin dito? Bakit hindi ka nanatili ngayon sa tabi ni Celine?!"

SerendipityOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz