Chapter 33

42 5 0
                                    

Girlfriend...

Agad akong dumiretso sa kwarto ko at nahiga sa kama. Pilit kong kinalma ang sarili ko dahil sa naghalo-halong emosyon sa puso ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na pakiramdam ko ay maririnig na 'yon sa buong kwarto.

Ang hirap hirap na. It is really hard to hold on to the feelings that i have for him when in fact, habang tumatagal, lalong lumalala. Habang mas lalo kong pinipigilan, mas lalo ko lang 'tong nararamdaman.

It is so hard to stop myself from telling him what i truly feel para mas maayos kong maipaintindi sa kaniya na magkaiba kami ng nararamdaman at kahit kailan, hinding-hindi magiging parehas 'yon.

Gusto ko ng umamin. Gusto ko ng ivoice out sa kaniya ang tunay na nararamdaman ko. I've been keeping it for years, isn't it time for me to say it out loud?

But i am afraid. Hindi simpleng bagay ang pag-amin. You have to risk everything in your hands. Isn't it right not to risk if you already know what will be the outcome of it? Nakakatakot.

Judgement.

Rejection.

Losing.

A lot of people will judge me. Even if my intentions are pure, they will not consider it because what matters to them is the fact that i am inlove with him. Katulad na lang ng sinabi ni Rica at Jane kanina, iisipin ng lahat na inaantay ko lang na magkahiwalay 'yung dalawa. Iisiping sinamantala ko lang yung sitwasyon. Some of them will even think na kahit magkarelasyon pa sila Archer at Celine ay inaahas ko na siya.

I used to ignore all of their shits pero hindi ako bato. Nasasaktan rin naman ako. Hearing them say things about me that isn't true makes my heart ache all the time.

Yes, i am in love with Archer for a very long time. Kahit noong sila pa ni Celine. Pero kahit kailan ay hindi ko inasam na magkahiwalay silang dalawa. Never did i thought that i'm going to take advantage of their broken relationship just so i can go on the way. Hindi ko inasam na mang-agaw or kung ano pa man dahil ang totoo, masaya ako para sa kanilang dalawa.

Mahal ko si Archer pero hinding hindi ko gagawing dahilan 'yon para asamin na maghiwalay sila ni Celine. Kahit ngayon, handa lang akong alalayan si Archer pero wala akong balak na gawin siyang akin dahil malinaw sa aming dalawa kung ano lang kami sa isa't isa. Kapag dumating ang oras na bumalik na si Celine, ako na ang kusang maglalagay ng distansya dahil 'yun ang tama. Kaibigan lang ako at siya ang nobya, bilang babae ay nirerespeto ko ang nararamdaman ni Celine kung sakali mang dumating sa puntong pagselosan niya ako.

I'm also afraid of rejection. I already know his answer kaya naman hindi ko na magawang umamin. Alam kong hindi niya intensyon ang saktan ako pero at the end, iiyak at iiyak pa rin ako dahil sa sakit. Alam kong hanggang ngayon ay si Celine ang mahal niya dahil kung lalaki lang din ako, masasabi kong si Celine ay ginto habang ako naman ay tanso. As an intelligent person, it is wise to choose gold over copper.

Lastly, losing. I might or will lose him. Everything. He is my everything so if he's gone, my everything will be gone too. Sa oras na umamin ako, alam kong may magbabago. Alam kong lalayuan niya ako hanggang sa unti-unti na siyang mawala.

Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Gusto ko na lang lumayo bigla para makapag-isip-isip. Hindi ko na alam kung ano bang dapat na gawin ko. Mahirap kasi 'yung malagay sa situation na wala kang idea sa kung ano bang dapat mong gawin. Lahat ng mata ay nakatutok sayo ultimo pati pagkurap ko ay bilang nila.

Sa huli ay nakatulog na lang ako habang nag-iisip nang malalim. Kailangan kong humingi ng sorry kay Archer ngayon. I acted rude towards him dahil sa emosyon ko kahit ang intensyon niya lang naman ay ang kung anong sa tingin niyang makakabuti para sa'kin.

SerendipityWhere stories live. Discover now