Chapter 10

53 5 0
                                    

Drunk...


Thinking about what happened the last time really hurts me. Inaamin kong gusto ko siya. Hindi lang basta crush at talagang gusto ko siya. Wala namang dahilan para ideny ko ang bagay na yon. Every girl will surely like him.

Ganito ba talaga ang pakiramdam ng nagkakagusto sa taong may gusto namang iba? Ganito ba talaga kasakit yon? Because if yes, then i want to back out already. Mababaliw ako sa sakit na nararamdaman ko.

The moment that he left my unit is the time where i started crying. Hindi ko alam ang dahilan, but i'm sure na nasasaktan ako.

I spent my night thinking that i shouldn't be hurt. Kasalanan ko rin naman kasi. I shouldn't let myself like him. Sa loob ng apat na taon ay nakasama ko siya at nasaksihan ko kung gaano niya kamahal ang nobya niya kaya naman isang malaking katangahan para sa akin ngayon ang magustuhan siya and worst, masaktan nang dahil sa kaniya.

Thinking that Archer is the leader of a big company is making me more proud of him. Sa ganitong edad ay nakagawa na siya ng malaking pangalan sa industriya. Wala akong ibang maramdaman kung hindi ang labis na pagkamangha sa mga achievements niya sa buhay.

Nang matapos ko ang inaasikaso kong files ay agad kong ipinrint yon at saka idineretso sa secretary ni Archer.

"Engr. Fajardo needs to sign all of this, ASAP." tipid ang ngiting sabi ko.

"You may enter and give it to him..."

I nodded at her and entered Archer's office.

"Good Afternoon, Mr. Fajardo."

Hindi niya ako sinagot at nanatiling nakatutok ang paningin sa mga binabasa kaya naman lumapit ako.

"These are all the documents needed for the new project and it has to be signed today."

Nag-angat siya ng tingin sa akin at saka tumango.

"I'll sign that after this call. You may wait for me over there," turo niya sa mini salas sa office niya

Ako naman ay tahimik na lang na naglakad at naupo. Nakatalikod siya sa akin kaya naman malaya kong napagmasdan ang likod niya.

Tahimik ko na lang siyang tinignan at hinintay na matapos sa tawag. Nang matapos naman siya ay agad siyang dumeretso sa akin.

"You may now leave." malamig na sabi niya matapos pirmahan lahat ng dala ko.

Agad na niya akong tinlikuran saka bumalik sa ginagawa kanina. Napabuntong hiningang lumabas na lang ako.

"Mr. Fajardo didn't talk much to anyone when he has a lot of works."

Nagulat ako sa sinabi ni Ms. Garcia nang makalabas ako ng office. Agad din naman akong ngumiti ng tipid.

"I know..."

Tahimik na lang ako naglakad pabalik sa department namin at saka ibinigay kay Mrs. Prado ang mga dala ko. Bumalik din naman ako kaagad sa pagtatrabaho at muling pinuno ang isipan ko ng mga bagay na related sa trabaho ko at hindi sa kaniya.

"Nagugutom na ako!" Rinig kong sabi ni Rica.

"Me too!" ani Jane.

"Sinong pwede bumili ng meryenda?" Tanong ni Mrs. Prado.

Dahil sa gusto ko munang lumabas ng office at magpahangin ay nagtaas ako ng kamay. Today, i feel suffocated inside this big company.

Nang makuha ko lahat ng pinabibili nila ay agad kong inayos ang gamit ko at bumaba. Nang makababa sa ground floor ay nakita ko si Archer. Agad akong napangiti nang makita siya.

SerendipityUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum