Chapter 11

55 5 0
                                    

I like you...

"Aray!" Reklamo ko habang nakahawak sa ulo ko.

Naupo ako sa kama ko at hinilot ang sentido ko. What the heck happened to me?

Pinilit kong alalahanin ang nangyari kahapon. Ilang sandali pa at naalala ko simula nang pumasok ako sa opisina hanggang sa may makilala akong lalaki sa cafe na Keifer Torres ang pangalan hanggang sa pumunta ako sa bar at-

"Oh, shit!" Sigaw ko matapos unti-unting maalala lahat ng nangyari.

I got drunked! I remembered that Celine invited me to join her in the bar and then she leave me right after! I was drinking all by myself and Keifer was there too. We drink and talk until Celine and Archer came. They insisted on taking me home but i refused and said that i will go with Keifer and i don't know what happened next!

"I'm screwed!" Inis na bulong ko sa sarili ko.

Nakakahiya ako! Bakit ba naisipan kong uminom?!

Hinanap ko ang phone ko. Nilingon ko ang table sa gilid ng kama ko pero hindi ko yon nakita. Instead, i found a glass of water and a medicine beside it.

Agad ko yong inabot at hindi ko ineexpect na may letter pang kasama yon.

Drink this for your hang over. I'll see you again, Kiana.

                 -Keifer


I sighed. So, talagang siya ang naghatid sa akin pauwi?

Wala naman akong ibang nagawa kung hindi ang inumin ang gamot. Ilang sandali pa akong nagpahinga hanggang sa naisipan ko ng tumayo at mag-ayos. Mabuti na lang at medyo nakatulong yung gamot na ininom ko para mabawasan ang sakit ng ulo ko.

Pakiramdam ko ay wala akong mukhang maihaharap kay Celine at Archer ngayon. Napaka kalat ko kagabi! Mas pinili ko pang sumama sa kakakilala ko pa lang kaysa sa matagal ko ng kakilala! What am i even thinking?!

"Kiana!"

Nagulat ako nang bigla akong sigawan ni Jane.

"What?" Naguguluhang tanong ko.

"Tsk. You're spacing out. Kanina ka pa tinatawag ni Ma'am."

"Sorry." i said then walked towards Ms. Prado.

"Tawag niyo daw po ako?"

"Wala. Bumalik ka na sa trabaho mo at parang wala ka sa sarili mo..."

"Pasensiya na po..."

Agad na lang akong bumalik sa puwesto ko. Hindi ako makapag focus ngayon nang dahil sa sobrang hiyang nararamdaman ko. Kay Celine at Archer at lalong lalo na kay Keifer!

We don't even know each other for too long pero heto ako at naging pabigat agad sa kaniya. Ako pa 'tong panay ang pag susungit sa tao pero ako pa yung makapal ang mukha na magpahatid!

"Kiana, pinapatawag ka raw ni Engr. Fajardo. Kanina ka pa lutang diyan!" Ani Jane.

Tango na lang ang naisagot ko at kahit na naguguluhan ay agad akong sumunod sa secretary niya. Kung kailan naman ayaw ko siyang makita ay saka naman niya ako ipapatawag and bakit? Bakit naman niya ako ipapatawag?

"Bakit daw ako pinapatawag ni Engr.?"

"I dont know..."

I just nodded. Gusto kong mag-isip ng excuse para hindi na ako pumunta na opisina ni Archer, but its too late. 

Nang makapasok ako ay nakayuko lang ako. Nahihiya talaga ako sa nangyari kagabi. For sure ay nadisappoint sila sa akin!

"Kiana!"

SerendipityWhere stories live. Discover now