Hiram Na Pag-ibig (Formosa Se...

PollyNomial tarafından

161K 3.2K 252

Naranasan mo na bang manghiram ng isang bagay at ang pakiramdam na ayaw mo na itong iballik sa may-ari? Ang p... Daha Fazla

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Wakas
Formosa Series Update!

Kabanata 45

1.9K 43 4
PollyNomial tarafından

KABANATA 45 — My Bedroom

“You know what…” Pinagmasdan ni Terrence nang maigi ang aking mukha. Nasa sala pa rin kami ng aming bahay. Lumabas si tatay para raw mabigyan kami ng kaunting privacy habang siya ay makikipag-usap muna sa mga tao sa labas.

“What?” Tanong ko pabalik. Tumaas ang isang kilay ko dahil kumukunot ang noo niya sa pagtitig sa mukha ko. Parang may binabasa siya sa akin at hindi niya iyon maintindihan.

Inabot niya ang pisngi ko at pinadaanan ng hinlalaki ang ilalim ng mga mata ko.

“Kapag tinititigan kita, may…” nanliit ang mga mata niya. “May scene akong naaalala sa isip ko pero hindi malinaw. It’s like I am remembering something that happened in the past. Parang nagkita na tayo noon pero di ko lang masabi kung saan o kailan.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. I know the scene he is talking about. “Hm? Talaga?” Tanong ko.

Kung maalala ni Terrence iyon, hindi ko maipapaliwanag ang sayang mararamdaman ko. Ang nangyaring pagkikita at pag-uusap namin noon sa Formosa University ay hindi naman mahalaga sa kahit na sino sa amin. Pero ngayong minahal ko na siya, I realized how that simple happening in my life became the most memorable part of my college days. Unang pag-uusap namin iyon ni Terrence. Simpleng pag-uusap pero samu’t saring kasiyahan ang tinatamo ko sa tuwing maaalala iyon ngayon.

“Yes.” Tumagilid ang ulo niya. “You think it happened in Formosa University? Nagkita na ba tayo noon? Do you remember anything like seeing me ang talking to me? 'Coz I swear, Therese, may naaalala ako pero di ko alam kung imagination ko na lang ba 'yon o totoo pa ba dahil palagi nalang ikaw ang nasa isip ko.” Aniya.

Pinigilan ko ang ngiti. “Pick up line ba 'yan?” Pabirong tanong ko sa kanya. Umaasang mabago ko sa usapan. Ayokong pilitin niya akong sabihin sa kanya ang alam ko. I want him to remember it all by himself.

He chuckled. Tinanggal niya ang kamay sa pisngi ko at nilipat iyon sa kamay ko. “If that is how a pick up line goes, then maybe it is.” Sambit niya at dinala ang kamay ko sa kanyang mga labi.

Umangat ang mga mata ko sa orasan na nakasabit sa dingding. Mag-a-alas dies na ng gabi. “Sabi mo pupunta ka pa ng bar mo 'di ba? Baka kailangan ka na roon.” Sabi kong nginusuhan niya.

“Pinapaalis mo na ako?” Tanong niya at bumitiw sa akin.

Ako naman ang napanguso at gusto kong bawiin ang kamay niya para hawakan ulit ako. Pero kailangan ni Terrence pamunuan ang bar niya. At least he needs to spend some time with his bar. Kaunting panahon na lang ay magsasara na iyon.

“Mami-miss mo ang bar mo kapag nasa kompanya ka na ninyo. Don’t you wanna spend the night with your precious bar?” Sabi ko dahil alam kong iyon talaga ang gusto niya. Mahalaga ang bar ni Terrence para sa kanya. I saw how important it is to him.

“You are my precious one, Therese.” Huminto ako sa pag-iisip at paghinga sa kanyang binanggit.

Awtomatiko ang paglipat ng mata ko sa mga titig niya nang humilig siya sa akin. Dahan dahang humaplos ang kamay niya sa baywang ko. “Baka makita tayo ni tatay…” Nawalan na agad ako ng boses kahit ito pa lang ang nangyayari. I would never endure his effect on me.

“Isa lang…” At iyon nga ang ginawa niya. Isang dampi lang at lumayo agad siya. Ako ang hindi nakuntento.

Humilig ako sa kanya at binalik ang sariling labi sa mga labi niya. Suminghap siya sa gulat pero nakabawi rin at agad akong tinugon. Malalim agad ang halik at umikot ang kamay niya sa baywang ko. Ang akin ay nasa leeg na niya at hinihila pa siya palapit sa akin na parang kahit anong lapit ay hindi sapat. I just need more from him.

“Therese…” Ungol niya nang hindi ako tumigil. Nagkawalaan ang mga labi namin at naramdaman ko ang kanya sa pisngi ko. “Please, don’t turn me on. Nagpapa-good shot ako sa tatay mo.” Aniyang hindi naman tinitigilan ang kakahalik.

Doon ako natauhan. Bumaba ang kamay ko sa dibdib niya at kusa ko na siyang tinulak palayo kahit na labag sa kalooban ko. Saktong pag-ayos niya ng upo ay ang pagbalik ni tatay.

Tumayo ako at nanalangin na sana’y maayos ang buhok ko at hindi namumula ang mukha at mga labi ko.

“Gabi na, Terrence. Hindi ka pa ba uuwi sa inyo?” Tanong ni tatay at napayuko na lang ako.

Tumayo na rin si Terrence at tumabi sa akin. Nagkasundo na sila ni tatay na first name basis na lang si tatay sa kanya. Si Terrence naman ay ayaw sundin ang gusto ni tatay na tito na lang ang itawag dito. Mas gusto pa rin niya ang Mr. Bermudez na masyadong magalang at pormal.

“Yes, sir.” Napatingin ako kay Terrence at sa bagong tawag niya kay tatay. “Uuwi na po talaga ako. Ayaw lang akong paalisin ng anak ninyo.” Ngumisi siya nang sikuhin ko siya.

“Hindi ka pupunta ng bar?” Tanong ko.

“Hindi na. Uuwi na ako. Gusto ko na lang isipin ka bago ako matulog.” Aniya at ang tikhim lang ni tatay ang nagpaalalang may kasama pa kaming dalawa.

“Pinabantay ko ang sasakyan mo sa labas. Kung bibisita ka sa anak ko, mas maiging 'wag na iyon ang dalin mo. Takaw mata sa mga tao at hindi mo kilala ang mga masasamang nagkakainteres doon. Baka mapahamak ka pa.” Payo ni tatay sa tonong may pag-aalala.

Natuwa ako roon at pinaalala ko sa sarili na pasasalamatan ko siya mamaya. Ang simpleng sinabi niya ay nagpatunay na gusto niya si Terrence para sa akin.

“I’d do that, Mr. Bermudez.” Lumingon ulit siya sa akin at inabot ang magkabilang kamay ko. “Susunduin kita bukas. Be ready at 9, okay? Kailangan ako sa kompanya by 12 pm kaya aagahan ko ang pagsundo sa’yo.” Aniya. “I’ll text or call you when I get home.” Sabi niya at hinaplos ng hinlalaki ang ibabaw ng kamay ko.

Tumango ako. “Mag-ingat ka.” Iyon na lang ang nasabi ko dahil bukod sa lasing pa sa mga halik niya kanina ay nasa harap namin si tatay.

Bumaling siyang muli kay tatay. “Mauna na po ako.” Lumingon pa siya ng isang beses sa akin. “I love you.” Bulong niya pero siguradong narinig ni tatay. Tumalikod siya at tumungo sa pintuan. Doon ay hinatid siya ni tatay hanggang labas.

Hinintay kong bumalik si tatay. Nagpasya akong pumunta ng kusina at uminom nang malamig na tubig nang maramdaman ko si tatay sa likod ko.

“'Tay.” Utas ko nang lumingon sa kanya. Nasa tabi siya ng lababo habang ako ay nasa tapat ng refrigerator.

“Alam ko, anak. Naiintindihan kita.” Aniya kahit na wala pa akong nasasabi.

Bumuntong hininga ako at hindi ko maipaliwanag ang saya sa dibdib ko. Mabilis akong humakbang palapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

“Salamat, 'tay. 'Wag kayong mag-alala. Mahal namin ni Terrence ang isa’t isa. Ito na 'yon, tatay. 'Yong hinihintay ko noon na magpapasaya ulit sa akin. Pagkatapos ni Chris, akala ko wala na akong pag-asa. Pero dumating si Terrence. Dumating siya at minahal niya ako.” Humikbi ako sa balikat ni tatay.

Hinaplos niya ang likod ko ng isang kamay. Ang isa ay nakatungkod pa rin sa kanyang saklay. “Hangad ko ang kaligayahan mo, Therese. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayong alam kong may minamahal ka na ulit. May tiwala ako sa’yo, anak. Malaki ka na,” mahina siyang natawa. “Nagkaasawa ka na nga eh.” Aniya.

Nakitawa ako sa kanya pero hindi ako bumitiw.

“Alam mo na ang mga ginagawa mo. May sarili kang utak para magdesisyon at sino ba naman ako para hadlangan ang kagustuhan mo?”

“Ikaw po ang tatay ko. Malulungkot ako kung hindi kayo papayag dito pero ngayong tanggap niyo kami, maraming maraming salamat po.”

Kahit kailan ay hindi sapat ang mga salitang ito para pasalamatan si tatay sa lahat ng ginawa niya para sa akin. Sa lahat ng sakripisyo at paghihirap niya. Kung ang kaligayahan ko ang gusto niya, iyon ang ibibigay ko. Sisiguraduhin kong maipapakita ko sa kanya na masaya ako sa desisyon ko. Hindi ko siya bibiguin.

Tumawag si Terrence nang gabing iyon. Hindi na talaga siya tumungo ng bar at umuwi na. Bigla ay naisip ko kung saan kaya siya umuuwi. Kasama pa ba niya sa bahay ang mga magulang niya? Pero nagloloko lang ako kung ganoon. Terrence has his own life. Maybe he also has his own house or a condo to live in. Marami nang achievements si Terrence sa buhay niya kahit na bata pa siya. May sariling negosyo at mamumuno ng isang malaking kompanya sa hinaharap. Ano pa bang maihihiling ko sa kanya?

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa paalala ni Terrence. Pumasok ako ng banyo upang maligo at nang matapos at lumabas ako ay nagulat ako sa presensya ni Iris sa sala namin.

“Iris!” Lumapit ako sa kanya. Pinapatuyo ko ang aking buhok gamit ang tuwalyang nakasabit sa balikat ko.

Ngumuso si Iris sa akin at bahagyang ngumiti ang mga mata niya. “Therese, I’m sorry.” Aniya.

Kumunot ang noo ko. “Bakit ka nagso-sorry?” tanong ko agad. Hinanap ko si tatay pero mukhang nasa labas siya.

Hindi agad umimik si Iris. Nag-alala na ako at nawala na ang kaninang ngiti sa labi ko. Napalitan iyon ng pag-aalala at takot sa kung anong hinihingi niya ng tawad. Sinuri kong maigi ang mukha niya nang magsimula siyang magsalita.

“Alam ko na kasi 'yong relasyon ninyo ni Terrence.” Sambit niya. “Narinig ko na 'yon kay Ivan nung isang beses na may kausap siya sa cellphone niya. Pero hindi ko pinansin. Nagtampo kasi ako dahil hindi mo manlang pinaalam sa akin. Matagal na 'yon at simula nun hindi na kita kinausap.”

Kailan nga ba kami huling nag-usap ni Iris? Parang ang tagal na para maalala. Naging busy ako sa Fortune Fashions at siya naman sa sariling trabaho at sa namumuong relasyon nila ni Jaydee. Hindi ko alam na may iba pa palang dahilan ang hindi namin pag-uusap.

Lumunok ako at nilapitan ko pa siya. Nakita kong malungkot din ang mga mata niya.

“Masaya ako kasi naka-move on ka na. Alam mo kung paano ako nag-alala sa’yo noong namatay si Chris.” Tumigil siya na parang mali ang nasabi niya. Pero nang ngumiti ako ay nagpatuloy siya. “Hindi lang ako makapaniwala na ang Formosa’ng iyon ang magiging dahilan para makalimutan mo ang sakit na dinanas mo. You know him, Therese. He accused my brother of something he didn’t do. Masakit sa amin ni Mama iyon pero pinatawad siya ni kuya kaya pinilit na rin naming kalimutan ang nakaraang iyon.” Paliwanag niya.

Naiintindihan ko siya. Halos masira ang pangalan ni Ivan nang pagbintangan ito ni Terrence. Kinailangan pa nitong lumipat ng ibang bansa dahil walang tumanggap na trabaho sa kanya rito sa Pilipinas. Masakit iyon para sa kanila pero nakaraan na iyon at nagbayad na ang dapat magbayad. Nagsisi na rin ang dapat magsisi.

“I understand you, Iris. Hindi ko naman pinipilit na intindihin mo ang relasyon namin ni Terrence.” Sa mga salita ko ay may kaunting lungkot dahil si Iris ang pinakamalapit kong pinsan. Lahat ng sikreto ko ay alam niya. Ang itago ito sa kanya ay labag sa loob ko pero kinailangan dahil sa sitwasyon.

“But don’t worry. Naintindihan ko na kayong dalawa.” Lumiwanag ang mga mata niya at ilang beses iyong kuminang. “I guess you don’t get to choose who you love. Basta darating na lang at hindi ka na makakatakas.” Aniyang nagpipigil ng ngiti.

Nakuha ko agad ang pinarating niya at lumawak ang ngisi ko sa kanya. “Kayo na ba ni Jaydee?” Tanong kong hindi maiwasan ang excitement sa tono.

Sunod sunod ang tango niya at halos batukan ko siya sa sunod sunod din niyang tili at tawa. Natawa ako at tumili siya sa buong pagkikwento niya tungkol sa panliligaw at kung paano niya sinagot si Jaydee. Naalala ko na lang na kailangan kong magmadali nang mamataan sa dingding ang oras.

“Naku! Male-late ako! Susunduin pa ako ni Terrence.” Sambit ko at tumakbo paakyat ng hagdan. Tinawanan na lang ulit ako ni Iris.

Kalahating oras na akong late sa napag-usapang oras. Pababa ako nang nasa sala na si Terrence, nakaupo sa sofa at hinihintay ako. Nandoon din si tatay pero nang umangat ang mata sa akin ni Terrence ay tumigil sila sa pag-uusap.

Tumayo si tatay at sinalubong ako. “Bakit ang tagal mo? Kanina pa siya naghihintay sa’yo.” Sabi niya at humakbang paakyat ng hangdan.

“Sorry,” utas ko. Ngumiwi ako sa kanilang dalawa pero mukhang wala lang kay Terrence ang katagalan ko. Umakyat sa taas si tatay kaya naiwan kaming dalawa. Lumapit ako kay Terrence, inabot ko ang katawan niya at yumakap ako sa kanya.

I just feel like I needed to hug him. Kaya iyon ang ginawa ko. Pagkatapos ay tumingkayad ako ng kaunti para maabot ang kanyang labi. “Sorry, na-late ako. Naghintay ka tuloy.” Salita ko sa gitna ng mga halik ko.

Naramdaman ko ang kanyang pagngisi. “Kung ito naman ang sasalubong sa paghihintay ko, hahayaan ko nang ma-late ka palagi.” Aniya at natawa ako.

Hinatid ako ni Terrence sa araw na iyon at tumungo siya pagkatapos sa Formosa building. Ganun ang nangyari sa mga sumunod pang mga araw. Sinusundo na niya ako sa bahay nang hindi na siya nagtatago. Dati ay doon pa sa lugar kung saan malayo sa aming looban niya ako nasusundo. Iyon ay dahil hindi alam nila tatay ang namamagitan sa aming dalawa. Pero ngayon ay doon na niya ako sa aming sala hinihintay. Sobrang saya ko at hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat dahil sa wakas ay hindi na tago kayla tatay ang relasyon naming dalawa.

Alam na rin ni tatay ang tungkol sa pagtatrabaho ko sa Bermuda bar na pag-aari ni Terrence. Nabigla siya nung una ngunit ang inaasahan kong galit ay hindi dumating. He really understands everything. At sapat na ang pag-intindi niya para malaman ko kung gaano niya ako kamahal na kaya niyang ibigay ang lahat ng gusto ko.

I decided to call Mama Bea when weekend came. Ito lang ang araw na hindi ako busy at pagod sa mga rehearsal namin para sa darating na event ng Fortune Fashions sa June. Minsan ay umuuwi ako ng bahay na ang gusto ko na lang ay matulog. Sinisigurado na nga ni Terrence na nakakain na ako bago umuwi dahil ayaw niyang malipasan ako ng hapunan.

FF was very busy. Pakiramdam ko nga ay isa ako sa mga matataas na empleyado roon, designer, o paminsan minsan ay boss dahil ramdam ko ang pagkagahol nila ng oras. It’s not that they haven’t had enough time. Matagal nang pinaghahandaan ang event na ito. It’s just that they want everything to be perfect. Ayaw nilang mapahiya.

Naghanap sila ng mas marami pang modelo sa iba’t ibang agencies. FF has its co-partner agency but because of the lack of good models, naghanap pa sila sa iba pang malalaking agency ng bansa. At nang makumpleto, unti unti ay naaayos ang pag-organisa ng mga mangyayari para sa mismong event.

Habang nasa isip pa rin ang lahat ng iyon ay pinindot ko ang ‘call’ sa tabi ng numero ni Mama Bea. I need to talk to her. I have to because I want to tell her something. Ayoko nang patagalin pa ito. Alam na ng buong pamilya ko at siya na lang ang hindi pa nakakaalam ng tungkol sa bago kong relasyon. I don’t know how she will react about this. I hope it is positive though. I really want her to accept this new life I have after her son.

“Therese!” Nang sumagot si Mama Bea at lumukso ang puso ko. Hearing her happy voice makes me want to hug her so bad. I missed Mama Bea. Siya na ang tumayong ina ko.

“Hi, Mama Bea!” Bati ko sa masiglang tono.

“Why haven’t you called me since your outing? Na-miss ko ang babaeng anak ko.” Aniya sa malambing na boses.

Ayokong makonsensya pero iyon ang nangyari. May nililihim ako sa kanya gayung siya ay heto at anak ang turing sa akin. “I’m busy with work, Ma. I’m so sorry for not calling you.” Sambit ko.

Narinig ko ang maikling tawa niya. “I understand. You have a life of your own now.” Sa narinig kong ito ay may umusbong sa dibdib ko. “And I have good news, anak!” Aniya.

Napangisi ako sa kaligayahan sa kanyang boses. “Ano po iyon?”

“Oh, you remember I am venturing into a new business, right?” Tanong niya.

“Yes, ma. Naalala ko po.” Sabi ko.

Narinig ko ang masayang ngiti niya. “I don’t know if you will allow this pero nagawa ko na eh. I know you will understand. I invested Chris’ money for this new business, Therese. My friend, the owner, had my trust at interesado ako sa kanyang negosyo.” Sabi ni Mama.

Awtomatiko ang ngiti ko. Sa wakas ay may patutunguhan na ang mga perang pinaghirapan noon ng dati kong asawa. Ang iba roon ay nanggaling sa tinayo naming negosyo noong nabubuhay pa siya. But I refuse to take the money. Naipaliwanag ko kay Mama Bea na ang perang iyon ay hindi na para sa akin para itago o gastusin pa. Yes, Chris’ won’t be able to use it anyway but neither do I. Wala kaming anak para paglaanan ng pera. Siguro nga pride ko ang umiiral pero mas matimbang na ang pagmamahal lang ni Chris ang habol ko sa kanya at kahit kailan ay hindi ko siya minahal para sa pera. Kaya iniwan ko iyon.

“You did the right thing, Ma. Masasayang lang ang pera ni Chris kung mapupunta lang 'yon sa wala.” Sambit kong pinarinig sa kanya na lubos na naiintindihan ko ito.

“Yes. I know. But, Therese. Hindi ko pa rin ginalaw ang nasa joint account ninyo. Only the money in Christopher’s name. Yes, I do have an access to your account but I don’t see my right to use that money. Pinaghirapan ninyong dalawa iyon. I still won’t change my mind about you using the money for yourself.”

Bumuntong hininga ako. Hindi pa rin pala kami tapos sa usapang ito. Ginagalang ko si Mama Bea pero hindi ko siya mapagbigyan dito.

“Please, Ma. Alam niyo na po ang sagot ko sa tanong niyo.”

“No, I won’t accept the same answer.” Pinal niyang sabi.

“Use the money, Ma. Idagdag mo sa investment. Para may marating naman ang pinaghirapan namin noon. You can save the money—”

“And then what? Hindi ko naman iyon madadala sa hukay, Therese.”

“Ma!” Agad kong suway sa narinig. Tumawa siya kahit na medyo nairita ako sa narating ng mga sinasabi niya.

“You need to see my point. Wala akong mapapala sa pera na 'yon. I have my own. And you, you still have a long way to go. You would have your own life in the future. Maybe a new family of your own. Use the money for a good start.”

Hindi ko magawang kontrahin ang mga sinasabi ni Mama Bea. Yes, she did have a point. Isa pang buntong hininga at kaunti na lang ay mapapapayag na niya ako.

“I will invest the money, only if you allow me to use your name as the investor.”

Lumaki ang mga mata ko. “Ma…”

“Come on, Therese. Alam mong hindi mo na ako matatanggihan.” Aniya. At tama siya.

“Alright, Mama Bea.” Hinga ko.

Narinig ko ang impit na tili niya at napatawa ako niyon.

“Then you should come with me! I’ll be there in Manila next week. May conference ang mga investors and my friend told me it’s a requirement to come. Para malaman rin kung saan mapupunta ang pera natin.”

Hindi ko napigilan ang pagtayo at malawak na ngiti. “Pupunta kayo rito, Ma?” This is a chance! Masasabi ko nang harap-harapan sa kanya ang tungkol sa bago kong relasyon kay Terrence.

“Yes, anak. Come with me, okay?”

Gaya nga ng sabi ni Mama Bea, hindi ako makakatanggi sa kanya. At ayoko ring gawin iyon lalo na at may sasabihin ako sa kanyang importante at inaasahan ko ang positibong reaksyon niya para doon. This is the least I could do for her.

Nang matapos ang tawag ay segundo lang ang lumipas at nag-ring na ulit ang cellphone ko. Ang akala ko ay si Mama Bea ito na may nakalimutan sabihin ngunit nang tingnan ko ang pangalang nakarehistro ay naghurumentado agad ang dibdib ko.

Umiling ako sa sariling reaksyon at sinagot ang tawag ni Terrence. “Hello?”

“Hi, love.” Aniya sa magaang na tono. Tahimik ang paligid niya. Gabi na. Wala ba siya sa bar?

“Nasaan ka?” Tanong ko bago umupo sa kama.

“I’m here inside my room. Katatapos lang namin mag-dinner nila Mama.” Utas niya at narinig ko ang paggalaw niya. Marahil nag-iiba siya ng pwesto sa pag-upo o paghiga.

“Diyan ka ba nakatira?” Nahihiya kong tanong dahil isang bagay itong hindi ko pa alam tungkol sa kanya.

“Uh-huh. But I have a condo outside the city. Malayo lang sa kompanya kaya rito muna ako umuuwi.” Paos ang boses niya at mas lalo niyong pinabilis ang pintig ng puso ko.

Nanghihina akong sumandal sa headboard ng aking kama.

“I miss you…” Utas niya at tumindig ang mga balahibo ko.

Pinaglaruan ko ang labi ko at inabot ko ang unan pero isiksik iyon sa gitna ng dibdib at tuhod ko. “Kakakita lang natin sa isa’t isa kagabi, Terrence.” Napigilan ko ang pagkautal.

“Yeah. I miss you.” Ulit lang niya na hindi ata ako narinig.

Natawa na lang ako at naririnig ko naman ang mga ngisi niya.

“I want to sleep beside you again, Therese. Sana nandito ka ngayon sa tabi ko. I want to cuddle and kiss you.”

Bugbog na ang labi ko. Pumikit ako at uminit ang pakiramdam ko. Nang hindi ako sumagot ay narinig ko ang malalim niyang hininga. Parang hirap na hirap siya at may kung ano pa akong naririnig sa kabilang linya.

“Natahimik ka na?” Tumatawa siya at agad ang pagdilat ko. “Are you still there?”

“Mm-hmm.” Wala na. Wala na ang mga natutunan kong salita. Dahil wala na akong masabi bukod sa kumakawalang tunog ng aking paghinga.

“I’d be able to cuddle and kiss you tomorrow. Alam mo ba 'yon?” Tanong niya.

Napakurap ako, naguguluhan sa kanyang sinasabi. “Anong ibig mong sabihin?”

“You’ll be meeting my family tomorrow evening.”

Huminto ako sa paghinga. Pero imposibleng bumibilis rin ang tibok sa dibdib ko. Nahigpitan ko ang kapit ko sa unan dahil sa nerbyos.

“Bukas na agad?” Umalon ang boses ko. Ang bilis naman mangyari nang plinanong dinner kasama ang pamilya ni Terrence!

“Yes. Makikilala mo na silang lahat bukas. Well, kilala mo na sila. Si Kuya na lang ang hindi pa.” Tumawa siya. “Kilala mo na rin pala si Kuya but he doesn’t know you yet. So yeah, bukas makikilala mo siya ng lubusan.” Isa pang tawa at ngumiwi na ako sa kanya.

“And you’ll be seeing my bedroom tomorrow. We’ll be on it and…” Humugot siya ng malalim na hininga. “God, what am I thinking? Basta, susunduin kita bukas. Ipapaalam kita sa tatay mo na sa akin ka matutulog.”

Sa kanya ako matutulog? Paano 'yon? Pinilig ko ang ulo ko sa kung anu-anong naiisip ko. Hindi pa ako nakakasagot ay nagsalita ulit siya.

“Yeah! That’s all, I love you!” Mabilis niyang sabi at namatay ang linya.

Tumunganga na lang ako. Pinunasan ko ang pawis na namuo sa leeg ko at tumayo para itapat ng maigi ang electric fan sa katawan ko.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

2.4K 1K 51
Aiyanna Emily Suarez is a well known defiant and a cold hearted volleyball player. Anak siya ng mga mayayamang Suarez na nag mamay ari at kasalukuya...
2.6K 240 21
[COMPLETED] This story is simply about two characters who created a presumption to people falling in love. Seirra Veradona and Zanth Monzimvino are k...
1.6K 679 22
Marionelia Shian Denieste is a morally upright girl hailing from Manila, who pursued a career as a high school teacher on the island of Belleza Maria...
174K 2.4K 65
Coleen Andrea Salazar knew that spending the night with that stranger was a mistake. It was a stupid move to get drunk and even more stupid to give i...