Shot Through the Lights

By artysant

255K 13.1K 4.7K

[Politico 2] For Alunsina, life is a one-time shot. It's a one-time risk and a one-time drown into the open... More

Shot Through the Lights
Taft Avenue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Cosmos
Last Note
Special Chapter

Kabanata 26

3K 192 10
By artysant

Slip

Nanghihina kong binukas ang aking mga mata. Purong puti ang nakapalibot sa akin habang ginagala ko ang aking paningin sa buong kwarto.

It was all white. Not until my eyes landed on a very familiar figure holding my hand tightly as his head laid against the white sheets of this bed I'm in.

Napatingin naman ako sa isa ko pang kamay nang maramdaman ang wire na nakakabit dito. And that's when it all made sense to me.

I'm in a hospital.

Sinubukan kong umupo. Ngunit nahilo ako kaya agad lang din akong bumalik sa kakahiga. Sa paggalaw ko, naalimpungatan 'ata si Sergio at alertong nagising.

"You're awake. Do you want anything?"

My throat is dry as hell. Sumenyas na lang ako sa kanya para abutan niya ako ng tubig na nasa mesa. Mabilis niyang kinuha 'yon at inalalayan ako sa pag-inom.

"Y-You brought me here?" I asked weakly.

Tumango siya.

"You were burning up. I had to rush to the hospital right away."

Matapos 'yon ay malakas siyang napabuntong-hininga.

"Bakit wala kang sinasabi sa akin, Alunsina?"

I looked away at that. I was guilty. But I only did that because it's what I think is best at the moment. 'Yon nga lang, hindi ko man lang inisip siya sa bawat desisyon ko.

"I-I didn't wanna bother you."

He inched closer to me and held my chin between his fingers, making me return my gaze to him.

"Kahit kailan, hindi ka sagabal sa akin," his eyes were soft. "'Di ba sabi ko sa 'yo noon, you can always come to me if you need anything? Pera lang naman 'yon sa akin, Alunsina. You are more than anything else to me."

But I don't wanna be a burden. Ayoko ng ganoon. I wasn't meant to be dependent. I raised myself to be the independent woman that I am and I wanted to be that. It isn't entirely out of not wanting to be pitied. It's just... what I am.

"I want to work hard on my own, Sergio. Gusto kong sabihin. Pero alam kong magbibigay ka. At ayoko no'n. Nag-iipon ka rin," mariin kong saad.

He clenched his jaw.

"if that means neglecting yourself for my priorities, na pwede ko namang kitain ulit, then no. Hindi ako mag-aalinlangang ibigay 'yon sa 'yo. Hindi naman 'yon luho. It's about life. Your sister's life. And now, yours as well."

Muli akong umiwas ng tingin.

"Maayos naman na si Evelyn. Naka-confine pa nga lang sa ospital pero maayos na siya. I-I just have to work a little bit more and—"

"You're not working," matigas niyang sabi.

Bigo ko siyang tinignan sa mga mata. His gaze was hard on me. Ito 'ata ang pinakaunang pagkakataong ayaw niyang makinig sa akin.

To be fair, pagod na talaga ako. And as shameful as it is, I realized I really needed his help now. Kung nagtatrabaho lang sana ako ngayon nang matino at hindi pa raket-raket lang, hindi sana ako hihingi ng tulong galing sa kahit sino.

"Hindi ka magtatrabaho, Wave. You will rest. I'll take care of the bills. Wala kang ibang gagawin."

I gave up and did not pursue an argument. Mukhang wala siya sa mood para makipagtalo sa akin. Sa kabila noon, inalagaan niya pa rin ako at hindi iniwan hanggang sa ma-discharge. Kulang na lang ay roon na siya sa pad ko tumira buhat ng pag-aalala niya sa akin.

Dalawang linggo akong hindi nakapasok. Viel came to visit with Nikki. Nagdala sila ng kung anu-ano at nakipagkwentuhan na rin sa akin.

"I actually have to say something important," lumunok si Viel.

Kaming dalawa na lang ang narito dahil nauna nang umuwi si Nikki.

I raised my brows.

"Ano 'yon?"

She looked down, visibly thinking. Matapos ang ilang saglit ay muli siyang nag-angat ng tingin sa akin.

"Ma'am Zai wants to talk to you. Narinig ko lang kasi kanina. Pinag-uusapan nila ng mga officer."

Binalot ako ng kaba dahil doon. It must be important. I know I have slacked off these past few weeks. Or maybe even a month. Pero nagawa ko lang naman 'yon dahil kailangan kong magtrabaho para sa kapatid ko. At sinabi ko namang babawi ako.

I clenched my teeth hard as I thought of multiple worst case scenarios in my head.

"Ano pa ba ang ibang sabi?"

"Wala na, e. I just happened to hear them one time. Sinasabi ko lang 'to sa 'yo ngayon because I feel like I had to."

Malumanay ang mga mata ni Viel sa akin. And I know, at that exact moment, we shared the same thought.

Nanganganib ang posisyon ko sa Elites. Pati na rin ang scholarship ko. And all the other dreams I have.

Hindi ako mapakali sa mga sumunod na araw. Ilang ulit ko nang sinubukang kausapin si Sergio na nais kong pumunta ng paaralan. But he never let me.

And now that I can finally go, halos lumuwa ang puso ko sa kaba. I can't lose my scholarship. Kung kailangan kong sumayaw nang sumayaw para lang mapanatili ang lugar ko rito, gagawin ko. Just... please not my scholarship.

Pinaghirapan ko 'to. I danced for hours to perfect my audition piece. Nagsikap akong mapansin ng moderators para makuha sa scholarship program. I can't lose this. Huling taon ko na 'to sa kolehiyo. Hindi pwede.

"I'm so sorry, Wave. But you're out. The officers want you out. Maraming gustong makapasok sa scholarship program ng Elites. Not everyone of you here are scholars. Only chosen ones are. And it's unfair for those who are working hard when you slacked off and your grades dropped."

And there goes my dreams.

"Member ka pa rin naman ng Elites. But I don't think there's a way to get the scholarship back. Moderators have taken note of your performance. And... even though you are the pride of this school, we can't tolerate your behavior anymore."

Malungkot ang mga mata ni Ma'am Zai. She was the one who pushed me right from the start. Siya ang nagsilbing gabay ko para magawa nang maayos ang lahat.

Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko. I felt hollow, sad, angry, and scared all at the same time. There are too many emotions that I do not know which is which.

In one snap, the dreams I built crushed.

"The school will not kick you out, no," iling ni Ma'am Zai. "You're put on academic probation. And you may have to enroll for summer classes to get your degree."

Halos maiyak na ako sa harapan niya rito ngayon din. Nawalan na nga ako ng scholarship, naka-academic probation pa at kailangan pang mag-enroll sa summer class.

Wala naman sanang kaso 'yon kung mapera ako. I can repeat how many times I want. Pwede akong tumigil kung kailan ko gusto. I can choose whatever path I prefer. Kasi walang mawawala sa kain.

Pero wala ako niyan, e. I wasn't privileged enough for that life. And to have my scholarship lost right in front of me, is a nightmare I can never wake up from.

Nag-aalalang sumalubong sa akin si Viel pagkalabas ko sa opisina ni Ma'am Zai.

"A-Ano raw ang sabi?"

I managed a small smile.

"Wala na akong scholarship."

I didn't have the heart to go to my classes that day. Tumambay lang ako buong maghapon sa field at tinitigan ang mga puno. Pati na rin ang naglalakihang building nitong school para makapag-isip-isip.

Wala na akong magagawa ngayon. If I choose to work hard again and handle multiple jobs, it won't solve a thing. Baka sa ospital na naman ako bagsak. At maaari pang paglamayan sa susunod na araw.

Knowing my academic status, I can't even dream of applying for student assistance. Wala nang ibang paraan.

This was what I hated the most about my life. Wala kang mapagpipilian. It's either you fight or you quit. Pause isn't even an option. Nagsasayang ka lang ng oras. You have to make the most out of everything before they slip from your touch one by one.

And if they do, you let them. You don't simply exhaust yourself trying to have something you can only dream of.

Tumayo ako at agad na nagfile for withdrawal. Pwede naman siguro akong bumalik kapag maayos na. Ilalagay ko na lang sa Kanya ang pag-asang 'yon.

"You did what?"

Tipid lang akong ngumiti kina Viel at Nikki. I'll miss these two. Hindi naman ako matagal na mawawala. Pero kung makakabalik man ako, alam kong hindi na sila ang mga ka-batch kong magtatapos.

Plano ko kasing bumalik na lang ng Basco. Hindi ko pa nasasabi kay Sergio. Mamaya na 'pag nagkita kami.

I chose to tell them first. After all, they were the people I trusted aside from Sergio and my family. Sila rin ang naging una kong kaibigan dito, kahit na hindi maganda ang simula ng pagkakaibigang 'yon.

I guess it isn't about how you begin. It's how things go and how they end.

"Are you sure about this?" nag-aalalang tanong ni Nikki.

Huminga ako nang malalim bago sumagot.

"I am. Wala na rin naman akong mapagpipilian. Hindi maganda ang academic standing ko. Walang magbibigay ng scholarship sa akin. Kaya... pansamantala muna akong titigil."

"You can apply sa company namin! Sasabihin ko kay Daddy—"

"Don't do that, please. Ayoko nang ganoon," iling ko sa kanya. "When I decided to live my life with integrity, I meant it. I'm fine, Viel. I will be."

Kailangan ko na ring umuwi para matutukan nang maayos ang gastusin sa bahay ngayong may sakit si Evelyn. Kaka-discharge lang nila noong isang araw. Nagkautang si Nanay sa mga kakilala niya roon. Kailangang bayaran agad-agad para hindi kami malubog sa interes ng utang.

"Why did you bring me here?"

Gamit ang kakarampot kong pera, sinikap kong dalhin si Sergio sa isang bistro na may magandang tanawin sa buong Maynila. Nasa matayog ito na lugar kaya kitang-kita ang siyudad.

"I'm quitting school. Pansamantala. Tinanggal ako sa scholarship kanina," mahina kong sabi.

Tanaw ko ang malayang mga ilaw na nagsisipag-unahan sa pagbukas. I'll miss it here. Hindi man naging madali ang buhay ko rito, maraming nangyari na habang-buhay kong isasapuso.

Agad na hinawakan ni Sergio ang kamay ko.

"Why didn't you tell me sooner?"

"I wanted to think first. Kung ano ba ang dapat kong gawin," I shrugged. "And I ended up choosing to quit. Nasa academic probation ako. At kinailangan ko pang mag-summer para makompleto ang degree ko."

'I can pay—"

"'Yan ka na naman."

Binalik ko ang mga mata sa tanawin.

"Siguro hindi pa para sa akin 'to ngayon. Pwedeng-pwede naman akong bumalik. Sa tamang panahon."

Hindi na siya nagsalita tungkol doon. He knew that my decision is final and that nothing can change it.

"Whatever it is, I'll support you. I'm always here. At naniniwala akong makakabalik ka. Maniwala ka rin sa sarili mo," he smiled.

That's just what I needed right now.

"Did you tell your parents about it?" marahang tanong niya.

I stiffened when he mentioned that.

Hindi ko pa nasasabi kina Nanay. At sa totoo lang, hindi ko alam kung paano nga ba ihatid sa kanila ang balita. Lalong lalo na kay Tatay. Baka sampalin na naman ako. O 'di kaya'y bugbog na ang aabutin ko.

He was never supportive of me. Kaya lang naman siya nasiyahang nag-Maynila ako dahil iskolar. Ginusto niyang makapagtapos ako para lang may tagatulong sa gastos sa bahay.

At ngayong nawalan na ako ng pag-asa para makapagtrabaho nang matino, ewan na lang kung saan niya ako pupulutin ngayon.

"Hindi pa. But I will tell them when I arrive home."

I decided not to tell them over the phone. They deserve to know everything in person. It will be messy, I'm sure. Sigurado akong hindi 'yon tatanggapin ni Tatay. Lalo pa't nalaman na niya ang tungkol sa amin ni Sergio at sariwa pa ang ginawa niyang pananakit sa akin.

"I'll follow you. Just give me a week to finalize things here."

Tumango na lang ako sa kanya. I already told him he doesn't have to follow me home. But he insisted. Gusto niyang pormal na ipakilala ako sa pamilya niya at ganoon din ang gagawin ko. Kahit mahihirapan ako.

It was a sunny day in San Antonio. Umulan kagabi kaya na-delay ng ilang oras ang flight ko. Ngunit napawi ang lahat ng bakas ng ulan dahil sa mainit na panahon.

It's warm, and yet, my heart felt cold. It somehow felt strange. Sa mga nakaraang pag-uwi ko rito, bumabalik naman ako ng Maynila matapos ang dalawang buwan. Ngunit ngayon, tuluyan na akong mananatili.

Abot-abot din ang kabang nararamdaman ko. Kung palalayasin ako ulit ni Tatay, wala na akong mapupuntahan.

Tinitigan ko lang ang kahoy naming tarangkahan, nagdadalawang-isip kung papasok ba o hindi. Ngunit matapos ang ilang minuto, sinalubong ako ng gulat na si Alex.

"Te? 'Nong ginagawa mo rito? 'Di ba pasukan niyo ngayon?"

I smiled weakly at her. Doon pa lang ay sigurado na akong kakayod ako nang todo para mabigyan siya ng maayos na kinabukasan. 'Di bale nang mahuli yung pangarap ko.

"S-Si Nanay? Nandiyan ba si Tatay?" tanong ko.

Sumenyas siya sa loob.

"Wala si Tatay. Nasa Batangas. Bukas pa uuwi."

Tumango naman ako at nagpatulong sa mga dala-dala ko. Nakahinga ako nang maluwag kahit papaano.

"Ang dami mong dala, a? Uuwi ka na ba rito?"

"Oo."

Bitbit ang pinakalamalaki kong maleta ay pumasok na ako. It's now or never.

"Wave! Anak!"

Halata ang gulat sa mga mata ni Nanay. I helplessly looked at her, not knowing where to begin and how to tell her what happened.

Kumibot ang labi ko, nangangapa ng mga salita.

"Ano'ng ginagawa mo rito? May nangyari ba, anak?" lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi.

Lumunok ako. At napayuko.

"N-Natanggal po ang scholarship ko."

My sobs gave me away. The disappointment I have always felt deep within me rose. Pangarap ko 'yon, e. Konting-konti na lang. Isang dangkal na lang ang layo. Nawala pa sa mga kamay ko dahil naging pabaya ako.

"Nasa academic probation din po ako. A-At required pa mag-summer para balikan y-yung ibang subject. K-Kaya tumigil na lang po ako," umiiyak kong saad.

Mabilis akong niyakap ni Nanay at paulit-ulit niyang sinambit na ayos lang. Na maaari pa akong magpatuloy.

But when she repeatedly apologized, that was when I knew that a part of me broke apart.

She was saying sorry for all the things she couldn't do. And for the mother she couldn't be. Sinisisi niya nag sarili niya kung bakit ako umabot sa ganito.

"Ang tayog-tayog ng pangarap mo anak, pero sinira ko lang. Pasensya na, anak," pumiyok ang kanyang boses.

Umiling-iling ako.

"Hindi 'yan totoo, Nay. Hindi lang naman pera ang makakapagpatunay ng pagmamahal, hindi ba? Hindi lahat nadadaan sa luho, Nay. At kahit pa ilang beses ulitin 'tong buhay na 'to, ikaw pa rin ang pipiliin kong maging ina."

Nakatayo si Alex sa gilid namin, nakikinig at unti-unting naglalandas ang butil ng luha sa kanyang pisngi. I hated every second of it.

Parang bumabalik sa dati. Parang mauulit na naman ang ganitong buhay para sa kapatid ko. At ayoko 'yon.

Gagawin ko ang lahat 'wag lang nilang maranasan ang naranasan ko.

Matapos 'yon ay ipinagluto ako ni Nanay. Kinamusta ko rin ang kalagayan ni Evelyn na ngayon ay balik na sa pagiging masiyahin niya.

Did I regret setting aside everything? No. And if given the chance, I'd do it all over again.

"Dito ka na po titira?" tanong ni Lyn.

I patted her head.

"Oo. Tapos na ako sa Maynila," marahan kong sabi. "Nandito na si Ate para alagaan kayo."

Pumasok si Alex sa kwarto na may dalang sabaw para kay Lyn. Nag-angat siya ng kilay sa akin, nagtataray na naman.

"Bait mo ngayon, ah? May nakain kang 'di maganda?"

"Hindi. May nakita akong kasuklam-suklam ang pagmumukha. Nasa harap ko," sarkastikong pahayag ko habang nakaharap sa kanya.

Nauwi sa bangayan 'yon.

Kahit hindi pa tuluyang gumanda ang pakiramdam ko, nakakausad na ako unti-unti. Ganoon naman kasi dapat. Madadapa ka, ngunit sa huli'y kailangan mong bumangon at lumaban.

Nagpasya akong pumunta sa Abad. Bukas pa ang uwi ni Sergio rito sa San Antonio. Tuluyan na niyang iniwan ang trabaho niya roon noong sinabi kong aalis ako ng Maynila. Hindi ko na rin siya napigilan sa sariling desisyon. He told me he wasn't really happy with that work. At napilitan lang dahil sa sahod.

Of course, who wouldn't give everything to have him as an employee? He's an academic achiever and a great student leader. Mabait pa. Sobrang bait. At gwapo.

Napailing ako sa naisip at nangingiti. Nababaliw na naman ako.

Meanwhile, the political situation here in Batanes worsened. May isang witness daw na lumitaw laban kay Gov. Pinalala pa ng mga istasyon ng radyo na kilalang mga kritiko niya.

"Ay, naku. Hindi pa rin ako naniniwala. Sapat na basehan na ba 'yon? Hoy! Pwedeng magsinungaling ang witness!" si Aling Tisay.

"Ano raw po ba'ng sabi?" usisa ni Nanay.

"Naroon daw siya at nakita niya sa isang maliit na butas sa kwarto ang ginawa ni Gov. Sus. Hindi naman masabi kung ano ang eksaktong oras at lokasyon. 'Kwarto' at 'gabi' lang ang pinagmamalaki. Sus."

Lumapit ang isang kaibigan ni Nanay sa kanila. Nanatili lang ako sa likuran at nakikinig. Ayoko namang magmukhang sobrang chismosa. Konti lang.

"Duda ko pinupolitika na naman nila 'yan, e. Ang laki kaya ng talo ni Guzman sa eleksyon noong nakaraan. Bigyan ba naman ng isang libo kada-tao para bumoto. Sino'ng 'di malulugi niyan?"

"Oo! Kaya bumabawi 'yon ngayon. Alam niya kasing wala siyang kalaban-laban kay Gov. Daming nagawa ni Gov sa termino niya, e. Kaya pinapabagsak."

I worried for them. Hindi biro ang lagim ng politika. Maraming namamatay at nasisira dahil lang dito. At ayokong umabot sa punto na mangyari 'yon sa kanila.

I can't immediately judge. I didn't know the truth. Hindi ko kilala ang biktima at si Gov. Nagtatanong paminsan-minsan si Nanay kung may sinasabi ba si Sergio sa akin. Ang tanging pinaalam ko lang sa kanya ay hindi 'yon totoo.

But do we instantly believe the words from someone's lips?

As much as I wanted to fully believe Sergio, mabigat ang akusasyong pinapataw ng mga tao at ng biktima sa ama niya. Panggagahasa. And I don't wanna invalidate anyone's suffering just because someone told me it isn't true. That goes both ways. Hindi ko rin maaaring husgahan si Gov dahil lang sa sinabi ng ibang taong wala namang sapat na pruweba.

Gulong-gulo ako. Sabayan pa ng paminsan-minsang kaba kapag naaalala kong hindi ko pa nasabihan si Tatay na wala na akong scholarship.

Takot na ako sa kanya ngayon. Not a minute goes by that I don't think of the consequences. For sure, he'd blame it on me for having a boyfriend. Baka saktan niya na naman ako.

Pigilan ko man, naiisip ko nang hindi ako minahal ng tatay ko. Dahil sa pagkakaalam ko, wala namang mabuting ama ang nananakit sa anak nila nang ganoon. Hindi 'yon matatawag na pagdidisiplina.

Napabuntong-hininga ako at winaksi na lamang 'yon sa isipan ko at nagpatuloy sa pag-aayos ng bakuran. Ngunit mayamaya'y tinawag ako ni Alex at nginuso ang direksyon ng tarangkahan namin.

I looked up curiously. And I saw my Sergio.

Ginawaran niya ako ng matipid na ngiti. Malayo pa man ay kita ko na ang ningning ng mga mata niyang nakatutok sa akin.

Pinigilan ko ang sariling tumakbo sa kanya at hagkan siya. Nanonood si Alex. May pagka-chismosa pa naman 'yan.

"Hey," kinakabahan kong bati.

"Hey."

"How's your flight?"

"Tiring."

That showed on his face, though. Magulo nang kaonti ang kanyang buhok at nakabukas ang dalawang butones ng suot na polo. He looked tired. And hot.

Naglahad siya ng kamay sa akin. Tinanggap ko 'yon nang walang pag-aalinlanagan.

We walked up to Naidi Hills. This seemed to be our favorite spot every time we're in Basco.

Tahimik kaming naglakad papunta roon. Walang nagsasalita sa amin. I cherished the silence, though. But I don't think it's the same case for him. I sometimes feel his tensed hands.

"Love?"

Tinitigan ko siya at nakitang seryoso ang kanyang ekspresyon.

"Sergio?" I called again.

Tila nagising siya mula sa iniisip at bumaling sa akin.

"Yes, love?"

Nakarating kami sa tuktok ng burol katabi nitong lighthouse. Naupo ako sa damuhan at hinintay siya bago magsalita.

"Is there something bothering you? Kauuwi mo lang."

"It's my family," aniya.

Natahimik ako dahil doon. Hinawakan niya ang kamay ko at paulit-ulit itong hinalikan. His kisses tickled my palm. I laughed lightly as my heart leaped with joy.

"Stop it!"

Ngumiti lang siya at muling ginawaran 'yon ng panghuling halik. Saka siya tumigil. At unti-unting bumalik ang madilim na ekspresyon sa kanyang mukha.

He didn't let go of my hand. Instead, his hold tightens minute by minute. Paminsan-minsan din siyang nagpapakawala ng malalim na hininga.

His hands were warm. But its warmth isn't enough to shield me from the cold as he dropped the next words.

"Nakauwi na si Mama. And she'll be staying here."

Continue Reading

You'll Also Like

2M 49.9K 164
Frankie (Epistolary with narration)
133K 3.3K 80
G3 series #1 - an epistolary 𝐜𝐨𝐦𝐩𝐥𝐞𝐭𝐞𝐝 don't sleep on me, little girl.
609K 14.3K 123
an epistolary. Admiring her crush, which happened to be her cousin's friend, Savina Dione Morales got tired of remaining unnoticed for years. Sa hul...
163K 3.7K 62
You Series #1 - An Epistolary.