Love In The Clouds | ✔

By Lady_Mrg

4.6K 297 20

[ TFL SERIES #5 ] •°• A story of two people loving at no age limit. For them, love is love even their age was... More

DISCLAIMER | 18+
PROLOUGE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
AUTHOR'S NOTE

EPILOUGE

150 10 3
By Lady_Mrg

"Oh Carley bumaba ka riyan! Cairo malalaglag ka! Cymon anak sabi ko namang bantayan mo ang mga kapatid mo!" Sigaw ko pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng bahay.


"Mama! Gutom na po ako!" Sigaw ni Carley sabay talon at nagtatakbo palapit sa akin.


"Mama, alam mo po ba, si Cairo sinakal na naman 'yung chicken na inaalagaan ko! He killed my chick again!" Sumbong ng panganay ko at namamartsang lumapit at yumakap sa binti ko.

"No! I didn't kill your chick! Tinuka nya ako! I'm the victim here Mama!" Singhal ni Cairo.


"I saw Kuya Cymon ate Kuya Cairo's fried chicken." Bulong nitong bunso ko na buhat-buhat ko.


"Hays, kayo talagang magkakapatid. Hindi na kayo nagkasundo-sundo." Ibinaba ko na si Carley at isa-isa ko namang pinunasan ang pawis nilang tatlo.


"Nandito ka na pala! Salamat naman! Jusko, malapit na akong magbigti dahil sa kakulitan ng triplets mo!" Agad na reklamo ng pinsan ko na baby sitter nila, si Jillian. "Oo nga pala, may isang manok na naman akong nilibing dahil sinakal ng magaling mong anak. Gusto daw nya ng fried chicken kaya sinikap nyang huliin ang sisiw ng Kuya Cymon nya, ayan, napatay nya eh hindi ko naman pwedeng iluto dahil maliit pa."


Napalingon ako kay Cairo na mukhang guilty at hindi makatingin ng diretso sa akin.


"Totoo ba 'yon anak?" Mahinahong tanong ko para hindi sya matakot.


"But I didn't mean it Mama. Kuya ate my fried chicken so I get mad, I want another fried chicken but we run put of chickens so I tried to steal one of Kuya's pet but I killed the chicken accidentally. Believe me Mama, I didn't mean it..." Maluha-luhang paliwanag nya.


Ito naman palang panganay ko ang may kasalanan eh.


"Osya, magsorry ka na lang sa Kuya mo for accidentally killing his chicken. Ikaw din Cymon, magsorry ka sa kapatid mo dahil kinain mo ang fried chicken nya." pareho kong hinawi ang buhok nila. "And you baby girl, huwag ka na ulit aakyat doon ah, baka malaglag mo ang ashes ni Ate Ayah at Papa mo." Marahan kong pinisil ang pisngi nya.


"Sorry Kuya. Ikaw kasi you ate my chicken, pwede naman tayo share eh kaso inubos mo." Natawa ako bigla sa sinabi ni Cairo.


"Sorry din, hindi ko naman alam na sa'yo 'yon eh. Please don't choke my chickens again, promise?" Sagot ni Cymon na ikinangiti ko.


"Promise!" Pagkatapos noon ay pinagshake hands ko sila. Mabuti na lang talaga at madali silang magkasundo.


"Mama, can I sleep with you?" Paglalambing ni Carley.


"Of course anak, you can sleep with Mama." Ngumiti ako. Sumingit naman bigla ang dalawa kong anak na lalaki.


"Me too!" Sigaw ni Cairo.


"Of course me too!" Sigaw ni Cymon.


"Oo na, mabuti pa kumain na tayo para makapag-shower na kayo at makatulog na, okay?" Sabay-sabay silang tumango at nagkanya-kanya nang akyat sa mga upuan nila.


Ako naman ay ibinaba na lang ang bag ko sa may couch at pinaghanda na sila ng pagkain, nagpaalam na si Jillian na uuwi na sya dahil 6AM to 6PM lang naman sya magbabantay sa triplets ko. Magbubukas ako ng shop 5 ng umaga at uuwi ako ay 5 ng hapon, nakakarating ako sa bahay ng 5:30 kung walang traffic pero kapag meron ay minsan alas sais na akong nakakauwi.


"Mama, we have a family program sa school po. Pupunta ka po ba?" Panimula ni Cymon. Oo nga pala, may pa-program na ganon ang mga grade two.


"Of course pupunta ako! Pwede ba namang mawala si Mama?" Nakangiting sagot ko. Sabay-sabay naman silang ngumiti. Siguradong pagod ako nito pagkatapos dahil tatlo silang sasamahan ko, iisa lang naman ang school nila at si Ate Camille ang teacher nila.


Pagkatapos namin kumain ay sila na ang nagpatong-patong at naglagay ng mga pinggan nila sa lababo. Mabuti nang habang bata sila ay turuan ko na para hindi sila mahirapan paglaki nila.


Pagkatapos kong maghugas ng mga pinggan isa isa ko silang pinaliguan at binihisan, matapos ako naman ang naligo at hinanda ko na ang higaan namin.


"Huwag malikot sa pagtulog ah, baka mahulog ka dyan Cymon nang hindi ko namamalayan." Mahigpit na bilin ko dahil doon sya sa kabilang dulo ng kama natutulog. Medyo kampante naman ako dahil hindi naman malikot matulog ang panganay ko, palaging si Cairo ang nakikita kong gumugulong kapag sumisilip ako sa kwarto nilang tatlo.


Mabilis na nakatulog ang bunso kong si Carley, siguro ay napagod 'to kakalaro buong araw. Halos pumipikit na rin ang mga mata ko pero kailangan ko pang hintayin na matulog si Cairo dahil sya na lang ang tanging gising.


Matapos ang kalahating oras ay nakatulog na rin sya pero nang nakatulog sya ay hindi naman na ako makatulog kaya bumaba na lang ako at kumuha ng maiinom.


Nadaanan ko ang malaking litrato ng Asawa ko katabi ang baby picture ni Ayah at ang isa pang picture ay magkasama silang dalawa. Maliit na nguti ang gumuhit sa mga labi ko at hinaplos ang larawan na magkasama silang dalawa.


"Miss ko na kayo..." Bumuntong hininga ako at napalunok nang mamuo ang mga luha ko. "Nakikita mo ba Hubby 'yung triplets mo?" Mahina akong tumawa. "Si Cymon ang hilig mag-alaga ng mga sisiw pero kapag lumaki na 'yung manok, ayaw na nya." Pagsisimula kong magkwento. "Si Cairo naman mukhang nagmana sa pagiging mahilig mo sa fried chicken. At si Carley, ang bunso natin, sobrang hinhin nya, kabaliktaran ata ng baby Ayah natin na makulit."


Bumaba ako para kumuha ng maiinom pero ito na naman ako, kinakausap ang abo ng mag-ama ko.


"Ayah anak, miss na miss ka na ni Mama..." Nanginginig ang boses ko nang banggitin ko ang katagang iyon. Noon ay sobra akong nangungulila sa mag-ama ko ngunit nang magtagumpay ang sperm implantation sa akin at dumating ang triplets ko, nabawasan ang sakit na dinadala ko.


Itinakda siguro ng Diyos na bigyan ako ng tatlong makukulit na supling para maging abala ako at mabawasan ang pangungulila ko. Hindi ko naman masasabi na tuluyan na akong naka-move on dahil nandito pa rin ang sakit na dala nang pagkawala ng mag-ama ko.


Hirap na hirap akong ipagbuntis ang triplets ko dahil triple ang sakit at ang hirap. May mga araw na halos hindi na ako tumayo mula sa higaan dahil sobrang sakit ng balakang ko. May mga araw na aliw na aliw ako habang pinapanood at pinapakiramdaman ang pagsipa nila sa tiyan ko.


Sinubukan ko ang normal delivery pero hindi ko pala kaya, cesarian ko ipinanganak ang triplets ko. Nag-iwan man ng marka, ang mahalaga ay ligtas at malulusog sila.


Katuwang ko sa pag-aalaga si Mama Isha at Papa Cole kapag nandoon kami sa kinalakihang bahay ng asawa ko at si Mama naman ang katuwang ko kapag nasa bahay kami. Si Kuya at Ate ang gumastos sa akin at sa triplets ko noong bagong panganak ako at hindi pa makakapagtrabaho.


Si Kuya Justin ang nage-effort na pumunta sa penthouse ni Cyrus kung saan kami nakatira para sa monthly check-up ng triplets ko. Mababawasan daw ang intindihin ko kaya sya na ang pumupunta sa bahay imbis na dalhin ko pa sa clinic nya ang mga bata.


Naging madali ang lahat sa tulong na rin ng mga taong nasa palagid ko at tinutulungan ako ng bukal sa puso. Sobra ang pasasalamat ko sa Diyos na kahit wala ang asawa ko ay patuloy niya akong binibigyan ng lakas para itaguyod ang mga anak ko. Patuloy niya akong binibigyan ng gabay sa tamang pagdedesisyon.


Kinabukasan, maaga akong nagising kahit anong oras na akong nakatulog, nakasanayan ko na rin siguro. Sabado kaya wala ang baby sitter nila, ako ang magbabantay sa kanila ngayon hanggang bukas. Sabado at linggo kami madalas na magkakasama dahil pahinga ko sa trabaho pero imbis na ipahinga ko ang dalawang araw na 'yon ay mas pipiliin kong makipag-bonding sa mga anak ko.


"Mama, I peed again po..." Biglang sumulpot si Carley na bagong gising at kinukusot kusot pa ang mga mata.


"I know anak. Maghuhugas lang si Mama ng kamay then magshower ka na." Kanina ko pa alam na umihi sya sa higaan dahil paggising ko ay basa ang damit ko at mapanghi kaya alam kong si Carley 'yon. Hindi naman si Cairo at Cymon dahil ginigising ako ng dalawang 'yon at magpapasama sa cr kapag naiihi.


"Mama, Kuya Cai will scold me again because I peed." Nakasimangot na sabi nya.


"No. Why would I scold my little sister?" Sumilip sa banyo si Cairo at bagong gising lang din. "That's your thing, ang you're still a baby. Even me when I was baby I always peed in bed." Tumatawang sabi ni Cairo na akala mo naman ay ilang taon ang tanda kay Carley eh ilang segundo lang naman ang tanda nya sa bunso nyang kapatid.


"Mag-toothbrush na kayo Cymon, Cairo." Sabay silang umoo at binalutan ko naman na ng twalya ang katawan ni Carley dahil tapos na syang maligo at bibihisan ko na lang.


"Mama, I dreamed of Ate Ayah! We're playing in my dreams." Napatigil ako sa sinabi ni Carley pero sandali lang ang tinagal at ngumiti rin ako.


"Of course, Ate Ayah will visit you, nag enjoy ka bang makipaglaro kay Ate?" Tanong ko habang masuyong sinusuklay ang buhok niya.


"Opo. She said I should tell my older brothers to take care of you and don't let anyone hurt Mama." Nakangiting sagot niya. Ako naman ay ngumiti lang at nang tumalikod ako sa kanila ay doon ko pinakawalaan ang mga luhang pinipigil ko.


Huwag kang mag-alala Ayah, anak. Okay lang si Mama.


Natapos ko na lahat ng dapat kong gawin sa umaga at oras na para ipasyal ko ang mga anak ko sa mga lola nila.


"Put on your seatbelts." Mahigpit na bilin ko at isa-isa ko pang sinigurado na tama ang pagkaka-kabit nila. Ayokong maulit ang nakaraan kaya todo ingat ako sa mga bagay lalo na kapag kasama ang mga anak ko.


"My name sounds like Papa's Name. I am Cymon Velliro Hudson and Papa is Isaiah Cyrus Hudson. It sounds the same, right? Cymon and Cyrus?" Nagmamalaking sabi ng panganay ko.


"Sana ako rin. Cairo Vasile is really far from Papa's Name but at least we have the same first letter of names, C." Sagot naman ni Cairo sa Kuya niya, at syempre ang bunso ko na hindi nagpahuli sa mga Kuya nya.


"My name is Viviana Carley Hudson, It's pretty, right Kuya?" Nakangiting tanong ni Carley na mukhang walang ideya na kinukumpara ng mga Kuya nya ang mga pangalan nila sa pangalan ng Papa nila.


"Of course it's pretty like you!" Sabay na sagot ng mga Kuya niya na ikinalapad ng ngiti ng bunso ko. Maging ako ay napangiti sa sagutan nila.


"I hope Dad is here so we can have a playmate when Mom isn't around." Rinig kong bulong ni Cairo.


"If Papa is here, Mama will not go to work because Papa will do that thing. Our classmate said that their Dad was the one working and their Mom is with them all day long." Sagot naman ni Cymon.


"Mama said Papa is in the clouds and watching us that's the reason why you should be a good brothers to me." May pagmamalaking sabi ni Carley na ikinatawa ng mga Kuya nya.


Taimtim lang akong nakikinig sa bawat usapan nila. Makita ko lang ang mga ngiti nila, pakiramdam ko ay nakikita ko ang Papa nila na pinapatawa sila. Kamukhang-kamukha ni Cymon at Cairo ang Papa nila, habang si Carley ay nahahawig sa Ate Ayah nila.


"I heard that Papa and Ate Ayah is happy and playing up in the clouds!" Masiglang pagkwento ni Cymon.


"That's fun!" Sabay na sigaw ni Cairo at Carley.


"Want a drive thru?" Sinilip ko sila sa rare-view mirror kaya't kita ko kung paano lumapad ang mga ngiti nila dahil sa sinabi ko.


"Fried Chicken and Ice cream with lots of gravy, Mama!" Sigaw ni Cymon.


"Me too! a lot of fried chickens with crispy skin!" Sigaw naman ni Cairo at nakipag-high five pa sa Kuya nya.


"Fried chicken and burger, Mama." Nakangiting sabi ni Carley.


"Okay, fried chicken is the winner." Natatawang sabi ko at dumaan kami sa drive thru. Inorder ko naman lahat ng sinabi nila at ngayon ay masayang-masaya ang tatlo at pinapapak ang dalawang bucket ng fried chicken na binili ko. Tig-iisang burger, float, at rice. Hindi rin mawawala ang gravy na favorite ni Cymon.


Madalas na ako ang gumawa ng gravy na favorite nya pero dahil nga nagiging busy ako minsan sa trabaho hindi ko sya nalulutuan pero bumabawi naman agad ako sa kanila kapag nagka-oras ako.


Binibigay ko lahat ng hilingin nila, mga bagay na hindi ko nagawa noong nabubuhay pa si Ayah.


Nang makarating kami sa bahay ng lolo't lola nila ay madudusing na sila dahil sa kinain, mabuti na lang talaga at hindi ako nawawalan ng extra nilang damit sa bag ko.


Nag-eenjoy ngayon ang tatlo kong anak habang nakikipaglaro sa lolo at lola nila habang ako ay nakaupo lamang sa single sofa, kaharap ang picture ni Cyrus. Natatandaan ko pa na ako ang nag-picture nito sa kanya noong unang araw na ipakilala nya ako sa mga magulang nya. Hindi ko naman akalain na pinaframe nila ng ganitong kalaki ang picture ni Cyrus. Talagang baby ang turing nila sa kaisa-isa nilang anak.


"Hubby, 'yung triplets mo nilalaro na ang mga laruan mo noong bata ka." Tumatawang sabi ko habang naka-upo lang at nakatitig sa malaking picture niya na nakasabit sa pader.


"Kahit ilang taon na ang lumipas, hindi ko pa rin makalimutan kung paano mo ako yakapin, kung paano mo ako halikan..."


Kahit ilang taon na ang lumipas mula noong huli kong nasilayan ang gwapo mong mukha, ditalyadong-ditalyado pa rin sa utak ko ang itsura mo. Ikaw ata ang kaisa-isang lalaki na bumihag sa'kin. Ang first love ko.


Alam kong nagtatago ka lang sa likod ng mga ulap. Huwag kang mag-alala dahil kung ikaw man ang araw na nagtatago sa likod ng mga ulap, ako naman ang magsisilbing buwan, at hihintayin ko ang araw na muli tayong paglalapitin ng tadhana.


I will wait for the day where the eclipse will happen and the sun and moon will collide to each other again. Ang panahon na muli tayong magkakasama.


The love that you gave will remain forever  in my heart. I missed your warmth, your kisses, your hugs and, I missed you, Hubby. I will wait until I can see your beautiful smile again. I will wait for our next eclipse, my love.


He is Isaiah Cyrus Hudson. The man who stole the Princess's heart. He is my Husband, my life, and my moon.


The End~

Continue Reading

You'll Also Like

50.9K 754 19
IN WHICH, Ivy Lynn Fieldman falls for her childhood bestfriend and twin sisters crush. "𝐢 𝐭𝐡𝐨𝐮𝐠𝐡𝐭 𝐭𝐡𝐚𝐭 𝐢 𝐰𝐚𝐬 𝐃𝐑𝐄𝐀𝐌𝐈𝐍𝐆 𝐰𝐡𝐞...
563K 11K 44
Nakipag one night stand sya sa taong hindi niya kakilala Pero hindi Gaya ng ibang love story na hahanapin siya Agad ng lalaki You know yung parang y...
239K 4K 53
My first story. I hope you like it. Thank you 😊
3.1K 200 29
"ONCE YOU ENTER IN MY LIFE, DON'T YOU DARE TO RUIN IT"-MAYSII Date started: July 29, 2020 Date finish: