Love In The Clouds | ✔

By Lady_Mrg

4.8K 298 20

[ TFL SERIES #5 ] •°• A story of two people loving at no age limit. For them, love is love even their age was... More

DISCLAIMER | 18+
PROLOUGE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
EPILOUGE
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 29

93 4 0
By Lady_Mrg

"Huy teka Val! Sabay na tayo." Sumabay sya sa akin sa paglalakad paakyat ng office ni Kuya Justin. Last day ko na ngayon, magpapaalam lang ako.



"Wag ka ngang dumikit!" Iritadong sabi ko.




"Sungit."



"Nung isang araw ka pa eh! Sisipain na kita, hindi pa kita hinaharap matapos mo 'kong ipakilalang girlfriend mo! Sa proposal pa ni Kuya Justin! Ashumero ka." Hinampas ko sya sa braso at binilisan ko ang lakad ko para mauna akong sumakay sa elevator. Mabuti na lang sumarado agad at hindi sya nakapasok.



Paghinto sa floor ng office ni Kuya Justin ay sakto namang pag-akyat nya mula sa hagdanan at hingal na hingal. Hindi ko sya pinansin at kumatok na ako sa office.



"Kuya Vince? Anong ginagawa... mo dito... Anong meron?" Tanong ko dahil kumpleto silang lima ngayon.



"Wala, bakit masama bang makumpleto kami?" Barumbadong sagot ni Kuya Vince.



"Oo, masama. Sobrang sama." Sagot ko. "Kapag may gulong nangyari, alam kong kayo ang may gawa. Tsaka nagpunta nga pala ako dito para magpaalam kay Kuya Justin. Last day ko na ngayon." Ngumiti ako kay Kuya Justin.



"Well, sinabi na sa'kin ni Vince and I'll pray for you and for your business. Good luck." Ngumiti ako at humaba pa ang usapan namin habang may kanya-kanya namang mundo ang mga kasama ni Kuya Justin. Kanya-kanya silang may hawak na phone at nagpapaalam sa mga asawa, girlfriend, at fiancee nila. Si Cyrus ay nakaupo lang sa sofa at walang ginagawa.



"That's all, enjoy your last day!"



"Thank you po. Mamimiss kong mag-OT." Pabiro kong sabi.



Bumalik na ako sa trabaho at sumunod na naman si Cyrus. Pinagtabuyan ko lang sya kaya umalis pero nang pauwi na ako si Kuya ang inaasahan kong susundo sa'kin pero si Cyrus ang dumating. Sumakay na lang ako dahil sunod sya ng sunod, dinaig pa nya anino ko.



"Pagod ka?" Tanong nya habang nagmamaneho. Tumango naman ako at isinandal ang likod ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng komportableng upuan, 'yung sa kotse kasi ni Kuya parang gawa sa bato, napaka tigas kaya mas sumasakit pa ang batok at likod ko pero iba 'tong upuan ng kotse ni Cyrus, sobrang komportable.



Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako, natagpuan ko na lang ang sarili kong nakahiga sa couch namin. Hinanap ko agad si Cyrus pero wala na daw sya sabi ni Mama. Naghintay nga ako na asarin ako ni Mama o magtanong agad sya tungkol sa'min ni Cyrus pero parang normal lang sa kanya. Iniisip ko tuloy na baka iba ang nagbuhat sa'kin papasok.



"Magbihis ka na at ituloy mo na ang tulog mo." Sabi lang ni Mama at abala sa pagtiklop ng ilang pirasong damit.



Ako naman ay umakyat na sa kwarto para magbihis at para matulog. Sa sandaling nahiga ako sa kama, hindi na ako nakatulog kaya gising din ako hanggang hating gabi.



Dini-m ko si Cyrus at nagpasalamat ako sa paghatid nya sa'kin. Emoji lang ang nireply nya.



Cyx:😗❤



Napailing-iling na lang ako at napapangiti dahil sa cute ng emoji. Nasampal ko pa ang sarili ko dahil bigla na lang akong ngumingiti dahil lang simpleng emoji na 'yon!



Komportable akong nahiga sa kama at sa tuwing sasagi sa isip ko ang emoji na 'yon ay kusa akong napapangiti.



Kinaumagahan ay ang aga-aga kong nagising, nakalimutan ko na wala na nga pala akong trabaho.



"Nagluto ako ng nirequest mo kagabi, kumain ka na." Sabi ni Mama nang makita nya akong naghahanap ng maluluto sa ref namin.



"Wala naman akong ni-request Ma." Kunot noong sagot ko. Nag-iwas naman ng tingin si Mama at sinabi na kumain na lang daw ako.



May nakahain nang scrambled egg at roasted asparagus, may nakabukod pang fried chicken breast at isang bowl ng kanin. Hindi naman ako naghe-heavy breakfast pero masarap ang nakahain kaya laban lang.



"Oo nga pala, tungkol kagabi." Biglang sabi ni Mama. Ako naman ay kinabahan dahil sa bigla nyang pagbukas ng topic na 'yon.



"A-ano po 'yon?" Utal na tanong ko.



"Wala wala. Kumain ka na lang dyan at magbihis ka. Pinagpaalam ka ng naghatid sa'yo kagabi na lalabas daw kayo."



"P-po?!"



"Kumain ka na ng kumain hanggang mainit pa ang mga niluto ko, hindi na masarap 'yan kapag lumamig."



Hindi na ako sumagot at inatupag na lang ang pagkain ko. Bigla akong nakaramdam ng excitement sa hindi ko malamang dahilan. Siguro dahil sinabi ni Mama na pinagpaalam ako ni Cyrus? O baka dahil masarap lang ang agahan ko ngayon? Ah ewan! Mukhang kakainin ko rin ang sinabi ko sa kanya na 'ayaw ko na'.



Nagmadali akong naligo, nag-ayos ng sarili at nagsuot din ako ng damit na hinalukay ko pa sa closet ko. Ang dami kong nasukat na nagkalat lang sa kama. Never kong naranasan na maaligaga ng ganito dahil lang sa excitement at, kilig??



Ang natipuhan kong suotin ay pastel pink plaid skirt, white tube top, nagsuot rin ako ng pastel pink rin na plaid blazer at  nakasuot ako ng white ankle boots. Dior sling bag ang dinala ko. Ewan ko ba kung bakit ako nag-ayos ng ganito eh hindi naman ako makikipagdate. Wala namang special sa araw na 'to. Nakakahiya baka sa bayan lang kami pumunta pero medyo sure din ako na hindi dahil galante si Cyrus.



"Valerie! Bumaba ka na riyan! may naghahanap sa'yo! May bisita tayo." Rinig kong masayang sigaw ni Mama mula sa ibaba. Nagmadali naman akong dumampot ng kahit anong kuwintas sa lalagyan ko at tsaka ko sinuot. Ni hindi ko nga alam kung anong kwintas ang nakuha ko basta sinuot ko na lang.



Pagbaba ko ay nakita ko ang isang bulto ng lalaki na nakasuot ng formal na damit na syang ikinangiti ko. Oo na, aamin na 'ko na baka nga kaya ako excited ng ganito ay excited din akong makasama sya.



"Cy--- Kuya Lian? A-anong ginagawa mo dito? I mean... ah..." Tila naubusan akong sasabihin. Ayokong aminin pero medyo nadismaya ako dahil akala ko si Cyrus na, si Kuya Lian lang pala.



"Why? Aren't you happy to see me?" Idinipa niya ang mga braso niya. Bahagya naman akong ngumiti at yumakap kay Kuya.



"M-masaya. N-nagulat lang ako." Sagot ko. Napansin ko naman ang pagbaba ng tingin ni Kuya sa kwintas na suot ko.



"Ohh... I see..." Mahinang sabi niya sabay ngiti. "You have a date..." Aangal pa sana ako kaso nagsalita ulit sya. "That's why bihis na bihis ka and you're disappointed because you thought I was that bastard. Don't worry because I saw a Aston Martin next to my Porsche parked outside your house, maybe it's him."



"Naka-BMW ang hinihinatay ko, at malabong maglabas ng Aston Martin 'yon at malabong paggastusan nya ang ganong kotse. Medyo kuripot 'yon, slight lang naman." Depensa ko.



"So you have a date?"



"Wala akong sinabi ah!" Tanggi ko dahil pakiramdam ko ay nag-iinit ang magkabilang pisngi ko iniisip ko pa lang na date ang gagawin namin pero hindi naman.



"But you're blushing, and more you are now wearing that necklace that you just threw in the pool because you two broke up. I just hid that and brought it back to you and now you're wearing it again, so it means you're back together again?" Mausisang tanong ni Kuya. Doon ko lang napagtanto kung ano ang kwintas na suot ko ngayon.



"Nagkakamali ka Kuya. Nagmamadali kasi ako tapos---"



"Mama. Si Valerie po?" Sabay kaming napalingon ni Kuya Lian sa gawing pintuan kung saan nagwawalis si Mama.



"May kausap lang sandali anak. Maupo ka dyan." Malaki ang ngiti ni Mama at todo asikaso kay Cyrus. Nang tumingin sya sa puwesto ko ay napahawak ako sa kwintas dahil baka mapansin niya. Mabuti na lang at nakita agad ni Kuya Lian, at least nasa bahay pa ako at pwede pa akong magpalit ng kwintas.



"Val!" Nakangiti at masayang pagtawag ni Cyrus sa akin. Pilit naman akong ngumiti at nakahawak pa rin sa pendant ng kwintas.



"H-hi?" Sagot ko. Mahina namang tumatawa-tawa si Kuya Lian dahil sa reaksyon ko.



"I'm leaving too. Tita, Princess. I will just let you know that I'm getting married soon and I want you to be there on my wedding day. I will also take you Princess as godmother for my first baby. Bawal kang tumanggi."



Nang matapos ang maikling conversation namin nila Kuya Lian ay pinagtabuyan na rin kami ni Mama para daw masulit namin ang araw sa kung saan man ako dadalhin ni Cyrus.



"Ahm, nasaan 'yung sasakyan natin? Teka, tatawag ako ng taxi." Isang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang buksan niya ang pintuan ng Aston Martin na nakaparada sa harapan namin sabay hablot sa kamay ko at isinakay ako sa shotgun seat.



"Enjoy your seat, Ms. De Luna." Kumindat pa siya sabay sarado ng pintuan. Ako naman ay parang pinagpapawisan dahil sa mga kinikilos nya na kakaiba.



"S-saan tayo pupunta?" Tanong ko habang nasa kalagitnaan kami ng byahe. Nag-uusap naman kami pero ang bigat ng atmosphere sa loob siguro dahil hindi ako sanay na sobrang elegante at sobrang formal nya ngayon.



"Tsaka mo na malalaman." Sagot lang nya.



"Paano kung kinikidnap mo na pala ako tapos hindi ko pa alam huh?" May sarkasmong sabi ko.



"Kidnap na pala ang bagong tawag sa tanan." Sagot niya sabay mahinang tumawa.



"Anong tanan! Itanan mo mukha mo!" Umirap ako.



"Joke lang! Bakit kita itatanan kung botong-boto naman si Mama sa'kin? Kagabi nga gusto nyang matulog pa'ko sa tabi mo." Tumawa ulit sya. "Hindi ka ba naaawa kay Mama? Gustong-gusto nya ako para sa'yo pero ikaw naman ayaw mo sa'kin. Hays, sobrang sakit." Umakto pa syang parang kinakawawa.



"S-sino ba nagsabing ayaw ko sa'yo?" Napatakip ako sa bibig ko nang mapagtanto ko kung anong mga salita ang lumabas sa sarili kong bibig.



"Teka. Ano? Tama ba narinig ko? 'wag kang bogus, ulitin mo nga?"



"Wala! naiihi na 'ko kaya bilisan mo nang mag-drive!"



"Sabihin mo muna ulit 'yung sinabi mo kanina." Malapad ang mga ngiti niya at bumaba ang tingin sa dibdib ko, ay hindi, sa kuwintas na suot ko. Hindi ko pinalitan dahil para saan pa? bakit itatago ko pa kung malaya naman akong pwedeng maconfess anytime. "A-akala ko... tinapon mo na 'yan..." Nawala ang ngiti sa mga labi niya at umayos ng upo.



"Kahit anong gawin kong tapon, bumabalik pa rin." Tumitig ako sa kaniya at ipinatong ang palad ko sa ibabaw ng kamay niya. "Pilit ko ring tinatapon ang pagmamahal ko sa'yo noon pero paulit-ulit na bumabalik sa akin..."



"M-may pag-asa pa ba a-ako?" Sinalubong niya ang mga mata kong napako ang tingin sa kanya. Mahabang oras din ang dumaan bago ako nagsalita. Pinag-iisipan ko pang mabuti ang sasabihin ko at desidido na ako. Sa mga ginagawa niya, sa mga pinakita niya, sa mga pinaparamdam nya sa akin mula noong naghingi sya ng closure. Alam kong nanliligaw na sya, ayaw lang nyang ipaalam pero halata naman sa bawat kilos nya.



Closure lang ba ang araw-araw na hinahatid ka sa bahay? Closure lang ba ang gabi-gabi kang pinapadeliveran ng pagkain? Closure lang ba na pati sila Mama at Ate halos ligawan na rin nya para lang maging malapit sya sa'kin? Closure din ba ang mga pag-aalaga nya sa'kin lalo na ang madalas nyang pagdala ng bento box sa hospital para sa lunch ko? Ganitong ganito kami nagsimula noon.



Hindi ko rin inaasahan na ito na naman ako. Hindi ko inaasahan na muli ko na namang sasabihin ang katagang 'mahal kita' 'gusto kita' sa unang lalaking nang-iwan sa'kin sa ere. Takot ako pero walang mangyayari kung patuloy lang akong matatakot.



Hindi naman siguro kami paglalapitin ulit kung walang dahilan. Tanggap ko na ang nakaraan. Gusto ko nang harapin ang takot ko. Kung iiwan nya ulit ako, tatanggapin ko dahil alam kong binigyan ko siya ng pangalawang pagkakataon pero sya ang sumayang. Hinding-hindi ko sya pang-hihinayang kung makikita ko man syang nagloloko.



Babalik ako sa piling nya hindi dahil gusto ko, babalik ako sa kaniya dahil iyon ang patuloy na hinihiling at pinapangarap ng puso ko, Ang bumalik sa kauna-unahang lalaki na nagparamdam sa'kin ng pagmamahal na hindi ko mahahanap sa iba.



Kung kami mang dalawa hanggang sa huli, nangangako akong sya lang din ang lalaking pagsisilbihan at gugustuhin ko ng paulit-ulit, ang mamahalin ko hanggang sa mga susunod naming buhay.



"Val, sige na, gusto kong marinig..." Pagmamakaawa niya. Ngumiti lamang ako at pinitik ang tainga nya.



"Gusto kita. 'Wag ka ngang madrama dyan! Ang pangit pangit mo!" Tumatawang sabi ko. Siya ay tila naubusan ng mga letra at sandaling natulala sa hangin.



"G-gusto mo ako?" Unti-unti nang gumuguhit ang ngiti sa labi niya. "Pwede na kitang ligawan??"



"Hindi ka pa ba nanliligaw sa lagay na 'yan?" Tanong ko. Nahihiya syang napakamot sa batok at inamin na noon pa lang nanghingi na sya ng basbas kay Kuya at Ate, maging kay Mama. "Matagal ka nang nanliligaw, gusto mo bang patagalin pa? Sabihin mo lang, okay lang naman sa'kin kung ganon."



"Wala naman sa'kin ang desisyon. Kahit naman sagutin mo na ako, liligawan pa rin kita. Habang buhay kitang liligawan, ikaw lang naman ang kaisa-isang prinsesa na bumaliw sa'kin nang ganito." Napangiti na lang ako sa sinabi nya. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at mahinang tinapik-tapik.



"Tayo na. Sinasagot na kita kahit pa ayaw mong ishare sa'kin ng balat ng fried chicken mo." Pagbibiro ko. Natawa naman sya at nadukmo. Doon ay napagtanto ko na humihikbi pala siya.



"A-ang tagal kong hinintay ng araw na'to... Kung alam ko lang na ngayon pala 'to mangyayari sana dinala kita sa mas espesyal na lugar." Tanging ngiti lang ang isinagot ko sa kanya.



Hindi ko kailangan ng magarbong lugar. Basta kasama kita, masaya at kontento na'ko.



"Hubby."

______________________________•°•

Continue Reading

You'll Also Like

134K 2.2K 59
"Wait for my Comeback and i'll make sure to make you suffer for what you've done to me." -Xena Aillen Ortega. Rank #372 in Comeback Rank #924 in Ex
Lucent By ads ❀

Teen Fiction

335K 7.7K 27
book 1 of the windows of the soul duology ✿ ✿ ✿ lucent: softly bright or radiant ✿ ✿ ✿ My brother's hand traces the cut on my right cheek for so...
8.4K 260 18
This story revolves around 2 persons who used to love each other but get separated because of some reasons but destiny played a beautiful game and bo...
15.6M 440K 73
"𝐖𝐡𝐞𝐫𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐡𝐞𝐥𝐥 𝐡𝐚𝐯𝐞 𝐲𝐨𝐮 𝐛𝐞𝐞𝐧 𝐚𝐥𝐥 𝐦𝐲 𝐥𝐢𝐟𝐞?" "𝐍𝐨𝐭 𝐢𝐧 𝐡𝐞𝐚𝐯𝐞𝐧, 𝐭𝐡𝐚𝐭'𝐬 𝐟𝐨𝐫 𝐬𝐮𝐫𝐞." Nothing in life...