Shot Through the Lights

By artysant

255K 13.1K 4.7K

[Politico 2] For Alunsina, life is a one-time shot. It's a one-time risk and a one-time drown into the open... More

Shot Through the Lights
Taft Avenue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Cosmos
Last Note
Special Chapter

Kabanata 18

3K 208 57
By artysant

Beautiful

My head is spinning.

Sergio tilted his head. Ang kanyang kamay na nakahawak sa isang kamay ko'y dinala niya sa aking batok para ipalalim ang halik.

At doon na ako natauhan.

What was that?

The kiss came so suddenly. Like lightning. A beautiful one at that. Still, it shouldn't have happened.

Kissing Sergio is not a mistake. The situation is. Buong buhay ko, ngayon lang 'ata ako nakaramdam ng mabigat na pagsisisi.

Galing sa pagkakapikit, binuksan ko ang aking mga mata at mabilis na tinulak siya palayo sa akin.

"Wave—"

I raised my hand to stop him. Lumunok ako bago nagsalita.

"D-Don't say anything, please."

Umiling siya.

"I'll never be sorry for that kiss. You should know that."

My heart is still beating rapidly. And like what cowards would always do, I escaped.

"I have to go," nagmamadali kong ani.

Muli niya pa akong tinawag. Subalit hindi niya na rin naman ako sinubukan pang habulin o sundan.

Halos tumakbo ako pababa. His kiss lingered. I know it will forever linger in my mind from now on. And that is dangerous.

Ihinilamos ko ang aking palad sa mukha at napayuko nang tuluyan nang makababa sa building. I don't know if Sergio's still there or he's making his way downstairs.

Kahit kapos pa sa hininga, nagmamadali na naman akong lumayo roon para makauwi nang mabilis. I can't stay here. Not when I know we're still moving in the same place.

People came from different directions in front of me. May sari-sarili silang buhay. May kani-kaniyang ganap. At ako namang nasa gitna lang ng mga taong paroon at parito, pakiramdam ko'y napag-iiwanan ako ng lahat.

I vowed to never mess up his life again. Pinangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang tama at maghihintay ako sa tamang pagkakataong ibibigay ng mundo. I wanted to do all those.

Kahit na alam kong sobrang imposible na maghihintay din si Sergio sa akin, susugal pa rin ako. Pagod na ako sa sitwasyong kailangan kong isakripisyo ang ibang tao para sa sarili ko.

When did it start? When did I come to realize that I wanted something else?

Maybe things changed when Sergio showed me how living is like. That you can actually find things to be happy about. That no matter what, you will always have a place in this world despite failures and rejections.

But the truth still remains. Mahirap mamuhay sa mundong 'to pag ipit na ipit ka sa mga sitwasyon. This is a survival. Kahit gaano kahirap ang mga bagay para sa 'yo, walang tutulong. Kasi sa huli, ikaw at ikaw lang din ang pupulot sa sarili mo mula sa putikan.

At tanggap ko naman lahat 'yon. Handa na akong tanggapin lahat ng 'yon.

"Wave? What happened?"

Tumingala ako galing sa pagkakayuko at nakita ang mukha ni Aurel. Hindi ko mapigilang hindi madismaya. I thought it's...

I shut my eyes tight before I breathed in deeply. What am I even thinking?

"Nothing, Aurel. I just wanna go home."

"I can drive you back home if you want."

I smiled weakly.

"No, thank you. I'm fine alone."

Nagsimula akong maglakad papalayo para makauwi agad. I'm tired. And the last person I wanna deal with is Aurel.

"Wave," Aurel called.

I slightly tilted my head, not fully turning to face him.

"Alam kong napipilitan ka lang. I just wanna let you know that I'm serious about this. I'm not gonna stop until I'm convinced that you no longer like me, Wave."

Ngumiti ako kahit hindi man lang ako nakaramdam ng tuwa galing sa mga salitang 'yon.

"Okay, Aurel. And thank you... for sticking with me."

I looked up at the moonless skies. It's going to rain. There are no stars scattered around. And yet, I found myself smiling and thanking Him. Because despite my shortcomings, He gave me good people.

But like all the things in this world, it will just take a single moment for everything to fall apart. The question is, when?

Hindi ako makatutok nang maayos sa ginagawa ko.

"Pakilagay na lang ng mga mabibigat na kahon sa pickup, Miss."

Tumango ako bilang tugon.

Nananakit na ang mga braso ko sa kakakarga ng mga mabibigat mula pa kanina. Pero sino ba ako para magreklamo? Mabuti nga at pinahabol pa ako ni Aling Nena sa huling lista ng mga kukuning tagatulong para sa charity event.

Umaasa akong tatawag si Nanay para sa isang magandang balita. Ngunit ang tanging sinabi niya lang noong huli niyang tawag ay naghahanap pa rin ng buyer na taga-roon lang.

"Ito pa pala, Miss. Pakibilisan. Aalis na ang pickup ngayong ala una."

Wala pa akong kain. Ramdam ko na ang hapdi ng tiyan ko gawa ng gutom. Nauuhaw din ako at alam kong ilang minute mula ngayon, sasakit na ang ulo ko.

"Opo," tugon ko.

I finished that day underpaid. Nakabili lang ako ng tig-sampung piso na rice meal sa palengke at umuwi na.

Napahugot ako ng malalim na hininga habang namomroblema kung saan ko kukunin ang pambayad sa isang project sa Filipino. Itong sweldo ko kasi, para na sa upa at kuryente. Hindi ko na nga alam kung may kakainin pa ba ako sa susunod na linggo.

Just then, my phone rang. I lazily picked it up.

"Hello?"

"Wave? Si Aling Nena 'to, may labada si Marites, gusto mong kunin?"

Napapikit ako nang mariin at hinilot ang sentido.

"Sige po. Kailan?"

Walang halong biro ang pagod. Wala naman akong magawa. Kailangang kumayod.

I did not see Sergio for weeks.

Sergio's kiss sometimes surfaces on my mind. And I would lightly slap myself to stop countless thoughts relating to that... thing.

Ever since that night, I don't wanna see him just yet. Ipinagpapaliban ko rin ang pagsama sa mga kaibigan sa kung saan-saan, para lang hindi siya makita.

"Kayo, ah? Baka 'di niyo lang inaamin, kayo na pala," tukso ni Jelo.

Nahihiyang nagkamot ng batok si Aurel. Wala naman akong maisagot.

"Don't embarrass, Wave, guys," suway ni Jessy habang may nanunudyong ngiti sa akin.

I simply rolled my eyes.

Nikki is just staring at us curiously. Pero hindi naman na nag-atubiling sumama sa pangangantiyaw sa amin.

"May assignment ka, Wave? Putek 'yong isang prof. Hindi man lang niya binigay nung isang linggo. Kahapon pa! Ta's pinapapasa niya na mamaya. Hayop," reklamo ni Spencer.

Halos matawa ako sa sinabi niya. The assignment that was given was so simple. Pwede nga lang kumuha ng mga ideya sa library o 'di kaya'y sa kung saan. Mabuti na lang at nagawa ko kaagad kahapon. 'Yon nga lang, dalawang oras lang ang tulog ko.

"It's so simple, Spence. Poem lang naman. Tatlong stanza lang hiningi."

Humikab ako. Napalingon si Aurel sa akin at nagtatakang tinagilid ang kanyang ulo.

"You sleepy? You want me to get you something?"

Si Patrick na kanina'y nakamasid lang at paminsan-minsang ngumingisi ay humalakhak. Nagtaas ako ng kilay.

"Ang sweet. Baka langgamin kami rito!"

At nagsimula na naman ang kantiyawan. Nakahinga ako nang maluwag dahil nasa mga kiosk kami ngayon. Hindi rito tumatambay madalas si Sergio at ang mga kaibigan niya.

Ewan ko ba. I know that what Sergio thinks of me should be my least priority. However, I just couldn't simply brush that away. Balibaliktarin man ang mundo ko, ang opinyon niya sa akin ay mahalaga.

Well, I guess it's safe to say that everybody's opinion about me matters to me. Kaya nga ako nandito kasama ang mga taong 'to, hindi ba?

Bahagya akong umiling.

"No. I'm just sleepy. I might sleep in the library later."

"Sa clinic ka na lang. Wala namang masyadong tambay doon," ani Spencer.

Napaisip ako roon. But Nikki spoke.

"Let's go to the library, Wave. May kailangan akong basahin."

I shrugged.

Nagsimula nang magligpit ng gamit si Nikki. I almost didn't realize that what she meant. Not until she stared at me.

"Oh!" I jumped.

Naguguluhan kaming tinignan ni Ana.

"You're going now? Ang aga pa, ah?"

It's 12 noon. My last class for the day is in 4. Sapat na ang ilang oras na pagbawi ng tulog.

"I have to go. Kailangan ko pang matulog."

They shrugged. It was only Aurel that looked at me with worry.

"Will you be alright, though? Gusto mo samahan kita?"

Agad nangunot ang noo ni Ana. Ngunit ang iba ay sumang-ayon at tinulak-tulak pa si Aurel.

"Uh, no. I need to talk to Wave about something. G-Girl thing," Nikki interrupted.

At that, I immediately set my eyes on her curiously. Nikki never invited me for a girl talk. Wala 'ata sa amin ang sinabihan niya ng kung ano tungkol sa sarili niya. Kaya nakakapagtaka ang kinikilos ng isang 'to.

However, out of all the "friends" I have, she's the most bearable. And if I could keep one for eternity, I might consider her.

Hindi na ako nakapagpaalam nang maayos kay Aurel kasi agad niya na akong hinigit papalayo roon.

"Dahan-dahan lang, Niks! Hindi naman 'ata tayo mauubusan ng table doon!" angal ko.

Tumigil siya sa paghila nang makarating kami sa chapel, malayo sa  kinaroroonan ng mga kaibigan namin.

"Sorry for that."

"Why do you want to talk to me?"

We made our way towards the library. Marami kaming mga nakakasalubong na kakilala. Mostly, they knew Nikki. Malapit lang kasi ito sa building nila Nikki, kaya halos mga naroon ay kilala niya.

"I-It's about this guy in class."

She adjusted her glasses. I narrowed my eyes.

"Crush mo?"

"Oo," walang gana niyang sagot.

Lalong nanliit ang mga mata ko. I don't know if she's bluffing or what. But then, Nikki's not the type to bluff. Ni wala akong ideya kung paano patawanin ang isang 'to.

"Are you sure?"

"Oo," she monotonously said.

Though skeptical, I cleared my throat.

"Uh, what advice do you need ba?"

Umakyat na kami sa third floor. Ngunit agad na lumabas si Nikki roon at nagdesisyong sa fourth floor manatili.

"I want to ask him out," aniya.

Nahihirapan na talaga akong maniwala sa isang 'to. Hindi kasi siya ang tipo ng babaeng bnibigay ang lahat! Hindi rin nagpapapansin. Kaya paano 'to?

"W-Well, you—"

She snapped her fingers.

"Matulog ka na lang, Wave. Magbabasa lang ako."

And without another word, she rummaged through her bag and got herself a book. She looks like she doesn't wanna talk to me anymore so I was left with no choice but to bow my head.

Inunan ko ang aking dalawang braso. Hindi komportable. Pero pwede na kahit papaano.

I slowly dozed off. Except that it took me a long while to sleep. And... I don't know if it's a product of my imagination and my longing. But...

"Ako na rito," rinig ko.

I cannot be mistaken. That voice... that voice is so much like him.

"Okay. Just tell me kapag aalis ka na."

Nawala ang antok ko nang marinig ang papalayong hakbang ni Nikki.

Mariin kong kinuyom ang aking kamaong natatakpan ng buhok ko. Napuno ang paligid ng panlalaking amoy niya. Pinigilan ko ang sariling ibukas ang mga mata para sa kanya.

I felt him sit beside me. Wala siyang ginagawang kung ano. Nakaupo lang at tila pinagmamasdan ako. Panay ang buntong-hininga niya. I fought the urge to just snap out of this pretend sleeping and talk to him.

"I miss you," bulong niya.

Napakagat ako sa aking labi. I can't believe myself! Matapos ang lahat, may gana pa akong kiligin! Ang landi-landi ko talaga kahit kailan.

Pero kay Sergio lang naman.

Namula ako dahil doon. Walang hiya!

"Alam kong gising ka. But I'm gonna pretend you're asleep," marahan ngunit nang-aasar niyang saad.

I bit the insides of my cheeks. Nangingiti ako.

"I have to go. I just wish you'd speak to me soon. I—" huminga siya nang malalim, "—I miss you."

And I feel the same way too, Sergio.

"And I want to say something too. Kapag 'gising' ka na."

Akala ko'y aalis na siya agad matapos 'yon. Subalit mali ako.

I felt his breath right on my nose. Muling sumikdo ang aking puso. Pakiramdam ko'y lalabas na 'yon sa katawan ko.

What is he gonna do?

Just then, a soft thing landed on my forehead. It lingered there. Warmth instantly flooded my system, that I forgot the cold that I have known my whole life. It's like... a void was suddenly filled. In that moment, it felt like... he completed me.

"I'll go now."

It took me a good willpower to stop him from leaving. His kiss on my forehead stayed. That when I finally slept, I still dreamt of it. And that dream was so much better. He didn't have to whisper. He didn't have to ask a friend to see me. We were free.

And I wish I had stayed in that dream. Sana hindi na lang ako nagising. Sana nanatili na lang ako roon habang-buhay.

Kung maaari lang, gagawin ko 'yon.

"What do you want, Rick?"

Mariin ang titig ko sa kanya.

"Ikaw ang may kailangan sa akin, Wave. 'Wag mong ibahin ang usapan."

"You approached me first. Kaya mo nga ako dinala rito, hindi ba?"

We are in a secluded place inside the campus. Walang masyadong pumupunta sa rito sa lumang stock room ng school. Kaya abot-abot ang nararamdaman kong nerbyos. Magmula noong huli naming pag-uusap, hindi na ako nagtiwala kay Patrick. Sapagkat pakiramdam ko'y may kung ano siyang gagawing hindi ko magugustuhan.

Dala pa rin ang ngisi sa kanyang mga labi, may kinapa siya sa kanyang belt bag. It was a folded paper. Nanatili 'yong nakatiklop sa mga kamay niya.

Natuon doon ang kuryosidad ko.

"Ano 'yan?" I demanded.

"Easy," he smirked.

Unti-unti, binuksan niya ang papel. At pakiramdam ko'y nawala ang lahat ng kulay sa aking mukha sa nakita.

Nanginig ang mga labi ko. Wala siyang sinasabi. Pero para na akong binuhusan ng malamig na tubig.

"W-What..." hindi ko matuloy ang nais sabihin.

Nag-angat siya ng isang kilay.

"What, Wave? You wanna know what this is? So badly?" he taunted.

Anger slowly consumed me.

"Ibigay mo 'yan, Patrick. Kung ayaw mong—"

"Ano? What threat will you make?" hamon niya.

I was too angry and too confused to maintain a rational thinking.

"You did drugs!"

Tumawa siya nang malakas.

"Oh come on, Wave. Come on! 'Yan lang ang kaya mo?" winagayway niya ang papel na hawak, "this is more exciting to the public eye, Wave! These are!"

Pagkatapos ay marami pa siyang nilabas na papel. I know what this meant. And even though I am only trying to keep a strong façade now, I know that things will not end well for me.

The pictures were me and Sergio on that rooftop, kissing. The others were taken when we were in the library. Ang iba naman ay kasama ko si Aurel at masaya kaming nag-uusap.

"Once the student body knows, Wave, you're done for! This is cheating," he whispered mockingly.

I did not waver. Not in front of him. Not in front of someone like him.

In one way or another, kahit ano pa ang gusto niya mula sa akin, lalabas din naman 'yan. At this point, I'm just slowly accepting everything. After all, I brought this to myself.

"What do you want? Bakit ngayon mo lang 'to sinabi?"

He crossed his arms and smiled widely.

"Now we're talking," aniya, "I'm gonna be straightforward. Do something with my case, Alunsina. And I will keep this a secret."

Liar.

Sa kademonyohan ng taong 'to, hindi 'yan totoo.

And I vowed to myself to always stick to my new principles now. Ayoko nang bumalik sa dating ginagawa ko. Tama na 'yon. Gusto ko nang maging totoo sa sarili ko ngayon.

If this is the consequences of doing all those stupid stuffs just to get to where I always wanted to be, not minding the people I might hurt, then I will wholeheartedly accept it.

I will not run away from anything anymore.

"No," matapang kong saad.

His smile instantly dropped.

"Bring it on, Patrick. Go. Be a coward. Release that. Kahit na hindi naman totoo—"

"Alin ang hindi totoo?" someone interjected.

I turned around to see who it was.

Ana.

Madilim ang kanyang tingin sa akin. At mukhang anumang sandal ay handa siyang isumpa ako dahil sa narinig.

"What are you doing here, Ana?" Patrick frowned.

"Ano'ng hindi totoo, Wave? Hindi totoong nag-cheat ka kay Aurel?!" sigaw niya.

I didn't know that bearing these consequences can be so tough.

"We had a deal—"

'Pero ginawa mo pa rin!"

Tears brimmed in her eyes. For herself. And for Aurel.

I've always known that Ana likes Aurel. Alam ko 'yon. But I still pushed for it because I wanted to be selfish. Because for me, this world is all about survival. And I didn't come to school to make friends. I was here for my goals. Nothing else.

But after everything, her tears meant so much more than what I know.

Those were of pain, longing, sadness, and anger.

"I loved him so much, Alunsina! I cared so much for Aurel! And you... you did nothing but to cheat! Hindi mo ba alam kung gaano ko kagusto si Aurel para sa akin? Huh?!"

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko gustong magsalita. I looked at her in the eyes, mirroring the tears she had in her eyes, but for different reasons.

"Pero wala akong ginawa! Because I am not stupid enough to create stupid illusions that he'll like me if I force myself to him! I know my worth! At kahit masakit, pinaubaya ko siya siya sa 'yo! And you did nothing but slut around!"

"Hindi totoo 'yan—"

Mabilis siyang pumunta sa kinaroroonan ko at halos tumilapon ang mukha ko sa lakas ng sampal na binigay niya.

Napahawak ako sa aking pisngi at tahimik na umiyak.

I deserved this.

"You are a whore! A slut! I should have known! Pathetic bitch! All you wanted was Aurel's money!"

Paulit-ulit ang sampal. Hanggang sa namaga ang magkaliwang pisngi ko.

I no longer know the difference between physical and emotional pain. Lahat ng sampal na natatanggap ko, mga salitang pinapalunok sa akin, tagos na tagos sa sistema ko.

"Tama na 'yan, Ana! Let's just go. Baka maabutan tayo ng prefects dito."

I laid on the ground, helpless. I could still hear Ana shouting. Paulit-ulit na tumakbo sa isip ko ang mga salitang binitawan niya.

I crawled towards the nearest corner. Puno ng mga kahon ang buong stock room. At maalikabok. Ganunpaman, siniksik ko pa rin ang sarili ko roon, na para bang ito na lang ang makakapagbigay sa akin ng proteksyon mula sa pananakit ng mga mapanghusgang tao.

Curling into a ball, tears fell down ceaselessly. Wala naman akong magagawa, e. Totoo naman. Totoong manggagamit ako. Totoong may masamang pakay ako.

At kahit ano'ng rason ko, it is morally wrong. And it will always be wrong no matter how much I try to justify it.

Napatingin ako sa maliit na bintanang nasa mataas na bahagi ng pader. Wala ng ilaw sa labas. Dapat na akong mabahala. Ngunit nanatili lang ako roon, nakaupo at nag-iisip.

I shrugged. It's not like there's someone who will find me. No one will bother.

"Alunsina!"

I weakly laughed.

May natamaan 'ata si Ana sa ulo ko. Dahil kung anu-ano na lang ang naiisip ko ngayong mapag-isa na ako.

"Alunsina! Where are you?"

I tightly closed my eyes and tried to stop myself from peering who the person is. Or if there is actually a person there.

Kaboses ni Sergio. Ayos din.

Walang ingay na lumabas mula sa akin para ipaalam kung nasaan ako. Nagpatuloy lang ako sa pagyuko.

It's impossible. It's not Sergio. Why would he find me? After everything that I did? After knowing the kind of person that I am?

Hindi na ako magugulat sa balitang kumakalat na ngayon. Na isa akong manggagamit. Malandi. Mapagpanggap.

And I will fight alone. As always. I will fight alone.

"Alunsina! Please! I'm here!"

My lips quivered. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na imposible. Na baka ibang tao 'yan at ibang Alunsina ang hinahanap.

Ngunit sa boses pa lang, sa paraan ng pananalita, at sa pakiramdam sa tuwing nasa malapit siya, hindi ko maloloko ang sarili ko.

Why does he always find me?

"Alunsina..." he trailed off.

I opened my eyes. And saw him.

Bitbit ang lampara, nakatingin siya sa direksyon ko. Sapat na ang kaonting ilaw na nagmumula sa lampara para makita ang mukha niya.

Ngumiti ako.

I grew up having a dull life. The colors were barely present. They were barely visible. Even when I tried hard to see one, there's just hardly any for me to look out for.

Magulo. Masalimuot. Nakakapagod. Hindi ko alam kung kailan ako huling nakaramdam ng ginhawa sa buhay na 'to. Minsan, gusto ko na lang sumuko.

Ngunit ngayon, nang marahan niyang dinala ang kamay sa aking pisngi, nakakita ako ng kulay sa kauna-unahang pagkakataon. At naramdaman kong may silbi pa pala ang buhay na 'to.

In that split-second, I realized life. I realized that broken can also be beautiful.

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
611K 14.4K 123
an epistolary. Admiring her crush, which happened to be her cousin's friend, Savina Dione Morales got tired of remaining unnoticed for years. Sa hul...
1.7M 81.6K 83
Tired of endlessly messaging his famous vlogger crush in hopes of getting noticed, Cholo Cervantes finally gives in and installs a dating app to find...
2M 49.9K 164
Frankie (Epistolary with narration)