Shot Through the Lights

By artysant

255K 13.1K 4.7K

[Politico 2] For Alunsina, life is a one-time shot. It's a one-time risk and a one-time drown into the open... More

Shot Through the Lights
Taft Avenue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Cosmos
Last Note
Special Chapter

Kabanata 15

3.5K 225 106
By artysant

Last

Sergio has become my official companion anywhere I go.

Wala namang kaso 'yon sa akin. Ako pa ba ang magrereklamo? Kasabayan ko sa paglalakad ang taong gusto ko. Nag-uusap pa kami. Nagtatawanan. At paminsan-minsang naglalandian.

Masaya si Nanay para sa akin. Dahil alam niyang hindi matapobre si Sergio at ganoon din si Gov. Si Ma'am Felistina, wala namang sinasabi. Ngunit paminsan-minsan siyang sumusulyap sa gawi naming dalawa ni Sergio at nanliliit ang mga mata.

"Basta, anak, dapat ay masaya ka nang walang tinatapakang tao. 'Yon ang importante."

Nagsimula na rin kasi ang bulung-bulongan na ginagamit ko lang daw si Sergio. At pera lang daw ang pakay ko sa kanya.

Bumuntong-hininga na lang ako. Anlalakas manchismis ng mga tao rito, pero hindi naman nila magawang sabihin nang harapan sa akin.

Isa pa, alam ko namang 'yon talaga ang tingin ng tao kapag mayaman ang isa at ang isa'y hindi. Normal 'yon.

But "normal" doesn't mean "right."

"'Wag kang masyadong makipaglapit sa anak ng mga Arcoza, Wave."

Ito yata ang unang pagkakataong nagsalita ulit si Tatay para sa akin. Sa tagal na naming hindi nag-usap ng ilang linggo, halos makalimutan ko nang may ama pa pala ako rito sa bahay.

Pero sa lahat ng pwede niyang pag-usapan, ito pa?

"Bakit po?"

He looked away.

"Basta. 'Wag kang masyadong makipagapit. Tuso ang pamilya niyan. Baka kung ano'ng gawin sa atin. Mahirap lang tayo."

Nangunot ang noo ko.

"Hindi naman po ganoon si Sergio. Kilala ko po siya. Magkaibigan kami—"

"Gawin mo na lang. Mahirap ba 'yon? Mas mabuti nang makasiguro kaysa mahuli ang lahat at wala na tayong magagawa."

With that, he left, leaving me to ponder on his words.

Hindi naging maganda ang turing ni Tatay kay Sergio nang minsang bumisita si Sergio sa akin para magpaturo sa pagluluto. Akala ko nga ay pagbubuhatan na naman ako ng kamay. Ngunit dumaan na lang ang ilang araw matapos bumisita si Sergio, wala naman siyang ginawa.

Ang lagi lang bukambibig ni Tatay ay dapat akong mag-ingat, bagay na lalong pinagtataka ko.

Nang tanungin ko naman si Nanay, nagkibit-balikat lang siya at nagsabing baka gusto lang ako protektahan ni Tatay. And it makes sense, so I let it go.

"Ano'ng pinapatayo diyan?"

Umagang-umaga, binulabog na kami ng maingay na mga sasakyang paroon at parito sa taas ng Naidi Hills. Wala masyadong kabahayan sa burol na 'yon. At hindi rin naman kasi lahat pwedeng maglagay ng bahay diyan. Reserba raw para puntahan ng mga turista.

"Oh, that, proposal 'yan ni Papa. Lighthouse. Para sa dagdag na tourist attraction daw."

Ngumuso ako.

"Para saan? Wala namang masyadong dumadayo rito, ah?"

"Well, wala pa ngayon. But maybe when they hear of this, they'll come."

The binoculars brooch clung to the upper right side of his shirt. Tinitigan ko ang akin na nakakapit naman sa ilalim ng kwelyo nitong damit.

They looked funny to me. I giggled.

Agad namang bumaling si Sergio sa akin.

"What are you laughing at?"

"The brooches! Pwede naman tayong mag-necklace na lang, ah? Bakit brooch?"

"Ikaw naman ang unang nakaisip. Sumunod lang ako," tunog nang-aakusa siya ngayon.

Umiling na lang ako.

Patungo ako sa kanila ngayon. Kaming dalawa sana ni Nana yang magkasama. Pero nagpaiwan si Nanay para raw hindi ako mahiyang samahan si Sergio. Personal kasi siyang pumunta sa bahay para sabihing may palalabhan na naman ang Senyora.

Nahiya ako, oo. Subalit hindi katulad noon, mas komportable na ako sa kanya. Mas naging komportable ako sa kung ano ako at sino ako.

"You've been smiling a lot lately," he muttered.

I turned to him. Nadaanan na namin ang malawak na tanawing puro kakahuyan at burol lang. A breathtaking sight, I must say.

"Bakit? Hindi ba ako palangiti noon?"

"Ngumingiti ka naman. Pero parang hindi totoo."

I shrugged, not really knowing how I should react to that.

Well, that was new. Siya lang 'ata ang narinig kong may nasabi tungkol diyan.

We reached their house. Nagpaalam ako agad para makapagsimula na sa gagawin. Sa ilang ulit ko na rito sa bahay nila, nakasanayan ko na ang mga bagay-bagay. Sergio would always watch me work from a distance. Minsan, tinutulungan niya ako kapag hindi nakatingin ang matanda nilang katulong.

I glanced at the backdoor. And I wasn't wrong. He was already there, smiling at me.

Ngumiti ako pabalik.

Isang linggo na lang at matatapos na ang bakasyon. Isang linggo na lang ng pagiging makasarili. Isang linggo na lang bago ako bumalik sa buhay kung saan ako nararapat.

I must do what I have to do. No matter what.

"Sige na, payag na ako. Basta't masisiguro ko na maayos ang lahat, Roberto. At walang sabit. Ayokong mahirapan 'tong mga anak ko kapag nagkataon."

I couldn't believe my ears.

Is this really happening?

"Kuya, alam kong wala kang tiwala sa akin. Pero sinisiguro kong sigurado 'to."

Tahimik kong sinara ang pinto at tumigil na sa pakikinig.

Nagbunga rin pala ang ilang ulit na pagbalik ni Tito Roberto rito sa bahay. At iilang mga sinasabi ni Nanay kay Tatay.

I can't believe it.

This is too good. This summer has been too good. Totoo ba 'to?

Kinailangan ko pang sampalin nang bahagya ang aking pisngi para masigurong hindi ako nananaginip.

Ang bumungad lang sa akin para kumpirmahin ang lahat ay isang mahigpit na yakap ni Nanay at matipid na tango ni Tatay.

Different scenarios flashed through my head. Pero nanguna roon ang isiping hindi ko na kailangang magbanat ng lahat ng buto sa katawan para itaguyod ang sarili at pamilya. At lalong hindi ko na kailangang makisama sa mga taong ayaw ko.

My eyes wandered to Sergio, who's now busy fixing his brooch into place.

Maybe... we have a chance.

Or... maybe not, after all.

"Lumalapit ka lang ba kay Sergio dahil may kailangan ka?"

Napalunok ako, hindi malaman kung ano ang gagawin.

Kaharap ko ngayon si Ma'am Felistina na nakaangat ang kilay sa akin. Yumuko lang ako.

That is partially true. Pero... pero pwede namang magbago ang lahat hindi ba? Pwede naman akong magbago?

I did mean to get close to Sergio for a chance with Aurel. But I didn't mean to like him more than I'm allowed to.

"Sumagot ka. Rinig ko'y matalino ka raw. Saan na ang utak mo ngayon?"

Muli ay lumunok ako.

"H-Hindi naman po. Gusto ko lang po siyang maging kaibigan siya. 'Yon lang po—"

Tumawa siya nang malakas.

"Akala mo may maniniwala sa 'yo? Neng, kahit hindi lehitimong anak 'yang si Sergio, may mamanahin pa rin 'yan sa Nanay niya. At sigurado akong hindi 'yan pababayaan ni Elbert. And with your status, are you sure na may maniniwala sa rason mo?"

Hindi ako makapagsalita. Sapagkat tama naman siya. Kahit ano'ng rason ko, ang tingin ng tao sa akin ay manggagamit na totoo rin naman.

But I was trying to change as best as I could. Ginagawa ko naman ang lahat para matutunang maging kontento sa kung ano'ng meron sa akin.

Pero hindi pala gano'n ang mundo. Dahil kahit ano ang gawin ko, may masasabi at masasabi talaga ang mga tao.

I thought I was okay. I thought I was used to it. Iba pa rin talaga kapag harap-harapang ingungudngod sa mukha mo ang kung ano ka lang.

"I'm not asking you to move away. Dahil hindi ko pa naman alam ang totoo mong intensyon."

Lumapit siya nang kaonti.

"But do not mess with us. Dahil kahit anak sa labas 'yang batang 'yan, problema ko pa rin 'yan kung sakaling..." tumikhim siya at nag-iwas ng tingin, "... kung sakaling mawalan kami ng pera."

"Hindi ko naman po gagawin 'yan sa inyo."

"Just making sure."

Pagkatapos ay umalis na siya. Nakaabang si Nanay sa akin sa pinto papasok ng bahay. Tumingin lang ako sa kanya at ngumiti. Hindi ko pinahalatang hindi naging maganda ang pag-uusap na 'yon.

That affected me.

Ang baba pala talaga ng tingin sa 'yo ng mga nasa itaas.

And my mind went again to the conversation I had with Patrick before summer came.

He could threaten me easily because I had nothing. He could make me do anything he wants me to do because I needed something from him.

Hawak na hawak nila ako sa leeg. Pero wala naman akong ginagawa para tanggalin ang mga kamay nila sa akin.

I let them do it.

"I hope you don't let Tita get through your head."

Hindi ako umimik. Nanatili ang mga mata ko sa malawak na karagatan mula rito sa tuktok ng mga burol sa Naidi. Dalawang araw na lang ang hinihintay ko. At sa dalawang araw na 'to, ayokong sayangin ang bawat patak ng segundong malaya pa ako.

This summer, I was given the chance to be true to myself and to what I want. The world somehow made me feel that I can choose. That I don't have to compromise anything. That no matter what, there's no loss on my part if I come to choose between two things.

"Siguradong-sigurado ka pa naman sa lahat ng bagay. When you decide, you do it once and for all. Not really minding what other people would feel."

I lightly laughed.

"Bakit? Ano'ng mararamdaman mo?"

I faced him, only to meet his eyes halfway through. Brown met brown. But his were darker when you look at them intently.

"I'd feel something that I shouldn't. Because I know it's not right."

I quickly turned away.

Parang may nagbarang kung ano sa lalamunan ko. Parang nawalan akong ng boses. Ni hindi ako makalingon sa kanya dahil sa narinig. At mukhang nabingi na rin.

Nakaharap kami no'n sa mapayapang karagatang makikita mula sa Naidi Hills, kung saan kami nakatayo.

"How do you know that it's not right?"

I was nervous. But why do I feel excited and giddy? Why do I feel these things I shouldn't feel?

"Wala akong karapatan. I can't decide for someone else."

"But the world can't decide for what you feel. Because it's in you," I said.

"Kaya nga mahirap. Kasi konting-konti na lang, Alunsina, at bibigay na ako sa nararamdaman kong 'to."

Tinignan ko siyang muli, sinisigurong hindi siya nakatingin at nanatiling nasa karagatan ang mga mata. Unti-unting sumibol ang ngiti sa aking labi.

He didn't say he likes me. He didn't say anything about that.

Maybe because words aren't really necessary at all times. Sometimes, it takes only the heart to know things your mind won't let you.

Sa dinami-rami ng mga lalaking nagpahayag ng interes at pakagusto sa akin, bakit... bakit ito ang pinaka-espesyal? Kahit sa mga simpleng katagang binitawan niya, bakit halos lumundag ang puso ko sa saya?

If only I can let you know just how much I feel towards you, maybe all this won't be too hard.

But the world can take everything away too in a snap. And you can't do anything about it. You just have to be prepared. You just have to make the first move before the world will drain you.

"Your mother likes Sherry."

Ito 'ata ang unang pagkakataong sinali ko sa usapan si Sherry Guytingco. Mula noong nakausap ko ang nanay niya ay pinilit kong hindi maalalang gusto niya nga pala si Sherry para kay Sergio.

"Everyone likes Sherry—"

"For you, Sergio. She likes her for you," I whispered.

"That doesn't change things, Alunsina. Alam ko kung ano ang gusto ko. Not even my mom can do anything about it."

Wala akong sinabi. Hinayaan ko lang ang hanging gumawa ng malamyos na tinig sa kawalan.

It's better this way. It will be easier for me to slip away. And it will be easier for him to move on. He won't lose anything, anyway. Because he doesn't know. And what you don't know won't hurt you.

As for me, matatagalan pa 'ata ako. Pero para sa sarili ko at para na rin sa kanya, I'm gonna do it.

"Maayos na ba lahat? Wala kang nakalimutan?"

Umiling ako. Pero hindi 'ata napansin 'yon ni Nanay dahil abala siya sa pag-double check sa lahat ng gamit ko bago ako tumulak pabalik ng Maynila.

Tapos ko nang tignan ang mga bag ko noong isang araw pa ngunit si Nanay ay hindi pa rin mapakali.

So I muttered a small response, "Wala na po."

She looked at me doubtfully.

"Sigurado ka ba? Mayamaya ay darating na ang sasakyan ng kaibigan mo! Nakakahiya namang may babalikan ka pa kung sakaling hindi kompleto ang mga nadala mong gamit."

I bit my lip as the embarrassment from the situation rolled in.

Pinilit ako ni Sergio na sumabay sa kanya pauwi. Wala naman daw kaso 'yon kasi walang pakialam ang gov at si Senyora sa mga gagawin niya.

Ganunpaman, inalala ko pa rin ang mga sinabi ni Senyora sa akin ilang araw na ang nakalipas. Hindi 'yon nawala. At mukhang hindi na mawawala. I will forever be reminded of our difference.

Ilang beses niya akong tinanong hanggang sa napa-oo ako nang wala sa oras.

Kahit na sinabi kong imposible kasi may ticket na ako at pahirapang ilipat sa ibang araw ang paglipad, gumawa siya ng paraan. Nagulat na lang ako nang ipakita niya ang ticket niya. Same plane, same terminal, same time. His seat is even next to mine!

Hindi ko mapigilan ang nararamdaman kong tuwa noong pinakita niya 'yon sa akin.

"You really did that... for me?"

He smirked.

Ang yabang! Mahirap talaga ang ginawa niya. Kaya namangha ako. May tao ba na kayang pumili nang eksaktong detalye tulad nito—

Natigilan ako nang may mapagtanto. I narrowed my eyes at him. Nag-iwas naman siya ng tingin at nagkamot ng ulo.

"I... I told Papa... na may kailangan akong sabayan pag-uwi. He... uh, helped me. But I was the one who personally asked the agency if I can get these," turo niya sa flight details.

I tried looking into his eyes. But he refused to meet mine.

Natatawa kong nilapit ang mukha sa kanya.

"Stop it."

"Stop what?" pang-iinis ko.

Nilapit ko pa lalo ang mukha ko sa kanya hanggang sa napasinghap siya. And that's when I realized that we are too close. The proximity made me dizzy and nervous. So I pulled myself back in an attempt to save face.

But it was too late.

He grabbed both of my shoulders before I can get away and directly stared into my eyes.

"Stop it," he slowly said, "or I'll kiss you."

Dali-dali akong lumayo sa kanya. Humalakhak naman siya at tinatawag ako. Ngunit mabilis ang lakad ko palayo sa kanya.

I walked far away with a smile on my face.

"Alunsina!" natatawa niyang tawag.

Nagpatuloy ako sa paglakad nang mabilis. Pero sa huli, nahabol din niya ako kaya buong araw niyang bukambibig 'yon para mang-asar.

At hanggang ngayon, kapag naaalala ko ang sinabi niya, napapangiti ako at namumula.

"Anak? Wave? Ayos ka lang ba? Masama baa ng pakiramdam mo?"

I snapped back to reality. I felt my cheeks redden even more!

Tumikhim ako.

"Opo. Ayos lang po. Uh, ilalagay ko na po 'to sa sala."

Walang sabi-sabi kong kinuha ang dalawang malalaking bag papunta sa sala habang namumula pa rin.

Naabutan ko si Tatay na nagsisibak ng kahoy sa labas ng pinto. Tumingin siya saglit sa akin.

"Aalis ka na?"

"Opo," sagot ko.

Tumango siya. "Mag-ingat ka. At 'wag mong kalimutan ang bilin ko sa 'yo. 'Wag kang masyadong makipaglapit kay Mercado. Pinayagan lang kita ngayon dahil personal na humingi ng pahintulot ang binata. Pero huli na 'to."

Tumango ako at tipid na ngumiti.

Andaming nagbago sa loob ng dalawang buwan na bakasyon. Hindi ko man masabi na naging mabuti na ulit ang turingan namin, ngunit nang pumayag na siya sa wakas na iproseso ang titulo ng lupa para ibenta, ay gumaan ang pakiramdam ng lahat dito sa bahay.

We sometimes talk. Madalas ay wala naman siyang imik matapos ang isang sagot mula sa akin. Pero para sa akin, sapat na 'yon. Dahil hindi ko na nakitang pinagbuhatan niya ng kamay sina Nanay at mga kapatid ko.

Hindi man siya humingi ng kapatawaran mula sa akin, pinapatawad ko na siya sa lahat. Kahit mahirap kalimutan, handa pa rin akong magpatawad. At mangingibabaw pa rin sa akin ang pagmamahal para sa kanya.

Isang busina ang pumukaw sa aking atensyon. It was my cue to go.

Nasa likuran ko si Nanay habang papalabas ako, dala-dala ang iba ko pang mga gamit. Tumakbo naman sa akin sina Alex at Evelyn para magpaalam.

"Ate! Magdala ka ulit ng pagkain pag-uwi mo, ha?"

I was about to tease her when I heard a gentle slam from the car. A manly scent wafted around the air. Alam ko na agad kung sino 'to.

At nandiyan na naman ang pagkalabog ng puso ko tuwing nandiyan siya.

Lumaki ang ngiti ni Alex at Evelyn pagkakita sa kanya. I glanced at him, too. He looked good in his simple trousers and white polo. Well, he always looks good in whatever he wears.

Napatingin tuloy ako sa suot ko. Hindi naman pangit, pero hindi rin maganda. Bahala na nga!

"Kuya Sergio! Magdala ka ulit ng pagkain!" walang-hiyang bati ni Alex.

Nanlaki ang mga mata ko at nakaramdam ng hiya. Narinig siguro ng driver nila 'yon! Nakakahiya! Baka isa na naman 'to sa magdududang pera lang ang habol ko kay Sergio.

Pinanlakihan ko ng mata si Alex na umirap lang sa akin.

"Hoy! Ang baboy mo talaga—"

"Sure. After this sem. Pag-uwi ko," Sergio gently said.

Alex beamed, much to my annoyance.

Marahang tumawa si Nanay. Si Tatay naman ay patuloy lang sa pagsisibak ng kahoy. Pero paminsan-minsan siyang tumitingin sa banda namin.

"Magandang gabi ho, Ma'am, Sir," bati ni Sergio.

Istriktong tumango si Tatay, hindi pa rin tumitigil sa pagsibak. Si Nanay ay tumawa.

"Ang pormal mo talagang bata ka. Sige na, tumulak na kayo at baka mahuli pa kayo sa eroplano!" ani Nanay.

Tinanggap niya ang bagahe ko at nilagay 'yon sa likuran ng sasakyan. Nagpaalam pa ako saglit sa mga kapatid ko bago kami tuluyan nang umalis papunta ng airport.

Malapit na ang gabi. Pero kitang-kita ko pa rin ang pinapatayo na lighthouse ng gobyerno sa Basco.

"Kailan kaya 'yan matatapos?" wala sa sarili kong tanong.

"Sabi ni Papa mukhang matatagalan pa raw. Dahil madalas umulan. Naaantala ang construction. Pahirapan din makakuha ng materyales ngayon."

I said nothing and looked at the wonderful landscape that I might not see for months again.

We passed by the forest that seemed to stretch itself to infinity. I looked up and saw the sun slowly retreated to the horizon, as its light cast the faintest of shadows from the trees to where we are.

Suddenly, I felt something warm tug on my hand. It was gentle. Soft. It's something I wasn't very used to. And yet, it felt familiar.

Tinitigan niya ang mga kamay ko. Nangunot ang noo niya, bagay na ikinakunot rin ng akin.

He stared at it intently for minutes. Nagsisimula na akong mangiti dahil sa itsura niya. Ngunit nang pinagsalikop niya ang aming mga kamay, doon na ako nakaramdam ng kiliti sa aking tiyan. Parang sasabog ang puso ko sa 'di mapangalanang tuwa habang tinititigan siyang pumipikit at hinihilig ang ulo sa backrest.

My eyes flew to our hands. Kahit nakaramdam ako ng bahagyang pagkaasiwa dahil baka makita kami ng driver, lamang doon ang saya.

"Just let me do this 'til we go back. Your hands are soft," he murmured.

Bumuntong-hininga ako.

Warmth can be cold, too, in a way that physical contact can never comprehend nor explain. The cold, no matter the warmth, will always find its way to the deepest parts of you.

And that's how it felt when he held my hands tightly.

I plan to stay away. So that my friends can take the hint. So that Patrick will understand that it's not working. So that Sergio will be mad... and stay away from me, too. Even though it would hurt a lot.

And maybe... just maybe... I can get away from this stupid deal I made with Patrick months ago. And if he still likes me after all the hurt I will cause him, I will just be... here. I won't go anywhere else.

Halos matawa ako nang mapakla. May tao ba na kayang maghintay matapos mong gaguhin? Sa lahat ng nagawa ko at gagawin ko, karapatdapat ba ako sa atensyon ng taong wala namang ibang ginawa kundi magustuhan ako?

But still, I'm waiting. I will be waiting.

"I guess... I'll see you next week?"

Tango lang ang sinagot ko. Hindi ko kayang sabihin. Hindi ko kayang mawala sa mga labi niya ang ngiti.

"Take care, Alunsina. I'll be going now."

"Take care, too," the words barely left my mouth.

And I watch him slowly walk away from me.

Continue Reading

You'll Also Like

2K 189 19
Marianne "Ian" Joaquin is on her journey to open another chapter of her life. She is on her way to Berlin in hopes of reaching her dreams-to become o...
29K 41 1
Forever Series 2/4 - Forever Agape II An Email from Hell Elizander Sy Laurette
1.9K 91 19
Leanna Rhaia Delgado is the most relaxed law student in their batch. Para sa kanya, basta maging abogado lang sapat na. Life is too short to be dwell...
2M 49.9K 164
Frankie (Epistolary with narration)