Precious [Short / COMPLETED]

By BelomaCassidy

14.8K 399 82

More

Prologue
Chapter 1: Meet Precious
Chapter 2: Meet Ian
Chapter 3: Ian meets Precious
Chapter 4: Precious meets Raynier
Chapter 5: Precious meets Ian
Chapter 6: Kiss
Chapter 7: The Attempt
Chapter 8: The Return
Chapter 9: Escape
Chapter10: Sweet Mistake
Chapter11: Doubt
Chapter12: The decision
Chapter13: Francine Marquez
Chapter 14: The Truth
Chapter 16: His Past
Chapter 17: Revelation
Epilogue

Chapter 15: Flashback

497 13 1
By BelomaCassidy

______o0o______

 
 

Chapter 15

 

Precious' POV:

Ang daming mga pangyayari ang nasa isip ko at ang karamihan ay hindi ko maintindihan. May mga napapanaginipan ako noon na mga ala-ala ko pala. Katulad nalang ng dalawang batang naglalaro sa ilalim ng puno. Ako pala iyon ng maliit ako kasama si Rener. Nagbalik na iba pero may kulang parin.

Nandito ako ngayon sa hospital na ayaw na ayaw kong puntahan pero hindi ako nagpauwi sa pagkakataong ito. Lalaban na ako. Gusto ko ng matandaan ang lahat at malaman ang buong katotohanan.

Alam ko na kung bakit ang daming alam sa akin ni Rener pero hindi ko parin maintindihan kung bakit nakarating kami sa mala-paraisong lugar na iyon. Isang lugar na narating namin sa loob ng ilang minuto lang. Ang gulo talaga pero isa ang sigurado ako. Minahal ko si Rener at alam kong mahal ko parin sya.

Andyan ka lang naman diba? Sabi mo susubaybayan mo ako sa malayo di ba? Hindi mo naman talaga ako iniwan di ba? Umaasa akong magkikita pa tayo Rener. Tanda ko na ang mga araw na kasama kita dito.

(Flashback...)

Madalas akong nasa hospital dahil sa pabalik-balik ang aking sakit. Gusto kong lumabas. Gusto kong umuwi. Pero wala pa daw kidney para sakin. Buti pa yung pasyente sa kabilang room maooperahan na daw. Nakakainggit.

Lumabas ako ng silid at naglakad sa hallway. Hindi ko sinasadyang makinig sa usapan ng iba.

"Anak naman. Please. Para sa iyo yon." sabi ng isang babae.

"NO!" sagot naman sa kanya.

Ay, ang bad boy naman nun.

"Makinig ka naman anak." umiiyak na yung babae.

"I said, NO!"

Lumabas yung bad boy at tumakbo. Nakita kong umiiyak yung babae.

"Tahan na hon. Papayag din si Raynier." sabi ng lalaki. Asawa nya siguro yon. Ang bait naman. Sana ganyan din mapangasawa ko balang araw. Ayaw parin tumigil nung nanay. Kainis naman yung boy. Hmp, buti nga may mama pa sya.

 Maglalakad na sana ako ng marinig ko ang sunod na sabi nya.

"Bakit ba ayaw nyang magpaopera?"

Kung ganon, sa bad boy na yun pala mapupunta yung kidney na matagal ko ng pinapanalangin? Aah! Nakakainis!

Sinundan ko sya. Nakita kong nakasandal sya sa isang puno.

"Hoy Rener!" tawag ko.

Tama naman pagkakarinig ko di ba? Tumingin sya at ang sama pero hindi ako papatinag.

"Bakit ang bad mo? Bakit pinaiyak mo mama mo? Ano bang masama kung magpapaopera ka? Buti nga ikaw may donor na, ako wala pa!"

"Edi sayo na! Tsaka, anong pakialam mo ha? Bakit? Ikaw ba naiiwan sa bahay mag-isa? Alam mo ba na ngayon lang sila nagka-time sa akin? Ang akala mo ba madali sa akin to ha? Wala na akong pakialam kahit araw-araw syang umiyak. Ang importante, nandito sila! Ang importante, kasama ko si-"

Hindi ako nakatiis. Sinuntok ko sya. Napaka-selfish nya! Nakakasakit ng loob na mapupunta ang kidney sa isang taong hindi deserving.

"Huy miss. Ikaw nanuntok ah? Bakit ikaw umiiyak?"

Hawak nya yung pisngi na sinuntok ko.

"Ang bad bad mo! Ano naman ngayon kung hindi ka nila pinupuntahan sa bahay? Pwede ka namang pumunta sa work nila ah?"

Napaupo ako. Ang unfair kasi.

"Ako nga gusto ko nang magpaopera. Gusto kong pasyalan si mama sa simenteryo pero... sabi ni papa hindi daw pwede. Buti nga ikaw buhay pa mama mo pero pinapahirapan mo naman. Ako, a-ako... si mama... ang mama ko... n-nasa heaven na."

Hindi ko mapigilan ang aking iyak. Ilang sandali lang ay nilapitan nya ako. Hindi na sya galit.

"Uh miss. Ahm, wag ka ng umiyak. A-ano, payag na akong paopera tumigil ka lang."

Natigil ako sa pagkaiyak pagkarinig ng sinabi nya. Bigla akong natuwa. Ang ibig sabihin kasi nun hindi na iiyak mama nya. Hindi ko napigilan ang mapangiti na ikina tulala nya. Hindi ko nalang pinansin.

"Tara?" sabi ko sabay tayo. Pinunasan ko na mga luha ko.

"S-saan?"

Hinawakan ko isa nyang kamay at hinila. Gusto ko syang dalhin sa mama nya. Tumatakbo kami ng maramdaman kong humigpit pagkakahawak nya sa kamay ko kaya lumingon ako saglit. Nakangiti sya at sa hindi ko alam na dahilan ay biglang bumilis tibok ng puso ko. Uhm, baka dahil sa takbo? Ewan. Pa-check up nalang ako maya.

Nakarating na kami at gaya ng inaasahan, umiiyak parin ang mama nya.

"Ahm, mama ni Rener? Payag na po syang magpaopera. Please po, wag na kayong umiyak." sabi ko na ikinagulat ng mag-asawa.

Biglang tumakbo ang babae at niyakap yung Rener tapos... pati ako? Nagulat ako ng una pero napangiti din. Ang sarap pala sa pakiramdam. Ganito rin kaya kung si mama ko ang yayakap sakin?

"What's your name?" tanong sakin habang nakayakap.

"Precious po." sagot ko tapos lalong humigpit yakap nya.

"Thank you, Precious." sabi pa nya. Ang init sa pakiramdam. Gusto ko ng mama. Namalayan ko nalang na nakayakap na din pala ako.

Bukas na daw yung operasyon ni Rener. Ako kaya kelan? Excited na akong gumaling. Madami ako ikukwento sa puntod ni mama pag nakadalaw na kami ni papa. Nasa silid na naman ako ng hospital at nakakulong. Masyado kasi akong napagod sa pagtakbo ko kaya kailangang bumawi ng aking katawan. Ilang sandali lang ay pumasok si Melissa, ang bantay ko.

"Precious, may bisita ka." sabi nya. Si Rener ang kanyang kasama. "Maiwan ko muna kayo. Punta lang ako sa labas, sa may botika." sabi pa nya bago umalis.

Naiwan na kami ni Rener.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

Umupo sya sa silya sa tabi ng kama ko. Inilagay nya kanyang kamay sa kama tsaka pinatong ang ulo nya doon sabay ngiti. Ayan na naman ang puso ko. Ang bilis ng tibok. Ang lakas ng pintig.

"Wala naman. Gusto lang kita pagmasdan sa malapitan. Dati sa bintana lang kasi."

Huh? Kung ganon sya yung napapansin kong nakatingin? Kala ko guni-guni ko lang. Hindi ako makapagsalita. Parang nakakahiya kasi.

"Ilang taong ka na?"

"E-eleven."

"May boyfriend ka na?"

"Ha?"

"Boyfriend. Meron ba?"

"W-wala. Di pa a-ako nagkaboyfriend."

"Talaga? Ako rin e. Twelve na ako kaya pwede na tayo."

"Ha?"

"Ano... ahmm, pwede manligaw?"

"Ha?"

"Tsk. Prechus naman e. Naglalakas loob na nga ako tapos hindi mo pa ako marineg."

"Precious p-pangalan ko."

"Dinig ko nga. Sabi mo yun kay mama pero mas gusto ko Prechus tawag ko sayo tutal Rener tinawag mo sakin. Raynier kasi pangalan ko."

"Ah sorry Raynier."

"Hindi, mas gusto ko yung una mong tawag. Rener na tawag mo sakin at Prechus naman tawag ko sayo. Tutal ang cute ng pangalan parang ikaw."

Napayuko ako sa sinabi nya. Nakakahiya kasi talaga.

"Prechus."

"Bakit?"

"Nagba-blush ka oh. Mas lalo kang naging-cute."

"Hi-hindi ah."

"Teka, nalayo na usapan. Basta liligawan kita ha? Kasi alam mo, ang tagal ko na dito. Ang labo siguro sayo pero gusto na kita nung una palang na dating mo. Para na nga akong stalker kasi sinusundan kita paglumalabas ka. Tumitingin ako sa bintana mo kapag tinatanaw mo ang labas. Ewan pero sayo lang ako nagkakaganito. Ang lakas ng kabog ng puso ko kapag nakikita kita lalo ng nung nakita kitang ngumiti kanina. Sa tingin ko Prechus, mahal na kita."

Pwede ba yun e ang bata pa namin? Hindi ko na talaga sya matignan. Naramdaman ko na lang na hinawakan nya kamay ko kaya napalingon ako sa kanya. Hindi rin pala sya nakatingin. Hawak nga ng isa nyang kamay ang kamay ko pero nakapatong naman ang ulo nya sa isa nyang kamay.

"Ang bata pa natin pero sigurado na ako sa nararamdaman ko. Nahihiya ako sayo. Naglalakas loob ako ngayon kesa sa magsisi ako sa huli."

Parehas pala kaming nahihiya. Pareho din na bumilis ang tibok ng puso ng makita ang ngiti ng bawat isa. Hindi ko rin ito nararamdaman sa iba. Magkatulad ba kami ng nararamdaman sa isa't-isa? Ang bilis naman ata?

"Gusto rin ata kita Rener." bigla nalang lumabas ang mga katagang iyon.

"Talaga? Haha. Uhm, pwedeng payakap?"

"Ha?"

"Ayan ka na naman e."

Hindi na ako nakasagot dahil bigla na nya akong niyakap at nagsabing...

"Mahal kita Prechus ko."

---

Natapos ang operasyon ni Rener. Naging matagumpay ito. Maaari na daw syang umuwi pero mas pinili nyang matatili sa hospital hanggang sa tuluyan syang gumaling. Dahil sa bata parin naman kami ay madalas kaming naglalaro. Madalas sa ilalim kami ng puno. Gusto ko bahay-bahayan at papayag si Rener basta sya yung tatay ni baby bear.

Isang araw nakita ko syang naghuhukay malapit sa puno kung saan lagi kaming naglalaro. Ibinaon nya ang isang kahon. Tinanong ko sya kung para saan yon pero hindi ko na matandaan ang kanyang sagot.

(...end of flashback)

Kailangan ko ng gumaling para malaman kung anong ang meron sa kahon na iyon. Kanina pa ako nakahiga ngunit di ako makatulog. Dinig ko pa ang pagdating ni Melissa. Si Ian kasi ang kasama ko. Tinuruan pa nga nya ako ng chess kanina. Tinatamad akong bumangon kaya nakinig nalang ako sa usapan nila.

Nagkwentuhan sila at hindi ko nagustuhan ang aking mga narinig. Hindi pala sa isang aksidente namatay si mama kundi sa panganganak sa akin. Ang sakit.

Kaya pala ganon nalang mga mata ni papa sa tuwing nakatingin sya sa akin. Kaya pala laging malungkot si papa kapag tinititigan ako. Kaya pala parang nahihirapan sya kapag ako ang kaharap. Nasasaktan ako pero mas higit akong nasaktan sa sunod ko pang nalaman.

"Ang kaso may sasakyan kaya nasagasaan sya at namatay." sabi ni Melissa na nagdulot ng kirot sa akin.

"Ang kaso may sasakyan kaya nasagasaan sya at namatay."

Si Rener ang tinutukoy nya.

"Ang kaso may sasakyan kaya nasagasaan sya at namatay."

Ayaw kong maniwala pero para itong sirang plakang nagpautit-utit sa utak ko para lalo kong maunawaan.

Hindi nila napansin ang paggising ko. Bumangon ako kaya kita ko ngayong hawak ni Ian si baby bear. Sabi ni Melissa, imposible daw na yun yung binili ni mama para sa akin. Di na ako nakatiis kaya nagsalita na ako.

"Yan yon." sabi ko na tinutukoy ang teddy bear.

"Akin yan." sabi ko pa.

Ayaw kong maniwalang patay na si Rener. Hindi pwedeng patay si Rener. Hahanapin ko talaga ang kahon.

"Binalik yan ni Rener."

Narinig ko lahat ang pinagkwentuhan nila. At ang totoo... nanumbalik na ang aking ala-ala pero ayaw kong maniwala.

"Hindi pa sya patay."

Iyon na ang huli kong nasabi bago nagdilim ang aking paningin.

"Precious!!!"

Dinig kong tawag nina Melissa at Ian bago ako nawalan ng malay...

______o0o______

**Next==> "His Past"

-->BelomaCassidy

Continue Reading

You'll Also Like

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
82.4M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
63.2M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!