Love, The Second Time Around

By HippityHoppityAzure

618K 14.2K 912

Isang babaeng nadala. Isang lalaking nagsisisi. Isang masakit na nakaraan. Paano kung muli silang magkita? Ma... More

Love, The Second Time Around
Chapter 1: Crossing Paths
Chapter 2: That Past
Chapter 3: News
Chapter 4: Some Unexpected Things
Chapter 5: Her Future
Chapter 6: She Will
Chapter 7: Independence
Chapter 8: His Side
Chapter 9: Doomed
Chapter 10: Confrontation
Chapter 12: Chances
Chapter 13: Alannah
Chapter 14: A Mother's Favor
Chapter 15: Something Surprising
Chapter 16: Losing It
Chapter 17: What She Doesn't Get
Chapter 18: A Secret
Chapter 19: One Sunday
Chapter 20: Together
Chapter 21: A Night of...
Chapter 22: One Step At A Time
Chapter 23: After All
Chapter 24: Parents
Chapter 25: Magic
Chapter 26: Plans
Chapter 27: Bitter Thought
Chapter 28: Hate, Love
Chapter 29: Fighting Back
Chapter 30: At del Valle's
Chapter 31: Well Enough
Chapter 32: Getting Better
Chapter 33: Plea
Chapter 34: Family
Chapter 35: Surprise
Chapter 36: Happiest Birthday
Chapter 37: Yell
Chapter 38: Make It All Okay
Chapter 39: Rejection
Chapter 40: Sorry
Chapter 41: Acceptance
Chapter 42: Give Up
Chapter 43: Beg
Chapter 44: Back
Chapter 45: In A Hurry
Chapter 46: That Bitch
Chapter 47: Yvette
Chapter 48: Hold On
Chapter 49: Promise
Chapter 50: Smile
Epilogue

Chapter 11: Their Setup

11.6K 285 10
By HippityHoppityAzure

Chapter 11: Their Setup

“I KNOW A place where you can stay in for a while. Somewhere you won’t need to deal with me.”

            Nanahimik na lang si Monic mula nang sabihin iyon ni Marky. Ano pa ba kasing magagawa niya? Tumatakbo na sa highway ang sasakyan nila. Ayaw naman niyang magmukhang tanga kakapilit na ibaba na siya nito. Kaya gusto man niyang ipagsigawan na kidnapping ang ginagawa nito sa kanya, pinigilan na lang niya ang sarili.

            Pumasok sila sa isang private subdivision hindi kalayuan kina Teacher Riz. Malapit-lapit lang din ito mula sa paaralang pinagtatrabahuan nila.

            Maya-maya ay tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang bahay. Malaki-laki ito at may kagandahan. Color yellow na may brown details, at two-storey na may sariling garahe.

            Bumusina ng tatlong beses si Marky—na ikinagulat niya—bago nito pinatay ang makina at bumaba. Sumunod naman siya agad ng baba, not giving the guy a chance na magpaka-gentleman sa kanya. Mukha tuloy itong nadismaya.

            “Tuloy ka,” salita na lang ni Marky sabay bukas sa pintuan ng gate.

            Napabuntung hininga naman si Monic bago naunang pumasok.

            “Daddyyy!”

            Nagulat si Monic nang makita si Alannah na tumatakbong lumabas ng front door. Natigilan din ang bata nang makita siya.

            Somewhere I can stay in without dealing with him, pero bahay pala nila ang tinutukoy niya?

            “Prinsesa ko,” nilapitan ni Marky ang anak at kinarga ito. “Behave. May bisita tayo. Nasaan si Mama?”

            “Nagfo-fold po ng mga clothes.” Sagot ng bata habang nakatitig kay Monic.

            Nakapasok na sa loob ng bahay ang mag-ama nang lingunan ni Marky si Monic na hindi na pala gumalaw mula nang makita si Alannah.

            “Nix, maupo ka dito sa loob.”

            With another sigh, Monic did what she was told. Pumasok siya at nagulat sa mga nadatnan sa sala. Bukod sa nagmukhang pink mini-kitchen iyon dahil sa mga pink na lutu-lutuan ni Alannah na nakaayos sa center table, may katandaang babae rin ang eksaktong lumabas galing sa kainan. Gaya niya ay nagulat din ito nang makita siya.

            Alannah’s grandmom. Monic tensed nang mamukhaan niya ito. And… Marky’s mom...

            “Oh, Teacher Nix?” Late reaction nung babae. “Tama ba? Ikaw ‘yung ka-trabaho ni Teacher Riz, ‘di ba?”

            “Opo...” Mahina, nahihiya, at kabado niyang sagot.

            “Ma,” singit ni Marky. “Usap po muna tayo sa taas.”

            “Huh?” Mukha namang naguluhan ‘yung babae.

            Inupo ni Marky ang anak sa may sofa. “Alannah, dito ka muna ah? Samahan mo si Teacher Nix.”

            Tumango lang ang bata.

            “Nix,” tumayo na si Marky at nilingunan si Monic. Magsasalita pa dapat ito, pero sa huli ay sumenyas na lang ito sa kanya na maupo na.

            Tumango rin si Monic at umupo sa tapat ni Alannah. Habang si Marky ay dinala na ang ina sa taas.

            Ano kayang pag-uusapan nila? Monic wondered, then almost laughed at herself. Ano ba naman tanong ‘yun, Monic? Malamang ikaw at ang problema mo ang pag-uusapan nila.

            “Teacher Nix?” Malambing na tawag ni Alannah sa kanya.

            “U-uy,” nginitian niya ito. “Hi nga pala, Alannah.”

            “Magti-teacher ka po dito ngayon?”

            “Ay hindi,” halos matawa siya sa inakala ng bata. “Ano lang... Uhm, hindi ko pa alam...”

            Napatitig na lang sa kanya ang bata. Nanatili naman siyang nakangiti rito. Ang cute kasi ng pagka-inosente ng itsura nito.

            “Ang dami mo namang toys,” bati niya sa mga laruang nasa center table.

            Napatayo bigla ang bata. “Gusto mo po ng coffee?!” Hyper bigla nitong tanong.

            “Coffee?”

            “Mm!” Tumango ito at dali-daling kinalikot ang mga laruan.

            Ahhh. Nalinawan din si Monic. Akala niya kanina eh balak siya nitong ipaghanda ng totoong kape.

            Matawa-tawa niya itong pinanood habang kunwaring nagtitimpla ng kape. Aba at may toy coffee maker pa pala ito.

            Doon niya ring nagawang titigan nang mas maigi ang magandang mukha ni Alannah. Hating-hati pala ang namana nito sa mga magulang. ‘Yung ilong pababa pati ang hugis ng mukha, kay Marky. ‘Yung mga mata, noo at buhok, kay Yvette.

            Dati, ilang beses niyang inisip na baka hindi naman anak ni Marky ang dinadala ni Yvette; na baka masyado lang desperada ang dati niyang best friend na mang-agaw ng kasintahan. After all, she knew that Yvette could sleep with any guy. Naalala pa nga niya ang pagkukuwento nito noon kung paano ito madaling bumigay sa unang naging boyfriend nito nung makatuntong sila sa kolehiyo. Ganung klaseng babae ang dati niyang matalik na babae.

            At ngayon, inisip na naman niya iyon. Umasa na naman siya na niloko lang ni Yvette si Marky. Kaso hindi eh. Malaking patunay na ang mga nakikita niya ngayon sa bata. Ang itsura nito, ang hilig nito—all of it were combination of Yvette and Marky’s traits. And it was hurting her.

            God, hindi ko dapat hinayaan si Marky na dalhin dito. Napapikit siya at hinga nang malalim.

            “Ready na po ang coffee!”

            Pagkadilat niya ay tumambad sa kanya ang inaabot ni Alannah na maliit na pink cup na nakapatong pa si pink saucer. Again, natawa siya.

            “Thank you,” tinanggap niya iyon at kunwaring ininom. “Hmm, ang sarap ah?”

            Napabungisngis ang bata sabay bawi sa tasa at platito. Nilagay nito ang mga iyon sa may single sofa.

            Lababo kunwari siguro. Isip ni Monic.

            Nagulat naman siya nang lumapit ulit ang bata sa kanya at parang may hinihingi.

            “Bayad mo po?” Tanong nito.

            “Haaa?” Natatawang nagulat si Monic sa hiningi nito. May bayad pala?! Bumi-businesswoman lang ah! “Nako, paano na ‘to. Wala akong pera?” Bukod sa totoo iyon ay gusto niya ring subukan ang pag-iisip ng bata.

            “Oooh! Utang.”

            Alam niya kung ano ang utang?!

            Madaling umupo si Alannah sa isang gilid ng center table at doon ay may maliit itong notebook na sinulatan.

            “Ano ‘yan?” Pag-uusisa ni Monic.

            “Listahan po ng mga nag-uutang sa akin!” Sagot nito habang madiin at mabagal na nagsusulat.

            Natawa na lang si Monic. Naglilistahan pa talaga ito ah?

            “Ikaw po first utang lang! Si Lola ang dami-dami na.” Napasimangot ito. Tila nagsusumbong.

            “Alannah?”

            Muling na-tensyonado si Monic nang marinig ang boses ng nanay ni Marky.

            “Akyat ka sa taas. Hanap ka ng daddy mo.”

            Sumunod agad ang bata. Tumakbo ito paakyat sa ikalawang palapag.

            Napatayo naman si Monic nang tignan siya nung babae. Nakangiti ito pero talagang nakakatensyonado ang presensya nito. May pagka-istrikta kasi ang dating. Never niya rin kasi itong nakausap bilang guro sa pinapasukan ng apo nito, o maski bilang girlfriend ng anak nito noon. Nung mga panahon kasi na iyon ay ito ang nag-iibang bansa para matustusan ang pag-aaral ni Marky.

            “S-sorry po hindi ko kayo nabati agad kanina.” Pag-apologize ang unang-unang naisip gawin ni Monic. “Ako nga po pala si—”

            “Monic,” ito na ang tumuloy sa pagpapakilala niya, still with a smile. “Relax lang. Huwag ka na mailang. Matagal na kitang kilala—uhm of course, dahil ikaw ang co-teacher ni Teacher Riz. Madalas kitang makita no’n doon sa school.”

            Pilit na lang siyang ngumiti.

            “Anyway, ako si Malou. Tita na lang itawag mo sa akin.” Nag-alok ito ng handshake na tinanggap ni Monic. Natawa naman ang babae sa paghawak ng mga kamay nila. At alam ni Monic na dahil iyon sa panlalamig ng kanyang kamay. “Tara dun sa kainan. Malapit na matapos ‘yung niluluto kong adobo. Kumain ka ah para makainom ka ng gamot at makapagpahinga kaagad. Sabi ni Marky masakit daw ulo mo eh.”

            Speaking of, masakit pa nga rin ang ulo niya. Hindi na lang niya iyon nabibigyang pansin dahil sa dami ng kumukuha ng atensyon niya.

            Dinala siya ni Malou sa kainan at pinaupo sa isa sa mga silyang naroon.

            “Simulan mo nang matuto na hindi mahiya sa akin,” a’nito habang nag-aayos ng hapag-kainan. “Feel at home ka lang habang nandito ka.”

            “A-alam mo na po?”

            “Hm,” tumango ito. “Nagpaliwanag na kanina sa taas si Marky. At ayos lang naman sa akin na pansamantala kang mag-stay rito. Pabor pa nga iyon sa akin, sa totoo lang. Matutuwa ang apo ko na may makasama kaming iba dito.”

            May sinusubukang intindihin si Monic, pero ayaw gumana ng utak niya.

            “Ma,” si Marky, pumasok ng kainan nang karga-karga ang anak—at nang may nakasabit na bagpack sa likuran.

            “Oh. Alis ka na?” Tanong ng ina nito.

            Naguluhan doon si Monic. Aalis si Marky? Sa sarili niyang pamamahay? D-dahil lang sa akin? P-para lang may matuluyan ako?

            “Opo,” pinatayo ni Marky ang anak sa isa sa mga silya at pinangigilang yakapin at halikan. “Alannah, magpakabait ka ah? Tatawag ako mamaya.”

            Tumango ang bata. “Opo Daddy!”

            “Mag-ingat ka sa pag-drive ah?” Paalala ng nanay ni Marky.

            “Opo Ma.” At binaling ni Marky ang tingin kay Monic. “Nix, mama ko na bahala sa’yo.”

            Hindi naman makasagot si Monic. Ni pagtango, hindi niya magawa.

            Hindi naman nito hinintay na sumagot siya. Basta muli lang itong nagpaalam sa anak at ina bago umalis.

            Nang marinig ni Monic ang pagsara ng front door, bigla siyang napatayo.

            “T-Tita, pigilan niyo pong umalis si Marky.” Sabi niya na ikinagulat ng matanda. “Hindi po niya kailangang umalis at iwan ang anak niya dito dahil lang sa akin. M-may iba pa naman po ako matutuluyan eh. Hindi siya—”

            “Monic,” hinawakan siya ni Malou sa braso.

            “S-si Marky po—”

            “Huminahon ka muna, hija. Please.” Matawa-tawa ito. At saka lang naisip ni Monic na nagmumukha na yata siyang baliw dahil sa pagpa-panic.

            Bakit ba ako nagpa-panic? Pagtataka rin niya kaso hindi pa rin siya makapag-isip nang maayos. Damn. Pati ako nako-konsensya na rin ngayon!

            “Makinig ka, hija. Si Marky, kailangan niya talagang umalis ngayon. Sa Pasay na muna siya titira kasama ‘yung minsang nakatrabaho niya sa Dubai. May business kasi silang inaasikaso do’n. Isang culinary arts school. Eh magsisimula na silang magturo ngayong bakasyon kaya ayun. Kailangan talaga niyang umalis.”

            Medyo napanganga roon si Monic. Culinary arts school? Magtuturo? Si Marky?

            “Hija?”

            Pilit na napangiti si Monic. “Uh eh, ganun po ba? S-sige. Pasensya na po.” At nahihiya siyang bumalik sa pagkakaupo.

            Natawa na lang ang ina ng dati niyang nobyo at saka nagpuntang kusina. Si Monic naman ay napahugot ng malalim na hininga kasabay ng pag-alala sa sinabi ni Marky kanina tungkol sa maaari niyang tuluyan nang hindi niya ito kakailanganing makita o makausap.

            Kaya pala. She was relieved—and quite impressed sa naging kinahinatnan niya. What a setup.

 

—TBC

A/N: 0213 update. Advance happy Valentine’s day, LTSTA readers! :)

Continue Reading

You'll Also Like

2M 40.6K 33
(Finished) You're 19. He's 28. What's really the deal of having a relationship with an older guy? Unless it didn't start with a simple relationship...
GLIMPSE OF HIM By Ac

General Fiction

326K 5.7K 50
Strictly for open-minded only! No alliens allowed.
7.6K 226 54
(Maybe Duology #1) |Completed| There are thousands of maybe, is there a chance that you will love me?