Love In The Clouds | ✔

By Lady_Mrg

4.6K 297 20

[ TFL SERIES #5 ] •°• A story of two people loving at no age limit. For them, love is love even their age was... More

DISCLAIMER | 18+
PROLOUGE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
EPILOUGE
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 23

81 5 0
By Lady_Mrg

"Nasaan ang inaanak ko?" Agad na tanong ko kay Nicca dahil may pasalubong akong cookies na paboritong-paborito baby namin.



"Baby, nandito ulit si Mama Valerie." Rinig kong sabi ni Nicca at nakita kong kinuha niya mula sa crib ang inaanak ko.



"Akin na nga muna, tingnan mo itsura mo Nicca. Sinabi ko naman sa'yo na magpahinga ka na lang, kaya ko naman kayong suportahan kung papayag lang 'yung boyfriend mo. Hindi mo na kailangan pagurin ang sarili mo sa hospital." Pagsermon ko sa kanya at tinalikuran naman nya ako para ipagpatuloy ang ginagawa nya sa kusina.



"Salamat na lang girl. Sobrang swerte ko talaga na kaibigan kita." Humarap siya sa akin at bumuntong hininga. "May hiya rin naman ako. Kahit kaibigan kita ayaw ko pa ring ikaw ang sumuporta sa pamilya ko tsaka may trabaho naman ang boyfriend ko, hindi nga lang kalakihan ang kita pero sinisikap naman namin na mapalaki ng malusog si Wennica." Ngumiti siya ng marahan pero kitang-kita ko ang pagod sa mga mata niya. "Kung kaya ko lang dalawahin ang katawan ko, gagawin ko, para habang nagtatrabaho ako naaalagaan ko rin ang anak ko."



"Hay nako anak, umiiyak na naman ang Mommy mo." Hinele-hele ko si Wennica habang pinupunasan ko naman ang luha sa pisngi ni Nicca. "Kahit ngayon lang sana Nicca, ngayon lang ako babawi sa'yo sa lahat ng utang ko sa'yo. Hayaan mo naman akong tulungan ka. Ganito na lang, since ayaw mo rin naman tumigil sa trabaho pwede mo naman iwan kay Mama si Wennica! Para din makatipid ka 'diba! Imbis na magbayad ka pa ng ibang tao na mag-aalaga sa anak mo, kay Mama na lang. Libre pa at sigurado akong ligtas sya don."



"Ay nako! Nakakahiya kay Mama! Halos sya na nga ang nagbayad ng kalahati sa bill ng hospital noong nanganak ako tapos sya pa ang papagurin ko para mag-alaga ng anak ko? eh dumoble na nga ang likot ni Wennica." Natawa na lang ako dahil ang bilis nyang magsalita.



"Wala namang kaso kay Mama 'yon tsaka parang hindi mo kilala 'yon, noong unang beses nyang binuhat si Wennica halos ayaw nang bitawan. Ayaw mo ba non? Makakasiguro ka nang ligtas si Wennica tapos nakakabonding pa nya ang lola nya, kaya pumayag ka na please? Nag-aalala lang naman ako sa inyong dalawa." Halos magdrama ako sa harap ni Nicca para lang pumayag sya na kay Mama na lang nya iiwan si Baby kapag nasa trabaho kami.



"Oo na..." Bumuntong hininga siya. "Pero tatanungin ko muna si Sky, nakakahiya naman kasi baka isipin nyang tumanggi akong ipaalaga si Wennica sa Parents nya tapos papayag ako na ipaalaga sa Parents mo ang sarili naming anak."



May punto din naman sya pero mabait naman si Sky, sigurado akong maiintindihan nya ang kalagayan nila ni Nicca.



"Speaking of your boyfriend, there he is. Kausapin mo na, akin muna si Wennica at mamasyal kami. Usap well." Buhat ko si Wennica at nakasalubong ko si Sky. Huminto sya sa harapan ko para halikan ang anak nya.



"Nandito ka pala." Nahihiyang sabi niya at napakamot pa sa batok.



"Ah oo, dinadalaw ko lang si Nicca pati 'tong inaanak ko. Alagaan mo sila kung ayaw mong sunugin ko bahay nyo!" Pagbibiro kong sabi at natawa naman siya at itinaas ang dalawang kamay na para bang sumusuko.



"Opo, aalagaan ko po ang apo at anak nyo." Aba! Nakikisakay na sya ngayon sa mga biro ko ah! Dati sobrang nahihiya sa'kin, good, improving ka.



"Tama na nga 'yan. Hayaan mo nang umalis 'yang nanay ko, hiniran nya lang apo nya." Si Nicca naman ang bumuwelta ngayon at pinagtawanan nila akong dalawa!



"Hoy kayong dalawa! Kikidnappin ko 'tong anak nyo isa pang tawa nyo!" Tumigil sila sa pagtawa pero si baby Wennica naman ang bumungisngis kaya ang ending lahat kami ay nagsitawanan.



"Tama na nga, sige na, ipasyal mo na si Wennica, mag-uusap lang kami ni Sky. Ingat kayo ah!" Tumango lang ako kay Nicca at lumabas na ako sa bahay nila.



"Baby, palagi mong papatawanin ng Mommy at Papa mo ah, para nababawasan ang pagod nila sa trabaho." Bahagya kong pinisil ang matabang pisngi ni Wennica at inayos ang baby hair niya na sabog-sabog.



Nagtaxi kami papunta sa pinakamalapit na mall dito para bibilhan ko sya ng ilang damit at mga laruan. Lumalaki na rin si Wennica at 'yung ibang mga damit nya ayaw nang kumasya kaya iilan na lang ang nasusuot nya. Naiintindihan ko naman kung bakit hindi sya msyadong nabibilhan ng damit ni Nicca dahil sa pang-gatas at diaper pa lang wala nang natitira sa sahod nilang dalawa, kaya nga hindi sila makapagplano ng kasal dahil hindi rin sila suportado ng magulang ni Sky.



"Paglaki mo mag-aral ka ng mabuti, since ayaw ni Mommy mong tumanggap ng malaking tulong, ikaw lang ang mag-aahon sa kanila kaya magpakabait ka ah!" Ngumiti ako at pinanggigilan ulit ng pisngi niya. Sa sobrang cute nya parang gusto ko na rin magkaanak pero dahil kasama ako ni Nicca nung nganganak sya, nakita ko lahat pati paglabas ng baby kaya natakot ako. Baka mag-aapon na lang ako.



Una kaming dumaan sa bilihan ng mga laruan at ang dami kong nagustahan para sa kanya kaya binili ko na. Nag-grocery din ako para kay Nicca. Muntik ko pang makalimutang bumili nang damit, mabuti na lang naalala ko nung nakita ko 'yung bata na natapunan ng ice cream 'yung damit.



"Ang laki mo baby! Ang hirap mo hanapan ng size na sakto sa'yo." Tumatawa kong sabi habang buhat ko pa rin sya. Mali ako na hindi ko dinala ang stroller nya. Hindi ko na maramdaman ang braso ko dahil ang bigat-bigat nya at hindi ko manlang maibaba dahil hindi pa sya sanay lumakad, baka matumba at masugatan pa kay nagtitiis akong buhatin sya kahit sumusuko na ang braso ko.



"Tito, I already have a lot of clothes at home po, why should we buy more?" Halo-halong boses ng bata at mga customer ang naririnig ko pero ang boses na 'yon sobrang tinis at ang sakit sa tenga.



"Kasi makulit ka, sinabi ko sa'yo dahan-dahan lang ang kain ng ice cream, tingnan mo damit mo, ang dumi-dumi. Kapag inuwi kitang ganyan ang itsura mo, sasakalin ako nang bruha mong nanay."



Nagkibit-balikat na lang ako sa mga naririnig ko at nagpatuloy sa pag-hahanap ng damit. Wala akong makitang sakto sa size ni Wennica, kung hindi sobrang liit, sobrang laki naman. May isa akong nakita na sakto sa kanya pero ayaw kumasya sa braso at hita, ano pang saysay nun kung bibilhin ko.



Nagtanong na ako sa sales lady at may pinakita sya sa'kin, medyo malaki pero since mabilis din naman lumaki si Wennica, kinuha ko na at nagpahanap pa ako ng ibang mga damit na ganoon ang size para makauwi na kami. Ngawit na ngawit na ang braso ko.



May isa nang sales lady ang tumulong sa'kin na magbitbit ng mga laman ng basket ko dahil nahihirapan na ako, tulog na rin si Wennica.



"Tito... I feel dizzy po..."



"Ah shit!" Mahinang sabi ko dahil nabagsak ko 'yung basket sa paa nung isang lalaki na may kasamang bata. "Hindi ko sinasadya, pasensya na po." Nakita ko sya tumango pero hindi ko nakita ang mukha dahil abala ako sa pagbabalik ng laman ng basket ko.



"Bakit namumula mukha mo? Bakit puro ka pantal sa katawan hah?" Otomatikong tumigil ang kamay ko sa paggalaw nang marinig ko ang boses na 'yon.



Cyrus.



Napatingala ako sa lalaking nakaluhod sa harapan nung bata at hindi nga ako nagkakamali dahil sya nga! At 'yung bata! Si Maureen na ba 'to? Ang laki-laki na nya!



"Tito---" Nang tumayo ako ay napaatras din ako palayo sa kanila nang biglang sumuka 'yung bata na natumba nang walang malay.



"Maureen! Maureen! Anak ko." Halos sumigaw na si Cyrus at ginigising iyong bata. Nanlalambot na rin ang mga tuhod ko, hindi ko alam kung bakit kinabahan din ako pero lumapit na ako sa kanila at tinapik si Cyrus. Wala na akong ibang maisip.



"Dalhin mo sya sa hospital! Susunod ako." Tumango naman sya at binuhat 'yung bata  Hindi ko na nabili 'yung mga damit na bibilin ko sana dahil nagmadali na rin akong umalis at tinawagan ko si Nicca at Sky para sunduin nila si Wennica. Alam kong abala lahat ng nurse sa pedia dahil kahapon lamang halos ilang dosenang estudyanteng bata ang dinala sa hospital dahil na-food poison ng pagkain sa canteen nila kaya baka hindi rin agad magbigyang pansin si Maureen kapag dinala doon.



Ilang minuto lang nasa hospital na rin si Nicca at naka-uniform na kahit day off namin ngayon, binigay ko kay Sky si Wennica at mabilisan kong sinuot ang uniporme ko. Hindi ako nagkakamali dahil sobrang daming bata sa general ward at lahat ng Doctor ay nandito maliban kay Kuya Justin na mula kahapon ay walang tigil sa pagtatrabaho nang dumating 'tong ilang dosenang mga bata na na-diagnose na na-food poison.



"Dito! May bakante dito!" Sigaw ko nang namataan ko si Cyrus, agad naman nyang ibinaba sa hospital bed si Maureen. Kinabitan ko agad ng oxygen dahil mabigat ang paghinga ng bata.



"Walang Doctor na available, lahat sila may kanya-kanyang inaasikasong pasyente!" Agad na sabi ni Nicca nang makabalik siya mula sa paghahanap ng Doctor.



Alam ko ang sikreto nila Cyrus tungkol sa bata pero hindi maganda ang lagay ni Maureen at Kuya Justin, anong karapatan kong ibulgar ang sikreto nila.



"Makinig ka," Hinawakan ko ang braso ni Cyrus na panay ang iyak at walang ibang magawa kung hindi ang pag-masdan si Maureen. Ganitong-ganito siya noong naaksidente si Maureen dahil sa kakahanap sa kanya. "Wala nang ibang Doctor na pwedeng tumingin sa bata, kung papayag ka, si Kuya Justin na lang ang available."



"Kahit sino! Bilisan nyo naman nahihirapan na 'yung anak ko!" Sigaw nya at lumapit sa bata. Napabuntong hininga na lang ako at lakas loob na inakyat ang opisina ni Kuya kahit alam kong wala pa syang pahinga mula kahapon.



"Sa ibang Doctor mo na lang sabihin, pagod ako." Hindi ko na sya napilit. Wala nang ibang choice kung hindi ang maghintay ng Doctor na titingin kay Maureen.



Matapos nang mg lab test na ginawa, si Kuya Justin talaga ang kailangan maghandle kay Maureen kaya sa kanya ko inabot ang lab test kahit nagdadalawang isip pa ako. Nandoon ang information nang bata at doon ko lang nalaman na Anderson pala ang gamit ni Maureen. Nasa private room na rin sila para sa recovery ng bata, kagagaling ko lang doon at nandoon na ang Mama nya.



Napasalamatan pa kami dahil pumasok kami kahit day off namin at kailangang-kailangan ng nurse at masaya kaming nakikita na namin 'yung ibang bata nadischarge na dahil nakarecover na mula sa pagka-food poison.



"Valerie," Napalingon ako kay Kuya Justin. "Where is the room for the girl named Maureen Dela Cruz? 5 years old and.... where is she?"



Hindi nya binanggit ang apelyido nya kahit nakasulat 'yon sa Lab record ng bata.



"4th floor po, private room 306 pedia."



"Thanks, by the way. Ahm, is a shame for me but can you give me some piece of her hair? or blood?" Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.



"Para saan po?"



"Ahm... DNA test? but for a good purpose!" Agad na dugtong niya. Agad naman akong kinabahan kaya nagsalita kaagad ako.



"Bakit po? Sino po ba nagnghihingi ng DNA test? Alam po ba ng parents nung bata na kukuha kayo ng sample mula sa anak nila? Isn't that illegal? Doc, you know as a Doctor that---" Pinutol niya ang sasabihin ko.



"Fine, forget about it. Nadala lang ako ng iniisip ko, don't worry hindi ko na itutuloy. Magpahinga ka na rin." Bumuntong hininga siya.



Nakahinga ako nang maluwag nang magbago isip nya, jusko, salamat naman.



"And, pwede mo bang paki kuha 'yung stethoscope ko sa office? I forgot to pick it up earlier after I changed clothes." Tumango na lang ako dahil ako lang din naman ang inuutusan nya dahil close din naman kami.



"Nicca, akyat lang ako sandali sa office ni Doc. Anderson. Susunod na lang ako sa inyo." Pagpapaalam ko dahil paalis na si Nicca at Sky kasama si Baby Wennica at ako na lang ang hinihintay.



Umakyat na na ako sa office and nang nasa tapat na ako ng pinto, naka-lock pala. Kailangan ko pa tuloy bumaba ngayon para kuhanin ang susi kay Kuya pero bago pa man ako makaalis ay bumukas na ang pintuan ng office at lumabas mula doon si Cyrus.



Tumalikod kaagad ako at naglakad palayo pero may humila sa akin at dinala ako sa loob ng opisina.



"A-Anong ginagawa mo?!" Tanong ko nang bigla nya akong yakapin.



"Salamat..." Bulong niya. "Kung wala ka baka hindi ko alam ang gagawin ko kanina, salamat Val..."



"W-Wala 'yon, b-bitawan mo na 'ko."



"Patawarin mo 'ko kung nasaktan kita noon. N-natakot lang kasi ako na baka may masamang mangyari sa'yo..." Nawalan ako nang imik sa bigla niyang pagbubukas ng topic tungkol sa nakaraan.



"Kalimutan mo na lahat, tulad ng ginawa ko." Malamig na tono ng boses ang pagkakasabi ko dahilan para gulat siyang tumingin sa mukha ko.



"Kinalimutan mo na lahat? 'Wag mong sabihing pati ako kinalimutan mo na..."



"Kung ganon, de hindi ko sasabihin. Bitawan mo nga ako, uuwi na'ko, tapos na ang trabaho ko." Sinubukan kong buksan ang pintuan pero hinila niya ako pabalik at siniil ng malalim na halik.

____________________________•°•

Continue Reading

You'll Also Like

13.1M 435K 41
When Desmond Mellow transfers to an elite all-boys high school, he immediately gets a bad impression of his new deskmate, Ivan Moonrich. Gorgeous, my...
563K 11K 44
Nakipag one night stand sya sa taong hindi niya kakilala Pero hindi Gaya ng ibang love story na hahanapin siya Agad ng lalaki You know yung parang y...
203K 9.9K 56
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...
3.1K 200 29
"ONCE YOU ENTER IN MY LIFE, DON'T YOU DARE TO RUIN IT"-MAYSII Date started: July 29, 2020 Date finish: