Sa Bawat Araw

HerWorldAtSunset द्वारा

24.5K 903 350

Araw - araw, may mga taong naghihiwalay at nagtatagpo. Umiikot ang mundo. Pero paano kung sa pag - ikot ng mu... अधिक

Cast and Characters
Salubong
Unexpected Happenings
What now?
Sunset
A Hundred And One Reasons
Balang Araw
Fun?
Dinner
Dinner Kulitan
Don't turn around
Ang Lunch. Bow.
Evicted
New House
Focus
Bad Mood
Chill ka lang
Awkwardness Level 100
And I'll Never Be the Same Again
She Looks Like You
Thank you! I Love you
9 AM Meeting
When 'Destiny' Plays Her Part
Tshirt and Jeans
Late
Evening Walk
Iwas to the Max
Amara's Hero
Plan is working 100%
Uwian na
Birthday Planner
Photo Album
Happy Birthday!
After the Party
Girl Problems
First Day
Debut
Model
Can't leave you
Feeling loved
Sweetness Overload
O.S.S.B.S.F.A.
Under the Moonlight
Garden and Flowers
Invitation
Big Day
Family Day
Hmmmmm....
O.M.G.
Extra Care
New Year
Back to Work
Half Day from Work
Little Girl
Kilig Much?
Story Time
Top Two
Worried
Dream
Confused
Bonding
Back to Young Love
Problems
Smiling Too Much
Beautiful Sight
A Mother's Heart
Heartbroken
Attached
Fun Day, Happy Heart
3 - 0
Shared Custody
Ria's Resbak
Relax
Questions
Business Trip
She's worried
Lunch with Her
Almost
Reasons
Time and Space
Fresh Air
Love is in the Air
Secret Garden
Sensitive
LQ?
Isabella
Ship
Regrets
Living in a Hospital Room
Mamita
A Happy Family Dinner
Surprise Visitors
Friends
Who She Really Is
Start Anew
Memories
Suspicious
Nightmare
Unwind
Just Calli and Mommy
Shopping
Crush
Confession
Who's to Blame?
Forgiveness
Starting Again
Happy ending?
Special Chapter
Epilogue
Special Chapter

Ria's Idea

139 4 0
HerWorldAtSunset द्वारा

Ria's POV

"Hindi rin kita magets minsan eh. Minsan okay ka na kasama si Alex. Minsan hindi. Anong trip mo?" Tanong ko dito kay Amara dahil pagbalik namin dito sa hotel room, binato lang niya sa higaan niya yung hat na binigay ni Alex.


"Wala. Naasar lang talaga ako. Ewan ko ba." And sa tingin mo tatanggapin ko iyang excuse mo?



"Wehhh. Baka naman..." Hindi ko pa natutuloy ang sasabihin ko ay nagsalita naman agad siya.


"Baka naman ano?" Yung tingin niya eh, parang kayang kaya akong ibato dun sa dagat mula sa balcony.





"Wala." Tapos ay bumaling ako sa kabilang side. "Baka naman kasi balak mo nang balikan." Bulong ko.




"Bumulong ka pa, eh rinig na rinig ka naman." Ayyy. Akala ko bulong yun eh.



"Pero real talk lang ah, hindi naman ako manhid para hindi mapansin na sinusuyo ka na niya ulit." I told her. Totoo naman eh. Yung sumbrero na binigay ni Alex kanina sa akin. Binilhan niya lang din ako para hindi halata na gusto niyang bilhan ng ganun si Amara. Sabihin niyang hindi.




"Walang suyuan at walang balikan na nangyayari. As a friend yun ok? As a friend." Ang drama mo Amara. Ikaw na nga ang sinusuyo eh. Aba kung single lang ako, jokeeeee.





"Lagi naman 'as a friend' eh. Paano pala kung 'more than friends' yung gusto nung tao?" Tanong ko.


"More than friends niya mukha niya. Kung hindi niya ako niloko noon, edi wala sanang suyuan na nangyayari ngayon."



"AHA!" Patalon akong humarap sa kanya. "So inamin mo rin na may suyuan na nagyayari?" Pigilan niyo ako guys... Baka magwala ako sa sobrang kilig.




"Ab- ummm. H-hindi. I mean wala. Ano ba? Nagaayos ako ng gamit dito eh."




"Ahhh. Kaya pala kanina mo pa tinitiklop yang yellow na damit. Parang pang limang beses mo nang tiniklop yan eh." Napatingin naman siya sa hawak niya.


"Tigilan mo na nga ako, Maria Edelina. Naguguluhan ako dahil sayo eh." Ok po. Mananahimik na ako. Hahahaha. Continuation ng tanungan mamayang gabi. Bwahahahaha. 




~~~~~~~~~~~~

Yeheyyyy. Magjejetski na kami! Nagsusuot nalang kami ng lifevest.

"Mga mam, sir, tatlo nalang po kasi yung available jetski. Magsheshare nalang po yung dalawa or hihintayin nalang pong matapos yung isa." Sayang! Tatlo lang?




Hmmm. On the bright side. Ang talino mo talaga Ria!


"Si Lester at Ria na ang magsheshare." Sabi ni Amara habang nilolock yung lifevest niya.


"Gusto ko pala matuto magjetski." Tumingin sa akin silang lahat sa akin at nakataas ang mga kilay na parang nag aabang kung anong susunod kong sasabihin.


"Meaning... gusto kong magjetski mag-isa." Please makisabay nalang kayo sa idea ko. Para sa lovelife ni Amara. Hahahaha.



"Sooo???" Tanong ni Amara.

"Sooooo, kayo ang magsheshare ni Alex." Bigla naman nanlaki ang mata niya at parang gusto akong habulin ng tsinelas dito sa dagat.



"Ok lang naman eh. Edi mamaya na ak---" Sinangga ko si Lester. Sisirain pa yung plano eh.



"Sige, see you nalang dun sa gitna ng dagat. Halika na Lester, nanggigil ako sayo eh ha." Hinila ko si Lester para makasakay na kami sa tig-isang jetski at para wala nang choice si Amara.






Amara's POV

Baliw talaga si Ria. Gusto kong magwala dito sa buhangin. Pinagtutulungan na ako ng mga yan. Grrrrrrrr.

"Sino magdadrive?" Tanong ni Alex.


"Ako!" I answered tapos ay sumakay na ako sa jetski. Bahala siya dyan.

Naramdaman ko naman na sumakay na siya. Subukan niya lang mang-asar tulad ni Ria, ihuhulog ko siya sa gitna ng dagat.

"Kumapit ka ah." I told him.

"Saan?" Tanong niya.

"Dyan kung saan ka pwede kumapit. HUWAG lang sa akin." Natawa siya nang kaunti at kumapit sa likuran niya.



Naka-on na yung makina at pinapaandar ko na ito.

Maya-maya pa ay lumalayo na kami sa shore. Malakas din yung hangin kaya mas naging masaya.




"Marunong ka pa pala nito." Narinig kong sabi ni Alex. Medyo hindi ko marinig pero naintindihan ko naman.



"Oo naman." Sagot ko at nagfocus nalang sa harap. Nakita ko naman si Ria na nahulog mula sa jetski niya. Hahahaha.



"Hahaha. Tignan mo si Ria dun oh. Hahahaha." Tawang tawa Alex? Sa bagay, natatawa din naman ako. Nagpumilit pa kasi na siya ang mag-isa sa jetski eh.




Pero pagbalik niya sa jetski ay parang medyo natututunan na niya kung paano kaya medyo malapit na siya sa amin. Napatingin naman ako sa mga mountain sa kabilang side ng dagat. Ang ganda!




"............ Ria!" Ang ingay kasi. Ria lang narinig ko.


"Ano????" Sigaw ko kay Alex.


"Mababangga mo si Ria!!!!" Bigla naman siyang umabante at hinawakan yung handles para maidrive palayo kay Ria yung jetski.




Hindi ako gumagalaw. Hindi dahil sa muntik na namin mabangga si Ria kundi dahil sobrang close namin ni Alex dahil ako ang nasa harap at siya ang nagdadrive.



"Hey. Ikaw na magdrive." I snapped back to my senses nang makita kong binitawan na niya yung handles kaya ako ulit ang nagdrive.

Focus Amara. Focussss!!!



~~~~~~~~~~~~~~

Pagkababa ng jetski ay umupo muna ako dun sa nakita kong kubo. Walang kakausap sa akin ah. WALA.


Nagrerewind na naman sa utak ko yung nangyari kanina. Bakit ba kasi ako pumayag na sa iisang jetski lang kami?





"Amaraaaa."




"STOP! Five minutes!" I told Ria.






Ria's POV



Mga bffs, naiinis na si Amara! Affected siya kanina nung nagtakeover sa pagdadrive si Alex! Kyaahhhh.



Wala lang sa akin yung nasigawan ako ng 'five minutes!'. Alam niyo ba ibig sabihin nun?



Hindi siya makapag-isip ng mabuti. Naguguluhan siya that's why she's aking for five minutes of silence. Hahahahahaha. Wooooo. Ria's Idea is a success!

Sumisigaw lang yan ng five minutes kapag naguguluhan. She can't think straighttttt.

Akala niya ba hindi ko nakita yun, kahit magkandahulog hulog na ako sa sinasakyan kong jetski, nakita ko yung pag-agaw ni Alex sa handles kaya parang nakayakap siya kay Amara! Yieeeee. May advantages din pala na di ako marunong magdrive ng jetski. Hahaha.




Maya-maya pa ay nakita ko naman na papunta na dito sila Lester at Alex. Congrats pareng Alex! Mukhang hindi malabo na magkabalikan kayo. Hahaha.




Pumasok na dito sa kubo yung dalawa at nakatingin lang kami ni Lester kay Alex at Amara. Mga walang kibo eh.




"So, saan niyo gustong kumain?" Tanong ni Alex. Siya kasi ang incharge sa food namin.




Ngumuso naman ako na nakaturo kay Amara. Sinesenyasan ko siya na si Amara ang tanungin. Nakatingin kasi sa dagat eh. Umiling naman si Alex at sinenyasan ako na ako na ang magtanong. Tinuro ko naman si Lester at sinenyasan sila na silang dalawa nalang ang mag-usap kung saan kakain. Tapos pilit naman na tinuturo ni Alex si Amara na siya daw ang gusto niyang tanungin. Tapos sumenyas naman ako na 'edi tanungin mo siya'. Kaya lang sumenyas naman itong si Alex na 'baka masigawan lang ako nito'. Ngayon, sinesenyasan ako ng dalawa na ako na daw ang bahala. Tumalikod naman ako at tumingin nalang sa malayo. Takot kasi kami kay Amara kapag ganyan. Biglang naninigaw yan eh. Hahaha.



Lumipas na ang isang minuto, wala pa rin nagsasalita. Ano ito? Game show kung sinong kakausap kay Amara?


Lumingon ako sa dalawa at nakitang nagsesenyasan pa rin sila. Hahahaha. Sinenyasan ko sila na ako na ang magtatanong.




"Amara, saan daw tayo kakain?" Tanong ko.




"It's up to you." Boom. Ang tagal naming nagsenyasan tapos kami rin pala ang magdedesisyon.




"Magseafood nalang tayo mamayang dinner." Suggestion ko.



"Sige. Yun nalang." Sabi ni Alex.



"So may balak ba kayong lumabas dito?" Tanong ni Lester.





"Eto na nga po. Lalabas na eh." Sagot ko. Nauna siyang bumaba at sumunod ako tapos si Amara tsaka si Alex.







Medyo binagalan ko ang lakad ko para makasabay ako kay Alex. Nauuna naman si Amara tapos ay magkakasabay kami nila Lester at Alex.




"Pareng Alex, don't lose hopeee. Hahaha. Malay mo pagbalik natin sa Manila, nagkabalikan na rin kayo. BUT don't get your hopes up too much." Kailangan kasi ng encouragement nitong si Alex eh.




"Oo nga Alex. Basta prove to her na dapat ka niyang balikan." Diba? Kaya talagang partner kami nito ni Lester eh. Isang apir naman dyan.




"Paano kung ayaw na niya?" Hayyy nako.



"Alex, asawa mo siya dati. So dapat, kilala mo siya. Alam mo naman na kapag hindi na yan makapag-isip ng maayos, tahimik siya. Like now, dahil dun sa 'jetski', nag-iisip siya ng malalim. Konti nalang, hihingi na yan ng advice sa akin. Hahaha." I told him. Woooo. Nagiinarte lang si Amara eh.



~~~~~~~~~~~~~~

Pagbalik sa room ay naglinis ako ng paa sa cr dahil may mga buhangin. Paglabas ko naman ng cr, tulala pa rin si Amara habang nasa balcony.






"May gumugulo ba sa isip mo?" Pang aasar ko.




"Ria, please. Not now." Ooo. Serious. Tumalikod nalang ako at kumanta.






"Ikaw ang nagbigay ng buhay
Sa mundo kong wala ng kulay
Ako sayo ay tila ganyan din
At iisa ang ating puso't damdamin."




Lumingon naman ako sa kanya pero ganun pa rin ang pose niya. Tulala on the balcony pa rin.




"Ang sarap mainlove!" Sigaw ko para marinig niya. Hahahaha. Pang aasar is the key!




Narinig ko naman na sinara na niya yung pinto sa balcony.



"Gusto ko nang umuwi." Sabi ni Amara. Nasan ba ticket nito para maitago ko. Hahaha.



"Wala pa nga tayong 24 hours dito, uuwi ka na?"




"Eh basta. Ayoko yung mga nangyayari." Sagot niya. Hmmmm. Ayaw niya yung magkabalikan sila ni Alex? Dahil yun ang nangyayari ngayon, unti unti na silang nagkakabalikan.






"Ayaw mo ang ano?" Tanong ko. Malay niyo lang, sagutin niya.




"Yung ganito." Babatuhin ko ito ng sabon ng hotel eh.




"Ano nga?" Kunwari naiinis na ako.





"Yung...yung ganun. Basta alam mo yun. Like what you've said, hindi ka manhid para di yun mapansin." O my goodnesssssssss. Ito na ba?????? Magkakabalikan na ba sila????





"Like what? Yung sinusuyo ka ni Alex at ----" Tignan mo itong babaeng ito. Nagsasalita ako, bigla ba naman tatakbo papunta sa akin at tatakpan ang bibig ko eh kami lang naman ang nandito.






"HUWAG mo nang ulitin." Sabi niya. Tinanggal naman niya yung kamay niya sa bibig ko at bumalik sa higaan niya.




"Eh paano nga natin mapaguusapan kung hindi mo naman ako pinagsasalita?" Tanong ko.





"Just forget about what i said." Sabi niya. Hmmmm. Pag-iisipan ko. Hahahaha.





"Isang tanong, isang sagot. Oo o hindi lang. Nababother ka ba dahil sa kanina?"





"Oo!" Mabilisan niyang sagot. Omygeeeeeeeeeee.



"I mean hindi. Ah basta naguguluhan ako. Ewan." Wala nang bawiannnn.








"Sige lang. Pinapaikot ikot mo lang sarili mo." I told her. Umiikot ikot lang ang usapan namin eh. Aasarin ko siya tapos may sasabihin siya tas babawiin tapos aasarin ko ulit. Diba? Nakakahilo din.






~~~~~~~~~~~~~~~~~~

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

56.6K 3.8K 11
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING
411K 6.1K 24
Dice and Madisson
2.8M 176K 58
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...