Love In The Clouds | ✔

By Lady_Mrg

4.6K 297 20

[ TFL SERIES #5 ] •°• A story of two people loving at no age limit. For them, love is love even their age was... More

DISCLAIMER | 18+
PROLOUGE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
EPILOUGE
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 22

93 7 3
By Lady_Mrg

"Alam mo, pinagtitinginan na tayo ng mga pasyente dahil sa kakaiyak mo. Gusto mo bang saksakan kita ng anestisya para hindi mo na maramdaman 'yang sakit na nararamdaman mo?"



"Kung makapagsalita ka akala mong hindi ka iniwan ah. Mas malala nga 'yung sa'yo. Ah niloko!" Nagawa ko pang mang-asar sa kabila nang paghagulgol ko dito. Dalawang linggo na ata o higit pa mula nung naghiwalay kami.



"Atlis ako iniwan ng may dahilan. May kilala kasi akong iniwan lang pero walang dahilan." Pumito-pito pa sya. Napapadyak na lang ako sa inis at bumalik paghagulgol, sya naman ay bumalik din sa pagpapatahan sa'kin. "Tahan na kasi, sa dami ng luhang nilabas mo pwede na nating gawing IV 'yan para sa pasyente, charot."



"Can I talk to her?" Tumingala ako at nakatayo na sa harapan namin si Kuya Justin at suot pa ang puting coat niya habang maayos na maayos ang buhok at nakasabit sa leeg ang sarili niyang stethoscope.



Bumulong naman sa'kin si Nicca. "Ang bango ni Doc. Amoy baby!!" Nanggigigil na bulong niya. Napatakip na lang ang ng tenga dahil wala talaga syang hiya. Kaharap lang namin si Kuya tapos magsasalita sya ng ganon.



"My Mom did the laundry. She used a fabric conditioner so it smelled good. Anyway, can I talk to Valerie?" Pareho kaming napanganga ni Nicca at nang mahimasmasan kami ay iniwan ako ni Nicca at nagpunta naman kami sa sariling opisina ni Kuya Justin, natagpuan ko pang nandoon si Kuya Ace na may kasamang bata na mukhang galing check up.



"Have a seat." Umupo ako sa may couch, sa kabilang dulo para hindi kami magkalapit ni Kuya Ace. Nginitian nya ako kaya ngumiti lang din ako pabalik.


"Say bye to your ninong." Ani ni Kuya Ace at hinawakan ang kamay nung batang lalaki na siguro ay mga nasa tatlo o apat na gulang pa lang.



"Babye po!" Hindi ko naman kilala 'yung bata pero bigla nya akong hinalikan sa pisngi.



"Sorry for that Princess. Nasanay lang kasi si Rylan na humahalik sa pisngi kapag nagpapaalam." Ngumiti na lang ako kay Kuya Ace para iparating na wala namang kaso sa akin 'yon, mas natutuwa nga ako sa mga batang ganon.



Nang makaalis na sila Kuya Ace ay kami namang dalawa ni Kuya Justin ang nag-usap. Hindi ko alam kung tungkol saan pero nakikinig lang ako sa kanya.



"first of all I want to know how you are, because the last time I saw you I could not talk to you properly because you were crying. Second, it may be better for you to rest first because your body may give up because you are tired from work, and tired of your personal problems." Hindi ako umimik at nakinig lamang. "Nalulungkot ang mga bata sa pedia-ward because they see their favorite nurse sad."



Hindi naman nagtagal ang usapan namin ni Kuya at kahit papaano ay gumaan naman ang pakiramdam ko sa mga payo niya. Napag-isipan ko na rin na baka isang linggo muna akong hindi magtatrabaho para maayos ko ang sarili ko, hindi ko na kasi kilala kung sino pa ako ngayon. Matapos ng nangyari sa'min, parang tinangay ni Cyrus ang dating masiyahing Valerie. Kahit ang mga pasyente ay nasusungitan ko na dahil madalas akong wala sa mood at minsan natatagpuan ko na lang ang sarili ko na tulala at umiiyak.



'Yung dating mga bata na tuwang-tuwa kapag parating na ako, takot na sila ngayon sa'kin dahil sa inaasta ko nitong mga nakaraang araw. Nakokonsensya tuloy ako na ang dami kong natakot na pasyente dahil sa kapangitan ng ugaling pinakita ko.



Naaprubahan na ang request kong isang linggo muna akong magpapahinga sa tulong na rin ni Kuya Justin. Ginawa ko muna lahat ng trabaho ko at nangako din ako sa mga pasyenteng nasungitan ko na babawi ako sa kanila pagbalik ko. Lalo na doon sa batang nasa isang private room na si Kuya Justin ang nagbabayad dahil medyo maselan ang lagay ng bata na si Cj, pitong taong gulang, at naiinis si Kuya Justin sa ibang mga pasyenteng pinandidirian 'yung bata kaya napagdesisyunan ni Kuya na ilipat na lang sa isang private room. Masaya naman ang pamilya dahil sa tulong ni Kuya.



"Sasama mo ako o sasapatusin kita?" May pagbabanta sa boses ko habang hinihintay kong sumagot si Nicca.



"Oo na! Para din may masabunutan ako incase na... you know? Agh! Nakakainis naman kasi!" Nagmamartsa siyang naglakad ng mabilis at hinabol ko naman sya. Kahit papaano ay natatawa ako dahil sa inaasta nya ngayon.



"Lagot ka kay Mama kapag nalaman nya 'yan." Pananakot ko at napanguso naman sya. Siguradong masasabunutan sya ni Mama dahil para na kasi nyang anak si Nicca, para na kaming magkapatid.



"Mas masasabunutan ka ni Mama kapag nalaman nyang wala na kayo ni Cyrus!" Buwelta niya bagay na nagpahinto sa'kin sa pagtawa. Nakabawi sya kaagad ng ganon kadali ah.



Tama sya. Baka kalbuhin pa ako ni Mama kapag nalaman nyang break na kami nung lalaking pinagmamalaki nya sa mga kaibigan nya dahil nga sobrang bait ni Cyrus.



Hindi ako dumiretso sa bahay dahil doon ako dumiretso sa condo nila Nicca, condo nila ng boyfriend nya. Wala dito 'yung boyfriend nya kaya kaming dalawa lang at ngayon hinihintay ko syang lumabas ng banyo para magkaalaman na.



Dumaan muna ako dito sa cafe para bumili ng maiinom para naman may iniinom ako habang nasa byahe pauwi. Sa sobrang mapagbiro ng tadhana. Hindi ko inaasahan na makikita ko ulit sya. Alam ko sa sarili kong hindi pa kami handa para harapin ang isa't isa kaya diretso lang akong naglakad pagkatapos kong magbayad ng binili ko.



Hindi pa ako masyadong nakakalayo sa kanya pero pakiramdam ko ay sinusundan niya ako ng tingin at literal na sinusundan dahil rinig ko ang mga yabag niya. Napasimsim ako sa kapeng binili ko at binilisan ang paglakad dahil baka hindi ko mapigil ang sarili ko at bigla ko na lang syang yakapin at magmakaawa sa kanya na bumalik na kami sa dati naming relasyon.



Nakalabas na ako ng cafe pero hindi nawala ang kaba ko. Gusto kong sumigaw sa gulat nang may humablot sa braso ko at nang lingunin ko ay ang mga mata niya ang sumalubong sa paningin ko.



Gusto kong magsalita pero tila nawalan ako ng boses dahil sa lamig ng mga titig niya. Napalunok ako at sinubukang hilahin ang sarili kong braso palayo sa kanya pero humigpit ang hawak niya dito, mahigpit ngunit mukhang sinigurado niyang hindi ako masasaktan.



"Mukhang may naiwan ka." Malamig ang tono ng boses niya. Umiling ako at wala pa rin akong lakas para magsalita. Marahas siyang napabuntong hininga at inilapag sa palad ko ang positive na pregnancy test. "Kailan pa? Bakit hindi mo sinabi?"



Saan nya nakuha 'to?! Holy crap! Ito siguro 'yung nalaglag kanina pagkakuha ko ng wallet ko! Hinanap ko naman kung ano 'yung nalaglag pero bakit hindi ko 'to nakita?! At ito pala 'yon!



"N-Nagkakamali ka---"



"Tinatanong kita. Bakit hindi mo sinabi? kailan mo balak sabihin?" Napairap ako at binawi ang braso ko. Pinasok ko na rin sa bag ko ang nakalimutan ko kaninang ibalik kay Nicca pagkatapos kong picturan dahil ipapakita ko sana kay Mama.



"Tumigil ka nga sa kaartehan mo. Pagkatapos mong makipaghiwalay ng walang dahilan tatanungin mo kung kailan pa 'to? Abe malay ko! Ako ba 'yung buntis? Bakit hindi mo tanungin 'yung nanay at 'wag ako! Bwiset!"



Umirap ako bago ko sya iniwang tulala. Nakonsensya tuloy ako dahil nakita ko na kanina ang saya sa mga mata niya at nakakita na rin ako ng pag-asang magkakabalikan kami pero hindi naman ako 'yung buntis! Si Nicca! Inunahan a'ko!



Nakanguso akong naglalakad papuntang bus station dahil ang mahal ng taxi. Nakasimangot lang ako habang umiinom ng kape nang huminto ang pamilyar na sasakyan sa harapan ko. Hindi ko na hinintay na sabihin nyang sumakay ako dahil binuksan ko na agad ang shot gun seat at umupo ako doon.



"Nagpipinta ako pero 'yang mukha mo hindi ko kayang ipinta." Bumuntong hininga ako sa narinig ko mula sa katabi ko.



"Eh kasi naman Kuya! Bakit ang hirap magmove on!" Reklamo ko.



"Kapag may bago ka nang boyfriend doon ka palang makakamove on." Sa tono ng boses nya mukhang ginagago nya lang ako.



"Kaya pala wala ka pa ring girlfriend. Kawawa ka naman Kuya, apat na taon ka nang broken kay Ate Liechelle." Sinamaan nya ako ng tingin at nag peace sign lang ako, maya maya ay umiiyak na naman ako na parang nasisiraan na ng ulo.



Natatakot na ako sa sarili ko. Minsan tulala ako na biglang magsasalita tapos tatanungin ko kung saan ako nagkulang, kung baka may nagawa akong mali. Minsan naman tulala ako tapos bigla na lang iiyak. Parang kailangan ko nang magpa-schedule sa Psychiatrist, parang nawawalan na ako ng ulirat.



Nakarating kami sa bahay at sinubukan ko pang dumiretso na lang sa kuwarto para sana makapagtago ako mula kay Mama pero pagpasok pa lang namin si Mama agad ang bumungad sa amin at hindi rin maipinta ang mukha nya.



"Bakit Valerie?" Panimula niya at sa pagkakataon na 'to alam kong alam na nya kaya wala na akong ibang nagawa kung hindi ang umiyak ng umiyak habang nakayakap kay Mama.



"Hindi ko alam Ma... Ang bilis ng pangyayari... Hindi ko matanggap Ma..." Paghagulgol ko.



"Alam mo bang nagpaalam na si Cyrus noon sa'kin na papakasalan ka na daw nya, anak. Hinihintay ko na magkatotoo iyon pero magugulat na lang ako na bigla kayong nagkaganito? Bakit? Hindi pwedeng walang dahilan! Hindi ako makakapayag dito, hindi ako tatanggap ng ibang lalaki maliban kay Cyrus. Pasensya ka na anak pero sa panahon ngayon ay mahirap na ipagkatiwala kita sa kung sino lang."



Naiintindihan ko si Mama pero anong magagawa ko kung wala na talaga. Kailan ko lang narinig na babalik na rin siya sa canada at sigurado akong malalaman at malalaman din ng mga magulang niya ang nangyari sa'min.



Binuhos ko lahat ng atensyon ko sa sarili ko, sa trabaho, sa pamilya ko, pero, kahit anong gawin ko hindi ko talaga sya matanggal sa isipan ko. Parang lahat na lang ata ng bagay na makikita ko ay konektado sa kanya.



Naguguluhan ako dahil kapag umaga ay ang saya saya ko lalo na kapag magkakasama kami nila Mama, Ate at Kuya pero kapag sumapit na ang gabi at ako na lang mag-isa sa kuwarto ay bumibigat ang pakiramdam ko at kusa na lang papatak ang mga luha ko.



Hanggang kailan ba ako magiging ganito? Magagaya rin ba ako kay Kuya na kahit ilang taon na ang lumipas hindi pa rin nakaka-move on? Ilang buwan at ilang taon pa ba ako iiyak?



Gusto ko sya. Dati lahat ng hilingin ko kay Kuya ay sasabihin nyang bawal pero maya-maya lang ibibigay din naman nya sa'kin pero bakit nung hiniling kong magkabalikan kami ni Cyrus, kahit isa walang nakagawa, maski si Cyrus mismo.



Nahihirapan na ako. Sana naman kahit isang matibay na dahilan lang binigyan nya ako para naman hindi sobrang sakit, nababaliw na ako kakaisip sa kung anong pwedeng dahilan ng paghihiwalay namin. Dahil ba palagi akong nagseselos sa kaibigan nya? Dahil ba may mga bagay akong hindi maibigay sa kanya dahil masyado pang alanganin? Nagsisimula na syang magtanong kung kailan kami pwedeng magka-baby pero hindi ko naman maibigay dahil natatakot ako sa hindi ko malamang dahilan.



Gusto ko syang bigyan ng anak pero wala pa kaming sapat na plano para sa pagbuo ng pamilya. Oo medyo bata pa ako pero iniisip ko rin naman ng kahihinatnan ng mga bagay-bagay.



Binubuhos nya lahat ng oras nya kay Maureen dahil wala syang matawag na kanya, wala syang bata na maipagmamalaki nyang sa kanya. Hindi pa kasi ako handa, natatakot din akong magdala ng bata dahil sa hikain ako. Hindi naman ako madalas sumpungin, sa katunayan nga ay parang wala naman akong hika pero sa oras na sinumpong ako, pakiramdam ko parang magko-collapse na ang katawan ko.



Taon na rin mula noong huling sinumpong ako, baguhan palang kaming magkasama ni Cyrus non noong sinumpong ako ng hika dahil sa takot. Akala ko kasi napano na si Mama dahil naabutan ko syang nasa kusina noon at puro dugo. Nabagsakan siya ng kutsilyo sa paa at akala ko kung anong mas malala ang nangyari kaya sa takot ko ay nahirapan akong huminga.



Gusto ko na lang ibalik ang oras. Oras na magkasama pa kami at walang ibang pinoproblema kung saan kami sunod na magde-date. Mga oras na siya ang una kong nakikita paggising ko sa umaga.



Sana... pwede pa...

______________________________•°•

Continue Reading

You'll Also Like

169K 1K 34
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...
13.1M 435K 40
When Desmond Mellow transfers to an elite all-boys high school, he immediately gets a bad impression of his new deskmate, Ivan Moonrich. Gorgeous, my...
2.5K 293 31
-Plagiarism is a crime. -August 6,2023 ---------- A boy who wanted to except the world full of lie and hurt, A boy who wanted to live a life. To love...
563K 11K 44
Nakipag one night stand sya sa taong hindi niya kakilala Pero hindi Gaya ng ibang love story na hahanapin siya Agad ng lalaki You know yung parang y...