Sa Bawat Araw

Par HerWorldAtSunset

24.6K 903 350

Araw - araw, may mga taong naghihiwalay at nagtatagpo. Umiikot ang mundo. Pero paano kung sa pag - ikot ng mu... Plus

Cast and Characters
Salubong
Unexpected Happenings
What now?
Sunset
A Hundred And One Reasons
Balang Araw
Fun?
Dinner
Dinner Kulitan
Don't turn around
Evicted
New House
Focus
Bad Mood
Chill ka lang
Awkwardness Level 100
And I'll Never Be the Same Again
She Looks Like You
Thank you! I Love you
9 AM Meeting
When 'Destiny' Plays Her Part
Tshirt and Jeans
Late
Ria's Idea
Evening Walk
Iwas to the Max
Amara's Hero
Plan is working 100%
Uwian na
Birthday Planner
Photo Album
Happy Birthday!
After the Party
Girl Problems
First Day
Debut
Model
Can't leave you
Feeling loved
Sweetness Overload
O.S.S.B.S.F.A.
Under the Moonlight
Garden and Flowers
Invitation
Big Day
Family Day
Hmmmmm....
O.M.G.
Extra Care
New Year
Back to Work
Half Day from Work
Little Girl
Kilig Much?
Story Time
Top Two
Worried
Dream
Confused
Bonding
Back to Young Love
Problems
Smiling Too Much
Beautiful Sight
A Mother's Heart
Heartbroken
Attached
Fun Day, Happy Heart
3 - 0
Shared Custody
Ria's Resbak
Relax
Questions
Business Trip
She's worried
Lunch with Her
Almost
Reasons
Time and Space
Fresh Air
Love is in the Air
Secret Garden
Sensitive
LQ?
Isabella
Ship
Regrets
Living in a Hospital Room
Mamita
A Happy Family Dinner
Surprise Visitors
Friends
Who She Really Is
Start Anew
Memories
Suspicious
Nightmare
Unwind
Just Calli and Mommy
Shopping
Crush
Confession
Who's to Blame?
Forgiveness
Starting Again
Happy ending?
Special Chapter
Epilogue
Special Chapter

Ang Lunch. Bow.

192 5 4
Par HerWorldAtSunset

Amara's POV



Pshhh. Ang ganda ganda ng araw ko kahapon eh. Bakit ba kasi isang Alexander Montevista ang nakita ko kahapon. Well sa bagay, mas okay na yun kesa kay Wilson. Buti nga at hindi na ako pinupuntahan ng lalaking yun eh. Nanggigigil ako kapag nakikita ko ang mukha niya.




"Good morning mam." Bati sa akin ng mga employees habang naglalakad ako. Tinanguan ko nalang sila at nginitian. Wala ako sa mood para magsalita. Eh baka naman masabihan pa akong suplada.




Pagdating sa office ay nandoon si Tarra at inaayos ang desk ko.



"Ay good morning ate. " Tinanguan ko lang din siya at umupo na ako sa chair ko. Lumabas na si Tarra at sinimulan ko na ang mga gawain ko. Another boring day.




Pagkatapos ng ilang minuto ay pumasok na si Tarra at may dalang coffee.




"Pakilagay nalang yan dito. Thank you." Pero ilang minuto na at hindi pa rin niya pinapatong sa mesa ko yung coffee. Tumingala ako and i raised both of my eyebrows.


"Eh ate, hindi naman po ako ang umorder nito eh. May nagpapabigay lang." I got confused. " Sino ang nagpapabigay?" Tanong ko.



"May note po na kasama yan. Eto po." Inabot niya sa akin ang card at nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Dinala lang po yan sa table ko eh. Pinapaabot daw po sa inyo." Binuksan ko yung card at binasa ang nakasulat.


'Good Morning. Thank you for letting me stay in your house. ❤'

Matagal kong tinitigan ang card at nakikita kong nasa harapan ko pa rin si Tarra.


"Ehem. Ummm. You may go. Thank you." Sabi ko sa kanya at lumabas naman na siya.




Nilagay ko lang yung note sa drawer ko kung nasan yung calling card niya. Bahala siya. Di ko iinumin yan.




~~~~~~~~~~

Well, it's 11 am and kinain ko rin yung sinabi ko. Ininom ko na rin kanina. Sayang naman eh. Hindi sa sayang yung effort niya kundi sayang yung coffee. Ang mahal kaya niyan.

Weh Amara? Sa barangay ka na magpaliwanag.


Anyways, i'm done with the paperworks. And nagchecheck nalang ako ng phone ko. Maya-maya pa ay sumilip si Tarra sa glass door ko.


"Ate, may gusto daw pong makipag-usap sa inyo. Nagpaappointment po siya kanina."



"Sige, papasukin mo." Naghintay lang ako at pagbukas ng glass door, pumasok ang lalaking naghatid sa akin kanina sa trabaho, ang nagpadala ng coffee at ang lalaking ayaw ko talagang makita. Sino pa ba?



"Alex. Anong ginagawa mo dito?" I stood up from my chair. Respeto na rin dahil hinatid niya ako kagabi sa bahay ng safe.


"Nareceive mo ba yung coffee?"

"Yes. Thank you for that. You didn't have to." Tension and awkwardness in the houseee.




"I just want to ask you out for lunch." Pagkatapos niyang sabihin yun ay napayuko kaming dalawa at napatingin ako sa right side o habang siya napatingin sa left.



"I'll think about it. Sige marami pa akong gagawin. 11 am palang naman. Mamaya pang 12 ang lunch. "


"Sige. I'll wait. " Lumabas na siya at napaupo naman ako sa upuan ko. Talk about being awkward.




Pagkatapos ng ilang minuto ay sumilip na naman si Tarra sa office ko. Nakakatrauma na yang pasilip silip niya eh.




"Ate, meron na naman pong naghahanap sa inyo."



"Papasukin mo na. " Naiirita kong sagot. Sino na naman ba ito?




"Hi Amara." Bigla namang lumamig sa office ko. Ang hangin. It's Wilson.



"What brings you here?" Araw ba talaga ngayon ng mga mahilig mang-inis? Talagang nagsabay pa silang dalawa ha.



"I just brought you these. " Nilapag niya ang flowers sa desk ko. "And i was wondering if i can take you out for lunch?" Na naman???? Lunch, ano bang meron sa lunch ha?





"Umm. Maybe i'll think about it. " Sinagot ko nalang para lumabas na siya.


"I hope you'll say yes. See you later." Ang sarap batuhin eh. Lalabas nalang ng opisina, lumalabas pa rin ang kahanginan eh.




Ano Amara? Teenager ka ba? Andami mong manliligaw ah. Well, kahit na maghintay sila dyan, kaya kong maglunch mag-isa.



~~~~~~~~~~

It's 11:30 and i'm going to order food for lunch. And I'm going to eat with myself.




"Mam, meron pa po kayong isa pang bisita. " Napapikit nalang ako dahil nagtitimpi na ako kaya tumayo na ako sa upuan ko at lumabas.



"Sino bang naghahanap sa akin?" Napalingon ako sa mga waiting chairs sa labas at nakitang nandoon pa rin sila Alexander at Wilson. Napalingon din sila sa akin dahil sa lakas ng boses ko. Eh sa naiinis na ako eh. Bakit ba hindi sila nagsabay sabay pumasok sa office ko? Kailangan pang isa-isa.



"Ay ate, paakyat palang daw po eh. Kakatawag lang ng front desk. " Naghintay ako sa pinto at nakita ko naman na nakangiti sa akin yung dalawang lalaki sa upuan. Hay nako. Bahala kayo dyan.





Alexander's POV



I've been waiting here for 30 minutes. Napagkamalan pa kami ng secretary ni Amara na manliligaw niya. Mukhang nabasted din itong katabi ko.



"Sino bang naghahanap sa akin?" Napalingon kaming dalawa dahil sa lakas ng boses ni Amara pagbukas niya ng pinto ng office niya. Napalingon din siya sa amin at tinaasan kami ng kilay. Hay Amara. Still haven't changed.

Mukhang may hinihintay siya that's why she's standing in front of her door. Maya maya pa ay may dumating na babae. I think she's around 14-15 years old. She looks familiar though.

Napatingin naman ako kay Amara at nakita kong sobrang laki ng ngiti niya nung nakita niya yung babaeng yon.

"Calli! What are you doing here?" Tanong ni Amara sa kanya.


"Hi Calli!" Bati naman ng secretary ni Amara.

"Nagdala po ako ng lunch. Hehehe. Tinawagan ko na po kanina si ate Tarra. Sabi ko po surprise. Hahaha. " Pagpapaliwanag nung Calli.

"Sandali lang." Amara said and walked towards us.



"I'm sorry. Pero may kasama na akong maglunch. Maybe next time. Thank you sa paghihintay." At pumasok na sila sa office ni Amara.



"Wow. Napataob tayo nung bata. " Natatawa kong sabi. Ayos lang naman sa akin. Hindi ko naman siya pinipilit. At mukhang close naman na sila nung batang yun.


"Tsss. " Tumayo na yung katabi kong lalaki at umalis na.




"Uhmmm. Tarra right?" Lumapit ako sa secretary ni Amara. "Yes sir? Ano po yun?" Tanong niya sa akin at nilagay ko sa table niya yung box na dala ko.

"Pakibigay nalang sa Mam mo. Pakisabi dessert nila. Hahaha. Thank you." Nginitian naman ako ni Tarra at umalis na ako. Sa susunod ko nalang siya iimbitahan na kumain sa labas.







Calli's POV



Wow. Ang ganda ng office ni mam Amara. Malaki pa ito sa bahay namin eh. Hahaha. Nagdala ako ng fudams para kay Madammm. Eh sabi niya sumabay na daw ako na maglunch tutal nandito na raw ako.



"Ang ganda ng opisina niyo mam. Dito po kayo araw-araw?" Tanong ko habang nililibot ang mata ko sa paligid. Ang ganda din ng bintana niya. Kita ko yung buong city. Wowwww.

"Oo, dito ako pumapasok araw-araw. Teka paano mo nalaman nandito ako?"



"Tinawagan ko po kasi si ate Tarra kagabi. Tinanong ko po kung saan ang kompanya niyo kasi magdadal nga po ako ng lunch. Actually, si lola po ang nagpapadal niyan. Ang bait niyo daw po kasi." Kinukwento ko kasi kay Lola Carina yung mga mabubuting gawain ni madam. Joke. Ang lalim nun ah.




"Pakisabi thank you." Inaayos lang namin yung table niya. Meron siyang mesa na pangtrabaho tapos meron pa na circle table para dito sa pagkain niya. Sosyallll.


Pagkatapos namin magset ng mesa ay tinawag ni mam Amara si Ate Tarra para daw sumabay na sa lunch. Ang dami kasing pinabaon ni Lola.


"Ang bangooo. Sino nagluto nito?" Tanong ni ate Tarra nung makaupo na siya.


"Lola ko po. Hehehe. At may konti din po akong naitulong diyan. Hahaha. "



Nagsimula na kaming kumain. Feeling ko kapag nagkikita kami, lagi nalang kaming kumakain. Nakakarelate ba kayo?

"Ano pong ginagawa niyo dito sa kompanya niyo?" Nacurious lang ako. Kasi mahilig ako sa damit diba? Eh clothing company ito. Baka lang may matutunan ako.


"This is a clothing company so kami ang nagpoproduce ng mga iba't ibang clothing line. Kami ang gumagawa ng designs, nagtatahi at nagmamarket na rin sa iba't ibang malls. Minsan din may mga nagpapagawa sa amin ng original and customized clothes. Medyo marami pang process pero aantukin ka kapag kinwento ko pa sayo lahat." Naamaze nalang ako. Grabe.



"Kaya po pala para kayong fashionista kapag pumupunta po kayo sa pwesto namin." Totoo naman. Napagkakamalan silang artista.



"Hindi naman. Dapat lang talaga ay marunong kang magdala ng damit. Like you. Ang ganda kaya ng mga sinusuot mo. Very comfy and yet, stylish." Wow. Nacompliment yung pananamit ko. Eh nakajumper lang naman ako tsaka nakatshirt eh. Tsaka may paheadband ang lola niyo. Oh diba? Hahaha.


"Ay thank you po. Hehehe."


"Calli, chef ba yung lola mo? Ang sarap ng luto. " Kanina pa tahimik yan si ate Tarra eh. May sariling mundo siya kasama yung mga pagkain. Hahahaha.



"Hindi naman po. Talagang masarap lang magluto. Gusto niyo po bukas ulit magdala ako dito." Sabi ko bago uminom ng tubig.



"Nakakahiya naman na. Okay na to." Sabi ni Mam habang kumukuha ng ulam sa tupperware. "Wala yun mam. Ako po bahala. "



"Tanong ko lang po. Sino po yung dalawang lalaki sa labas kanina? Manliligaw niyo po ba? Ayieee." Trip ko lang mag-asar.



"Oo. Gusto ko silang iligaw. Para di na sila bumalik dito." Natatawang sabi ni Mam.




~~~~~~~~~~~~~~~

Tapos na kaming kumain at nililigpit nalang namin yung pinagkainan namin.

"Thank you sa lunch ah. Sabihin mo sa lola mo ang sarap ng luto niya. Hahaha. " Sabi ni Mam Amara habang  tinutulungan ako sa mga tupperware.


"Sure mam. Makakarating. Haha."




"Ay teka lang po. May kukunin lang po ako sa labas. " Lumabas na si ate Tarra at naiwan kami ni Mam.


"Upo ka muna diyan. Maya-maya ka na umuwi. Tirik na tirik yung araw oh." Naupo naman ako sa sofa ni madam. Grabe ang lambot.


Habang nakaupo ako dito ay pinanood ko na yung Who's most likely to na vlog ni Luna kasama yung parents niya.


Natatawa nalang ako kasi ang kulit na nila at nagtuturuan na yung mommy at daddy ni Luna. 



"Ano yang pinapanood mo?" Lumapit sa akin si Mam Amara at nakitingin sa cellphone ko.




"Vlog po. Hala. Parang may hawig po kayo sa mama ni Luna. " Oo nga guys. May hawig sila ni mommy Corrine. Hahahaha.




"Oo nga noh? " Magkatabi lang kami ni Mam Amara habang nanonood ng vlog.




~~~~~~~~~~

Mukhang naeenjoy naman ni Mam Amara na manood ng vlog. Hahaha. Medyo kanina pa kasi umalis si ate Tarra kaya naglilibang lang kami dito.



"Sorry po. May pinaayos pa po kasi sa akin sa kabilang department. Eto po pala. Iniwan nung isang lalaki kanina ate. " Tumayo naman si mam Amara at kinuha yung box na dala ni ate Tarra.



Tinignan naman ni mam Amara yung box at nakita na may note sa taas. Binasa niya ito ng mahina at nilagay niya sa ibabaw ng desk niya.




"Sige kuha na kayo. Dessert daw." Nilapag yun ni mam sa mesa. Chocolatessssss.




"Mam, sosyal nung manliligaw niyo ah. May pachocolate." Inasar ko siya habang binubuksan ko yung wrapper ng chocolate ko.





"Eh mam diba mahilig kayo sa chocolates? Bakit di pa po kayo kumukuha?" Tanong ni ate Tarra na nageenjoy din sa chocolate niya.





"Sige kumuha lang kayo dyan." Nagkatinginan naman kami ni ate Tarra na parang ' wehhh, galing kasi sa manliligaw niya. ' Natawa naman kaming dalawa.






"Kayo ah. Tinatawanan niyo ako. " Kumuha naman siya sa box at nag-apir kami ni ate Tarra.




"Yun. Para naman malaman po ng manliligaw niyo na naappreciate niyo yung regalo niya. Hahahaha. " Pero seryoso guys. Ang gwapo talaga nung lalaki kanina sa labas. Yung isa kasi mukhang suplado eh. Yung isa naman mukhang mabait. Siya yata yung nagbigay ng chocolates kasi nakita kong hawak niya kanina yung box na yan.




~~~~~~~~~~~

Amara's POV





Medyo matagal tagal din na nagstay dito si Calli kanina. Pero tinawagan siya ni Pretty kaya umuwi na.





"Ate, tama si Calli. Ang gwapo nga po nung isang lalaki kanina. Yung nag-abot po ng box na yan. Sino po ba yun? Manliligaw niyo nga?" Isa pa itong si Tarra eh. Nangungulit din.





"Wala yun. Kalimutan mo na yung mga yun." Nakakaasar sila. Buti nalang dumating si Calli. Hindi ko kinailangan mamili sa kanila. Hahahaha.




Lumabas naman si Tarra at maya-maya ay may kumatok sa office ko.



"Bukas yan." Si Ria pala.




"Hello Amara. Busy CEO ang peg?" Lumapit siya at nakipagbeso sa akin.




"Hindi naman. Tinatamad na nga ako eh. Gusto ko nang umuwi. Ano nga palang pinunta mo dito?" Umupo siya sa harap ko habang nakaupo ako sa swivel chair.





"Hmmm. Kasi diba nga tinawagan kita para sa debut gown ni Erissa? " Oh I remember.



"Kelan ka ba available? Yung talagang walang schedule. " Tanong niya.




"Hmmm. Tatanungin ko si Tarra mamaya. " I said. Nilibot niya ang mata niya at nakita yung note sa box ng chocolate. Dapat pala tinapon ko na yan. Aagawin ko na sana pero nilayo niya yung card.



"Teka lang." Binasa niya yung nakasulat ng malakas. "This is for dessert. Hope you like it. Still the same chocolate that you love. -Alexander. Kyaaahhhhhh. Si Alex? Pinadalhan ka ng chocolate?" Kaya ayaw kong mabasa niya yan eh. Isa sa mga pinakamalakas mang-asar yang si Ria eh.





"Bumisita lang siya kanina. Nothing more, nothing less. " I said.




"Sus defensiveeee. Kelan pa siya bumalik?" Iyan. Dyan siya magaling.





"I don't know and i don't care." I said and parang hindi siya naniniwala. "Pero naubos mo yung chocolate. Anndddd, wag mong ideny dahil puro chocolate wrapper dyan sa harap mo. Hay Amara Claire. Kilala kita mula ulo hanggang paa. " Sabi ko kay Tarra itapon yung mga wrapper eh.





"Anyways, kailan na ba gaganapin yung debut ni Erissa?" I asked changing the topic.




"Diverting the topic tayo? Sige na nga. Baka palabasin mo pa ako. "





Nagkuwentuhan nalang kami at buti nawala sa isip niya si Alexander. Buti at naiba ko yung topic.




~~~~~~~~~~~~~


A/N: Si Amara nagiging defensive. Hahahahaha. Amara and Alexanderrrr foreverrr❤❤❤❤.



Credits to ms. _kettlewrites for luna and her parent's character. Kung gusto niyo po malaman yung who's most likely to vlog, basahin niyo po yung reminiscence story. Magkahawig po talaga si Mam Amara at si Mommy Corrine. Hehehe.

Thank youuuuuu.❤❤❤❤




Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

385K 26.9K 232
Rosabella Nataline swore to keep off dating when she got her heart broken two years ago. She kept herself protected and bound by a rule she establish...
469K 13.7K 34
Isla de Vista Series #5 Cresia, The girl of perfection, emotionless, unbothered, silent, and immovable. She is used to the life dictated to her how...
982K 31.3K 41
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
1.4M 61.2K 271
In which Neve keeps texting her deceased friend's number, at first in order to cope with the loss, and later on, as a force of habit. After four year...