Chapter 10: Confrontation
“RIZA?! ASAN KA na ba?!”
Naisara ni Monic ang ref kasabay ng paglala ng kanyang nerbiyos dahil sa paglakas na boses ng tiya ni Teacher Riz. Tila mainit ang ulo nito.
Kakauwi lang galing ibang bansa pero mainit agad ang ulo? She wondered. Eh bakit nga ba umuwi agad iyon? Dapat sa isang linggo pa ‘di ba?
Nakaramdam na rin ng inis si Monic. Hindi niya ito inaasahan. Paano na siya ngayon? Hindi pa siya nakakasuweldo. Wala pa siyang alam na malilipatan. Saan na kaya siya pupulutin nito?
“Riza!”
May maliit at bilugang anyo ng may edad nang babae ang lumitaw sa may pintuan. Nakapamewang pa ito at nakabusangot. Bruhildang-bruhilda talaga ang dating.
“T-Tiya Fe!” Kabadong bulalas ni Teacher Riz.
“Sino ang mga ‘yan?!” Tinignan nito nang masama si Monic, pagkatapos ay si Marky. “Nawala lang ako, kung sinu-sino na pinapapasok mo dito?! Paano kung may nakawin ang mga ‘yan dito sa pamamahay ko?!”
Nakawin? Nagpantig ang mga tenga ni Monic sa narinig. Gusto niya itong sagutin at ipamukha na mas maganda ang mga gamit nila sa tahanan ng kanyang pamilya, kaya bakit siya magnanakaw? Ganun din malamang si Marky, na ilang taon ang ginugol sa ibang bansa para maghanapbuhay. At saka nasa itsura ba nila ang pagiging magnanakaw?!
Nagtimpi lang si Monic dahil kasalukuyan siyang wala sa lugar para sumagot nang ganon.
“T-Tiya naman,” nilapitan ni Teacher Riz ang babae at hinawakan sa braso. “Huwag naman po kayong magsalita nang ganyan. M-mga kaibigan ko po sila. Ayun po si Teacher Nix,” tinuro siya ng ka-trabaho, “co-teacher ko po dun sa pinapasukan ko. At ayun naman po si Mr. Añonuevo,” si Marky naman ang tinuro nito. “Tatay po ng isa sa mga estudyante ko.”
“Oh eh ano namang ginagawa nila dito?!”
“A-ano po,” halatang napaisip pa muna si Teacher Riz. “Nag-uhm, se-celebrate po sa successful na graduation na nangyari kanina.”
Nakabusangot pa rin ang tiya nito na binalikan ng tingin si Marky. “Eh bakit kailangan pang kasama ‘yang tatay ng estudyante mo?! Hindi niyo naman siya ka-trabaho!”
“E-eh kasi po...” Muling napaisip si Teacher Riz.
Maging si Monic ay napaisip. Kung pagse-celebrate nga ang ginagawa nila ngayon, bakit may kasamang tatay ng estudyante nila? Ano kayang maiisip na idahilan ni Teacher Riz?
“Hinahayaan mo pa siyang gumalaw ng mga gamit dito!” Tuloy ng tiyahin nito. “Paano kung may masira siya o kunin sa mga ‘yan?!”
“Huwag naman po kayong ganyan magsalita, Tiya! M-manliligaw ko po ‘yan!” Desperadong dahilan ni Teacher Riz na ikinalaki ng mga mata nung dalawa.
Nagkatinginan pa sina Monic at Marky. Pasimpleng umiling sa kanya ang binata, as if kinukumbinsi siya na hindi totoo ang sinabi ni Teacher Riz.
“M-manliligaw?” Nagulat pati ang babae. “Pero Riza! May anak na ‘yan!”
“O-oo nga po. Single father. Pero tignan niyo naman po—ang guwapo niya! At saka mabait at napaka-responsable! Tiniis nga po niya ang magtrabaho ng ilang taon sa ibang bansa, mabigyan lang ng magandang buhay ang anak niya!”
“Nag-iibang bansa siya?” Biglang umaliwas ang pagmumukha nung babae. At parang nababasa naman ni Monic ang nasa isip nito.
Nag-iibang bansa. Maraming pera.
Napabuntung hininga na lang siya. Si Marky naman ay napatakip ng bibig at mukhang hindi mapakali. Monic knew, her ex was feeling frustrated.
Nag-iba na ang ihip ng hangin ng tiyahin ni Teacher Riz. ‘Yung busangot sa mukha ay napalitan ng ngiti. ‘Yung pagtataray ay napalitan ng pagiging accomodating sa kanilang dalawa—ay, kay Marky lang pala.
Grabe lang sa pagpalit ng mood. Palibhasa matandang dalaga. Patagong napairap si Monic.
Tinuloy naman ni Marky ang paggawa ng sandwich at pagkatapos ay sa sala sila kumain. Todong in-interview ito nung matandang dalaga, habang tahimik at natutulala lang si Monic sa puwesto niya. Maya’t maya siyang napapabuntung hininga sa kakaisip ng solusyon sa problema niya ngayon. Tapos dumadagdag pa ang pagkirot ng ulo niya.
“Oh siya, magpapahinga na ako at pagod na pagod pa ako sa binyahe ko!” Tumayo na ang babae na agad inalalayan nina Marky at Teacher Riz.
Talagang nagkasabay pa. Pansin ni Monic.
“Ay nako, ayos lang ako! Sige na, sige na, diyan lang kayo.”
Bumitaw na si Marky. Pero si Teacher Riz, nanatiling nakahawak.
“Riza?! Ano ba?! Kaya ko na ang sarili ko!” Sita nito sa pamangkin. “Dito ka lang!” Sabay bulong ng, “Huwag mo sila iiwan nang magkasama! Baka sulutin pa ng ka-trabaho mo ‘yang manliligaw mo! Tsk.”
Medyo napangiwi si Monic. Narinig niya iyon at maging ni Marky. Nakita naman ni Teacher Riz ang reaksyon niya kaya mukhang nahiya ito.
“Tiya naman...”
“Hay, bahala ka.” At mag-isa nang umakyat ng hagdanan ang babae.
Nang matantya ni Teacher Riz na nagkulong na sa kuwarto ang tiyahin, hinarap nito ang mga kasama.
“Uy, pasensya na sa inasta ng tiya ko ah! Ganun talaga ‘yun eh. Bruhilda!” Todong nakanguso na paliwanag ni Teacher Riz. “Pasensya na talaga. Diyos koooo,” napatakip pa ito ng mukha. “Mr. Añonuevo! Kalimutan mo na ‘yung mga nangyari! Gaaad! A-ayun na lang kasi ang dahilang naisip ko para makalusot kanina! P-pasensya na!”
“Ayos lang,” naka-pilit na ngiting sagot ni Marky.
Namumula pala si Teacher Riz, nakita nila iyon nang ibaba nito ang mga kamay at ibaling ang nahihiyang tingin kay Monic.
“Teacher Nix...”
Pilit ding ngumiti si Monic sa pagtawag nito sa kanya.
“Hayaan mo na, Teacher Riz. Okay lang ako.” Tumayo siya at tumingin sa suot ng wristwatch. “I guess kailangan ko nang umalis hangga’t hindi pa gumagabi.”
“Pero saan ka na tutuloy?”
“Bahala na...”
Napatayo bigla si Marky. “Uhm, bakit? May problema ba?”
Tinignan ni Monic ang dating nobyo. Saglit siyang nakipagtitigan dito bago sumagot. “Wala naman.” Malamig niyang sagot sabay balik ng tingin sa ka-trabaho. “Teacher Riz, ‘yung bagpack na lang muna ang dadalhin ko. ‘Yung maleta, puwedeng dito muna?”
“Ehhh,” nilapitan siya ni Teacher Riz at hinawakan sa braso. “Kung wala ka pang ibang matutuluyan, huwag ka na munang umalis. Dito ka na muna. A-ako nang bahalang magpaliwanag sa tiya ko.”
Lumapad ang ngiti ni Monic. She just felt grateful na nagkaroon siya ng ka-trabaho at kaibigang katulad ni Teacher Riz. Pero ayaw naman niya itong idamay sa sariling problema. At ayaw niya ring pakitunguhan ang tiya nitong may matalas na tabas ng dila at makitid na utak.
“Hindi na Teacher Riz. May ilan naman na akong naiisip na matutuluyan.” Pagsisinungaling niya para lang makaalis na siya at hindi na madamay pa ang ka-trabaho.
“Talaga? Saan?”
Shoot. “H-hindi ko pa alam... Depende kasi ‘yun kung saan ‘yung mapipili ko. Hayaan mo, ite-text kita agad kapag may natuluyan na ako.”
“Talaga?” Paninigurado ni Teacher Riz.
“Talaga.”
And that settled the issue. Pumayag si Teacher Riz na maiwan pansamantala roon ang maleta ni Monic, at saka umakyat para ayusin at kunin ang bagpack niyang naglalaman ng primary needs.
Tahimik silang naiwan ni Marky sa sala. Hindi niya ito tinitignan, pero nararamdaman niya ang kagustuhan nitong usisain ang pinagdadaanan niya.
Naiilang si Monic. Gusto na talaga niyang makalayo sa dating nobyo. Pakiramdam niya lang, ito ang nagdadala ng kamalasan sa kanya.
“Ito na oh,” walang tatlong minuto ay nakabalik sa kanila si Teacher Riz at agad inabot kay Monic ang bag.
“A-aalis ka na, Nix?” Nag-aalangang tanong ni Marky. “Uhm, sabay na kita—”
“Naku huwag na Mr. Añonuevo,” tanggi agad ni Monic. “Kaya ko na ang sarili ko. Dito ka na lang kay Teacher Riz.”
Damn it. Bakit nagtutunog bitter na naman ako? Inis niyang pansin sa sarili.
“Pero pauwi na rin naman ako so sige na.” Pagpipilit ni Marky.
“Teacher Nix, huwag ka na mahiya.” Pagkumbinsi na rin ng ka-trabaho niya. “Sayang oh, bawas gastos ka na sa pamasahe.”
Tumitig siya kay Teacher Riz.
Kung alam mo lang kung anong meron kami sa nakaraan ng lalaking ‘yan. For sure, ipagtutulukan mo akong maglakad na lang kaysa makisabay sa kanya. Gusto sanang sabihin ni Monic sa ka-trabaho.
“I insist, Nix.” Biglang inagaw ni Marky ang bagpack na bitbit niya. “Let’s go.” At nauna na itong lumabas.
What the?
“Gash, ang bait-bait-bait talaga niyaaaa.” Si Teacher Riz, kumikinang na naman ang mga mata sa kilig. “Sayang. Sana ako na lang ang nasa kalagayan mo Teacher Nix!”
Bumuntung hininga si Monic. “Kung alam mo lang talaga...” Bulong niya.
“Ano ‘yun?” Nagbu-beautiful eyes na tanong ng ka-trabaho niya.
“Wala. Tara na sa labas.”
***
MATAPOS MAGPAALAM AT magpasalamat ni Monic sa kanyang ka-trabaho, umalis na siya—sakay-sakay ng sasakyan ni Marky.
Tahimik siya habang nakaupo sa passenger seat. Diretso ang tingin niya sa kalsadang dinadaanan nila.
It was a suffocating moment for her, ang makatabi sa iisang sasakyan ang dating nobyo. Hindi niya maiwasang alalahanin ang parehong eksena sa nakaraan nila. Noong sila pa at lagi siya nitong hinahatid-sundo gamit ang dati nitong sasakyan. Ang pagkakaiba lang ay masaya sila noon. Puro ngitian, lambingan, tawanan. Hindi tulad ngayon na hindi man lang sila nag-iimikan. At higit sa lahat, wala nang namamagitan sa kanila.
What a difference… Parang nung mga panahon na ‘yon, nai-imagine ko pa na bubuo kami ng sarili naming pamilya then now…
She then thought of Alannah, ang naging anak nito—sa ibang babae. And it hurt her. Again.
Buti na lang, sa may kanto ng subdivision lang siya bababa. Hindi na niya kakailanganing tiisin nang matagal ang sakit at panghihinayang na muli niyang nararamdaman.
Pagkarating nila doon ay tinigil ni Marky ang sasakyan sa may safe na babaan.
“Sige, salamat ah.” Walang tingin-tingin na sabi ni Monic. Bubuksan na rin sana niya agad-agad ‘yung pinto kaso naka-lock pa iyon. “Marky, pa-unlock na oh.”
“Teka lang... Puwede ba malaman kung saan ka na tutuloy?” Tanong nito.
Binalik ni Monic ang tingin sa harap at saka nagbuntung hininga. “Sabi ko nga kanina kay Teacher Riz ‘di ba, hindi ko pa alam? Depende ‘yon.”
“Okay. Saan ka ba unang pupunta? Ihahatid na kita. Sasamahan kita hanggang sa may matuluyan ka na.”
“Huwag na, Marky. Umuwi ka na. Baka hinahanap ka na ng anak mo. Kaya buksan mo na ‘to.”
“Hindi pa ‘yun kaya ayos lang.”
“Puwede ba, Marky?” Hindi na niya napigilan ang inis. Nilingunan na rin niya ito. “Hindi ko kailangan ng tulong mo.”
Natigilan doon ang binata. Halata sa mga mata nito na nasaktan ito sa sinabi niya.
Hindi naman nakonsensya si Monic. Ngayong napuno na siya, mas minabuti niyang ilabas na ang lahat ng sama ng loob niya.
“Yes, Marky. Mahigit apat na taon na nga ang lumipas matapos ng mga nangyari noon. At ngayon, maayos ang pakikitungo ko sa inyo ng anak mo kay Yvette. Pero dahil lang iyon sa trabaho ko. Dahil wala namang kasalanan ang bata sa mga nangyari. At hindi dahil sa okay na ako. ‘Cause no, Marky. I thought I already am okay but no. I am not yet okay.”
Unti-unting nasisira ang boses ni Monic. Naluluha na rin ang mga mata niya, pero pilit pa rin siyang nagmatapang.
“Every time I deal with you, hindi maiwasang bumalik sa akin ng lahat eh. ‘Yung sakit... ‘Yung galit... And I already had enough. Ayoko na nang ganito. Ayoko na.”
Napatingin sa ibang direksyon si Marky at napahigpit ang hawak ng isang kamay sa manibela. He looked guilty, and Monic didn’t care.
“Huwag mo na akong pahirapan, Marky. Please. Just let me go.”
“I’m sorry.”
“Damn it! I don’t need another apology. What I badly need right now is to get away from you. So please—”
“I’m sorry.” Mariing ulit nito sabay balik ng tingin sa kanya. The guy was teary as well, much to her surprise. He looked like hurting—gaya na lang niya. “But I don’t need your forgiveness, Monic. I only want you to know that until now, I still feel very sorry for what I’ve done—and for losing you. God. Nagsisisi pa rin ako hanggang ngayon. Pero... pero hindi iyon ang mahalaga ngayon.”
Napalunok pa ito bago nagpatuloy sa sinasabi.
“Alam ko ang pinagdadaanan mo. At alam ko na ako ang dahilan ng pagpapalayas sa’yo ng mga magulang mo.”
Nanlaki ang mga mata ni Monic sa narinig. Paano niya... nalaman?
“Kaya hindi kita magagawang pabayaan na lang ngayon. Kaya tutulungan kita sa ayaw mo o sa gusto mo.” At pinaandar na ulit ni Marky ang sasakyan.
“T-teka, saan mo ako dadalhin?” Kinabahan si Monic.
“I know a place where you can stay in for a while.” Sagot nito sabay liko sa kanan “Somewhere you won’t need to deal with me.”
—TBC
A/N Kung may typos or may malabong parts(na malamang now ko lang siningit) pagpasenyahan na lang. Sabog ako ngayon. Haha. Thanks sa mga nagbabasa! :)