Shot Through the Lights

By artysant

255K 13.1K 4.7K

[Politico 2] For Alunsina, life is a one-time shot. It's a one-time risk and a one-time drown into the open... More

Shot Through the Lights
Taft Avenue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Cosmos
Last Note
Special Chapter

Kabanata 9

3.3K 235 81
By artysant

Uneasy

"Five, six, seven, eight!"

Hinihingal na kami. Kanina pa kami pabalik-balik sa choreo. At mainit na ang ulo ni Ma'am Zai sa amin. She looked so pissed lalo na nang hindi magkapantay ang mga kamay namin sa unang routine.

Umalingawngaw sa buong dance studio ang malakas na tunog ng pito.

"Stop."

Tumingala ako. Sweat trickled down my forehead. Pati na rin sa leeg ko. I grabbed the collar of my sweatshirt and wiped the excess sweat, kahit na alam kong wala ring silbi 'yon kasi parang 'di matigil ang pawis sa pagdaloy.

Hingal na hingal kami habang nag-aabang sa sermon mula kay Ma'am Zai, na halatang hindi nga natuwa man lang sa effort namin para sa routine na 'to. 

"Ano na ang nangyayari sa inyo? Masyado bang masaya ang weekend? Na-eexcite na ba kayo sa break?" sunod-sunod niyang tanong.

Walang sumubok magsalita. Maging ang mga senior na nasa unahan ay nakayuko lang. I rolled my eyes. Kaming mga freshman ang nadadamay, e. Nakatutok ako buong sayaw sa salamin, kaya kitang-kita ko na ang mga senior talaga ang may kasalanan. They've been skipping practices lately kapag wala si Ma'am.

"Are you confident? Tingin niyo dahil ilang taon na kayong champion, hindi na kayo mapapalitan?"

Naglakad-lakad siya.

"Ayusin niyo! We've been at this kanina pa lang. And unang routine pa. We have more routines to practice!"

"From the top!"

Hapon na nang matapos kami. Sobrang pagod na ang katawan ko. Kakabalik ko lang ng Maynila kagabi at agad akong sumalang sa trabahong binigay ni Thelma, kapitbahay ko. And now, we're back to practice.

"Wave, sabay na tayong umuwi—"

Tinanaw ko si Viel nang matigilan siya. Kumunot ang noo ko sa kanya. Nginuso niya naman ang direksyon kung nasaan ang pinto bilang pagsagot. Curious, I looked at where she's pointing.

"HI!"

Nakapamulsa si Aurel at sumandal sa pinto. He's sporting a boyish smile, while mine was weary.

Tumikhim si Viel sa gilid ko at humagikhik.

"Sige, lovebirds, mauuna na ako!" at kumaripas na siya ng takbo kahit hindi ko naman siya pinipigilan.

Bumaling ako kay Aurel.

"Ano'ng ginagawa mo rito?"

"Visiting you?" he flashed a shy smile.

Lumapit siya sa akin at tinulungan ako sa pag-aayos ng mga gamit.

"How's the weekend? 'Di kita ma-contact."

For the whole weekend, I turned my phone off. Paminsan-minsan ko lang tinitignan. Pahirapan pa rin kasi ang signal hanggang ngayon sa San Antonio kaya wala ring silbi ang paggamit ng cellphone.

Ngumiti ako nang mapakla.

"Sorry, wala kasing signal. At busy ako whole weekend."

"Really? Bakit, taga-saan ka ba?"

"Province," tipid kong sagot.

Tumango siya at mukhang wala nang balak mang-usisa.

Naglakad kami nang magkasabay. I am aware of the students' stares. These days, people are talking about us. Kahit na hindi naman kami magkasama, pinag-uusapan pa rin kami ng karamihan.

It's something I have always wanted. I crave for fame so much. I love the attention. Pero ngayon, nalilito ako kung bakit normal lang sa akin 'to. Parang hindi na ako nagugulat. Parang wala lang.

"For our date, by the way, nagpa-reserve ako sa isang restaurant."

"This week, right?"

"Oo. Huwebes sana. Hindi ka pa ba uuwi niyan?"

Umiling ako. May inaalala pa akong dance competition. At saka may huling trabaho pa akong aasikasuhin bago ako bumalik ng Basco. Hindi ko naman na maaaring ikansela 'yon kasi napag-usapan na namin ni Thelma at ng isa pa naming kakilala.

"After the cinema, let's go to that restaurant. I'm sure you'd love it there."

I nodded. I'm honestly not thrilled. And this feeling of nothingness confuses me.

"I'm sure I'd love it there. Kasama kita, e."

He bit his lip. He looked away and I saw his ears redden a bit. Nag-iwas ako ng tingin.

I remember asking Sergio out on the same week, too. This is crazy. And I don't think I can carry on doing this stupid stuff. An unknown feeling is slowly creeping in. But the confusing thing is that, hindi ko alam kung para kanino at para saan ang nararamdaman kong 'to. Kung kay Sergio ba, kay Aurel, o sa sarili ko mismo.

And I'm not sure if I really wanna know what this feeling is.

"Saan ka pala papunta?" tanong ko.

"Uh, I'm going to the cafeteria."

I pointed to the other direction.

"Naroon ang cafeteria," tugon ko.

We've long passed by that hallway. Alam kong gusto niya akong samahan sa kung saan man ako patungo. But I wanna be alone.

"Yeah, uh, sorry. See you around?" nahihiya siyang nagkamot ng ulo.

I smiled and nodded.

Tinalikuran ko siya nang walang pag-aalinlangan. Dumiretso ako sa mga kiosk, kahit na may kaonting pagdadalawang-isip dahil sa pagbabaka-sakaling makita ko roon si Sergio.

At hindi nga ako nagkamali.

He's sitting on his usual spot. Dala pa rin niya ang notebook at bag at kaonting mga libro.

"Hey," I greeted.

Nag-angat siya ng tingin. Binigyan niya ako ng isang ngiti.

"Hey," he greeted back.

I raised my brows.

"First time 'ata na hindi ka nagtanong kung ano ang kailangan ko o kung bakit ako nandito."

He chuckled, but didn't say anything. And honestly, that's the kind of peace I want for now. Just... silence.

I never truly valued the tranquility of silence. Para sa akin, nakakamatay ang tahimik. Nakakakaba. Hindi ko alam kung may mali ba o ako lang ang nag-iisip na meron. I was always lively and loud, na kahit konting katahimikan, iba na sa akin.

But this time, it gave me a different sense of solitude—something I most definitely needed.

Kaya lang, hindi na kami tuluyang nag-usap. I fell asleep in the middle of thinking. Hindi ko namalayang nakaalis na pala siya.

But he left a note saying that he's gonna be back after a quiz. Hindi na nga lang ako naghintay dahil sa trabaho.

Hindi nakatulong ang mga pang-uusisa ng mga kaibigan ko sa amin ni Aurel. Every now and then, I'd get texts from each of them wanting to have some catching up. Ginagawa ko na lang na excuse ang practice sa dance troupe.

Almost everyone assumed na kami na nga, kasi palagi kaming nakikita ng mga tao na magkasama. And honestly, I enjoyed the attention before. Pero ngayon, may iba na akong... inaalala.

"So, 5 pm, tomorrow?"

"Sure, saan tayo magkikita?"

He smiled coyly

"You live in a pad, right? How about... sunduin kita?"

Hindi ako makasagot. Mukhang nakuha ni Aurel ang pag-aalinlangan ko kaya ngumiti siyang muli.

"If you don't want to, I can just pick you up here. Or we can go right away after your practice."

"That seems better. Sige," I agreed.

Hindi ko pa nasasabi kay Sergio kung saan at kailan. Biyernes na bukas at balita ko ay buong araw kaming magpapractice para linisin ang choreo. It has been on my mind for days now. But ever since that day in the kiosk, hindi ko na siya ulit nakita.

"You should wear... hmm," isip ni Jessy. "Hindi ko alam! Just... wear a dress or something. Cinema naman, right?"

Tumango ako.

"Yeah, a dress will do."

Umasim ang mukha ni Ana sa sinabi ni Viel.

"That's too primitive. How about casual lang? You know, jeans and shirt?"

"Pagmumukhain mo ba siyang plain at kawawa? No, a dress will do. Saka ano naman kung primitive?" inis na tanong ni Jessy.

This is their last day in school. Kahapon pa yung huling araw nila Patrick dito bago ang term break. Tapos na kaming lahat sa pagpapasa ng mga requirements. And now, I'm asking for "advices" sa date namin ni Aurel.

Ngunit habang tumatagal ang panahong ginugugol ko sa walang kwenta nilang pinagsasabi, naiirita na ako.

I sighed. This is getting nowhere. I'll wear what I want to wear.

"I can do it, guys. No need to fight over things. Ako na ang bahala."

Ngumisi si Ana sa direksyon ko.

"Bakit mukhang wala kang gana?"

"Tss. Malapit na competition namin. We've been practicing non-stop for days," sagot ni Viel.

I just nodded. Wala ako sa tamang kondisyon para makipag-usap. Pero hindi 'yon dahil lang sa sayaw. Masyadong maraming bagay ang bumabagabag sa akin ngayon.

Una, ang tungkol kay Aurel. I have told Patrick that I don't wanna continue doing that stupid deal. Tutal ay unti-unti naman nang gumagawa ng paraan si Aurel sa akin. But he doesn't wanna listen. Aniya'y ipatitigil daw niya si Aurel kapag hindi ko ginawa ang gusto niya. And he might do something... worse.

I've known Patrick for months. At marami akong naririnig na mga palihim niyang ginagawa. He's the kind of person that... you'd have to please to get on his good side. At natatakot ako sa pwede niyang gawin kapag inayawan ko ang mga gusto niya.

Pangalawa, tungkol kay Sergio at sa date namin. Wala pa kaming napag-uusapan. At mabilis ang takbo ng mga araw. Hindi ko nga alam kung matutuloy pa ba o hindi na.

At... may iba pa akong mga problema tungkol sa kanya. The most prominent is this... lurking feeling that I don't want to know.

That day, I was also alone in that kiosk. Umasa akong makikita ko siya roon, o darating siya. Pero ni anino niya wala.

I glanced at my reflection. Nag-apply lang ako ng kaonting makeup at hinayaan ang buhok kong nakalugay. I was wearing a simple white summer dress and paired it with white sandals. This is actually nice. It doesn't look cheap.

Bumaba na ako at nagtungo sa waiting shed kung saan kami nagkasundo ni Aurel na magkita para sa aming date.

Students looked at me as I passed by. May iilan pang tumatawag sa akin mula sa malayo na kinakawayan ko na lang. It was a peaceful afternoon. The whole day was peaceful around me despite the growing turmoil inside my heart. Hindi na masyadong stressed si Ma'am Zai sa amin. The choreo went smoothly.

It's too peaceful... that I wonder if... things will ever go wrong from this point.

And yes, good things just don't last. Because if it does, it isn't real. 

Tumigil ako sa paglalakad nang makita ang pamilyar na tindig ni Sergio. Nakatayo siya malapit sa entrance ng simbahan at may kausap na babae. Lumapit ako ng kaonti sa mga halamanan, at nakitang si Sherry ang kausap niya.

Compared to the last time I saw them talk, seryoso sila ngayon. Sherry is not smiling. And Sergio seemed a bit tense.

Hindi ako gumalaw. Tinanaw ko lang sila at hinayaan ang unti-unting paglukob ng kapaitan sa aking buong sistema.

I don't know if it's about me not seeing him for days, or the fact that he's with Sherry, but I most certainly dislike what's in front of my eyes.

Lumunok ako. Bago pa man sila matapos sa pag-uusap, umalis na ako roon. Hindi na ako lumingon.

Sinubukan kong ituon ang aking isipan kay Aurel. He's been firmly holding my hand whenever he gets the chance to do so. Magalang kong binabawi ang aking kamay, isang bagay na hindi niya 'ata makuha.

"The movie is so good! Did you like it?"

I was bored the whole time. The movie is good. But it isn't the type of movie I watch. Action kasi. Ang mga hilig ko ay drama. Sinubukan kong sabihin sa kanya na gusto ko ng ibang palabas, ngunit pinilit niya pa rin ang gusto niya.

But as usual, I smiled sweetly.

"Of course. It was so good!"

He beamed.

"Glad you enjoyed it. Sabi ko sa 'yo magugustuhan mo!"

We had dinner in a very luxurious restaurant in Recto. Katabi ito ng Dilson Theater kung saan kami nanood ng palabas.

"What do you want? Roasted beef? Or chicken?"

Ngumiti ako nang pilit. Hindi ako sanay sa fine dining. Kaya hinayaan ko lang siya na mag-order. I haven't eaten any of these things aside from roasted chicken. Pero 'yon nga lang, parang hindi 'ata pasado ang lechong manok na binibenta sa Quiapo.

Buong dinner, siya lang halos ang nagsasalita. Paminsan-minsan lang akong sumasabat at nagsasalita tungkol sa akin.

"So, what does your parents do?"

Hindi ko halos manguya nang maayos ang kinakaing dessert dahil sa tanong na 'yon.

"T-They have many jobs," maliit na boses kong ani.

His eyes widened.

"Oh! So, you own different stores?"

Ngumiti ako at umiling. He obviously knows nothing about the working class nor the laborers.

Maraming trabahong alam sina Nanay at Tatay. Madalas ang pagsasaka kung wala ng ibang trabaho.

"My parents work in the film industry. Nagpaplano silang pumasok sa politika. But I don't think it's anytime soon."

"Why?"

"May tinatapos pang project. And we have to consider the budget, too."

I nodded, kahit na wala naman akong interes sa pagpupulitika ng mga magulang niya.

"Bakit 'di ka mag-aartista?" tanong ko.

He laughed mockingly.

"Tss. Wala ka namang mapapala diyan. Being in the film industry does not guarantee your future. And ang baba ng sweldo," iling niya.

"Well, I wanna be an actress," sabi ko.

Nanlaki ang mga mata niya at nahihiya siyang ngumiti.

"I'm sorry. Were you offended?"

"No," I flashed a reassuring smile.

It's true, anyway. You only have a clear shot in the showbiz industry if you know people. Kung malakas ang kapit mo, opportunities will rain on you. Para sa aming mga baguhan at pangarap lang ang panlaban, we'd have to do with leftovers. And it sucks.

Minsan, kailangan pang kumapit sa patalim.

That is the very reason why I gave up. Mahirap. Walang kasiguraduhan ang lahat. At imbes na aangat ka, lalo ka lang mahihila pababa gawa ng hirap ng buhay.

"Thank you for tonight."

"Wala 'yon."

The light from the lamppost shone bright. Nakapamulsa si Aurel ngayon sa gilid ng sasakyan niya habang nakangising nakatingin sa akin.

"So, is there a next time?"

"Sure," tipid kong sagot.

He bit his lip and crouched slightly. Bahagya akong lumayo nang tumapat ang kanyang mukha sa akin. He sensed my discomfort. Kaya imbes na ipagpatuloy ang gusto niya sanang gawin, he chose to pat my head instead and awkwardly laughed.

"See you at school. It was fun going out with you today. Sana... we can go out next time again," napapaos niyang sabi.

"Yeah. Why not?"

Inayos ko ang dalang cross-body bag.

"Thank you ulit. I'll get going now."

"Okay. Take care!"

Nauna siyang umalis. Hinintay ko pang mawala sa paningin ko ang sasakyan niya bago ako naglakad tungo sa apartment. Maingay pa rin ang lugar kahit na alas nuwebe na ng gabi. Binati ako ng iilang mga tambay at nakipagbiruan pa dahil nakasuot ako ng bestida.

I was tired. I didn't know if it was the date with Aurel that made me this exhausted, or just... everything.

Siguro pwede naman nang tumigil ako? Kasi alam ko namang gusto na rin ako ni Aurel.

One thing I'm not sure of is if I want to even end what Sergio and I have. But do we even have something to begin with? Do we have something to fight for?

Nakatulugan ko ang pag-iisip at matagal pang nagising. Halos mapamura ako nang makitang pasado alas syete na pala. Mukhang makikipag-unahan na naman ako sa mga jeep ngayon.

Nakahinga lang ako nang maluwag nang makitang walang tao ang studio.

"Ma'am?"

Lumingon ako at nakita ang janitor na madalas maglinis sa area.

"Bakit po, Sir?"

"Hindi po rito ang practice ninyo ngayon."

Nguguluhan ko siyang tinignan.

"Po? E, wala naman pong sinabi si Ma'am Zai."

"Pasensya ka na, Ma'am. Wala talagang schedule diyan ngayon. At binilin na po ng sports coordinator na bakante 'to hanggang bukas. Sige po."

"Pero..." my voice faltered when the janitor left.

I don't know what to do. Kinapa ko ang cellphone sa aking bulsa at sa aking bag. Pero naalala ko na wala pala akong load. May telephone booth naman sa labas nitong school, 'yon nga lang papaubos na ang barya ko.

With slumped shoulders, I chose to sit on one of the field's benches. May mga varsity player pang nagpapractice. Sila-sila na lang 'ata ang natitirang nandito pa rin sa campus. Well, that includes me and all the other students na may ginagawa pa sa school.

Saan na ako ngayon?

Hindi ko na kasalanan kung hindi ako nakapunta ng practice. I know I should have exerted more effort if I really wanted to go to that practice. Pero ayoko rin naman. Kaya imbes na tumayo at maghanap ng paraan para makarating sa kung nasaan man sila, sumandal na lang ako sa bench at pumikit.

"What are you doing here?"

Isang boses ang bumulabog sa akin. It's the one I know all too well.

"Nagpapahangin," simple kong sagot.

I heard him sigh. Gumalaw ang bench, isang pahiwatig na umupo siya. Nakapikit pa rin ako at ayaw kong dumilat.

"May practice kayo, 'di ba?"

"Oo. Pero 'di ko alam kung nasaan sila."

"Nasa Leon Guinto. 'Yong bagong tayo na dance studio roon."

Agad akong dumilat. And after days of not seeing him, the first thing I noticed was his hair. Unconsciously, my fingers raked over strand after strand. It was soft, something I never imagined to be.

He stilled under my hold. Tumingin ako sa mga mata niya at nakitang nakatuon 'yon sa akin sa malamyos na paraan.

"It grew longer," I whispered.

"Should I get a haircut?" he whispered back.

"You should."

Hindi ko namalayan na unti-unti nang nagiging kakaiba ang paligid naming dalawa. Dali-dali kong binaba ang aking kamay at nag-iwas ng tingin.

Silence stretched on. Inayos ko ang suot na bag at umambang aalis nang pigilan niya ako.

The moment our fingers touched, all inhibitions just... vanished. It's crazy how his one touch can give me the kind of peace I've been longing for days now. 

I expected him to let go. But he didn't. Instead, his hold went tighter. I can't help but hold his hand, too.

The uneasiness I felt earlier left me. The only thing that mattered to me now is his hand and eyes on mine. Tila ba... wala nang hihigit pa roon sa mga sandling 'to.

"Pwede ka ba mamaya?"

My heart beat faster each passing second.

"B-Bakit?"

"I remembered you wanting to take me to a play. May play sa Bellevue. Gusto ko sanang... manood kasama ka," he looked away as he said the last sentence.

Dumako ang paningin ko sa kung saan nakahawak ang kanyang kamay.

"I-I didn't bring any extra clothes. B-Baka mabaho ako mamaya."

"Doesn't really matter to me," he gently said. "I doubt you'll smell bad."

Suminghap ako sa kanyang sinabi.

"A-Anong oras ba 'yan?"

"6 pm. Pwede ba 'yon?" marahan niyang tanong.

"P-Pwede naman. Pero, 'yon nga, w-wala akong magandang damit. B-Baka mahiya ka na ako ang dadalhin mo roon."

Unti-unting kumalas ang hawak niya sa akin. The last tips of his fingers lingered. And so does the feeling. When his hand left mine, I longed for its warmth.

"I don't really care. Just... come with me."

Dahan-dahan akong tumango.

"A-Aalis na ako. May practice pa kami. Let's just see each other l-later."

Palihim kong kinastigo ang aking sarili. Kanina pa ako nauutal!

He smiled faintly and nodded.

"Go. Baka hinahanap ka na roon."

Tumango ako at mas dumiin ang hawak sa sling ng bag. Nag-aalinlangan akong tumalikod, lalo na nang makita ko siyang nakangiti pa rin at may marahang tingin para sa akin.

Once again, this weird feeling surfaced. It's not the uneasy one. It's the kind of feeling I only feel when I'm with him.

And it feels so right to feel this thing... for him.

Continue Reading

You'll Also Like

29K 41 1
Forever Series 2/4 - Forever Agape II An Email from Hell Elizander Sy Laurette
3.7K 574 60
"Instead of falling from the rooftop, I saw myself falling in love with her thoughts." ___ Date Published: June 07, 2021 Date Finished: August 27, 20...
1.6M 76.9K 92
Overworked and in dire need of sleep, Mea Rivera accidentally sends a hate mail instead of a report to her boss--the grumpy Stan Azcona IV of Azcona...