Sa Bawat Araw

By HerWorldAtSunset

25.4K 904 350

Araw - araw, may mga taong naghihiwalay at nagtatagpo. Umiikot ang mundo. Pero paano kung sa pag - ikot ng mu... More

Cast and Characters
Salubong
What now?
Sunset
A Hundred And One Reasons
Balang Araw
Fun?
Dinner
Dinner Kulitan
Don't turn around
Ang Lunch. Bow.
Evicted
New House
Focus
Bad Mood
Chill ka lang
Awkwardness Level 100
And I'll Never Be the Same Again
She Looks Like You
Thank you! I Love you
9 AM Meeting
When 'Destiny' Plays Her Part
Tshirt and Jeans
Late
Ria's Idea
Evening Walk
Iwas to the Max
Amara's Hero
Plan is working 100%
Uwian na
Birthday Planner
Photo Album
Happy Birthday!
After the Party
Girl Problems
First Day
Debut
Model
Can't leave you
Feeling loved
Sweetness Overload
O.S.S.B.S.F.A.
Under the Moonlight
Garden and Flowers
Invitation
Big Day
Family Day
Hmmmmm....
O.M.G.
Extra Care
New Year
Back to Work
Half Day from Work
Little Girl
Kilig Much?
Story Time
Top Two
Worried
Dream
Confused
Bonding
Back to Young Love
Problems
Smiling Too Much
Beautiful Sight
A Mother's Heart
Heartbroken
Attached
Fun Day, Happy Heart
3 - 0
Shared Custody
Ria's Resbak
Relax
Questions
Business Trip
She's worried
Lunch with Her
Almost
Reasons
Time and Space
Fresh Air
Love is in the Air
Secret Garden
Sensitive
LQ?
Isabella
Ship
Regrets
Living in a Hospital Room
Mamita
A Happy Family Dinner
Surprise Visitors
Friends
Who She Really Is
Start Anew
Memories
Suspicious
Nightmare
Unwind
Just Calli and Mommy
Shopping
Crush
Confession
Who's to Blame?
Forgiveness
Starting Again
Happy ending?
Special Chapter
Epilogue
Special Chapter

Unexpected Happenings

315 11 0
By HerWorldAtSunset

Amara's POV

Ang sarap ng tulog ko. Wala akong pasok ngayon kaya relax muna sa bahay. Inenjoy ko muna ang view sa terrace ko ng biglang may kumatok sa pinto.

"Ate, nandito po ang mama niyo. "
Whatttttt???? Anong ginagawa ng mama dito?

"Pakisabi sandali lang! "
Sigaw ko at nagayos lang ng kaunti bago bumaba.

"Finally, akala ko aabutin ako ng hapon dito. " Lumapit ako para magbeso at pagkatapos ay umupo na kami sa sofa.

"Sorry. What brings you here po?"
I asked. Kasi kapag pupunta ang mama dito laging nagpapasabi iyan. Pero ngayon, wala.

"You have a visitor. Gusto ka daw niyang makausap. "Nagsalubong ang kilay ko in confusion. Sino naman kaya?

"Sino po?"
I asked and napalingon ako sa door. Agad nagbago ang mood ko nang makita kung sino ito.

"Sorry mama. "
I just stood up at nilampasan si Wilson papunta sa kusina.

"Wait Amara!" Hinabol niya ako saka ko siya hinarap.

"I'm sorry to be rude pero anong ginagawa mo dito?" I asked in an irritated tone.

"To apologize." I rolled my eyes and turned my back on him.

"Apologize mo mukha mo. Bahala ka." I whispered to myself at nagkunwaring busy sa paghuhugas ng pinggan na nasa lababo. Ako kasi ang naghuhugas ng pinggan kapag day off ng ibang kasambahay.

"Wala lang yun. I promise. She's just a friend. " Naku Wilson tigil-tigilan mo ako sa mga ganyang linyahan. Kabisado ko na yan. Nilingon ko siya at nagsalita ako uli.

"Pwede ba? Umuwi ka nalang dahil wala kang mapapala sa akin."

"Please?" Pagmamakaawa niya.

"Buti nga at hindi na ako nakipagkita sayo. Manloloko ka!" Sabi ko sabay walkout papunta sa kwarto ni Vera. Nilock ko ang pinto at napalingon si Vera sa akin.

"Ate! Nagulat naman ako. Bakit kayo nandito?"
Tanong niya habang nagtitiklop ng damit.

"Wala. May scammer sa labas. " Sabi ko at natawa nalang siya.

"Hayaan mo ate. Aalis din yan. Pumunta din yan dito kahapon eh. Hindi ka na nahintay. " Umupo muna ako sa higaan ng isa ko pang kasama sa bahay. Bale 4 kaming nakatira dito sa bahay, day off yung dalawa. Para hindi naman ako mag-isa.

Naghintay pa ako ng ilang minuto at pinasilip si Vera sa pinto.

"Umalis na ate. Hindi yun seryoso sayo. Hindi ka niya kayang hintayin eh. " Kapag wala si Ria, si Vera ang kakwentuhan ko. Parang kapatid ko na yan.

Lumabas na ako ng kwarto at napansin na umalis na nga si Wilson pero nandito pa rin ang mama.

"Naku Amara! Hanggang kailan mo ba ipagtatabuyan si Wilson?" Inis na tanong niya.

"Hanggang tuluyan na siyang mapagod kakasuyo at umalis. "

"Makipag-ayos ka kay Wilson. I am telling you, malungkot mag-isa. Bahala ka. I'll go ahead. " Lumabas na siya at napatingin nalang ako kay Vera na nakatingin din sakin. Sinenyasan niya ako na 'ayos lang yun'.

~~~~~~~~~~~

I'm all set. Aalis ako kasama si Ria. Pupuntahan namin si Isabella remember?

"Halika na! Matindi ang traffic!" Sigaw niya habang bumababa ako ng hagdan.

"Oo eto na nga oh. " Nagmamadali akong bumaba ng hagdan habang chinecheck yung bag ko.

"Vera ikaw na bahala dito sa bahay ah. Baka mamaya pa ako makauwi. "

"No problem ate. Ingat kayo!"
Sigaw niya habang nagwawalis sa sala.

"Bye Vera!" Sigaw naman ni Ria pagkatapos ay sumakay na sa driver's seat ng kotse niya.

Nakalayo na kami sa bahay ng biglang magsalita si Ria.

"Nakwento ni Vera na pinuntahan ka ni mother dear mo? Anong sabi?" Tanong niya habang nakafocus sa pagdadrive. "Wala naman. Gusto lang kaming pag-ayusin ni Wilson. Nakakainis nga eh." Natawa naman si Ria.

"Ewan ko ba kay tita at bakit si Wilson pa ang pinapartner sayo. Andami namang gwapo dyan."
I just rolled my eyes.

"Kahit pa 'maraming gwapo dyan' hindi ko naman sila kailangan." Nagquotation sign pa ako sa 'madaming gwapo dyan'

"Sus. Sabi mo eh. "

~~~~~~~~

May dala na akong mga bulaklak para kay Isabella. Si Ria naman ay kumakanta ng birthday song. Nasanay na kami every year na ginagawa ito. Nakakapagod din umiyak kaya dinaan ko nalang sa ngiti. At buti eh may pagkajoker itong si Ria kaya habang nasa sasakyan ay nagpapatawa lang siya.

After namin siyang dalawin ay umalis na rin kami at as usual, kakain na naman kami ni Ria. Wala kaming ginawa kundi kumain. Nandito kami sa favorite naming restaurant and umorder na rin kami ng lunch. Medyo maraming tao dahil Sunday and it's family day.

"Kwentuhan mo ako tungkol sa Wilson na yan. Isang beses ko palang nakikita yan pero ansama na ng dating sa akin eh." Ganyan yang si Ria. Siya muna ang unang kikilala sa mga nakikilala kong tao. Protector kumbaga. Alam niya kasi lahat ng pinagdaanan ko.

"Ayun nga, siguro mga last month hindi ko na siya masyadong kinakausap kasi nga masama na rin ang timpla ng mood ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. Tapos after a week, hay nako 'day nakita ko may kasama sa resto. Akala mo mag-asawa sa kasweetan. Sa sobrang kasweetan eh gusto ko siyang buhusan ng hot chocolate. "

"At eto pa. Sabi niya na 'she's just a friend'. Friend niya mukha niya. "

"Chill. Kawawa yung steak, durog na durog na. Hahahaha."
Natawa naman ako sa sinabi niya.

Nagtatawanan kami nang biglang nanlaki ang mga mata niya. Anong nangyari dito?

"Girl huwag kang lilingon. Huwag na huwag kang lilingon. " Hinawakan pa niya ang kamay ko as if pinipigilan talaga ako. I got confused so ang first instinct ko ay ang lumingon.

"Hay sinabi na ngang huwag eh. "
Yun ang narinig ko sa kanya nang mapako ang tingin ko sa lalaking nakaupo sa kabilang table.

"Amara! Huyyy." Pabulong na sigaw ni Ria sa akin kaya lumingon ako sa kanya.

"Araw ba ng mga manloloko ngayon?"
I asked her and hindi siya natawa sa sinabi ko. If you're wondering kung sino ang nakita namin, it's no other than Alexander Montevista, my ex-husband.

"Halika na. Nawalan na ako ng gana. "
Tumayo na ako at hinabol ako ni Ria.

"Uy sandali."

Calli's POV

Hayssssss. Andaming order. Pero sulit naman kasi marami ring kita. Hahaha. Mabilis akong naglalakad ng may biglang tumawag sa cellphone ko.

"Hello?"

'Callie, dito ka nalang sa restaurant malapit sa mall makipagmeet sa akin. Send ko sayo yung address.'

"Ay sige po anytime, anywhere gora ako dyan. "

'Sige salamat'

"Thank you din mamsh."

Binaba ko na yung tawag at naglakad pa ng mas mabilis. Madami kasi akong order today ng mga tshirts, dresses, pants at kung ano-ano pang mga pangporma ng mga tao.

"Sir, saan po itong restaurant na ito?"
Tanong ko sa guard na nasa pintuan ng isang establishment.

"Ay dun po iyan. Diretso lang po tas kakanan kayo. "

"Ay sige salamat sir! Have a nice day!"
Dumiretso na ako sa paglalakad at sinunod ang sinabi ni manong guard.

"Ang shala dito ah. In fairness. "
Komento ko. Maraming kumakain sa loob. Baka dahil na rin Linggo ngayon. Maraming namamasyal.

Pagpasok ko sa loob ay nilanghap ko muna ang aircon. Sa sobrang init ba naman sa labas eh. Kumaway naman ang aking customer kaya nilapitan ko na siya dala-dala ang mga bag ko.

"Pasensya na nagbago ng meeting place."
Sabi niya pagkatapos uminom ng juice.

"No problem mam. Eto na yung inorder mo. Brand new! Bagong style din. "Hinalungkat ko ang mga damit na may nakasulat na pangalan niya sa plastik sabay iniabot sa kanya.

Chineck niya muna at hinawakan ang texture ng damit. Sana magustuhan niya pleaseeeee. Para may bago akong sukiiii.

"Wow. Sigurado ka bang yun lang talaga ang presyo nito? Eh parang galing sa mall eh. Ang ganda oh. "
Napangiti naman ako sa komento niya.

"Sabi sa inyo mam eh. "



Inabot niya ang bayad sa akin at binilang ko ito bago ilagay sa wallet.


"Sa susunod sayo na ako kukuha ng damit. Ano nga ulit pangalan mo?"
Tanong niya habang binabalik sa plastik yung mga damit. "Callissa Montes po. Dun niyo lang po ako tawagan sa number na tinawagan niyo kanina. "

"Sige. Iyan pala umorder ako ng juice para sayo. Worth it naman pala ang binayad ko sa sobrang ganda ng quality ng mga damit. Ay mauna na pala ako ah. May pupuntahan pa kasi ako. "
Sabi niya sabay tayo sa upuan niya.

"Sige po. Maraming salamat madaaammm. Sa susunod ulit. "
Umupo ulit ako at chineck ang mga dala kong bag. Tapos na akong magdeliver today. Yeheyyyy.

Tiniklop ko na yung mga malalaking bag at nilagay sa isang bag para kaunti nalang ang bitbitin. Dalawang damit nalang naman ang natira dito dahil naresched yung delivery ko dahil umalis daw yung umorder. Binaba ko muna yung cellphone ko para maayos ko yung mga bag.

Patayo na ako ng makita ko yung juice. Sayang din yan. Dinala ko na tutal plastic cup lang naman ang lalagyan niya.

Lumabas na ako ng resto at medyo malayo na ako sa pinto ng maalala kong itetext ko pala yung nagsusupply ng damit.

"Hala! Nasan yung phone ko? Ay nasa loob. Malilimutin ka talaga Calli."
Papasok na ako sa loob ng may tumawag sa akin.

"Ate wallet mo nahulog!" Yumuko ako para kunin yung wallet ko at pagtayo ko,

Splashhhhh

"Ay!!!"
Hala. Natapunan ng juice yung babae.

"Ay naku madaaaammmmm. Sorry poooo. Pasensya na. Ayos lang ho ba kayo?"
Halata namang hindi siya ayos Calli kasi basang basa yung damit niya.

"Eto tissue oh. "
Binigyan siya ng tissue ng kasama niyang babae. Ang gaganda nila.

"Pasensya na ho talaga. Ano ba? Ahmmmm--

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita siya.

"Okay lang. Juice lang naman ito eh."
Sabi niya. No it's not okay.

"Madam ang ganda ganda niyo tapos maglalakad kayo sa kalye nang basa ang damit? Hindi po pupwede yan. Teka. "
Hinalungkat ko yung bag ko at kinuha yung dalawang damit na hindi pa kinukuha ng customer.

"Mam pili na lang po kayo dyan ng gusto niyong suotin. "
Sabay pinakita ko sa kanya yung dalawang damit. Parehong tshirt yun. Kasi naman Calli di ka tumitingin sa dinadaanan mo.

"Okay lang talaga."
Sabi niya habang pinupunasan parin ng tissue yung damit niya.

"Hay naku mam pili na po kayo. Wala pong bayad promise. Eto nalang po ang pangsorry ko. Hehehe."
Napatingin naman siya sa kasama niya at parang sinasabi nito na tanggapin mo na.

"Sige na nga. "

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 58.4K 55
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
1.5M 55K 80
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance. ...
273K 9.7K 83
The S's #5 Z