Shot Through the Lights

By artysant

255K 13.1K 4.7K

[Politico 2] For Alunsina, life is a one-time shot. It's a one-time risk and a one-time drown into the open... More

Shot Through the Lights
Taft Avenue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Cosmos
Last Note
Special Chapter

Kabanata 7

3.6K 245 113
By artysant

Hate

"Maraming salamat ho, Manong."

Tumango lang ang driver ng sinasakyan kong traysikel. Sinuot ko ang mabigat na backpack at nagtungo na sa kahoy naming gate.

Ganoon pa rin naman ang bahay naming gawa sa semento at kahoy. Walang pinagbago.

Tinaas ko ang aking kamay para abutin ang trangkang gawa sa kahoy. Nahirapan pa ako dahil sa malaki kong bag.

"Nay! Nay! Si Ate!"

Nakahinga ako nang maluwag nang makita si Alex, ang pangalawa sa aming tatlong magkakapatid.

Tumakbo siya tungo sa akin at buong giliw akong sinalubong. Nakabuntot naman sa likuran niya si Evelyn, ang bunso sa amin.

"Aba, ang lalaki niyo na, ah?"

Umirap si Alex. Ang dati'y palaging buhaghag na buhok ay nakatali na ngayon. May mga clip din sa kaliwang parte ng buhok.

"'Wag ka ngang oa, Ate. Ilang buwan ka lang namang nakaalis."

"May pagkain ka?"

Umiling ako sa tanong ni Lyn at inabot ang backpack. Sa bus terminal, maraming nagtitinda ng kung anu-ano kaya minabuti ko na lang na bumili ng konting pasalubong para sa kanila.

May pastillas, otap, at dried mangos. Pinagpiyestahan naman nila ito at parang nakalimutan na ako.

"Ang bababoy niyo talaga. Tulungan niyo nga ako rito," biro ko.

"Kaya mo na 'yan, Ate. Tumataba ka na rin naman," ani Alex habang ngumunguya.

"Wave, anak?"

Napalingon ako sa tumawag sa akin mula sa maliit naming hardin, at nakita ko si Nanay na may bitbit na mga labahang hindi 'ata natuyo nang maayos gawa ng masamang panahon ng nagdaang gabi.

Gumuhit ang ngiti sa aking labi.

Kahit na ilang taon na ang lumipas, at pinagdaanan na ng panahon ang kanyang buhok at mukha, nasilayan ko pa rin ang munting kagandahan niyang pinamana sa aming magkakapatid.

Binaba niya ang dalang labahan at pinuntahan ako.

"Nakakain ka na? Alas tres na ng hapon! Baka gutom ka!"

"Ayos lang po. May pagkain naman doon sa eroplano kanina."

Mabuti nga at hindi sobrang mahal ng ticket pabalik dito. Wala rin naman kasing masyadong pumupunta sa Batanes.

"Si Tatay?"

"Nandoon sa barkada niya. Hay naku. Sana at hindi umuwing lasing. Bawal pa naman siyang maglasing!"

Napukaw doon ang interes ko.

"Naglalasing pa rin siya, Nay?"

Biglang nanahimik si Nanay. At imbes na sagutin ako, nilihis niya ang usapan.

"Akala namin, e, umaga ka darating."

Pumasok na kami sa bahay. Tinulungan ko si Nanay na magsampay bago tuluyang pumasok sa loob para ilagay ang mga gamit ko.

I removed my socks and my jacket.

"Kaninang alas diyes ho ako dumating. Kaso, andaming pasahero ng bus. Siksikan. Naghanap ako ng jeep, pero punuan din. Kaya naghintay na lang ako."

"Sigurado kang hindi ka gutom? Ipagsasaing kita. Tamang-tama at itong si Alex marunong nang magluto," aniya.

Napaangat ang kilay ko sa kapatid na may hambog na itsura dahil sa sinabi ni Nanay.

"Talaga? Sige nga, lutuan mo ako!"

Biglang umasim ang mukha nito.

"Magpahinga ka na nga muna!"

I rolled my eyes and leaned on the bamboo chair. Na-miss ko ang probinsya. Malayong-malayo sa maingay na busina ng mga sasakyan at tren. Malayong-malayo sa usok ng Maynila.

Gawa ng pagod, hindi ko na namalayan ang oras. Nagising na lang ako na madilim na sa labas at bukas na ang mga ilaw sa loob at labas ng bahay.

"Oh, gising ka na pala! Halika na at kumain na tayo!" bungad ni Nanay.

Kinusot-kusot ko ang aking mga mata at humikab.

"Si Tatay po, nakauwi na?"

"Hindi pa. Sige na, uuwi rin 'yon mamaya."

Tumayo ako at nagtungo sa hapagkainan.

"Ikaw? Kumusta roon? Ayos lang baa ng pag-aaral mo?"

"Ayos lang po. Babalik lang ako para sa competition."

"Mabuti naman at break niyo na. Makakatulong ka rito."

I nodded. Napadaing ako sa sakit nang sinipa ang aking paa sa ilalim ng mesa. Ngumisi si Alex habang tahimik lang na nakaupo si Lyn. Agad akong sumimangot.

"Hoy, magdadalaga ka na, pero ang barumbada mo pa rin!"

"Ano naman?" balik nito. "Maganda naman ako, ah?"

"Sino'ng may sabi?"

"Si Nanay!"

"Naniwala ka naman?"

"Wave!" sita ni Nanay.

Pinakitaan ko ng nagmamalaking ngisi si Alex, na ngayon ay hindi na mapangalanan ang iritasyon na nakabalandra sa kanyang mukha. Tahimik lang si Evelyn sa upuan niya at pinagmamasdan ang pagbabangayan namin.

Alex is 4 years younger than me. Habang si Evelyn naman ay 6 years old pa lang pero magaling nang manalita. Maaga kaming namulat sa kahirapan namin, kaya kahit paano ay natutunan na rin naming maging madiskarte sa buhay.

It was a hearty dinner. Maaga kaming natapos sa kusina at nagpapahinga na sa sala. Abala naman sa panonood ng TV ang dalawa kong kapatid. Si Nanay naman ay nagtatahi ng sirang pantalon.

Inangat ko ang paningin ko sa orasan na nasa itaas ng TV at nakitang mag-aalas otso na pala ng gabi.

"Nay, ba't wala pa si Tatay?"

Mula sa kanyang ginagawa, saglit siyang tumingin sa akin.

"Siguro'y napainom na naman nang todo," bumuntong-hininga siya.

"'Di po ba bawal na siyang mag-inom?"

"Ewan ko ba diyan. Hinahayaan ko na lang. Kaysa kami ang pagbuntungan niya ng galit sa kung ano man ang kinagagalit niya."

Base sa narinig ko, mukhang may hindi magandang nangyayari rito sa bahay.

Nangunot ang aking noo.

"Sinasaktan niya po kayo?"

"Hindi. Ang ibig kong sabihin ay hindi niya kami kinakausap dito. At mainitin ang ulo. Sa pananakit," tumigil siya saglit at humugot ng malalim na hininga. "Minsan... napagbubuhatan niya ng kamay si Alex—"

"Ano?!" I cut her off.

Naaalala ko pa rin ang mga pamamahiyang ginawa ni Tatay sa akin noon. Pero ni minsan ay hindi iyon umabot sa pamimisikal niya.

"Wave, anak, makulit din kasi itong si Alex—"

"Sapat na rason na ba 'yan? Siyempre makulit 'yan kasi bata 'yan!"

Pumikit nang mariin si Nanay.

"Ayokong palakihin ito, Wave. Pakiusap, 'wag mo nang dalhin ito sa Tatay mo. Saka pagdidisiplina naman 'yon sa kapatid mo. Palasagot din kasi 'yan."

I looked away.

Hindi maipagkakaila na sa murang edad ni Alex ay may pagka-palasagot siya, lalo na 'pag alam niyang tama siya. Kahit na hindi na dapat tanungin o sabihin, gagawin niya pa rin ang alinman sa dalawa para sa sarili niya at sa mga tao sa paligid niya.

Still, our father never went physical on us. Ngayon lang.

"Salamat, Nay."

Humiga na ako. Tinignan ko ang orasan malapit sa kama ko. Alas diyes na ng gabi ngunit hindi pa rin nakakauwi si Tatay.

I sighed. Itutulog ko na lang 'to. Bukas ko na lang siya kausapin, kung gusto niya akong kausapin.

I just can't help but think that he's spending too much time outside to avoid me. Hindi kami nagkakasundo palagi. Kaya siguro gano'n.

Thoughts drowned as I fell asleep.

Well, not until I was woken in the middle of the night.

"Buksan niyo to!"

Sinundan 'yon ng malalakas na kalampag sa kahoy naming pinto. Sa tunog pa lang ng boses, alam ko na kung sino.

Alas dos ng madaling araw, at ngayon lang nakauwi si Tatay.

Dali-dali akong lumabas ng kwarto para sana ako na ang magbukas. Ngunit nakita ko na si Nanay sa may pinto at ang dalawa kong kapatid na nasa likuran niya habang inaalalayan niya si Tatay na makapasok.

"Dante, nag-inom ka na naman. Sabi ng doktor—"

Malakas na hinawi ni Tata yang kamay ni Nanay. Paika-ika siyang umupo sa upuan naming gawa sa kawayan.

"'Wag mo nga akong madaan-daan diyan sa doktor mo. Leche," aniya.

Nangunot ang noo ko. Ganito ba palagi rito?

Nakita ako ni Nanay na ganoon ang ekspresyon. Umiling siya sa direksyon ko, kaya pinilit kong pakalmahin ang sarili bago lumapit kay Tatay para magmano.

"Tay, mano po—"

Tumawa siya at hindi niya tinanggap ang kamay kong nakabitin sa ere.

"Nandito na pala ang matalino at magaling kong anak!"

Dahan-dahan kong kinuha ang kamay ko.

"Tay, magpahinga na po kayo. Ako na ang aalalay sa inyo—"

"Sus, ano'ng akala niyo sa akin? Ako na! Umalis na kayo!"

"Dante—"

Sinubukang hawakan ni Nanay si Tatay, pero malakas nitong tinulak si Nanay. Gumawa iyon ng maingay na kalabog sa pinto.

"Tay!" sigaw ko.

Tinignan ko si Alex at sinenyasan na dalhin si Evelyn sa kwarto.

Mabilis kong inalalayan si Nanay upang makatayo. Masama ang tingin ni Tatay sa amin.

"Ano ba, Tay? 'Wag naman kayong ganyan kay Nanay!"

"Sabi ko, ako na! Bakit ang kukulit ninyo?! Sabi ko, ako na, 'di ba?" Sigaw nito.

Tinanaw ko ang labas ng bahay. Wala ng ilaw sa mga kabahayan maliban sa mga nasa kalsada. Nasisiguro kong tulog na ang lahat ng mga kapitbahay. Pero nahihiya pa rin ako.

"Dante, tama na. Sige na. Hindi ka na namin guguluhin."

Sinipa ni Tatay ang upuan bago umupo ulit at sumandal doon. Naestatwa ako sa aking kinatatayuan. Kung hindi pa ako kinalabit ni Nanay, hindi na 'ata ako makakagalaw mula roon.

"Matulog ka na ulit, Wave."

Walang-salita siyang bumalik sa silid matapos i-lock ang pinto. Ako nama'y ganoon din ang ginawa sa pag-asang makakatulog. Ngunit hindi ko magawa.

Bagamat alam kong ama ko siya at wala dapat akong katakutan, iba ang pinakita niya kanina. Parang... parang hindi ko siya kilala. He was always silent. But he was never violent. Lalo na sa amin. At hindi ko mapigilan ang pumumuo ng takot sa kanya.

Kinaumagahan, pasado alas siyete na ako nagising. Nanibago ako kasi hindi naman ako matagal bumangon. Dahil siguro sa pagod kahapon, pati na rin sa nangyari.

Nagkakape na si Tatay sa mesa. Nagdalawang-isip pa ako kung lalapit ako, ngunit lumapit na rin ako sa huli. Abala sa paglalaro sina Alex at Lyn. Natanaw ko rin si Nanay na naghahain ng baon ni Tatay at pagkain namin sa mesa.

"Magandang umaga po," bati ko.

Tumango lang si Tatay, ni hindi man lang ako tinignan.

"Kumusta ang biyahe?"

Hindi ko inasahang magtatanong pa siya kaya medyo nagulat ako.

"A-Ayos lang po."

"Mabuti. Sige na, at maghahanda na ako sa trabaho."

"Sige po."

Umalis siya ng hapag at tahimik na kinuha ang packed lunch mula kay Nanay. Ginulo niya lang ang buhok nina Alex at Lyn saka siya tumulak.

I watched him do all those. Naninibago ako. I don't want to be afraid of him. But at the same time, I can't help it.

Bumaling ako kay Nanay, na ngayon ay paparating na sa mesa dala-dala ang kanin at ulam.

Pinagkrus ko ang aking dalawang braso.

"Nay, may hindi po ba kayo sinasabi sa akin?"

"Na ano?" tanong niya.

"Sa inaasal ni Tatay tuwing lasing siya. At isa pa, 'di po ba ay bawal na siyang uminom?"

Her eyes were tired as she turned to me.

"Hayaan mo na lang, anak. Hindi naman siya naglalasing araw-araw. Minsanan lang naman. Sige na," inaya niya na sina Alex sa hapagkainan. Natahimik naman ako nang tuluyan nang lumapit ang mga kapatid ko.

I don't want them to hear anything against our parents. Mahirap man, gusto kong mamuhay silang may normal na pamilya, kahit na alam kong sa nangyayari ngayon, mukhang malabo.

Still, despite that, I want them to grow up happy. I'd rather have them live in a lie just to protect them.

Matapos kumain ay sinamahan ko si Nanay na mamalengke. Isa ito sa na-miss ko sa probinsya. Sa Maynila, ang mamahal ng preskong gulay at isda. Dito, makakatawad ka pa. Kaya ang kinakain ko lang doon ay puro mga pagkain galing sa fast food. Tipid.

Bitbit ang basket, nagtungo kami sa Abad. Wala naman kasing pormal na pampublikong merkado dito. Kusa lang na naglalagay ng paninda ang mga tao pag may paninda sila. At kung wala, maghahanap ka sa ibang lugar dito sa Basco. Minsan naman ay dumadayo pa kami ni Nanay sa Ivana.

Nadaanan namin ang malawak naming lupain katabi ng mga Arcoza.

"Samahan mo ako mamaya, anak. Pupunta tayo sa mga Arcoza. May nakatoka akong labada roon. Kahit paano'y makahanap naman tayo ng pagkakaabalahang kita."

"E, pupunta sana tayo sa bayan para sa doktor, Nay. Kailangan kayong magpatingin ni Tatay."

Tumawa siya.

"Anak, okay lang kami. At alam kong ayaw din sumama ng Tatay mo."

"Nay—"

"Sige lang, Wave. Ayos lang talaga kami. Ipunin mo na lang 'yang pera mo."

Wala na akong nagawa. Alam ko namang hindi na talaga sila mapipilit, lalo na si Tatay.

Tinatawag si Nanay ng iilan niyang mga kakilala na narito rin sa Abad para mamili. Nakikumusta rin ang ilan sa kanila sa akin.

"Naku, itong si Wave, malayo ang mararating nitong batang 'to. Iskolar ka 'di ba?" tanong ni Aling Tisay.

"Opo," ngiti ko.

Pumalakpak siya.

"Sabi ko na, e! Hay, buti na lang at nabiyayaan ka ng madiskarteng panganay, Rudith."

Ngumiti lang din si Nanay.

"Oo naman. Laking pasalamat ko talaga at nakapasok 'to sa kolehiyo."

Bumaling si Aling Tisay sa akin.

"Aral kang mabuti, hija! Mahal ang tuition ngayon."

Tipid lang na tango at ngiti ang sagot ko.

"Ay, oo nga pala. Pumunta kayo sa mga Arcoza mamaya, ah? Samahan mo ang nanay mo, Wave. Darating ang pangalawang anak ni Gov Elbert."

Nangunot ang noo ni Nanay.

"Akala ko ba hindi darating?"

Umiling siya.

"Hindi! Darating daw," lumapit siya sa amin at bumulong. "Pinilit ng ama!"

I raised my brows.

"Bakit pipilitin po?"

Hindi naman halatang nakikibalita na ako.

"Anak sa labas, e. Kaya gano'n! Anak ni Gov sa ibang babae. Ayaw makisama sana. Pero sa wakas, e, napilit ni Gov."

Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko. Wala naman akong simpatya para sa mga taong anak sa labas. I don't know how they feel. I don't care about their feelings. Life is too short for me to spend it worrying over someone else's misery.

"Buti at pumayag si Senyora. Hindi ba ay 'di niya raw makasundo 'yon?"

"Hindi nga, pero wala naman na siyang magagawa."

I looked away. Hindi na ako nakinig sa pinag-uusapan nila. Nakakainip na pero wala rin naman akong magawa kundi ang maghintay kung kailan sila matatapos.

Hindi ko maintindihan kung bakit sobrang invested ng ibang tao sa buhay ng may buhay. Well, I get curious sometimes, too. But I don't spend hours talking about someone.

Perhaps it's about the satisfaction? I really don't know.

"Kailangan niyo pa po ba talagang maglabada ngayon?"

"Oo. Dagdag kita na rin."

Naglakad na kami patungo sa mga Arcoza. Wala naman kaming ibang bitbit at sila na raw ang bahala sa mga gagamitin namin.

"Pero magpahinga na lang kaya kayo? Ako na ang maglalaba," presinta ko.

Pabirong umirap si Nanay.

"Ano ka ba, 'wag na! Hindi naman ako sobrang pagod. Kaya na nating dalawa 'to!"

Now, it's my turn to roll my eyes.

Tumigil si Nanay sa tapat ng malalaking steel gates. Hindi kami pinapasok agad. Tinignan pa kung may mga dala ba kami.

"Sino 'to?" tanong ng lalaking mukhang guard ng mga Arcoza.

"Ah, anak ko."

Tumango lang ang lalaki at tumabi para ipapasok kami. Ginala ko ang aking paningin sa buong espasyo nila. Malaki ang mansyon. Dalawang palapag ito at malapit nang umabot sa lupa namin ang land area. Napapalibutan ito ng mga halaman hanggang sa likurang bahagi.

I inspected the intricate iron grillwork on their railings on the second floor. The glass windows on wooden window frames were a classic Spanish style—tall and huge. Walls were painted white. There were no other colors present except for white and a little bit of gray for finishing touches.

The house was a typical Spanish house. It's not surprising, though. Kilala ang mga Arcoza sa Espanyol nilang dugo.

Sa entrada malapit sa foyer ng mismong bahay, sinalubong kami ng mayordoma na sa tingin ko'y malapit lang ang edad kay Nanay.

"O, narito na pala kayo! Mabuti naman," ngumiti siya sa amin. "Anak mo?"

"Opo. Ipapatulong ko po sana."

"Sige, walang problema! Sasabihin ko na rin kay Senyora na baka pwedeng i-separate ang bayad ninyo."

Umaliwalas ang mukha ni Nanay. Maging ako'y natuwa na rin.

"Naku, maraming salamat, Lita."

"Salamat po," tugon ko.

Giniya niya kami sa malawak na laundry area. Katabi nito ang likurang entrance ng bahay.

"Nakahanda na 'yan lahat. Kung may kailangan kayo, kumatok lang kayo diyan."

Tinuro niya ang separate na maliit na bahay. Ito ata ang maids' quarters.

"Sila na ang bahala sa inyo."

Matapos noon ay tumalikod na siya. Nagpasalamat pa kami bago siya tuluyang umalis.

Hindi na rin masamang nagtrabaho kami ngayon. Mabuti nga at may extra pa akong kikitain. Para pagbalik ko ng Maynila, hindi muna ako hahanap ng raket. Sa Miyerkules na lang siguro. Matitipid ko pa naman ang kita ko rito.

Hours ran swiftly. I looked at my wristwatch. It's almost three in the afternoon. Tagaktak ang pawis ko gawa ng paglalaba. Ganoon din kay Nanay.

Abala kami sa paglalaba nang malakas na kumalabog ang pinto malapit sa amin. Napatalon ako sa gulat. Nakita ko roon ang galit na babae.

She looked at us from head to foot. Sopistikada ang kanyang ayos. Maamo man ang mukha, nalukot 'yon nang makita kaming dalawa sa likuran ng bahay.

Agad namang tumayo si Nanay at nagpunas ng mga kamay. Yumuko siya sa harap ng babae.

"Ma'am, magandang araw po—"

"Ano'ng ginagawa ng isang 'to?" turo niya sa akin.

I blinked.

"U-Uh, tumutulong po sa paglalaba, M-Ma'am," sagot ko sa nanginginig na boses.

Umirap siya.

"Isa lang ang pinapatrabaho ko, hindi ba? Bakit nagdala ka ng isa pa? Ano? Hindi mo kaya ang labada na 'yan at nagdala ka pa ng isa pang pasuswelduhan?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nakuha niya ang atensyon ng ibang taong nasa quarters. Nagsilabasan sila para makiusyuso.

"Uh, sorry po, pero—"

"Ano? Naghahabol ka rin ng bayad?" tumaas ang boses niya.

Mabilis akong umiling. Hiyang-hiya na ako pero sinikap ko pa ring titigan siya sa mata.

"H-Hindi na po. Si Nanay na lang po ang bayaran ninyo. A-Ayos lang—"

Naputol ang pagsasalita ko nang may makitang bulto ng tao sa likod ni Senyora. Nanuyo ang aking lalamunan. I couldn't be mistaken. But what is he doing here?

"Ano?" naiinip na tanong ni Senyora.

I tore my eyes off of him. His stare traced my every move, all the more making me nervous and embarrassed.

"A-Ayos lang po na siya na lang. Tutulungan ko lang po si Nanay," yumuko ako.

"Dapat lang! Kaya ayoko sa kung sinu-sinong laborer, e. Mga mapagsamantala—"

"Tita, tama na po."

With his soft voice, I gathered a bit of courage to look up.

And I was met by his gentle eyes. Nakatuon ang kanyang mga mata sa akin.

"Can you stop it, Sergio? Wala ka sa lugar—"

"Sige na po. Just let them work. Darating na si Papa ngayon."

Malumanay ang kanyang boses. Pero ramdam ko ang kaonting diin sa mga salita niya.

"Consider yourselves lucky at narito ang anak ni Elbert," she turned to the workers. "At kayo? What are you staring at? Work!"

Mabilis niya kaming tinalikuran. Pero si Sergio ay naroon pa rin sa may pinto at mukhang walang balak na umalis.

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Nanunuot ang pamamahiya niya sa amin. Nasampal sa buong pagkatao ko ang estado ng buhay na mayroon kami.

Anak man siya sa labas, maganda pa rin ang buhay niya.

Hinawakan ni Nanay ang kamay ko.

"Nak, pasensya ka na. Ganoon talaga si Ma'am Felistina. Hahatiin na lang natin ang kita, ha?"

Hindi ako sumagot. Imbes ay yumuko na lang ako ulit para banlawan ang mga nilalabhan. Alam kong nakatitig pa rin si Sergio sa akin.

"Hijo, maraming salamat. Ano nga ulit ang pangalan mo?"

"Sergio po."

Iniiwas ko ang aking tingin kay Sergio.

Nahihiya ako sa sarili ko. I was always seen with the rich kids at school. Laging nasa mga party, laging kasali sa big events ng mga sikat na kakilala, at laging nasa grupo ng mga may impluwensya.

They all know me as the poor Alunsina from Batanes. The only reason why people from the university liked me was because I was pretty. And a good dancer. Those two are the only reasons why I am valuable.

Kaya palagi kong sinasabi sa sarili na gamitin ang dalawa nang tama.

And now, as I continued to wash clothes after clothes, I felt embarrassed. To top it all, Sergio's stare is making me too uncomfortable.

"Ito nga pala ang anak ko, si Wave. Wave, magpakilala ka."

Hinila ako ni Nanay nang marahan para ipakilala kay Sergio. I didn't dare look at him. Nagpunas lang ako ng kamay sa gilid ng shorts ko at nilahad 'yon.

"Hindi na po kailangan. Magkakilala po kami ng anak ninyo."

I immediately withdrew my hand, lalo na nang makitang tatanggapin niya sana ang kamay ko.

Nagulat si Nanay sa sinabi ni Sergio.

"Oh, talaga? Mabuti 'yan! Magkaibigan kayo?"

Tumango lang si Sergio. Bumalik naman kami ni Nanay sa paglalaba.

"Sige po, mauuna na po ako."

"O sige, Sergio. Maraming salamat, ah?"

Magalang siyang yumuko at nagtungo na pabalik sa kanilang bahay. Wala naman akong imik hanggang sa matapos kami at nag-aabot na ng bayad si Ma'am Felistina.

"Sa susunod, 'wag ka nang magdadala, Rudith," matigas niyang ani.

"Opo, pasensya na po."

In the end, she gave me a separate pay. Wala na rin naman siyang magagawa at naroon ang gov, pati na rin si Sergio na matamang nakatingin sa bawat galaw ko.

I never looked at him again. Dire-diretso lang ang labas ko sa lupain nila kasama si Nanay. The pounding of my heart remained, even when we're meters away from each other.

And the more my heart pumped, the more I hated the feeling.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
125K 6.8K 49
[Politico 3] When and how will 24 hours be enough? Grappling with the harsh realities of life, Owie vowed to always set her goals straight-graduate w...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
2M 24.9K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...