8

17 3 0
                                    

Kiana's POV

Pagdating ko sa bahay ay agad akong tinaasan ng kilay ng kapatid ko.

"Bat ngayon ka lang? Wag mong idahilan na kasama mo si Louisse, tinawagan niya ako kanina at tinannong kung nakauwi ka na kasi di ka daw niya makita." mataray nitong sabi

"Ah, pumunta lang ako conviniece store tapos medyo natagalan ako at nakalimutan ko si Louisse" dahilan ko at tinaasan niya lang ako ng kilay bago pumasok sa kwarto

"Sungit." bulong ko at sumunod na pumasok sa kwarto

Binaba ko ang bag ko sa may upuan at nagtanggal ng uniform. Nagpalit ako saka humiga. Feeling ko exhausted na ako.

"Hoy babae, wag kang pahiga higa diyan. Magsasaing ka pa!" napamulat ako ng sigawan ako ni ate

Tss. Oo nga pala! Magsasaing pa ako. Hay naku!

-

Tapos na kaming kumain at ngayon ay nandito ako sa higaan ko at nakahiga. Ang boring nga eh.

"Ate anong pwede kong gawin?" tanong ko dito at tinignan naman niya ako, "Nabobored na ako!" nakabusangot kong dagdag

"Pakamatay ka, baka sumaya ka." seryoso nitong sabi kaya kumunot ang noo ko

"Tsk." sabi ko nalang at napagisipan na magcellphone nalang

FB nalang me. Basa basa ng memes, at inspirational quotes. Share share na rin para sumaya naman kahit papano ang mga makakakita ng mga iseshare ko.

Busy ako kakashare ng may biglang nagpop-up na notif.

Sean Nobleza sent you a friend request

Is this real? Goshhh! But i've remember na naka-follow pala ako sa real account niya. Hayst! Pero ini-stalk ko parin ito. Kahit alam kong poser na. Tss.

Picture ni Sean na nakahawak ng gitara ang profile pic niya. Tapos cover niya is THE MOON in aesthetic pic.

May shared post rin siya and mga posts na about sa TM. At dahil ako si Kiana na walang magawa, di ko ito inaccept. Di ko ugaling mag-accept kaya bahala siya diyan.

"Hayst. Makatulog na nga!" sabi ko sa sarili ko at in-off na ang phone pero bago ko pa ito mailagay sa lagayan niya ay nagvibrate ito

Message galing sa isang unknown number. I typed my pin and read the message. Kay Sean pala galing ito!

From: 0964*******
Kiana! Good eve.

Gosh. Parang biglang nawala ang antok ko. I typed a reply.

To: 0964*******
Hello Sean! Good eve rin.

After i hit the send button, pinalitan ko na ang name niya sa phonebook. I put 'Sean, The Vocalist', para masaya haha.

Pagkatapos kong palitan ay nag-antay ako ng ilang minuto at may message na naman siya.

From: Sean, The Vocalist
Hiiii! gawa mo bestfriend este friend?

Natawa ako sa message niya. Pinangatawanan niya talaga ang sinabi kong friends muna kami bago bestfriends.

Nag-reply ako dito at nagmessage ulit siya. Hanggang sa hindi ko namalayan ay alas dose na pala ng gabi kaya pala papikit-pikit na ang mata ko. Alas dies ako usually natutulog eh, iba kasi ako mag-eyebugs! Tsk. Laki na naman ng eyebugs ko bukas!

To: Sean, The Vocalist
Sean, goodnight na ahh. Tulog na po ako! Bye bye!

After kong isend ay in-off ko na ang phone ko at nilagay ito sa lagayan niya na malapit sa higaan ko. Atsaka natulog na, hindi ko na naantay ang reply niya.

-

"Hala ang laki!!!!" bulalas ko at tinignang mabuti ang sarili sa salamin

Ang laki ng eyebugs ko shet! Huhuhu.

"Tsk. Ok lang yan, atleast may mata parin." pag-chi-cheer up ko sa sarili ko at lumabas na sa kwarto, papasok na ako

"Ate, tara na!" sabi ko dito at sumakay na sa trycicle namin, ihahatid kami ngayon ni papa

Maaga nga kami ngayon eh, himala. Haha.

Nang makarating kami sa school ay dumiretso na ako sa first class ko. Dito ko nalang hihintayin si Louisse. Ayaw ko nang tumambay sa labas, kakapagod ring tumambay.

"Hala, di ako nakareview sa graded recitation mamaya!"

"Ako rin, pero ok lang yan. After lunch pa naman."

"Oo nga noh?! Sabay tayo ah?!"

Sa narinig ko ay doon ko narealize na may graded recitation pala kami mamaya! Shet. Bat ko nakalimutan?!

Agad agad kong hinanap yung notebook ko para sa subject nayun at nag-review. Pero wala pang limang minuto ay dumating na ang maingay na si Louisse.

"Kiana!" bati nito at tinanguan ko lang, hindi ko na tinignan pa, "May quiz tayo? Ngayon?" tanong nito 

"Ah wala. Nakalimutan ko kasing may graded recitation pala kami kay Ms. Atienza!" sabi ko at bumalik sa pagbabasa

"Ay bes! May naalala ako. Nakalimutan ko to kahapon eh, aish! Makakalimutin ako. Pero ngayon naalala ko na! Pano pala kayo nagkakilala ni Sean? Bestfriend na talaga kayo? Pinagpapalit mo na ako? Pano na ako niyan? Tsaka kelan kayo nagkakilala? Matagal na? Pano na si Draze niyan? Kwento ka dali!" sunod sunod na tanong niya at nanlaki pa ang mata

Tsk. Parang tanga.

Pero no choice, kwinento ko nalang. Mula sa nararamdaman ko. Ayaw kong magtago eh. And first time kong mag-kwento ng saloobin ko at nangyayari sa buhay ko. Minsan kasi mas maganda ang manahimik nalang kesa mandamay pa ng iba sa problema mo.

"Hala bes?! Talagang may naramdaman ka na more than like kay Draze?" tanong nito at tatango na sana ako kaso may sinabi pa siya, "Or infatuation lang yan?" dagdag nito na nagpagulo sa isip ko

Do i love or infatuated lang ako?

"I honestly don't know. Basta ang alam ko lang eh masakit." i answered at nagkibit balikat narin siya

"Tsk, hayaan mo na nga yan! It's ok bes. Feeling ko fan feelings lang yan. Ganyan rin ako kay KD noon eh, haha. Noong naging sila ni Jihyo. Pero ngayon eh tanggap ko na, kaso break na sila, hmp! Comeback na kase KD!" sabi nito na nakabusangot, akala naman niya cute siya mukha kaya siyang tanga haha

"Alis ka na nga, istorbo ka sa pag-aaral. Yan tuloy nasayang yung time ko!" sabi ko dito at natawa naman siya

"Hahaha, golden time yan teh? Oo na, aalis na. Babush!" sabi nito at umalis na

Itinuloy ko naman ang pagbabasa. Since may load ako, naisipan kong i-search yung hindi ko maintindihan ang definition kasi magulo yung sulat ko.

After kong masearch ay parang may sariling buhay ang kamay ko at tinype ang infatuation.

Nagpakita naman dito ang mga articles about infatuation. And also the meaning of infatuation.

Admiration.

Yang word na yan ang nakapukaw sa mata ko. Admire.

Naguluhan naman ako, ano ba talaga ang nararamdaman ko? Do i love him or i'm just infatuated?

Haist! Hirap maging ignorante sa love!

---

A/N: Hiiiilowwww. Di ako sure sa pinagsusulat ko HAHA. Malay ko diyan, wala me alam sa infatuation infatuation na yan, naisip ko lang HAHAHA. Deep masyado ng love noh? HHAHAHA, kagulo ko kaseee HAAHA.

Stay safee~

The Vocalist's Bestfriend (The Moon Series #1)Where stories live. Discover now